You are on page 1of 2

______________________________________________

______________________________________________________________

Legalisasyon ng aborsyon sa Pilipinas

Posisyong Papel

Ang legalisasyon ng aborsyon ay isa sa pinaka mainit na isyu sa ating bansa. Ano nga ba ang
aborsyon? Ang aborsyon ay ang pagpapalaglag o pagtatanggal ng fetus sa sinapupunan ng isang babae. Kung
ako ang tatanungin, bilang isang babae at bilang isang tao ay ako ay sang-ayon sa paglelegal ng aborsyon sa
Pilipinas. Ang aborsyon ay karapatan ng kababaihan at karapatan ng isang tao. Nasa babae ang huling
desisyon kung siya ba ay magbubuntis o hindi. Ang usaping aborsyon ay isang sensitibong paksa para sa
nakararamin at hindi lingid sa aking kaalaman na konserbatibo at relihiyoso ang ating bansa. Para sa ibang
Pilipino ang aborsyon ay isang kasalanan sa Diyos at ang “sanggol” sa matres ng babae ay isang biyaya mula
sa Panginoon at karapatan nitong mabuhay. Ayon sa mga taong nakausap ko, ang fetus sa loob ng
sinapupunan ng babae ay isa nang ganap na tao at nakakaramdam na rin ng sakit. Sa madaling salita ang
aborsyon daw ay pagkitil ng buhay ng isang tao. Ngunit ang mga nabanggit na argumentong ito ay puro ilohikal
at walang matibay na katwiran. Kung pagbabasehan natin ang siyensya ang fetus na nasa loob ng sinapupunan
ng matres ay nag mula sa pagtatalik ng isang babae at isang lalaki. Habang nagtatalik ay naglalabas ang lalaki
ng cells na tinatawag na sperm at ito ay maglalakbay sa cervix ng babae papunta sa fallopian tube. Sa
paglalakbay ng sperm ay makakatagpo nito ang cells na galing sa babae na tinatawag na egg cells pag
tagumpay na nakapasok ang sperm cell sa egg cell ay doon pa lamang magsisimula ang conception. Ayon sa
mga eksperto, ang fetus ay walang kapasidad na makadama ng sakit hangganggang matapos ang 25 weeks.
Ilang medical organization na ang nagsuri sa mga sabi-sabi ngunit humantong sa konklusyon na ang fetus ay
hindi nakakaramdam ng sakit habang isinasagawa ang aborsyon. Samakatuwid ang fetus ay hindi pa ganap na
tao dahil wala pa itong pakiramdam at hindi mo ito matatawag na isang ganap na tao kung hindi pa nito kayang
mabuhay ng mag-isa sa labas ng sinapupunan ng babae. Kung ang fetus ay isa nang ganap na tao bakit walang
nagaganap na seremonya ng paglilibing sa tuwing naaagasan ang isang babae? Para sa iba ang ang
pagbubuntis at ang buhay ng isang tao ay nagsisimula dahil sa biyaya ng Diyos ngunit para sa akin ang buhay
ay nagsisimula sa fertilization at conception sa madaling salita ito ay isang proseso. Para sa iba ang pagbubuntis
ay biyaya ngunit para sa mga rape victim ito ay bunga ng bangungot na minsan na nilang naranasan.
Responsibilidad na hindi naman nila hiningi at ginusto ngunit wala silang magagawa kung hindi tanggapin ito.
May mga nagsasabi na walang kamuang-muang ang bata sa nangyari kaya hindi dapat sila idamay, ngunit wala
ring kamuang-muang ang babaeng magdadala sa kaniya. Ipagpalagay mo na anak mo o kapatid na babae mo
ang nasa ganitong kalagayan, hahayaan mo na lang ba makita niya at maging responsibilidad ang bunga ng
bangungot niya? Hahayaan mo na lang ba na tuluyang maglaho ang mga pangarap niya? Madalas sa ang
unwanted pregnancy sa bansa natin. Kaya rin overpopulated ang ating bansa. Sasabihin ng iba na maaari
namang gumamit ng contraceptive o Plan B, ngunit hindi naman ito 100% na mabisa at may mga side effects din
ito sa kalusugan ng babae. Sa huli ay iba-iba tayo ng pananaw tungkol sa aborsyon. May mga sang-ayon
katulad ko at mayroon namang hindi. Maraming Pilipino ang tutol sa aborsyon dahil ito raw ay isang kasalanan,
ngunit wala namang nagsasabi sa kanila na magpa-aborsyon sila. Babae lang ang may karapatan na
magdesisyon kung ano ang gagawin niya sa katawan niya. Kung gusto niya bang magbuntis o hindi? Kung
itatanggi nila ang karapatan ng kababaihan na magpa-aborsyon marapat lang na lahat ng kalalakihan ay magpa-
vasectomy.

Pangalan: Ventura, Rhis Anne Seksyon: Diamond

Mga Sanggunian:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagpapalaglag
https://www.acog.org/advocacy/facts-are-important/gestational-development-capacity-for-pain
https://pagbubuntis.com/aborsyon/
https://medlineplus.gov/ency/article/002398.htm#:~:text=During%20intercourse%2C%20sperm%20enters
%20the,enters%20the%20egg%2C%20conception%20occurs

You might also like