You are on page 1of 10

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Nakakabahala na ang sobrang pagdami ng populasyon sa ating mundo, isa sa


mga dahilan nito ay ang hindi planado na paggawa ng pamilya at ang pagkabuntis ng
hindi pa ikinakasal o di kaya’y dahil rin sa “Teen-age Pregnancy”. Dito pag-aaralan natin
ang isa sa mga dahilan nito, ang “Pre-marital Sex”. Ang “Pre-marital Sex” ay ang
pagtatalik ng dalawang magkaibang kasarian habang hindi pa ikinaksal o hindi pa
binasbasan ang pagsasama ng dalawang tao na maaring magdulot ng hindi ginustong
pagbubuntis at maagang pagpapamilya lalong-lalo na sa mga kabataan na gumagawa
nito. Marahil rin sa henerasyon ngayon madali na ang komunikasyon at paghingi ng
kamay sa kasintahan o kinaksama. Ito ang mga katanungang mababatid natin sa
pananliksik na ito, “Nararapat baa ng pagtatalik habang hindi pa kasal?” at “Sang-ayon
baa ng ating kabataan sa isyu na ito?”

Dito, malalaman nating kung sang-ayon nga ba ang kabataan sa “Pre-marital


Sex” at kung nakakasama ba o nakakabuti ang mga dulot nito sa atong lipunan.
Malalaman din natin ang mga dahilan, salik, at posibilidad kung bakit ito ginagawa ng
mga tao ngayon. Alam ng maraming tao na ipinagbabawal at labag dito ang Simbahang
Katoliko at iba pang relihiyon sa paggawa nito, ngunit bakit nga ba patuloy nilang
ginagawa ito? Sa pamamagitan ng sarbey na ito malalaman natin kung may kinalaman
baa ng kahirapan at kakulangan sa edukasyon ukol sa isyu na ito. Malalaman din natin
kung tama ba ang desisiyon ng ating kabataan sa paggawa nito.

Ayon kay Ginoong. Jose P. Rizal “Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan”
ngunit, ginagawa ba ng ating kabataan ang mga mabubuting salik at kadahilanan nila
sa paggawa ng “Pre-marital Sex”? O di kaya’y nakakasama lang ito sa lahat. Dito din
natin makikita ang mga sagot ng mga katanungan ukol sa isyu na ito.Hm

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na itoay ukol sa “Ang Posibleng Sanhi at Epekto ng “Pre-marital


Sex” sa akademikong pagganap”

 Nalalaman kung sang-ayon ba ang kabataan sa “Pre-marital Sex”.


 Nababatid ang mga posibleng dahilan o dulot sa paggawa ng “Pre-marital Sex”.
 Natutukoy kung ano ang negatibong dulot nito.
 Nagbibigay linaw ukol sa dahlia ng mag-aaral kung bakit ginawa ang “Pre-marital
Sex”.
 Naiisa-isa ang mga kahihinatnan ng mga dulot nito.

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa “Pre-marital Sex” at kung ano ang dahilan at
kapakipakinangang dulot nito.
Sa mag-aaral:

Ang mga mag-aaral ay ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa ating


mamamayan kung ito ba ay uunlad o babagsak. Ang pagtatalaka ukol sa “Pre-marital
Sex” ay isa sa mga bagay na makakatulong upang ito ay maiwasan. Marahil rin ang
henerasyon ng ating kabataan ngayon ay isa rin sa mga salik na nakakatulong upang
ito ay ating maiwasan o di kaya’y ito ay lumala.

Sa mga Guro at Manunulat ng Kagamitang Panturo:

Ang ating mga guro ay siyang gumagabay sa atin tungo sa ating mga pangarap
at nagisisilbi din nating pangalawang ilaw ng tahanan na humuhubog sa ating pagkatao.
Samantala ang mga manunulat naman ang gumagabay sa ating mga batayang aklat
upang ito ay pag-aralan ng mamamayan. Ito rin ay maaring gumabay sa ating kabataan
at mamamayan upang maging alerto at alamin ang mga bagay ng higit pa sa kanilang
kaalaman. Ang pag-aaral na ito ay sumusuporta sa pag-aaral at pananaliksik ukol sa
isyu na ito upang ating magabayan ang mamamayan at kabataan sa mga posibleng
dulot at sanhi nito.

