You are on page 1of 7

Mater Dei College

Cabulijan, Tubigon, Bohol

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10


Mga Guro Joshua T. Sumalinog
Paaralan Mayor Anunciacion R. Tuazon National School of Fisheries
Baitang at Seksiyon 10 Marso 04, 2024

Asignatura Baitang Markahan Oras


Kontemporayong Isyu 10 Ikatlo na Markahan Isang Oras
MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN: DISKRIMINASYON
Mga Kasanayan: AT KARAHASAN SA AP10PMD -IIIi - 10
KABABAIHAN, KALALAKIHAN
AT LGBTQ+
Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral sa ika-10
1. Layunin
na baitang ay inaasahan na:
 Naipapaliwanag ang kahulugan at ang mga salik ng
Kaalaman
diskriminasyon sa kababaihan, kalalakkihan, at LGBTQ+
 Nakaguguhit ng slogan o poster tungol sa paglalaban ng
diskriminasyon upang magtatag ng pakiramdam ng
Kasanayan pagkakapantay-pantay sa mga indibidwal sa loob ng isang
komunidad.

 Mapapaunawaan ang epekto ng mga isyu at hamon na may


kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong
Kahalagahan
tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa
kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN: DISKRIMINASYON AT
2. Nilalaman KARAHASAN SA KABABAIHAN, KALALAKIHAN AT LGBTQ+
3. Mga
 Learning Printed Materials
Kagamitang
 PowerPoint Instructional Materials
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
A. Pagsasaayos ng mga Upuan (Seating Arrangement)

Susundin ng mga bata ang panuntunan sa pag-upo sa mga upuang


may distansya na naaayon sa IATF Health and Safety Protocols. May
isang metro ang pagitan ng bawat upuan sa gilid, harap, at sa likod.
Payuhan ang mga bata na umupo ayon sa kanilang espesyal na
mga pangangailangan. Ang mga nahihirapang magbasa mula sa malayo
ay uupo sa harapan, habang ang mga nakababasa kahit na mula sa
malayo ay uupo sa likod. Gayundin, ang mga mahina ang pandinig ay
Panimulang Gawain uupo sa harap, habang ang mga maayos naman ang pandinig ay uupo
(5 minuto) sa bandang hulihan.

B. Pagdarasal

Pipili ng mag-aaral na mangunguna sa pagdarasal. Isusunod agad


ang pagtatala ng lumiban sa klase.

C. Pagbabalik-aral
Magbalik-aral sa nakaraang tagpo

Mga PICTURE ANALYSIS


Gawain/Estratehiya

1
(8 minuto)

Pagsusuri 1. Ano ang nakikita mo sa mga larawan?


(2 minuto) 2. Ano ang mga kahulugan ng mga nasa larawan?
Pagtatalakay ANO ANG DISKRIMINASYON?
(15 na minuto)
 Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anumang pag-uuri,
eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng
lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
 Ang kalalakihan at kababaihan ay may parehong karapatan at
kakayahang hindi nasusukat sa pagkakaiba ng kasarian. Ang
pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian ay nangangahulugan
ng kalayaan na gampanan ang mga tungkulin sa pamilya at
lipunan. Ang kasarian o sex ay tumutukoy sa biyolohikal na
pagkakakilanlan ng isang indibiduwal. Ang mga bahagi ng
kaniyang katawan ang tumutukoy kung siya ay isang lalaki (male)
o babae (female). Ito ay binubuo ng pangunahin at sekondaryang
mga katangian kung saan ang pangunahing katangian o primary
sex characteristics ay tumutukoy sa panloob at panlabas na ari ng
lalaki (penis at testes) at babae (clitoris at ovaries).

DISKRIMINASYON SA KASARIAN

 Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay makikita sa kawalan


ng hadlang na gampanan ng lalaki at babae ang iba’t ibang
2
tungkulin nito sa lipunan. Ngunit kung ang mga tungkuling ito ay
hindi magagawa dahil ang kahusayan at kahinaan ay ibinabatay
sa kasarian, nagkakaroon ng tinatawag na diskriminasyon. Sa
tuwinang maririnig ang mga salitang “hindi mo kaya ‘yan dahil
babae ka lang” o “ang hina mo naman, babae ka kasi,” ito ay
malinaw na diskriminasyon sa kasarian
 Samakatuwid, ang diskriminasyon sa kasarian ay tumutukoy sa
hindi pantay na pagtingin at pakikisalamuha sa indibiduwal dahil
sa pag-uugnay ng kaniyang kalakasan at kahinaan sa kasarian.
Kabaliktaran nito ang tinatawag na gender equality o gender
egalitarianism na tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga
kasarian sa lahat ng larangan gaya ng edukasyon, trabaho, at
pamumuno.

