You are on page 1of 43

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


Division of Calamba City

San Cristobal National High School

MGA ISYU SA
KASARIAN AT LIPUNAN
Kathleen R. Reyes
Learning Competency

Natutukoy ang diskriminasyon sa


kababaihan, kalalakihan at LGBT
(Lesbian, Gay, Bi – sexual, Transgender)
Nasusuri ang karahasan sa kababaihan,
kalalakihan at LGBT

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Learning Outcomes

Pagkatapos mong aralin at isagawa ang mga


gawain sa modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
-nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng
diskriminasyon at karahasan;

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Core Content and Values

-natutukoy ang diskriminasyon at karahasan


sa kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+;
at
-nakapagpapahayag ng paggalang sa
karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng
kasarian at seksuwalidad.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept
 Sa araw na ito, ipagpapatuloy
natin ang talakayan sa mga isyu sa
kasarian at lipunan.
Mahalagang Paalala: Ang mga gagamiting gabay na teksto
naglalayon lamang na mapaunlad ang kaalaman sa usaping
diskriminasyon at karahasan sa iba’t ibang kasarian at
matupad ang layunin ang araling ito.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept
Balik- aral:
Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at
Ano ang sex? pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki.

Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang


Ano ang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng
gender? lipunan para sa mga babae at lalaki.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept

Oryentasyong seksuwal (sexual orientation)


-ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.

Pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity)


-ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa
sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa
katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian,
kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept

Ano ang diskriminasyon?


Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anumang pag-
uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala,
paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept

Diskriminasyon sa Kalalakihan
Marahil ang Pilipinas ay isang patriyarkal na bansa kaya
mataas ang pagtingin sa kalalakihan sa lipunan. Subalit may
mga pagkakataon ding sila ay nakararanas ng diskriminasyon.
Ginagawang paksang biro ang pagtawag ng ‘House husband’
sa mga kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga gawaing
pantahanan.

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept

Diskriminasyon sa Kababaihan
Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay
nanatiling mas mababa kaysa sa mga kalalakihan na maaaring
maiugnay sa paglaganap ng diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar
ng trabaho partikular na ang diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho,
pagpapanatili at pagsulong ng mga manggagawang kababaihan,
sexual harassment, agwat sa sahod at limitadong kakayahang
umangkop sa trabaho.

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept
Diskriminasyon sa LGBTQIA+
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development
Programme (UNDP) at ng United States Agency for International
Development (USAID) na may titulong Being LGBT in Asia: The
Philippines Country Report, ang mga LGBTQIA+ ay may kakaunting
oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at
maging sa edukasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay may mga kurso,
propesyon, at hanapbuhay na para lamang sa babae o lalaki.

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept

Karahasan sa
Kalalakihan, Kababaihan
at LGBTQIA+

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept
Karahasan sa Kalalakihan
Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng
karahasan. Maaaring magsimula ito sa kanilang
pamilya at maging sa trabaho. Wala itong pinipiling
edad, maging bata man o matanda. Ang pang-
aabuso sa kalalakihan ay hindi kinakailangang
maging pisikal, ngunit maaaring emosyonal at
seksuwal.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept
Karahasan sa Kababaihan
Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan
(violence against women) ay anumang karahasang nauugat sa
kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na
pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan. Hindi lamang
limitado sa pisikal na pang-aabuso ang violence against
women. Maaari rin itong sa paraang berbal, seksuwal,
sikolohikal, at ekonomikal.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept

Seven Deadly Sins Against Women.


1. pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa,
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at exploitation,
6. limitadong access sa reproductive health,
7. sex trafficking at prostitusyon (GABRIELA)

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept

May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na


nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan.
Subalit ang nakalulungkot dito, ang pagsasagawa nito
ay nag-uugat sa maling paniniwala, tulad na lamang
ng isinasagawang breast ironing o breast flattening sa
Africa at foot binding sa China.

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept
Breast ironing o Breast flattening
-isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng
Africa. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib
ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato,
martilyo o spatula na pinainit sa apoy. Ayon sa
pananaliksik ng UN noong 2020, sinasabing may higit
3.8 milyong mga batang babaeng may edad siyam ay
apektado nito.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept

Ipinaliliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito


ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang
maiwasan ang: (1) maagang pagbubuntis ng anak, (2)
paghinto sa pag-aaral, at (3) pagkagahasa. Ang
maaaring maging epekto nito sa kalusugan ng mga
biktima — mga cyst, cancer sa suso, at mga isyu sa
pagpapasuso.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept
Female Genital Mutilation o FGM
ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o
matanda) nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay
isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid
dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang
basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na
nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging
kamatayan.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept
Foot Binding
isinasagawa sa mga babae noong sinaunang panahon sa China.
Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng
mga babae upang hindi ito lumaki nang normal. Ang kanilang
mga paa ay mahigpit na nakagapos gamit ang pagbalot ng
isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang perpektong
paa ng babaeng may sapat na gulang ay tatlo hanggang apat na
pulgada ang haba.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept
Ang mga deformed feet ay kilala bilang ‘lotus feet o lily
feet’. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula
ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging
karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang
kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang
kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha. Noong 1911, sa pamumuno ni Sun Yat
Sen
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept

Karahasan sa mga LGBT


Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development
Programme (UNDP) at ng United States Agency for International
Development (USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia: The
Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting
oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging
sa edukasyon. At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na
patuloy ang panawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat
ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept
Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay
nagkaroon ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga
diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBT. Ang bansang
Uganda ay nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of
2014” na nagsasaad na ang same- sex relations at marriages ay
maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo, na
sa kasalukuyan ay ninanais na gawin na “death penalty” ang
kaparusahan.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept
Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha
ay:
1. tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda (name calling)
para sa iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka;
2. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
3. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga
kaibigan, sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan
ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
4. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept

5. nagagalit kung umiinom ng alak, o gumagamit ng droga;


6. pinagbabantaan ka na sasaktan;
7. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong
mga anak o mga alagang hayop;
8. pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong
kalooban; at
9. sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi na nararapat
lamang ang ginawa sa iyo.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Concept
Ito naman ay para sa mga gay, bisexual at transgender:
1. pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga
kaibigan, at mga kakilala ang iyong oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian;
2. sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga
gay, bisexual at transgender; at
3. sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente.

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Concept
Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin
mo ang ganitong pangyayari:
1.pinagbabantaan ka ng karahasan;
2. sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal);
3. humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng
suhol;
4. paulit-ulit ang ganitong pangyayari; at
5. mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa
paglipas ng panahon.
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
Development

Gawain Bilang 1:
Panuto: Isulat sa loob ng mga bilog ang mga karahasang
nararanasan ng mga kababaihan batay sa iyong napapanood sa
telebisyon, nababasa sa mga pahayagan o nakikita sa mga
social media. Sundin ang ibinigay na pormat. Sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Development

1.Ano ang opinyon at


saloobin mo sa
karahasang nararanasan
ng ilang kababaihan?
2. Paano mawawakasan
ang ganitong gawain sa
kababaihan?

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Engagement
Gawain Bilang 2:
Karahasan o Diskriminasyon? Panuto: Suriin ang mga pangungusap.
Isulat sa sagutang papel ang K kung ang sitwasyon ay naglalarawan
ng karahasan at D kung diskriminasyon. (Intermediate Pad)
_____ 1. Ang sapilitang pagtatalik o pamimilit sa isang tao na
gumawa ng mga sexual na kilos.
_____ 2. Sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera at kung
saan ka pupunta.

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Engagement

_____ 3. Laganap pa rin ang pagbibigay ng trabaho ayon sa


kasarian o pananaw na trabaho ng babae at lalaki.
_____ 4. Ang hindi pagbibigay ng paid maternity leave para sa
mga nagdadalang-tao at paternal leave para sa mga ama.
_____ 5. Ang pagsusubaybay sa bawat kilos ng isang tao sa
pamamagitan ng social media.

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Assimilation

Gawain Bilang 4: (Performance Task) Panuto: Ipahayag mo ang


iyong paggalang sa karapatan ng bawat indibiduwal anuman ang
kasarian at seksuwalidad sa pamamagitan ng paggawa ng campaign
ad. (short bondpaper)

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Assimilation
Rubric sa Pagbuo ng Campaign Ad
KAILANGAN PANG
MAHUSAY KATAMTAMAN
PAMANTAYAN PAGHUSAYAN PUNTOS
5 3 1

Nilalaman Nilalaman Makahulugan Di-gaanong makabuluhan Mababaw ang nilalaman


at malalim ang nilalaman at malalim ang nilalaman ng campaign ad.
ng campaign ad. ng campaign ad.
Mensahe Angkop ang mensahe na Hindi gaanong malinaw Hindi naging malinaw ang
nabuo sa campaign ad. ang nabuong mensahe ng nabuong mensahe ng
campaign ad. campaign ad.
Pagkamalikhain Ang kabuuan ng campaign Hindi gaanong natatangi /
ad ay natatangi at orihinal ang campaign ad.
masining.
Kabuuan

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


ASSESSMENT

Maikling Pagsubok Panuto:


Suriin ang mga katanungan at piliin ang titik ng
tamang sagot. (Intermediate Pad)

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


ASSESSMENT
1. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng diskriminasyon?
A. anumang uri ng karahasang nagaganap sa isang relasyon
B. anumang paggamit ng pisikal na puwersa o kapangyarihan, pagbabanta o aktwal,
laban sa sarili, ibang tao, o laban sa isang grupo o pamayanan, na may mataas na
posibilidad na magresulta sa pinsala, kamatayan, at sikolohikal na pinsala
C. anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, sexual o
mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta
at pagsikil sa kanilang kalayaan
D.anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


ASSESSMENT
2. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng domestic violence?
A. pinagbabantaan ka ng karahasan
B. sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal)
C. humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol
D. sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi na nararapat lamang ang ginawa sa iyo

3. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng karahasan na maaaring maranasan?


A. laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang asawa.
B. ibinibigay sa kaniya ang lahat ng kaniyang pangangailangan.
C. pinipigilan siyang makipagkita sa kaniyang pamilya at kaibigan.
D. madalas siyang nakatatanggap ng tsokolate mula sa kaniyang asawa.

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


ASSESSMENT
4. Ano ang tawag sa mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae
upang hindi ito lumaki nang normal?
A. breast ironing
B. Female Genital Mutilation
C. foot binding
D. suttee
5. Anong batas ang nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring
parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. Humanity Act
B. Anti-Homosexuality Act 2014
C. Magna Carta for Women
D.Violence Against Women and Children
Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)
REFLECTION

Aking napagtanto at naramdaman sa araling ito na:


____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
_____________________

Baitang 10 * Araling Panlipunan * Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan (MELC)


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Calamba City

San Cristobal National High School

•Thank you.
•God bless you always!

Kathleen R. Reyes

You might also like