Sa mga Magulang:

Ang ating mga magulang ay ang siyang pangunahing ilaw at haligi sa isang
tahanan at ditto tayo kumukuha ng inspirasyon, pangunahing kaalaman at pangunahing
ugali. Sa ppamamagitan ng pananaliksik na ito, makaktulong ang mga laman nito
upang magabayan an gating kabataan sa sa pangkabuhitang gawain. Gayunman, Ang
ating mga magulang ay siya ring salik upang magkaroon tayo ng mabuting ugali at
magaling na pagpasya. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang maliwanagan ang
ating kabataan at magulang sapagdedesisyon at pananaw sa ”Pre-marital Sex” na
makaktulong rin sa ating kinabukasan.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsuri at pagtanaw sa mga dahilan at


dulot ng “Pre-marital Sex”. Saklaw nito ang mga estudyante mula sa SHS (Senior High
School) ng pamantasang Capitol University mula Baitang XI hanggang XII na mga
Nursing at Maritime na mag-aaral.

Nalilimitan ang pag-aaral na ito mula sa mataas na paaralan hanggang sa edad na

apatnapu’t lima (45) na gulang. Saklaw rin ng pananaliksik na ito sa pagplaplano at

pag-aaral ukol sa posibleng mga dulot o sanhi ng “Pre-marital Sex”. Ang mga ito ay

maaring makapagbigay ng sapat na sagot sa mga katanungan ukol sa isyu ng ating

mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay maari ring makatulong rin sa pamamagitan ng

pagbuo ng tamang desisiyon para sa ating buhay.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

“Pre-marial Sex”- Ang pagtatalik na premarital, pagtatalik bago ikasal, pagtatalik bago
ang kasal, o pagtatalik bago ang kasalan (Ingles: premarital sex o pre-marital sex) ay
isang gawaing seksuwal na isinasagawa ng mga taong hindi kasal.
Salik- ay ano mang bagay, pangyayari o sitwasyon na maaaring magkaroon ng
impluwensya sa maaaring kahinatnan ng ano mang paksa. Ang mga salik sa iba’t ibang
anyo nito ay nagagawang baguhin ang direksyon ng maraming bagay.

Pag-aaral- ang gawain o proseso ng paggamit ng isip upang magkamit ng kaalaman o


unawa, gaya ng sa pagbabasa, pag-iimbistiga, atb.

Magulang- isang ina o ama na nagpupunla o nanganganak ng isang supling at


nagpapalaki nito.

Kabataan- ay ang panahon, edad, o gulang na nasa pagitan ng pagiging


isang bata o kilaw at hustong adulto, o kaya ang yugto ng panahon kung kailan ang
isang tao ay biyolohikal o pisikal na adulto subalit emosyonal o makapandamdaming
hindi pa husto ang maturidad.

Mabatid- pagkakaroon ng kaalaman o pang-unawa sa isang sitwasyon o katotohanan.

“Teenage Pregnancy”- ay isang terminong ginamit kung ang isang tinedyer ay


makakakuha ng pagbubuntis sa isang batang edad (14, 15, 16, 17, 18) o [sabihin
nating] mga tinedyer na babae na hindi pa nakarating sa legal na adulthood na naging
buntis.

Isyu- ay usapin, argumento,mga paksa o usapin na kailangan na pagtuunan ng pansin


para maresolba o masulosyonan,tumutukoy din ito sa mga pangyayaring nagaganap
ngayon na halos ay pinag uusapan ng lahat o napapansin ng nakararami.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may malaking populasyon at sa pagdaan ng


panahon patuloy ang paglobo nito. Ayon sa census, ang populasyon ng Pilipinas noong
taong 2000 ay nasa 76.50 milyon at umaabot ito ng 88.57 milyong noong taong 2007 na
nangangahuluguang 2.04 na porsyento ng pagtaas ng populasyon mula 2000-20117
taon. Isang salik ditto ay ang pagbagsak ng mga kabataan sa “premarital sex” o
pakikipagtalik ng hindi kasal na hindi gumagamit ng natural o artipisyal na family
planning na nagiging sanhi ng nagiging sanhi ng maagang pagbubuntis ng mga
kabataang babae na may edad ba 13-18 na taong gulang. Napakaling porsyento ng
ating populasyon ang damay sa suliraning pagbubuntis ng mga kabataan na
masasabing malaking suliranin ng bansa dahil sa patuloy na paglaganap at pagtaas ng
populasyon ng mga kabataang maagang nabubuntis ayon kay Creer, Veronica P.

