You are on page 1of 14

I.

Title Page

HANDA KA NA BA?

II. Panimula
Ang mga Romano at Latino ay nakasanayan ng magtalik nang walang hanggan ngunit
ayon sa isang romanong mananalaysay na si Taytus Livius pati si Venus.Bago pa nabuo ang
Roma, ang pagtatalik ay hindi maaalis sa mga politikal at kasaysayan ng Romano. Ang pagtatalik
para sa mga Romano ay sadyang nakapagbibigay ng kasiyahan bagkus ito ay isa ring obligasyon
sa pangkalahatan. Ito ay nakapagbibigay saya sa mga kalalakihan at mas obligasyon para sa mga
kababaihan. Ang mga kalalakihan ay nahuhumaling na ipakita ang kanilang pagiging pagkalalaki
at kagalingan sa pagtalik. Habang ang mga kababaihan ay kinakailangan mag-ambag sa
panganganak lalo na ang mga lalaking bata para manatili ang pangalan ng pamilya. Ang mga
batang babae naman ay makakatulong sa kabuuang yaman ng pamilya. Samakatuwid, ang kasal
ay isang di-pantay na relasyon sa pagitan ng lalaki at babae. Ayon sa mga kalalakihan ang mga
babaeng ikinasal ay hindi dapat maghangad ng anumang kasiyahan dahil nagpakasal sila upang
bumuo ng anak. Sa kabilang dako,ang mga babaeng asawa ay walang bahala ang pakiki-apid sa
ibang babae ng lalaking asawa. Samantala, ang mga kalalakihan aypwede makiapid sa ibang
babae hangga’t ito ay hindi pa kasal at kung sa lalaki naman dapat siya ay nasa tamang edad na.

Ano ba ang pre-marital sex? Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa
sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.
May iba't ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na ang mga
kabataan ay pumapasok sa maagang pakikipagtalik. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog siya at
matugunan ang pangangailangan ng katawan. Kapag hindi raw ito isinagawa hindi mararating
ng tao ang kaganapan ng kaniyang buhay.

2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag
ang mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon. Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya
silang gawin ito.
3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang makaranas ng
kasiyahan.

4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.

A. Pagpapakilala ng paksa
• Hanggang sa pagsapit ng dekada 1950, ang katagang "pagtatalik na pre-marital" ay
tumutukoy sa ugnayang seksuwal sa pagitan ng dalawang mga tao bago sila ikasal sa isa't isa.
Noong panahong iyon, ang mga lipunang Kanluranin ay umaasa na ang kalalakihan at
kababaihan ay magpapakasal sa pagdating ng gulang 21 o 22; bilang ganyan, walang
konsiderasyon na ang isang tao na nakipagtalik na ay hindi magpapakasal. Ang kataga ay
ginamit sa halip na ang salitang pornikasyon, dahil sa negatibo o masamang konotasyon o
pahiwatig ng panghuling salita.

Magmula noon ay nagbago na ang kahulugan nito, na tumutukoy na sa lahat ng mga


relasyong may pagtatalik na nagkaroon ang isang tao bago ang kasal; inalis nito ang pagbibigay
ng diin sa kung kanino naganap o nangyari ang ganitong mga relasyon. Ang kahulugan ay
mayroong antas ng kalabuan o kawalan ng kalinawan. Hindi malinaw kung ang pagtatalik sa
pagitan ng mga indibiduwal na legal na pinagbabawalang magpakasal, o mga relasyong
seksuwal ng isang hindi nagnanais na magpakasal ay maituturing na pre-marital.

Ang panghaliling mga kataga para sa seks na premarital ay naimungkahi, katulad ng


pagtatalik na walang kasalan (na sumasalabat sa pangangalunya, pagtatalik na
mapangkabataan, patatalik ng adolesente, at pagtatalik ng kabataang adulto. Ang mga
katagang ito ay nakakaranas din ng antas ng pagkamalabo, dahil sa ang kahulugan ng
pakikipagtalik ay nagkakaiba-iba mula sa isang tao papunta sa isa pang tao.

