You are on page 1of 28

KABANATA 1

Suliranin at Kaligiran

Panimula

Marami ngayon sa mga kabataan ang nasasangkot sa

"pre-marital sex" na nagiging dahilan ng pagbubuntis. Wala

kasing "sex education" sa pilipinas. Sa isang artikulo sa

pahayagang abante noong April 4, 2003, ang sex education ang

susi sa pag-iwas sa maagang pagtatalik, pagbubuntis ng dalaga

at maagang pagpapakasal. Hindi totoong mas magiging mapusok

ang kabataan kapag natutunan ang ukol sa seks. Matatalakay kasi

ng maigi ang mga negatibong epekto ng mga sitwasyong ito sa

mga kabataan. Nabibigyanng kaalaman ang mga kabataan at ito

ang gumagabay sa kanila tungo sa responsabling aksyon. Hindi

na bago sa mata ng publiko ang pre-marital sex. Subalit, hindi

masyadong natatalakay ang mainam na usapin na ito marahil nga

na masyado itong personal at sensitibo. Ang pre-marital ay

kaugnay sa mga pangyayari bago ikasal ang dalawang tao. Ang

pre-marital sex ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na

wala pa sa wastong edad o kaya di pa kasal.


Ang mga Romano at Latino ay nakasanayan ng

magtalik ng walang hanggan ngunit ayon sa isang romanong

mananalaysay na si Taytus Livius pati na si Venus. Bago pa

nabuo ang Roma, ang pagtatalik ay hindi maaalis sa mga politikal

at kasaysayan ng Romano ang pagtatalik ay sadyang

nakapagbibigay ng kasiyahan bagkus ito ay isa ring obligasyon sa

pangkalahatan. Ito ay nakapagbibgay saya sa mga kalalakihan at

mas oblgasyon para sa mga kababaihan. Ang mga kalalakihan ay

nahuhumaling na ipakita ang kanilang pagiging lalaki at

kagalingan sa pagtalik. Habang ang mga kababaihan ay

kinakailangan mag-ambag sa panganganak lalo na ang mga

lalaking bata para manatili ang pangalan ng pamilya. Ang mga

batang babae naman ay makakatulong sa kabuuang yaman ng

pamilya.

Sumakatuwid, ang kasal ay isang di-pantay na relasyon

sa pagitan ng lalaki at babae. Ayon sa mga kalalakihan ang mga

babaeng ikinasal ay hindi dapat maghangad ng anumang

kasiyahan dahil nagpakasal sila upang bumuo ng anak. Sa

kabilang dako, ang mga babaeng asawa ay walang bahala ang

pakiki-apid sa ibang babae ng lalaking asawa. Samantalang, ang


mga kalalakihan ay pwede maki-apid sa ibang babae hangga't ito

ay hindi pa kasal.

Noong simula ng ikadalawang siglo, sinasabing

tumataas ang porsyento ng pre-marital sex kahit ang inaakalang

ang iba ay nakapagtaling puso na. Ang mga pagbabago sa mga

kabataang babae ay nagpapaikli ng buhok sa larangan ng

pagbayad. Ayon pa dito, mas madalas ginagawa ito ng mga lalaki

kesa sa mga babae , ayon din sa shcolar, pre-marital sex ay

tumaas ang bilang noong unang digmaang pandaigdig. 7% ng

mga babae rin ay nakikipagtalik muna bago sila magpakasal

(backard, 2007) pero sumagawa ng pag-aaral ang National

Health and Social Life Survey na ilahad ang kanilang edad at

kasayasayan ng kanilang pakikipagtalik (Launmann and

Gagnon,1994).