 Ang diskriminasyon sa kasarian ay hindi lamang sa pagitan ng


kalalakihan at kababaihan. Sa kasalukuyan, ang mga may piniling
kasarian gaya ng lesbian, gay, bisexual, transgender, ay ang
malimit na nakararanas ng diskriminasyon.

DISKRIMINASYON SA LGBTQ+
 Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development
Programme (UNDP) at ng United States Agency for International
Development (USAID) na may titulong Being LGBT in Asia: The
Philippines Country Report, ang mga LGBTQ+ ay may kakaunting
oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at
maging sa edukasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay may mga
kurso, propesyon, at hanapbuhay na para lamang sa babae o
lalaki.
 Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2015 mahigit 1,700
LGBTQ+ ang biktima ng pagpatay mula 2008-2015.
 Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na AntiHomosexuality
Act of 2014 na nagsasaad na ang same-sex relations at
marriages ay maaaring parusahan panghabambuhay na
pagkabilanggo.

KARAHASAN SA KALALAKIHAN

 Ang pang-aabuso sa kalalakihan ay hindi kinakailangang maging


pisikal, ngunit maaaring emosyonal at seksuwal.
 May kalalakihang nakararanas ng seksuwal na pang-aabuso mula
sa kanilang pamilya o mga taong pinagkakatiwalaan nila na
maaaring makaapekto sa kanilang damdamin o emosyon. May
mga pagkakataon na sila rin ay biktima ng pisikal na pananakit
mula sa kanilang asawa o partner.

KARAHASAN SA KABABAIHAN

 Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan


3
(violence against women) ay anumang karahasang nauugat sa
kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na
pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan. Hindi lamang
limitado sa pisikal na pang-aabuso ang violence against women.
Maaari rin itong sa paraang berbal, seksuwal, sikolohikal, at
ekonomikal.

MGA SALIK NA NAGING DAHILAN SA PAGKAKAKAROON NG


DISKRIMINASYON SA KASARIAN
Relihiyon at Kultura
 maraming mga kultura ang naglalagay sa mga babae sa ilalim ng
mga lalaki maging sa mga Banal na Kasulatan ng maraming
relihiyon ay nagpapahiwatig ng may higit na katayuang
kalalakihan
 ito rin ang dahilan kung bakit walang karapatan ang mga babae
na bumoto kumandidato sa halalan
 ang tradisyonal na paniniwala sa maraming kultura na sinasang-
ayunan ng mga Banal na Aklat ay dalawa lamang ang tanggap na
kasarian-ang lalaki at babae ay natural na nagbubunga ng
diskriminasyon sa mga taong lilihis sa kategoryang lalaki at
babae.
Edukasyon
 sa mga nakaraang panahon may mga kursong pinaniniwalaang
dapat kukunin ng mga lalaki o kaya ng mga babae
 halimbawa ang pagiging abogado at inhinyero ay dating para sa
mga lalaki at ang nursing naman at dating iniaalok lamang sa
kababaihan
 may mga bansa rin na ipinagbabawal na makapagaral ang mga
kababaihan
 ang mga ganitong patakaran ang nagpapaigting sa paniniwalang
hindi magkakapantay ang gender at nagkakaroon ng gender
discrimination
Trabaho
 may mga uri ng hanapbuhay o propesyon na parang nilikha
lamang sa mas malakas na kasarian-lalaki na nangangailan ng
pisikal na lakas ng kalalakihan kaya ang mga trabahong ito ay
hindi ibinibigay sa mga babae o sa mga kabilang sa ibang gender
 sa maraming bansa ang pagiging abogado at inhinyero ay
nakalaan lamang sa mga lalaki na nagdudulot ng diskriminasyon
sapagkat lumalabas na mas malaki ang oportunidad ng mga lalaki
na makahanap ng hanapbuhay

Pisikal na kaanyuan
 madalas na maging salik ukol sa gender ang mga babae ay
pangkaraniwan nang nakikita bilang mas maliit at mas mahihina
kung ang mga brusko ay tanggap na katangian ng mga lalaki at
ang mga kababaihan ay inaasahan na maging mahinhin
nagdudulot ang mga konseptong ito ng diskriminasyon at maging
pang-aabuso sa mga babae