• Ang pre-marital ay kaugnay sa mga pangyayari bago ikasal ang dalawang tao. Habang
ang Sex naman ay ang pakikipagtalik ng isang tao. Ang Premarital sex ay gawaing pagtatalik ng
isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o kaya di pa kasal.
Noong simula ng ikadalawang siglo, sinasabing tumataas ang pursyento ng pre-marital sex
kahit ang inaakalang ang iba dito ay nakapagtaling puso na. Ang mga pagbabago sa mga
kabataang babae ay nagpapaikli ng buhok sa larangan ng pagbayad. Ayon pa dito, mas madalas
na ginagawa ito ng mga lalaki kesa sa mga babae. Ayon din sa scholar, ang premarital sex ay
tumaas ang bilang noong unang digmaang pandaigdig. 7% ng mga babae rin ay nakikipag-talik
muna bago sila magpakasal (backard, 2007) pero sumagawa ng pag-aaral ang National health
and social life survey na ilahad ang kanilang edad at kasaysayan ng kanilang pakikipagtalik
(Laumann and Gagnon, 1994). Ayon naman kay Lolin Allen (2003). Marami sa mga kabataan
ngayon lalong lalo na ang mga lalaki ay mayroong malalim na presyon tuwing bago sila
nagtatalik. Ang kaniyang pag-aaral ay nagpapakita rin ng kakulangan ng mga kabataan
patungkol sa sex kung kaya’t ang mga bata ay dapat mabigyan ng sex education upang mas
malinawan at maunawaan ng mga kabataan kung ano ang iba’t ibang impormasyon patungkol
sa sex.
Ayon din sa hiwalay na pag-aaral, napag-alaman na isa sa limang kabataan ay
nakikipagtalik na bago pa sila maging labing limang taong gulang. Ang mga kabataan naman na
lulong sa droga at nakainom ng alak ay mas nagkakaroon ng mas mataas na presyon tuwing sila
ay nakikipagtalik.

B. Sariling Pananaw sa Isyu

Ang aming pananaw ukol sa usaping ito ay ang pakikipagtalik ng hindi pa kasal na
kadalasang ginagawa ng mga mapupusok na kabataan ngayon . Sila ay padalos dalos na
gumagawa ng kahindik hindik na gawain. Pumapasok sila sa mga problema na di
masosolsyunan. Dulot ito ng kuryosidad. Mga kadalasang bunga nito ay pagiging batang
magulang . Ang iba ay humihinto sa pag-aaral para maalagan o matuntunan ang kanilang
gampanin bilang ganap na magulang. ang ganitong uri ng gawain ay mali sa mata ng Diyos.
Hindi pa rin tama na isagawa ito ng walang basbas ng simbahan. Kahit na nagmamahalan ang
isang magkarelasyon at kahit na para lamang ito sa sariling kasiyahan at tawag na laman,
marapat lamang na ikasal muna at alaming mabuti ang maaaring maging bunga kung
ipagpapatuloy ang ganitong gawain.

III. Mga Argumento sa Isyu


A.Buod ng mga argumento

Maraming nagsasabi na kung aalisin ang moralidad ang pakikipagtalik daw ay isang uri
lamang ng aktibidad na maituturing na legal at katulad ng paglalakad, malaya ka kung ito man
ay iyong gagawin o hindi. Wala namang mamawala sa iyo , pwera na lang sa virginity sa mga
kababaihan , makakuha ng iba’t ibang sakit katulad ng HIV/AIDS na maaaring maging kapalit ng
iyong buhay. Maaari namang gumamit ng contraceptives katulad ng paggamit ng birth control
pills at medisinang proseso pero kaakibat nito ay ang depekto nito sa taong gagamit nito,
maaaring siya ay magkaroon ng karamdaman at mamatay.

Sa kabilang panig naman, kung pagbabatayan ang relihiyon at paniniwala, ang


ganitong uri ng gawain ay isang kasalanan at labag sa kagustuhan ng Diyos. Marami rin ang
maaaring maging bunga kung gagawin ito ng mga magkarelasyon na wala sa hustong gulang at
walang basbas ng simbahan.