Ayon naman kay Lolin, A. (2003). Marami sa mga

kabataan ngayon lalong lalo na ang mga lalaki ay malalim na

presyon tuwing bago sila nagtatalik. Ang kaniyang pag-aaral ay

nagpapakita rin ng kakulangan ng mga kabataan patungkol sa

sex kung kaya't ang mga bata ay dapat mabigyan ng sex


education upang mas malinawan at maunawaan ng mga

kabataan kung ano ang iba't ibang impormasyon patungkol sa

sex. Ayon din sa hiwalat na pag-aaral, napag-alaman na isa sa

limang kabataan ay nakikipagtalik na bago pa sila maging labing

limang taong gulang. Ang mga kabataan naman na lulong sa

droga at naka-inom ng alak ay mas magkakaroon ng mas mataas

na presyon tuwing sila ay nakikipagtalik.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayung makatulong

sa mga sumusunod:

Sa sarili at sa mga kapwa naming Mag-aaral, ito ay

isang dagdag kalaman kung saan nababatid nila ang mga

reaksyon, opinyon, at paniniwala ng kapwa mag-aaral. Ang

pananaliksik na ito ay makakatulong upang gisingin ang utak ng

mga tao lalo na ang mga kabataan at makapagbibigay ng

kaalaman sa bawat isa para ito ay magsisilbing gabay sa klang

pang-araw araw dahil mas mapapalawak ang kanilang kaalaman


tungkol sa maagang pagpasok sa pre-marital sex. Magagamit ang

pananaliksik na ito upang mamulat sa kung ano ang tama at mali.

Sa mga kapwa naming mananaliksik, isa po itong

gabay para sa aming kapwa mananaliksik sapagkat ito ay

nagbibigay daan para mapadali at mapahusay ang mga

sumusunod na mga pag-aaral tungkol sa pananaw ng mga mag-

aaral sa maagang pagpasok sa pre-marital sex. Magkakaroon din

sila ng mga ideya at dagdag impormasyon sa gagawin nilang

pananaliksik.

Pagpapakahulugan ng mga Katawagan

Pre-marital Sex - ay pagtatalik ng dalawang tao na

kung saan wala silang basbas galing sa panginoon.

Sex education - pagtuturo ng mga impormasyon

tungkol sa pagtatalik.

Sex - Ang sex ay isang pagtatalik na ginagawa ng

dalawang taong nagmamahalan. Ito ay pwedeng ituring na "act

of love" o iba pangkatawagang maselan para sa menor de edad.


Ginagawa lamang ito ng mga taong responsable at nasa ligal na

taong gulang na.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay sumasagot sa mga tanong

na:

1. Ano kaya ang mga pananaw ng mga mag-aaral tunkol sa

maagang pagpasok sa pre-marital sex?

2. Ano ang masasabi ng mga mag-aaral dito?

3. Bakit maraming kabataan ang pumapasok sa pre-marital sex?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang "Mga

Pananaw ng mga Mag-aaral sa Senyor Hayskul ng Santa Filomena

National High School Tungkol sa Maagang Pagpasok sa Pre-marital

Sex". Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong upang

malaman ang mga salik na pananaw ng mga mag-aaral tungkol

sa maagang pagpasok sa pre-marital sex.

Saklaw at Limitasyon
Ang gagawing pag-aaral ay magaganap lamang sa

loob ng paaralan ng Santa Filomena National High School .

Ito ay nakapokus lamang sa kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa

pananaw ng maagang pagpasok sa pre-marital sex, kung saan ay

isang sarbey sa tatlong pu't limang piling mag-aaral sa senyor

hayskul ng Santa Filomena National High School . Ang tanong

na kanilang sasagutan ay nagsisilbing gabay sa aming

pananaliksik upang mapalawak ang aming kaalaman tungkol sa

maagang pagpasok sa pre-marital sex.

KABANATA 11

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Lokal
Ayon sa Bibliya, ang pakikipagtalik ng hindi pa kasal

ay tinuturing din na pakiki-apid. Ang pakiki-apid ay pagtatalik sa

pagitan ng mga taong hindi pa kasal sa isa't isa. Ang pagkakaiba

lamang na ginawa ng Bibliya sa pagitan ng pre-marital sex at

pakiki-apid ay nangangahulugan na pangangalunya ay binnubuo

ng dalawang tao na kasal samatalang ang pakiki-apid ay para

lamang sa hindi kasal. Ang pre-marital sex ay katumbas lang din

ng pangangalunya at iba pang anyo ng sekswal na imoralidad.