Ayon kay Josefina Natividad, director, UP Population Institute, dahil sa


modernong teknolohiya ang nagkakaroon ng paraan ang mga kabataan na may
makakilala. Sa ganitong pagkakataon, sinabing mahalaga umano ang magiging papel
ng mga magulang at maging ng buong komunidad na ginagalawan ng isang kabataan.

"May mga vulnerabilities dito tapos hindi naman handa ang mga magulang na
pag-usapan ang mga bagay tungkol sa sekswalidad. Sana naman maging handa ang
mga bata natin para dito," ayon kay Michael Tan, anthropologist.

Dumami ang bilang ng mga kabataan na sangkot sa pre-marital sex dahil sa


epekto ng internet at social media. Ipinabatid ni Commission on Population Executive
Director Juan Perez III, na isa sa tatlong babae at lalaki na may edad mula 15
hanggang 19-anyos ang maagang nakikipagtalik. Sinabi ni Perez na batay sa inilunsad
na Young Adult Fertility and Sexuality Study ng UP Population Institute and the
Demographic Research and Development Foundation, lumalabas na ang mga
kabataang may internet at pornographic materials ang may posibilidad na ma-expose
dito.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, dapat na maging isang malaking
hamon sa simbahan at sa mga magulang ang naturang pag-aaral upang mailayo ang
mga bata sa pre-marital sex. Malaki umano ang responsibilidad ng church leaders at
mga magulang ng mga kabataan para makaiwas ang mga ito sa pre-marital sex.

Lumilitaw sa naturang pag-aaral na nasa 6.2 milyong kabataan na ang


nakikipagtalik sa kanilang mga kasintahan bago pa man sila maikasal. Ayon naman kay
Sorsogon Bishop Arturo Bastes na nagsabing ito ay resulta ng relatiavisim at pagiging
modern.
Sa nakalipas na ilang mga dekada, isang makabuluhang bilang ng mga
kabataan at kabataan sa karamihan ng mga bansa sa Kanluran ang nakaranas ng
seksuwal na relasyon. Ang mga pag-aaral sa Hilagang Europa at Hilagang Amerika ay
nagpakita na 50% ng mga kababaihan ang nag-ulat ng mga sekswal na kontak sa edad
na 17, at ang porsyento na ito ay nadagdagan sa 70% sa edad na 20. Ang mga survey
ay nagpahayag na ang premarital sex ay mas mababa sa Asya kumpara sa binuo na
mga bansa. Gayunpaman, ang mas maliit na mga malalim na pag-aaral na nakatuon sa
mga kabataan ay nagpahiwatig na ang kanilang sekswal na aktibidad ay malinaw na
tumaas ayon kay Mahnaz Noroozi.

Ayon kay Sinding (2005, p. 40) hindi palaging ang pagkakasunod-sunod ng ABC
ang mekanismo upang mapuksa ang HIV dahil kailangang “isaalang-alang ang
complexities ng mga relasyong sexual.” May mga pag-aaral na nagpapakita na
“maraming babaeng Ugandan ang nag-abstain hanggangg sa ikasal subalit humaharap
sa mataas na risk sa HIV dahil sa hindi pagiging tapat ng asawa” (Cohen at Tate, 2006
p. 176). Ang mga dahilan kung bakit naging matagumpay ang Uganda sa pagsugpo sa
HIV ay hindi lamang dahil sa abstinence kundi dahil sa pinagsamasamang mga
istratehiya katulad ng paggamit ng condom, pulitikal na pamumuno, malawakang HIV
screening, at iba pa (Cohen at Tate, 2006 p. 177). Nagawang pababain ng
pamahalaan ang stigma sa HIV (Cohen, 2004, p. 133). Dagdag pa nila Cohen at Tate
(2006 pp. 177-178):

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng UP Population Institute, ang Young


Adult Fertility and Sexuality Survey (YAFFS 4) para sa taong 2012, tumaas ang
porsyento ng mga kabataang Pinoy edad 15 hanggang 24 na nakikipag-premarital sex.
Mula sa 23 percent noong 2002, umangat ito sa 32 percent sa mga nagdaang taon.