B. Mga impormasyong sumusuporta sa mga argumento

• Sa panahon natin ngayon, halos karamihan sa mga kabataan o mga tinatawag na


“millenials” ay ginagawa ang pre-marital sex dahil sa kagustuhan maexperience ang mga
ipinagbabawal dahil katwiran nila ay “masarap ang bawal”. Maaari naman silang magsagawa
ng ganitong bagay pero dapat sinisigurado nila na hindi sila mapapahamak, lalo na ang mga
kababaihan dahil kadalasan ngayon ay wala pang edad na 18 ay mga nabubuntis na, kaya dapat
bago nila ito ginagawa ay alam nila ang mga epekto o kung pano maiiwasang masira ang
kanilang buhay. Wala namang mali sa pakikipag sex ng mga kabataan, basta dapat ay kasal na
sila at nasa tamang gulang dahil nagkakaroon ng maling ideya ang ibang kabataan patungkol sa
sex, maaaring isipin nila na pwede na lang itong gawin ng basta basta dahil halos karamihan ng
tao sa society ay ginagawa na ito. Maling mali iyon, dahil bilang isang kabataan dapat ay
inaalagaan natin ang ating sarili at dapat na isinusuko lamang natin ang ating bataan sa taong
ating magiging asawa, hindi yung sa ating kasalukuyang boyfriend. Isa lamang ang masasabe ko
tungkol ito, abg PRE-MARITAL SEX ay nakasisira ng maraming buhay pati na ng walang
kamuwang-muwang na sanggol.
Para sa mga kabataan na gumagawa ng pre-marital sex, maaari silang magkaroon ng
sakit na “aids” na nakukuha sa pakikipag sex sa mga sa babae/lalake na mayroong sakit na
ganito. Maaari ring masira ang kanilang kinabukasan, lalo na sa mga kababaihan dahil maaari
silang magbuntis ng maaga dahil sa pakikipag sex ng walang sapat na kaalaman. Imbis na nag
aaral sila ay nasa bahay na lamang sila dahil buntis sila at kadalasan ay ikakahiya nila ito kaya’t
kadalasan sa mga kababaihang hindi pa handa sa responsibilidad bilang ina ay ipinalalaglag nila
ito, dahil sa tingin nila “Abortion” ang sagot sa problema ng maagang pagbubuntis. Ngunit hindi
nila alam na kasalanan ito sa diyos at maaari ring malagay sa peligro ang buhay nila sa ginagawa
nilang pagpapalaglag ng bata sa kanilang tiyan.
• Pwede nga namang makakuha ng mga nakamamatay na sakit mula sa sex. Milyong
milyong tao na ang namamatay sa AIDS, at kadalasa’y sex ang dahilan nito. Pisikal na
proteksyon ang maibibigay ng contraceptives, kaya marami ring mga sektor ng lipunan, tulad ng
ilang mga feministang organisasyon, ang nagnanais na aprubahan ang Reproductive Health Bill.
Lalo pa’t talamak ang pagbebenta ng laman sa panahon ng kahirapan, dadami pa ang maaaring
mabiktima ng AIDS.
Isa pang pundasyon nito ay ang pagkontrol sa populasyon, na isa sa mga sanhi ng problema sa
kahirapan ng bansa. May ilan mang mga siyentipiko na nagsasabing hindi totoo ang
pagkakaroon ng overpopulation, hindi pa din sapat na natutustusan ang pangangailangan ng
bawat isa. Bukod sa ‘di mabisang pamamalakad ng gobyerno, limitado din ang pinagkukunan
natin ng yamang pang-ekonomiya. Sa katunayan, ang pinakamahihirap ang kadalasang may
pinakamadaming anak na kailangang pakainin at pag-aralin. Marahil kulang nga tayo sa
pagpaplano at pagdinig ng mga payo ukol sa pagtataguyod ng pamilya sa pamamagitan ng sex.
Marahil kailangan na din nating matuklasan ang iba pa nating sekswal na karapatan at ang
epekto sa buong bansa ng ating mga sekswal na aksyon.

Isa mang simpleng gawain ang sex, ang mga posibilidad nito ay kumplikado. Alam natin na
sa gawaing ito naipupunla ang susunod na henerasyon. Kaya kung hindi pag-iingatan ang
mismong unang hakbang, ano pa kaya ang kalalabasan ng mga susunod pa dito?