Ayon kay Mariano, M. (2002), ang pakikipagtalik ay

isang paraan ng isang babae at isang lalaki upang makabuo ng

supling sa pamamagitan ng masilang bahagi ng katawan. Ayon sa

Bibliya, ginamit ang salitang nakilala kung kaya't ang pagtatalik

ay ang pagkilala ng lalaki sa kanyang asawa. Ito ay isang gawain

na ginagawa lamang ng dalawang tao na natamo ang sakramento

ng kasal. Ang anumang gawain na ginagawa ng dalawang taong

hindi pa kasal ay isang anyo ng pre-marital sex.

Ayon sa libro ni Sandoval, G. (2000) na pinamagatang

Correlates of Pre-marital Sex Experience on Filipino Youth,

ang pre-marital sex ay isang napakahalagang usapin sapagkat


ang kabataan ngayon ay napakaliberated na nagiging dahilan ng

pakikipagtalik ng hindi pa kasal kaya buhay ngayon ay lunod sa

kasalanan.

Ayon sa Kaiser Family, F. (2003), ang masamang

epekto ng pagiging batang ina ay makikita o mapapansin sa

pagpapalaki ng sanggol. Ang pagkakaroon ng kapansanan sa

paglaki na maaaring sa pag-iisip at mga kaibahan sa pag-uugali

ay mas mataas ang bilang sa mga batang sinilang ng mga batang

ina.

Ayon sa libro ni Mejia-Raymundo, C. na pinamagatang

Pre-marital Sex Among Filipino Youth, ang pre-marital sex ay

kaakibat din ng "Social Stigma". Ang kahihiyang ito ay maaaring

maka-apekto sa pakiramdam o tingin ng batang ina tungkol sa

kanyang mga kakayahan sa pagiging ina at pati na rin sa kanyang

pagkatao. Ang mga negatibong pananaw na ito tungkol sa

pagiging batang ina na nagdudulot ng pagkababa ng tingin sa

sarili.

Ayon sa libro ni Frias, N. (2000) na pinamagatang

Urbanization and Pre-marital Sex in the Philippine, isa ang


Pilipinas sa mga bansang may malaking populasyon at patuloy ito

sa paglago. Ayon sa Census, ang populasyon ng pilipinas noong

taong 2000ay nasa 76.50 milyon at umabot ito ng 88.57 milyon

noong 2007. Isang salik dito ay ang pagkaalam ng mga kabataan

sa pre-marital sex.

Ayon sa pananaliksik ni Dr. Singson, R. iniulat umano

ng University of the Philippines Population Institute (UPPI)

at sa Demographic Research Development Foundition

noong taong 2002 umabot ng 26% ang pilipinong may edad 15-

25 ay sumasabak na sa "Pre-marital Sex" at 30% ng kabataan

ngayon ay nagsasamana sa ilalim ng bubong. Isiniwalat din ng

1998 National Demographic Health Survey (NDHS) na 5.2%

ang mga kababaihang may edad 13-24 ang nabubuntis at noong

taong 2003 ay tumaas ito sa 33.5% na nangangahulugang 5.66%

na pagtaas bawat taon. Mula sa impormasyong ito mahihinuha

ang 28.3% pagtaas mula taong 2003-2008.

Kung dito sa Pilipinas ang pagbabasihan, mataas ang

porsyento ng pre-marital sex. Ayon sa datos na inilahad sa isang

pag-uulat sa Pilipino Star ngayon naalarma ang simbahang


katoliko sa tumataas na bilang ng mga kabataang nasasangkot sa

pre-marital sex. Ito'y kasunod ng 2013 Young Adult Fertility

ang Sexuality Study na nagsasabing isa sa tatlong kabataang

Pinoy na nagkaka-edad ng 15-24 years old ay nakikipagtalik na.

Ang naturang datos ay tumaas umano ng 14% mula sa resulta ng

pag-aaral may 20 taon na ang nakalipas.

Ayon kay Cubao Bishop Ongtioco, H. dapat na

maging isang malaking hamon sa simbahan at sa mga magulang

ang naturang pag-aaral upang mailayo ang mga bata sa pre-

marital sex.

"It's just very bad (to hear the news)", ayon kay

Sorsogon Bishop Bastes, A. na nagsabing ito ay resulta ng

relativism at pagiging moderno. Nanindigan pa si Bastes na

pinalala lamang ng Reproductive

Health (RH) Law ang imoralidad sa mga kabataan.


