You are on page 1of 1

Kahalagahan Ng Pagaaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na mailahad ng impormasyon ukol sa epekto

ng maagang pagbubuntis o “early pregnancy” sa emosyonal at sikolohikal na pag-iisip ng

mga batang ina. Ito rin ay maglalantad ng mga impormasyon sa mga mambabasa

kaugnay sa tumataas na bilang ng mga kababaihang maagang nabubuntis sa

Munisipalidad ng Makilala. Ang mga impormasyong mailahad ay gagamitin upang

makabuo ng mga konkretong impormasyon para maging aral sa mga kabataan na walang

maidudulot na kabutihan ang maaagang pakikipagtalik.

Ang pananaliksik na ito ay para makakalap ng impormasyon na maaaring

magbago sa takbo ng buhay ng isang batang ina. Inilalagay niya ito sa isang lugar kung

saan siya ay responsable hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi pati na rin sa ibang

tao at hindi lamang lumilikha ng mga pisikal na pagbabago. Ang mga kababaihan ay

dumadaan din sa mga pagbabagong pangkaisipan. Sa tulong ng mga impormasyon ay

maaring makabuo ang mananalisik ng reyalisaysyon o aral na maaring ipamahagi sa iba.

https://www.academia.edu/31298264/_EPEKTO_NG_MAAGANG_PAGBUBUNTIS_ED

AD_15-19_Isang_Pananaliksik_na_Iniharap_Kay

https://www.academia.edu/35761968/Maagang_Pag_bubuntis?auto=download

You might also like