C. Mga ebidensiya para sa mga argumento

Ayon sa Bibliya,ang pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay itinuturing dinna pakikiapid. Ang
pakikiapid ay pakikipagtalik sa pagitan ng mga taong hindi kasal sa isa’t isa. Ang pagkakaiba
lamang na ginawa ng bibliya sa pagitan ng pre-marital sex at pakikipapid, ang pakikiapid ay
nangangahulugan napangangalunya ay binubuo ng dalawang tao na kasal samantalang
angpakikiapid ay para lang sa mga hindi kasal. Ang premarital sex ay katumbas langdin ng
pangangalunya at iba pang anyo ng sekswal na imoralidad.
Ayon kay Mylene Mariano (2000), ang pakikipagtalik ay isang paraan ngisang babae at
isang lalaki upang makabuo ng supling sa pamamagitan ngmaselang bahagi ng katawan. Ayon
sa bibliya, ginamit ang salitang nakilala kung kaya’t ang pagtatalik ay ang pagkilala ng lalaki sa
kanyang asawa. Ito ay isanggawain na ginagawa lamang ng dalawang tao na natamo ang
sakramento ngkasal. Ang anumang gawain na ginagawa ng dalawag taong hindi kasal ay
isanganyo ng premarital sex. Ayon sa libro ni Gerardo Sandoval (2000) na pinamagatang
Correlates of Premarital Sex Experience on Filipino Youth, ang premarital sex ay
isangnapakahalagang usapin sapagkat ang kabataan ngayon ay napakaliberated na nagiging
dahilan ng pakikipagtalik nang hindi pa kasal kaya buhay ngayon ay lunod sa kasalanan.
Iba na raw ang moralidad ng kabataan ngayon. Ayon sa McCann Worldgroup Philippines,
lima sa bawat sampu ang may paniniwalang hindi naman mali ang pre-marital sex at sex sa TV.
Walo sa bawat sampu ang nagsasabing walang masama sa pagkakaroon ng mga patalastas
tungkol sa birth control. Pinakaliberal daw ang mga kabataan ng Mindanao. Pinakakonserbatibo
naman ang mga kabataan ng Luzon.Wala nang komunidad, mga indibidwal na lamang. Wala ng
sama-samang pagkilos, sariling diskarte na lamang ang uso.

IV. Ang Sariling Posisyon sa Isyu


A. Unang punto ng iyong posisyon
Kung ang pre-marital sex ay ginagawa ng mga kabataan sa panahon ngayon ang mga
kababaihan ay maagang mabubuntis.

1. Opinyon sa unang punto.


Ito ay totoo. Para sa amin, kung pagbabasehan ang ganitong uri ng isyu ay hindi
kami sumasang-ayon na makikipagtalik ka muna bago ikasal at isa rin sa mga maaaring maging
bunga ng pakikipagtalik ng hindi pa kinakasal ay ang maagang pagbubuntis para sa mga
kabataang babae at ang pagkasira ng magandang kinabukasan na naghihintay para sa kanila.
Dahil na nga sa pagiging mausisa ng maraming kababaihan kapag sila ay nasa punto nang
pagdadalaga kung saan mas interesado sila sa mga bagay na patungkol sa sex. Siguro isa rin sa
mga dahilan kung bakit nagagawa ng mga kabataan ang ganitong uri ng gawain ay dahil sa
paglaganap ng media at dahil sa internet katulad ng mga palabas sa Youtube, television,
Facebook at mga babasahin na may temang sex. Dahil dito mas naeenganyo ang mga kabataan
na subukan na gawin ito na walang ginagamit na proteksyon sa pakikipagtalik dahil hindi sapat
ang kanilang nalalaman ukol dito. Bukod pa rito, dahil nga sa maagang pagbubuntis ng mga
kabataang babae na wala pa sa wastong gulang at hindi pa kaya ng kanilang katawan na
magdala ng bagong buhay sa kanilang sinapupunan, maaaring makaapekto ito sa kanilang
kalusugan at magkaroon ng komplikasyon na makakaapekto naman sa kanilang pisikal at
emosyunal pati na rin sa bagong buhay na nasa kanilang sinapupunan . Samakatuwid, ang
pagbubuntis sa murang edad ng maraming kababaihan ay nakakapagdulot ng pagkasira sa
kanilang magandang kinabukasan. Dahil nga sa pagiging batang ina, naapektuhan ang kanilang
edukasyon na mauuwi kalaunan sa kanilang paghinto sa pag-aaral para alagaan at pagtuunan
na lang ng pansin ang kanilang anak. Isa pa ay ang hindi pagiging handa ng mga batang ina sa
mabigat na responsibilidad na nag--aabang sa kanila. Hindi pa lubusan ang kanilang nalalaman
sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. Kulang pa ang kanilang karanasan upang mabigyan ng
magandang kinabukasan ang magiging anak nila. Kaya para sa aming opinyon, mahalaga na
nasa tamang panahon at edad kung gagawin man ang ganitong gawain at mas importante na
maihanda muna natin ang ating mga sarili sa posibleng maging bunga ng ating maling pagkilos.