Pandaigdig

Ayon sa pag-aaral nina J. Speidel J. ,C. Herper,

C. , at C. Shields, W. (2008) na pinamagatang The Potential of

Long-Acting Reversible Contraception to Decrease

Unintended Pregnancy, sinasadyang pagbubuntis ay maaaring

maging sanhi para sa mga kababaihan at ang kanilang mga

pamilya na harapin ang mga mahirap na desisyon ng

pagpapalaglag o ang mga potensyal na negatibong bunga na

naiuugnay sa hindi inaasahang pagsasagawa sa bata, kabila ang

mga isyu sa kalusugan ng mga bata at pagpapaunlad, kawalan ng

katatagan ng relasyon, at mga kompromiso sa edukasyonat

trabaho na maaaring magpalala ng patuloy na kahirapan. Ang

mga nangungunang sanhi ng hindi maagang pagbubuntis ay

malapit na maiuugnay sa pagpili ng pagpipigil ng pamaraan.

Noong 2002, higit sa kalahati ng mga gumagamit ng


contraceptives ang umaasa sa mga pamamaraan na may mataas

na bilang ng kabiguan sa ilalim ng paggamit. 3% na ginagamit ng

tablet (pills), 8% ng lalaki ay condom at 5% ang 3-buwan na

injectable.

Ayon kay J. Ventura, S. (2009) sa pag-aaral na

pinamagatang Changing Patterns of Non-marital Child

Bearing in the United States, ang pagkakaroon ng anak ng

mag kababaihang walang asawa ay isa sa pinakamatindi na

nagiging pangunahing paksa ng mga pampublikong patakaran at

ang pinakakilalang isyu pagdating sa kalusugan ng mga publiko

sa nakaraang dekada. Karamihan sa mga ito ay sumasailalim sa

malaking masamang epekto sa miyembro o istraktura ng pamilya

at pang-ekonomiyang seguridad ng bata.

Ayon kay D. Manning, W. , C. Giordano, P. , A.

Longmore, M. (2006). Sa pag-aaral na pinamagatang The

Relationship Context of Non-Relationship, mahigit sa

kalahati ng mga kabataang aktibo sa pakikipagtalik ay

nagkakaroon ng mga kasosyo sa sekswal kahit hindi nila kilala.

Gayunpaman, kamangha-manghang kaunti ang nalalaman tunkol


sa likas na katangian ng mga sekswal na relasyon. Gamit ang

mga survey at datos mula sa Toledo Adolecent Relationship

Study, pinagkumpara ang mga may akda ang kaibahan ng

katangian ng dating sexual relationship at sexual relation na

nangyayari sa labas ng o dating. Napag-alaman nila na ang

kabataan na nakikipagtaliksa labas ng konseptong pakikipagdate

ay mas pinipiling makipagtalik sa mga kaibigan, kasintahan o

dating kasintahan. Bukod pa dito, kato o 1/3 ng mga hindi

nakikipagdate tuwing makikipagtalik ay hindi nauuganay sa mga

pag-asa o inaasahan na ang realasyon ay hahantong sa mas

maginoo na mga realasyon sa pakikipagtali. Ang mga batang

lalaki at babae na nakaranas na ng pakikipagtalik sa labas ng

maginoo na relasyon sa pakikipagdate ay kadalasang

nagbabahagi ng mga katulad na oryentasyon patungo sa kanilang

relasyo. Ang mga resulta ay nagpapahiwatig na ang isang may

mas mataas na pagtingin dito ay susi sa pag-unawa sa sekswal na

pag-uugali ng kabataan.