4
Sa Pamilya
 Pamilya Ang tahanan na siyang pangunahing yunit ng lipunan ay
maaari ding kakitaan ng diskriminasyon batay sa kasarian.
Halimbawa, ang kultura ng mga Instik na binibigyan ng higit na
pansin at mana ang mga lalaking anak dahil sa sila ang
magpapatuloy ng negosyo. May iilang kultura ring hindi na pinag-
aaral ang mga babaeng anak dahil sa bahay ito nararapat at
magaasawa rin kalaunan. May iilang babae rin ang tumitigil sa
pagtatrabaho matapos itong ikasal.
Sa Pulitika
 Ang pagbibigay ng karapatan sa kababaihan na lumahok sa mga
gawaing pampulitika ay mailap pa rin sa Kanlurang Asya
hanggang sa ngayon. Sa Pilipinas, noong dekada ’30 lamang
nabigyan ng karapatan ang kababaihan na bumoto at lumahok sa
pambansang eleksyon. Noong 1986, ang mga Pilipino ay
nagkaroon ng unang babaeng pangulo, si Corazon Aquino na
naging simbolo rin ng kalakasan ng kababaihan sa pulitika ng
buong Timog-Silangang Asya. Sa kasalukuyan, dumarami na ang
mga babaeng pinuno ng bansa taliwas sa panahon na ang
kababaihan ay walang opinyon sa usapan ng pamumuno.

Mga Pamprosisong Tanong (Orally/Written):

1. Ano-ano ang mga palatandaan na nakararanas na ng karahasan


ang isang tao?

2. Kung ikaw ay nakasaksi ng isang pang-abuso, ano ang iyong


Paglalahat
(3-4 na minuto) gagawin?

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo lalabanan ang diskriminasyon?


Hindi lamang sa komunidad kundi sa mas malawak na lipunan.

Creative Arts:

Sa isang long bondpaper, gumawa ng slogan o poster tungkol sa


Paglalapat
paglalaban ng diskriminasyon na may temang " Unity in Diversity:
(12 na minuto)
Embrace Equality for All!". Gumamit ng anumang pangkulay na
materyales na kailangan.

Pagsusuri sa mga  Nabibigyang-pansin ng guro ang naipamalas na galing at


Produkto ng mga kooperasyon ng mga mag-aaral sa paglahok sa mga pangkatang
Mag-aaral gawain sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang puntos:

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

5
TAMA O MALI:
Panuto: Isulat and T kung ang pahayag ay TAMA. M naman kung
MALI.

1. ng kalalakihan at kababaihan ay may parehong karapatan at


kakayahang hindi nasusukat sa pagkakaiba ng kasarian. T
2. Ang diskriminasyon sa kasarian ay nakabase lamang sa
biyolohikal na pagkakakilanlan. F
3. Ang mga LGBTQ+ ay hindi nakakaranas ng diskriminasyon sa
Pagtataya
trabaho, serbisyong medikal, at edukasyon. F
(10 minuto)
4. Ang pang-aabuso sa kalalakihan ay laging pisikal. F
5. Sa pulitika, ang pagbibigay ng karapatan sa kababaihan ay lubos
na nangyayari sa Kanlurang Asya. F

Essay:

Paano maipahayag ng mga tao at samahan ang kanilang mga hakbang


at proyektong nagpapakita ng suporta sa pagkakapantay-pantay ng lahat
ng tao sa lipunan? (3-5 na pangungusap)
Sa pagtatapos, magbigay ng sariling halimbawa ng diskriminasyon na
nararanasan ng kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+ sa mga sumusunod
na institusyon:

Takdang-Aralin Sa paaralan: _____________________________________________

Sa Trabaho / Hanapbuhay:__________________________________

Sa Tahanan: _____________________________________________

Paglalagom/Panapos (Utusan ang mga estudyante na kukunin ang mga anumang kalat o
na Gawain basura sa kanilang upuan habang nag checheck ng attendance.
Pagkatapos, magsaitayo ang lahat para sa pangwakas na panalangin.)

(Itala sa ibaba ang mga di inaasahang ganapin subalit huwag limitahin


sa pagpapatuloy lamang na banghay-aralin sa susunod na araw sakaling
5. Mga Tala
ito ay ituturo muli o kakulangan ng oras, paglilipat ng aralin sa susunod
na araw o sakaling may suspensiyon ng klase.)
6.Pagninilay (Magnilay sa iyong mga estratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog

6
ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito
maisasakatuparan? Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang
sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong
tagamasid sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong
pagkikita.)
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain sa
remediation.
C. Nakakatulong ba
ng remedial? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturo ang lubos
na nakakatulong?
Paano ito
nakakatulong?
F. Anong suliranin
na aking naranasan
ang nasolusyunan ng
aking punong-guro o
tagamasid?
G. Anong
kagamitang panturo
ang aking nabuo na
maaari kong
mabahagi sa aking
kapwa guro?

Bibliography: Grade 10 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 4: Diskriminasyon sa


Kababaihan, Kalalakihan at LGBTQ+
Appendices: (mga kagamitan na gagamitin sa pagtatalakay sa paksa)
1. Formative Assessment
2. PowerPoint Presentation
3. Handouts
4. LED TV Screen/Projector

Prepared by:

JOSHUA T. SUMALINOG

You might also like