2. Mga ebidensiya
• Sa panayam ng Agila Balita sinabi ni Dr. Juan Antonio Perez III, Executive Director ng
POPCOM, sa panahon ngayon ay kailangang magtulungan para maiwasan ang patuloy na
pagtaas sa bilang ng mga kabataang nagiging ina sa murang edad dahil sa namumulat ang mga
ito sa premarital sex.
Aniya nakakabahala ang lumabas sa kanilang pag-aaral sa mga millenials, na isa sa
bawat tatlong kabataang edad 15-19 ay nakaranas ng premarital sex bago pa man sila sumapit
sa edad 20 kaya marami ang nauuwi sa maagang pagbubuntis.
Dagdag pa ni Perez, bawat taon 209 libo o mahigit 10% ng mga nanganganak na mga
kabataan ay mababa sa 20 taong gulang.
Kaya naman muling pinaalalahanan ni Perez ang mga magulang na sa edad kinse pa
lamang ay dapat payuhan at gabayan na ang kanilang mga anak para hindi mahulog sa maagang
pagbubuntis.
• Higit isang buwan nang buntis ang 14 anyos na si alyas "Ika" pero aminado siyang hindi
pa siya handang maging isang ina.
"Baka hindi ko maingatan 'yung baby ko kasi po hindi ko pa po kaya eh," ayon sa dalagita.
Isa lamang ito sa mga pangamba ni Ika, na kahit nagdadalang-tao ay desidido pa rin
ipagpatuloy ang pag-aaral matapos manganak.
Sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS) na isinagawa ng Philippine
Statistics Authority (PSA), kumaunti ang insidente ng teenage pregnancy sa bansa para sa mga
edad 15 pataas, mula sa 57 kada 1,000 buntis o may anak na noong 2013, ngayon ay nasa 47
kada 1,000 ito.
Ayon naman sa Department of Health (DOH), maraming risk ang pagbubuntis nang maaga.
"Paano nila palalakihin ang bata? Ang pinansiyal na pangangailangan ng kanilang anak, paano?
Some would even drop out from school," ani DOH Assistant Secretary Lyndon Lee Suy.
Mas maganda rin daw na isama sa pag-aaral sa eskuwelahan ang epekto at responsibilidad ng
pagiging magulang.
• Sa programang "Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie," sinabi ni Senador Risa
Hontiveros na patuloy na dumadami ang bilang ng mga tinedyer na babae (edad 15 hanggang
19) ang maagang nagiging nanay.
Batay sa datos ng Philippine National Demographic and Health Survey, nitong 2017, 22.4
percent ng mga babaeng edad 19 ang naging nanay na. Sa mga 18 anyos naman, 12.8 percent
sa kanila ang nagsilang na, habang 4.9 percent naman ng mga edad 17 ang maaga rin na naging
ina.Ang mga "nene" pa na 15 at 16 anyos na maagang nagkaroon ng kanilang "nene," nasa 0.5
at 3.7 percent, ayon sa pagkakasunod.Pinakamaraming insidente umano ng teenage
pregnancies ang naitala sa Davao region, Northern Mindanao, Soccsksargen, Ilocos region at
Mimaropa.Dahil sa murang edad, hindi pa umano fully developed ang katawan ng mga batang
ina kaya nagbibigay ito ng peligro, hindi lang sa ina kung hindi maging sa sanggol sa kaniyang
sinapupunan.

B. Ikalawang punto ng iyong posisyon


Kung ang pre-marital sex ay ginagawa ng walang proteksiyon at nakikipagtalik hindi
lamang sa isa o higit pang kapareha magdudulot ito ng sakit na maaaring makaapekto sa
kanilang kalusugan.

1. Opinyon sa ikalawang punto.


Ito ay totoo. Isa rin sa dahilan kung bakit hindi kami sang-ayon sa pre-marital sex ay
nakakabahala rin ang pagkakaroon ng sakit katulad ng HIV o ang Human Immunodeficiency
Virus na kung saan ang sakit na ito ay maaring makuha sa pakikipagtalik na hindi ginagamitan
ng proteksyon na sinasabing walang sintomas at walang lunas at pakikipagtalik sa maraming tao
o sa isang taong mayroong higit sa isang kapareha . Ang HIV ay nagpapahina ng Immune System
o resistensya ng tao na maaaring ikamatay ng isang tao at maipasa sa anak ng nagdadalang tao.
Malaki ang epekto sa taong mayroon nito katulad ng pag-iwas sa kanila ng mga tao sa paligid
nila at pagkakaroon ng diskriminasyon sa katulad nila. Isa rin sa maaaring maging epekto nito
ay ang paghinto ng isang mag-aaral sa kaniyang pag-aaral na maaaring makasira sa kinabukasan
niya. Matinding depresyon ang maaaring maranasan nila at makakapagdulot pa ng pagkitil nila
sa kanilang buhay. Bilang kabataan mahalaga na malaman ang ganitong uri ng sakit dahil para
rin naman ito sa ikabubuti ng kanyang kalusugan at kapakanan, kaya mas mainam na isipin
muna kung nararapat ba itong gawin para sa bandang huli ay walang pagsisihan.