Ayon kay Makaraeg , D. (2001) sa pag-aaral na

pinamagatang To be or to be a Virgin, nagdudulot ito ng

pagkahiwalay ng magkakarelasyon o pagkakahiwalay ng mag-


asawa. Marami sa mga kalalakihan at kababaihan ang ayaw ng

magpakasal sa isang taong nakipagtalik sa ibang tao. Ang mga

taong nakipagtalik na kahit wala pang nagaganap na kasal ay

nagkakaroon ng hindi masaya at maayos na pamilya. Maaaring

mapunta sa hiwalayan o diborsyo ang mga magkasintahan kapag

nalaman nila na ang kanilang kabiyak ng puso ay nakipagtalik na

sa ibang tao. Ang mga tao at mag-asawa na magtatalik kahit

hindi pa kasal ay mas malaking porsyento o posibilidad na

magkaroon ng away o gulo. Madali itong humatong sa

pagpapakasal sa maling tao na hindi ka mahal. Ang mga mag-

asawa na nagtatalik bago pa ang kasal ay hindi nagkakaroon ng

masayang pagtatalik.

Ayon sa pananaliksik ni Charmain Calumpag I. et. al (2010),

na pinamagatang Receptions of the 3rd year and 4th year

Students in the University of San Jose on Pre-marital Sex,

napag-alaman na parehas mula sa 3rd year at 4th year na mag-

aaral ay may gustong matuto ng kung ano ang mga iba't ibang

impormasyon patungkol sa edukasyon sa pagtatalik upang


malaman nila ang mga bawal at dapat gawin pagdating sa

pakikipagtalik. Lumabas din sa pananaliksik nila ang mga guro ay

nagpapakita ng pagkagusto sa pagtuturo ng edukasyon patungkol

sa sex. Isa rin sa nagbibigay ng malaking apekto sa mga

kabataan patunkol sa sex ay ang paggamit nila ng internet.

Karamihan sa mga impormasyon na napagkukunan ng mga mag-

aaral pagdating sa edukasyon sa sex ay nanggagaling sa media

tulad ng balita sa telebisyon at radyo. Sinasabi rin nila sa

pananaliksik na ito na ang eskwelahan ang pinaka maiinam na

paraan upang maturuan ang mga estudyante patungkol sa mga

bawal at dapat gawin pagdating sa sex.

Kaugnay na Pag-aaral

Lokal
Ayon sa pag-aaral ng University of the Philippines

Population Institute (UPPI) at sa Demographic Research

Development Foundition (2002) na pinamagatang Youth

Adult Fertility, umabot ng 26% ang mga Pilipinong may edad

15-25 ay sumasabak sa pre-marital sex. Ang mas malala pa ay

28% ng kabataan ngayon ay nagsasama sa ilalim ng iisang

bubong. Sa kasalukuyan, ang mga kabataang Pinoy ay mas

nagiging mulat pagdating sa sex, isa na rin ang nagiging sanhi

nito ay ang mga teknolohiya lalo na ang mga nagmumula sa

internet, magazine, tv shows, pelikula at iba pang mga hatirang

pangmadla kaysa sa mga nakaraang dekada. Sa ating lipunan,

ang pakikipagtalik ng hindi pa kasal o bago magpakasal ay hindi

tinatanggap lalo na tayo ay isang kristyanong bansa na kung saan

ang konsepto ng kasal ay kinokonsiderang sagrado mapasibil man

o simbahang kasal. Subalit, karamihan sa mga tao,partikular na

dito ay ang mga kabataan na naaakit gawin ang ganitong gawain,

tinatalikuran ang paniniwalang ang pagtatalik ay para lamang sa

mga kasal at ang pagkabirhen ay isang regalo na walang

makapagbinigay sa kaniyang asawa pagkatapos ng kanilang

kasal.
Ayon sa isang malawakang sarbey na ginawa ng

Global Filipino Foundation (2001), para sa kabataang Pilipino,

naulat ang tungkol sa sekswal sa iniaasal ng mga lalambintuni.

Ayon sa ulat, halos tanggap na ang pagtatalik bago pa ang kasal

sa mga mahigit 50% ng mga nainterbyung babae at lalaking

lalambintunin. Dagdag pa sa ulat na ito, ang pagrptataya na isa

sa bawat apat na nainterbyu ay nagkaroon na ng karanasang

sekswal at yung mga may edad na labinsiyam pataas ay

nakaranas na ng pakikipagtalik.