Ayon sa mga nakalipas na Young Adult Fertility Surveys (DRDF at UPPI,


2014), pataas ng pataas ang bahagdan ng mga kabataang nakikipagtalik bago ang
edad 18 (mula 13% noong 1994 paakyat sa 23% noong 2013 para sa lalaki at babae).
Samantala 32% naman ng mga Pilipinong kabataan (edad 15-24) ang nakipagtalik na
bago ang kasal (DRDF at UPPI, 2014).

Sa pag-aaral ng Family Health International at USAID sa Pilipinas, “natagpuan


na 69% ng mga batang lalaking aktibo sa sex (edad 15-24) ay hindi kailan man
gumamit ng condom” (Ramos-Jimenez at Lee, 2007 mula kina Lucea et al., 2013,
p.229). Ang tema sa puntong ito ay kakikitaan ng diin patungkol sa pagkalalaki o
pagiging lalaki. Ang nagsasalita ay babae at karaniwang inilalarawan ang mga
kalalakihan bilang hindi tapat o hindi matino. Maliwanag sa puntong ito ang gender lines
pagdating sa inaasahang social roles na maiuugnay sa risks sa HIV. Paliwanang ng
isang babaeng kalahok, “mapupusok at padalos-dalos” ang mga kalalakihan kaya
nararapat lamang na pumili ng mabuti.

Ang tala ng kaso ng HIV sa bansa ay pataas ng pataas. Ayon pa rin sa


Department of Health, noong 2008 ay isa (1) kada araw lamang ang naitalang kaso ng
HIV. Subalit tuloy-tuloy itong tumataas. Noong 2015 nga ay pumalo ito sa 22 na bagong
kaso ng HIV kada araw. Walang rehiyon sa Pilipinas ang walang kaso ng HIV. Ang 39%
na kabuuang kaso ng HIV sa bansa ay nasa National Capital Region (NCR). Sinundan
naman ito ng

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang aming pamamaraan sa pagdisenyo ng pananaliksik ay ang paggamit ng


mga talatanungan at ang mga mag-aaral sa Pamantasan ng Capitol bilang
pangunahing instrumento sa pagtitipon ng datos. Ang pagdisenyo ng pananaliksik ay
nagamit para sa pagsusuri ng “ang posibleng sanhi at epekto ng “Pre-marital Sex” sa
akademikong pagganap.
Sa limampu(50) na respondent, dalawamput-lima(25) ang sumagot sa Pre-
Baccalaureate Maritime Senior High School (STEM) Sekiyon Descartes, Archimedes,
Columbus, Kepler at Galileo batitang 11-12. Dalawamput-lima(25) naman ang sumagot
sa Nursing Senior High School (STEM) Seksyon Darwin, Newton at Curie baiting 11.
Iilan lamang sa mga mag-aaral ang nagbigay ng akmang impormasyon sa sarbey
kwestyoner.

2. Instrumentong Pampananaliksik

Ang mga talatanungan at ang mga mag-aaral na sumagot saaming talatanungan


ay ang dalawang pangunahing instrumento na ginamit sa pagtitipon saaming datos.
May isang talatanungan sa bawat mag-aaral at lahat na iyon ay naibalik. Pinili namin
sila na sumagot dahil posible lamang sa ilang mga mag-aaral ang nakaranas na ng
“Pre-marital Sex”.

3. Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong-papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi


isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri, ay walang ginawang pagtatangka
upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks ba istatistika.
Tanging pagta-tally at pagkuha bg porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mga
mananaliksik.

You might also like