2. Mga ebidensiya
• Aminado si Yomi Arojado na napabayaan niya ang sarili nang magpositibo sa
human immunodeficiency virus (HIV) noong Enero 2012, dahil na rin sa kakulangan sa kaalaman
tungkol sa virus at sa sakit na acquired immune deficiency syndrome (AIDS).
"Dala na rin ng pagiging sexually active ko na irresponsible, sabi ko wala akong
pakialam kung magka-AIDS man ako... Pero noong naging positive ako, hindi ko alam ang
gagawin, akala ko hindi na ako magsu-survive," pagbabahagi ni Arojado.
Nang makaranas ng matinding paghina ng katawan dahil sa mga kumplikasyon na dala
ng virus, nagdesisyon si Arojado na pag-aralan ang kaniyang sakit para maalagaan nang mabuti
ang sarili.
Ngayon, isa na siyang Department of Health (DOH) certified HIV and AIDS counselor na
tumutulong sa ibang mga HIV positive na Pinoy.
Sa datos ng DOH, pumalo na sa halos 2,000 ang naitalang bagong kaso ng HIV sa bansa
sa loob lamang ng dalawang buwan ngayong taon.
Bilang ng mga bagong kaso ng HIV sa bansa:
Hulyo-Agosto 2017: 1,962
Full-blown AIDS: 250
Deaths: 118
Ayon sa DOH, hindi biro ang magkaroon ng HIV o AIDS, kung saan inaatake ng virus ang
immune system ng tao na siyang nagpo-protekta sa katawan laban sa mga sakit.
Kaya nagpaalala muli ang ahensya tungkol sa kahalagahan ng pagsasailalim sa HIV
testing lalo na ang mga maituturing na "at risk" dahil sa kanilang lifestyle.
"Mas delikado ang hindi magpa-test [kaya mas] pinapaigting natin ang information
dissemination campaign [kontra HIV/AIDS]," ani Dr. Lyndon Lee-Suy, Assistant Secretary sa
DOH.
Dagdag pa ni Lee-Suy, may libreng HIV testing centers sa bawat probinsiya.
Mayroon ding libreng anti-retroviral medicine, at kung kailangan ng moral support ng
pasyente, magbibigay pa ang DOH ng counselor para makatulong sa pagbibigay ng lakas ng loob
at iba pang kaalaman at suporta habang patuloy siyang nagpapagamot.
• Sa pinakahuling datos ng DOH ngayong Hunyo 2017, naitala ang 1,013 na bagong kaso ng
HIV-AIDS.
Sa higit isang libong kaso, 969 ang nakakuha ng sakit dahil sa sexual contact. Walumpung
porsiyento rito ay lalaki sa lalaki.
Naitatala rin ang 30 bagong kaso ng HIV-AIDS kada araw mula noong Hunyo.
Paliwanag ni Health Secretary Paulyn Ubial, maituturing na risk factor ng HIV ang pakikipagtalik
lalo na kung maraming sexual partner ang isang tao.
• Ayon sa Department of Health o DOH. Isa ang pilipinas sa pitongmga bansa ang may
pinakamabilis na pagtaas ng HIV/AIDS. Sinasabi nila naang kakulangan ng kaalaman ng mga
Pilipino ang isang sanhi kung bakittumataas ang paglaganap ng sakit na HIV/AIDS. mula noong
1984 hanggang2008. Umabot na sa 3,500 ang naitala na positibo sa sakit na HIV/AIDS. ditto
sapilipinas ay pinangangambahan nab aka dumoble pa ito sa mga susunod nataon.Halos
gayundin ang binanggit ni Gng. Teresita Bagasao na isang Country Coodinator ng UNAIDS.
Sinabi niya na dapata alamin o malaman ngmga Pilipino ang tungkoil sa HIV/AIDS upang
maiwasan ang pagdami o pagtaasng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS.
Ayon naman sa datos ng United Nation halos 33 Milyon ng tao sabuong mundo ang may
sakit na HIV/AIDS. Simula noong 2001 hanggang 2009halos tumaas ng dalawamput limang
porsyento (25%) ang naitala sa pitongbansa gaya ng mga sumusunod; Armenia, Bangladesh,
Georgia, Kazakhstan,Kyrgyzstan, Philippines at Tajikstan. Ang pilipinas ay kasama sa mga
pitongbansa na may malaking pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS. Sinasabi nila na angpangunahing
dahilan ng pagtaas ng HIV/AIDS ay ang pagtatalik ng walang proteksyon o “Unprotected Sex ”.
Kaya kailangan na alam natin ang bagay na ito upang tayo ay makapag-ingat.