Ayon sa Philippine National Demographic Survey

(2003). Isa sa apat na mga babae ay nagiging ina sa edad na 19,

habang habang sa apat na sampung babae 20-24 taong gulang

ay nagkakaroon na karanasang sekswal. Dito sa kabataang

populasyon na ito, ang mayorya ay hindi parin kasal. 83% ay

naninirahan kasama annpg kanilang kapares at 25% hanggang

50% sa panahong ang mga babae ay may edad 20-24. Higit sa

numero, ang teenage pregnancy ay isang rason ng pag-aalala

dahil sa espesyal na role na ginagampanan ng mga kabataang

babae sa socialidad. Sumakatuwid, ang mga masasamang epekto

ay patuloy na lumalala. Masakit isipin, pero karamihan sa mga


kabataan ngayon ay hindi alam ang gagawin kung sila ay

napupunta sa mga sitwasyong tulad nito.

Ayon sa resulta ng pag-aaral na ginawa ng

Commission on Population sa mga tinatawag na millenials, isa

sa bawat tatlong kabataang edad 15-19 ay nakaranas na ng pre-

marital sex bago pa man sila sumapit sa edad na 20.

Ayon kay Dr. Juan Antonio Perez lll (2014).

Executive Director ng POPCOM. Lumabas sa ginawa nilang

regional studies na kabilang sa mga maaaring dahilan ng

maagang pagbubuntis ng kabataan ay maagang eksposyur sa

internet sa murang edad, paninigarilyo, pag-inom ng alak,

paggamit ng droga at ang mga ito ay tinatawag na Won Sexual

Risk Factor. Lahat ng ito ay nakakasama sa sitwasyong

pangkalusugan ng kabataan at dahil dito, marami ang maagang

nabubuntis. Binigyang-diin na may mga hakbangin namang

ginagawa ang POPCOM katuwang ang ilang NGO's para

mapababa ang suliranin ng teenage pregnanc. Sinabi pa ni Perez

na malaking elemento ng populasyon ang kabataan, 25% ito na

nangangailangan ng tamang atensyon mula sa kanilang mga


magulang at mga guro sa paaralan. Kailangang matulungan para

mabawasan ang bilang ng mga kabataang nagiging ina sa mura o

batang-edad palang. Dagdag pa ni Perez, bawat taon 209 libo o

mahigit 10% ng mga nanganganak ng mga kabataan ay mababa

sa 20 taong gulang.

Sa ulat ni Rida Reyes sa GMA News Tv's "State of

the Nation" sinsabing sakop ng pag-aaral na 2013 Young Adult

Fertility and Sexuality Study o YAFS 4 na ginawa sa UP

Population Institute at Demographic Research and

Development Foundation, ang mga kabataan na nasa edad 15

hanggang 24. Sa pag-aaral na ginawa nitong 2013, lumitaw na isa

sa bawat tatlong kabataang Pinoy ang sumasabak sa pre-marital

sex. Katumbas umano ito ng 6.2 milyon kabataang Pinoy na

kumakatawan sa 32 porsyento, na mas mataas sa naitatalang

23.2 porsyento noong 2012. Nakakabahala din umano na

karamihan sa mga umaming sumasabak sa pre-marital sex ay

walang proteksyon kapag nakikipagtalik na ang resulta ay

pagbubuntis ng wala sa plano at posibleng pagkakaroon ng

sexually transmitted diseases o STD lumabas din sa pag-aaral na

mas marami ngayon ang paraan ng sexual activities ng mga


kabataan na casual sexo pagtatalik ng walang emotional

attachment at nadadagdagan din sa pakikipagtalik ng lalaki sa

kapwa lalaki.

Ayon kay Josefina Natividad, director, UP

Population Institute, dahil sa modernong teknolohiya ang

nagkakaroon ng paraan ang mga kabataan na may makakilala. Sa

ganitong pagkakataon, sinabing mahalaga umano ang magiging

papel ng mga magulang at magiging buong komunidad na

ginagalawan ng isang kabataan.

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng UP

Population Institute, (2017), ang Young Adult Fertility and

Sexuality Survey (YAFS 4) para sa taong 2012, tumaas ang

porsyento ng mga kabataang Pinoy edad 15 hanggang 24 na

nakikipag pre-marital sex. Mula sa 23% noong 2002, umangat ito

sa 32% sa mga nagdaang taon.