C. Ikatlong punto ng iyong posisyon


Ang pakikipagtalik ng wala pa sa hustong gulang at hindi pa kasal ay isang mabigat na
kasalanan.

1. Opinyon sa ikatlong punto


Ito ay totoo. Isa rin sa dahilan na hindi kami sumasangayon sa pre-marital sex ay ito
ay kasalanan sa mata ng Diyos. Maaari sigurong idahilan ng mga nakikipagtalik sa kanilang
karelasyon ay ang kanilang pagmamahalan sa isa't isa nang hindi pa sila kasal dahil tanda raw
ito ng kanilang totoong pag-iibigan pero hindi naman basehan lang ang pag-ibig para sila ay
makipagtalik na agad na wala pa sa hustong gulang at hindi pa sila kasal, isipin na lang ang
maaaring kahihinatnan kung gagawin ito. Hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao kaya mo
ito gagawin, kailangan din na isaalang -alang ang magiging bunga nito. Ang pakikipagtalik ng
hindi pa kasal at wala pang basbas ng simbahan ay isang KASALANAN at paglabag sa utos ng
Diyos. Ayon din sa Bibliya, ang ganitong uri ng gawain ay isang uri ng pakikiapid.
Nakakapagdulot man ito ng kasiyahan sa mga taong gumagawa nito pero isa pa rin itong uri ng
kasalanan. Kapag patuloy itong ginagawa, madalas maaari rin itong magdulot ng
panghabambuhay na epekto sa pisikal,emosyon at sa relasyon ng isang tao. At hindi lang naman
ito ang tanging paraan para maiparamdam mo sa iyong minamahal kung gaano mo siya
kamahal, marami pang paraan para maiparamdam mo ito sa kaniya na kalugod-lugod pa para
sa paningin ng Diyos at hindi sa pansariling kasiyahan lamang , at higit sa lahat maipapahayag
mo ang tunay mong pagmamahal sapamamagitan ng basbas ng simbahan at sa tawag ng kasal
at hindi sa tawag lamang ng iyong laman at sa pansariling pangangailangan.

2. Mga ebidensiya
Ayon sa Bibliya
• Datapuwa’t, dahil sa mga pakikiapid, ang bawa’t lalake ay magkaroon ng kaniyang
sariling asawa, at bawa’t babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa. I Corinto 7:2
*Dahil nga sa premarital sex, hindi letra-por-letra, pero nasa diwa ng Biblia iyan na
pakikiapid iyon dahil nga bawal yung may gagawin kayo ng nobya mo o nobyo mo na sexual
intercourse kung hindi pa naman kayo kasal considered iyon na adultery sa Biblia, it’s a sin,
kasalanan sa Dios. Kaya payo na nasusulat sa Biblia kung hindi makapagpigil ay magasawa na
• Magsitakas kayo sa pakikiapid. Lahat ng kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa labas ng
katawan; nguni't ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling
katawan. 1 Corinthians 6:18
• Para sa mga mag-asawa lamang ang pagtatalik, gaya ng sinasabi sa Hebreo 13:4: “Maging
marangal nawa ang pag-aasawa sa gitna ng lahat, at maging walang dungis ang higaang
pangmag-asawa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya.”
Ang mga mag-asawa ay dapat manatiling tapat sa isa’t isa at sa kanilang sinumpaang pangako.
Nasisiyahan sila, hindi sa paghahanap ng pansariling kaluguran, kundi sa pagsunod sa simulain
ng Bibliya: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.”—Gawa 20:35.