Ayon sa pananaliksik ni Dr. Rebecca Singson on

(2008), iniulat ng University of the Philippines Population

Institute (UPPI) at Demographic Research Development

Foundation noong 2002 umaabot ng 26% ang pilipinong may


edad 15-25 ay sumasabak sa pre-marital sex at 30% ng mga

kabataan ngayon ay nagsasama sa ilalim ng isang bubong.

Isiniwalat din ng 1998 , National Development Health Survey

(NDHS) na 32% ng mga kabataang 13-24 ang nabubuntis at

noong taong 2003 ay tumaas ito sa 33.5% na nangangahulugang

5.66% ang pagtaas ng bawat taon.

Ayon sa Mc Cann World Group Philippines (2009),

tatlo sa bawat sampung kabataan ay naniniwalang hindi mali ang

paggamit ng illegal sa droga at pakikipagtalik sa kasintahan. Lima

sa sampu ang nagsabing hindi naman masasabing hindi mali ang

pre-marital sex sa mga palabas.Walo sa bawat sampu ang

nagsasabing walang masama sa pagkakaroon ng mga patalastas

tunkol sa birth control. Noong 1992, aabot ng 20% ng kabataang

naniniwalang mali ang aborsyon. Noong 2005, 40% nalang ang

may negatibong pinakakonserbatibo naman ang mga kabataan

ng Luzon.
Pandaigdig

Ayon sa isang pananaliksik ni Robertson et. Al

(2003), nagawa niyang alamin ang mga impormasyon na

sumusuporta sa "teenage preganancy" bilang isang isyung sosyal

sa mga mayayamang bansa. Ito ay ang sumusunod: mababang


lebel ng pinag-aralan, kahirapan, at ang hirap ng buhay ng mga

anak ng mga dalagang ina. Kadalasan sa mga mayayamang

bansa, ang "teenage pregnancy" ay nagdadala ng "Social Stigma"

o ang kahihiyan sa lipunan sa karamihan ng mga komunidad at

kultura. Sa mga dahilang ito, nagkaroon ng mga pag-aaral at

kampanya na naglalayong alamin ang mga dahilan at limitahan

ang numero ng maagang pagbubuntis. Sa ibang mga bansa at

kultura, partikular sa mga hindi pa gaanong masaganang mga

bansa ang teenage prenancy ay saklaw ng kasal at hindi

nagdadala ng "Social Stigma".

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng Kaiser Family

Foundation (2013), sinasabi na ang maagang pag-aasawa at ang

mga tradisyonal na "gender roles" o ang bahaging ginagampanan

ng kasarian sa isang tao ay kabilang sa mga importanteng salik

na nakakaapekto sa dami ng mga babaeng maagang

nagbubuntis. Sa mga lipunan na hindi karaniwang ang maagang

pag-aasawa, ang maagang pagkakaroon ng karanasang sekswal

at ang kakulangan sa paggamit ng mga kontraseptib ang mga

dahilan. Ayon pa rin sa naturang pag-aaral, gumawa sila ng

sarbey tungkol sa sekswal na gawain ng mga kabataan na kung


saan 29% ng mga teenager ang nagsasabing nahihikayat sila na

makipagtalik, 33% ng mga kabataang aktibo sa aspetong sekswal

ang nagsabing sila ay "nasa isang relasyon na kung saan sila at

ang kanyang karelasyon ay gumagawa ay ng mga sekswal na

gawain". At 24% ang "gumagawa ng gawain na sekswal na hindi

naman talaga nila gustong gawin".

Ayon sa pananaliksik ni Lie He (2012), na

pinamagatang Pre-marital Sex Among Never-married Young

Adults in Contemporary China: Comparisons Between Male

and Famales, pagdating sa biyolohikal na pag-aaral, ang

pakikipagtalik ng hindi pa kasal ay hindi isang problema para sa

mga indiniwal na mature na pagdating sa sex. Gayunpaman, ang

pakikipagtalik ng hindi pa kasal ay palaging hindi katanggap-

tanggap sa lipunang Tsino, kung saan ang karamihan sa mga tao

ay naniniwala na ang pag-aasawa ay ang lehitimong

kinakailangan para sa sekswal na aktibidad. Tinitingnan ng pag-

aaral na ito ang sex sa pre-marital at ang mga emplowensyang

kadahilanan nito sa hindi kasal na mga batang may edad 20

hanggang 34, sa pamamagitan ng paggamit ng data mula sa

China Health and Family Life Survey na isinagawa noong


2000. Ang cross tabulation, chi-square test, at logistic regression

ay ginagamit upang masuri ang pagkakaiba sa pagitan ng mga

lalaki at babae pagdating sa kanilang sekswal na pag-uugali.

Kahit na walang 1/3 ng hindi kasal na batang Tsino ang iniulat na

nagkaroon sila ng sekswal na karanasan, anv mga lalaking may

mas mataas na socioeconomic status ay mas malamang na

magkakaroon ng sex pre-marital, habang ang mga kabataan

napigilan ng kanilang mga konserbatibong saloobin at mga

magulang.

Ayon sa pananaliksik ni Chi Chiao at Chin-cuun Yi

(2011), na pinamagatang Adolecent Pre-marital Sex and

Health Outcomes Among Taiwanese Youth; Perception of

Bestfriends Sexual Behavior and the Contextual Effect,

sinuri sa pananaliksik na ito ang mga pakikipagtalik ng mga

kabataan nang hindi kasal at ang mga epekto nito sa kanilang

kalusugan sa mga bansa sa East Asia partikular sa taiwan. Ang

mga pag-uugali ng mga magkakaibigan pagdating sa sex at sa iba

pang aspekto tulad ng pagpasok sa paaralan at pakikilahok sa

komunidad ay inaakala na isa sa mga nakakaapekto sa pag-uugali

ng mga kabataan pagdating sa sex. Ang mga modelo ng logistic


regression ay nagpapakita ng isang positibo at makabuluhang

ugnayan sa pagitan ng pang-unawa ng sekswal na pag-uugali ng

mga kaibigan at ang posibilidad ng pakikipag-ugnayan sa pag-

uugali ng kabataan bago magsimulang magpakasal.

Kinukomperma din ng pag-aaral na ang pagdalo sa paaralanat

pakikilahok sa komunindad ay makabuluhang naiugnay sa mga

manginginom at mga naninigarilyo. Ang mga natuklasan na ito ay

nagpapakita ng kahalagahan ng mga kapantay at panlipunang

konteksto, na nagpapahiwatig na ang mga programa sa pag-iwas

sa HIV at mga programa sa pag-promote ng kalusugan para sa

mga kabataan ay kailangang isa alang-alang.

Ayon sa pag-aaral ni Lolin Allen (2003) na

pinamagatang Peer Pressure and Teen Sex, marami sa mga

kabataan ngayon, lalong lalo na ang mga lalaki ay nakakaramdam

ng presyon tuwing bago sila makipagtalik. Ayon sa kaniyang

pananaliksik na inilabas, mayroong 63% ng mga kabataan ay

naniniwala na ang paghihintay na makaroon ng sex ay isang

magandang ideya, ngunit kaunti lamang ang mga taong

nakakagawa nito. Isa sa tatlong lalaki na may edad 15-17 ay

nakakadama ng presyon tuwing nakikipagtalik. Ito ay dumadalas


na nangyayari sa mga lalaking magkakaibigan. Samantalang ang

mga babae naman ay mas nakakadama ng mas mahabang

presyon na 23% lamang ang kanilang nadadama tuwing sila ay

pinipilit. Ayon sa pag-aaral na inilabas ng Kaiser Family

Foundation, napag alaman din na ang mga kabataan ay

nakakaramdam ng mas malakas na pag-udyok na gawin ang

pagtatalik kapag nakainom at nakagamit ng droga. Ang mga

natuklasan ay nagpapakita ng isang pangangailangan ng mga

bata ng edukasyon patungkol sa sex. Ayon din sa hiwalay na pag-

aaral, napag-alaman na isa sa limang kabataan ay nakikipagtalik

bago pa sila humantong sa labinlimang taong gulang. Isa sa

pitong kabataan edad 17 na aktibo sa pakikipagtalik ay

nabubuntis.

You might also like