IV. Konklusyon
A. Buod ng Iyong posisyon
Sa panahon ngayon na masyadong nagakakaroon ng interes ang mga kabataan sa
sex, ang ilan sa kanila ay nakikipagtalik na kahit sila ay wala pa sa hustong gulang at hindi pa
kasal. Maaaring maging bunga nito ay ang maagang pagbubuntis ng mga kabataang babae na
hindi pa gaanong kahanda sa pagsasagawa ng kanilang responsibilidad bilang isang ina, maaari
rin na maapektuhan ang panibagong buhay na kapwa umaasa sa kanila. Makakaapekto rin ito
sa kanilang kinabukasan dahil sa maaaring pagtigil nila sa pag-aaral para pagtuunan na lang ng
pansin ang kanilang mga anak. Ang pakikipagtalik naman ng walang proteksiyon at iba’t iba ang
kapareha ay magdudulot ng sakit katulad ng HIV na maaaring makaapekto sa kalusugan ng
isang tao. Ang pagsasagawa ng pre-marital sex ay isang napakalaking kasalanan sa mata ng
Diyos. Hindi nararapat na gawin ito ng wala pa sa hustong gulang at hindi pa kasal. Mas mainam
na higit na maunawaan ang maaaring maging resulta kung gagawin ito, kung ito ba ay
nakakabuti o nakakasama pala. Higit na isaalang-alang ang magiging desisyon sa bawat kilos na
gagawin dahil kapag hindi pinag-isipan mabuti at padalos-dalos ang kilos ay baka tayo rin ang
magsisi sa huli. Laging tandaan na hindi lamang sa pakikipagtalik naipararamdam ang totoong
pagmamahal may iba’t ibang paraan pa para maihayag mo ito at isa na doon ang basbas ng
simbahan at tawag ng kasal at hindi ang tawag ng laman at hindi para sa sariling kagustuhan at
pangangailangan lamang.

B. Plano ng pagkilos
Mas mainam na pagkilos ay ang pagpapaintindi ng mga magulang sa kanilang mga
anak na ang ganitong gawain ay hindi tama at may kaakibat na malaking bunga at
responsibilidad na maaaring pagsisihan sa huli lalo na para sa mga kabataan ngayon. Pagtuturo
sa kanila na pahalagahan ang sarili at pag-isipan ng mabuti ang bawat desisyon na
gagawin.Ipaintindi sa kanila na mahalaga ang buhay at huwag sayangin ito sa isang pagkakamali
at para sa sariling kagustuhan lamang. Mahalaga rin amg sex education para mas lalo pang
mamulat ang mga kabataan sa ganitong isyu dahil sa bawat maling kilos ay malaki ang magiging
epekto nito sa atin.

V. Sanggunian

https://www.scribd.com/doc/86316557/KABANATA-I
https://news.abs-cbn.com/news/12/02/17/alamin-ano-ang-pinagdadaanan-ng-taong-may-hiv
https://news.abs-cbn.com/news/09/01/17/kaso-ng-hiv-aids-sa-bansa-patuloy-na-dumarami-
doh
https://ebible.com/tagalog/1corinthians/6/18
https://keiseeger.wordpress.com/2017/01/07/masama-ba-ang-premarital-sex-ayon-sa-biblia/
https://www.jw.org/tl/publikasyon/magasin/g201309/mali-pagtatalik-nang-di-kasal/
https://jennifer13web.wordpress.com/2017/06/12/pre-marital-sex/
https://svcoronado.wordpress.com/2009/09/15/sex-sa-sosyolohikal-na-punto/
https://www.academia.edu/34597534/Mga_Dahilan_at_Epekto_ng_Premarital_Sex_sa_STI_C
OLLEGE_TAFT_Ipinasa_nina
https://www.academia.edu/11345919/86197408-Filipino-Thesis
https://www.academia.edu/34597534/Mga_Dahilan_at_Epekto_ng_Premarital_Sex_sa_STI_C
OLLEGE_TAFT_Ipinasa_nina
https://www.scribd.com/doc/50770715/research-paper
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagtatalik_na_premarital
https://www.academia.edu/31792163/POSITION_PAPER_IN_ESP?fbclid=IwAR219gAotq9iPnCjf
zucw6Q9-olAiBkwMGBkVRr_9Yj0NdhWssmAPUdifag
-Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 10
Proyekto
Sa
Edukasyon
Sa
Pagpapakatao

Ipinasa nina: Reysell R. Rodriguez


John Gerald Salazar

Ipinasa kay: Gng. Geraldine Silvestre

You might also like