You are on page 1of 1

NEGATIBONG EPEKTO NG TEENAGE PREGNANCY

Ang ating pambansang bayani ay minsan nagsabi na, ang kabataan ang pag-asa ng bayan,
sana nga'y tama siya, sana nga'y nakikita niya ang mga kabataan sa panahong ito. Sa
kabataan ngayon, nadadala sila ng kanilang mga damdamin at nakagagawa ng isang
pagkakamali na hindi na matakbuhan, at sa bandang huli ay pinagsisihan kung bakit nila ito
nagawa.

Ang usapin sa maagang pagbubuntis ay kalat na kalat na sa iba't ibang parte, hindi lang sa
ating bansa, maging ng mundo. Sa ngayon, tayo ay nahaharap sa masaklap na katotohanang,
sa pinaka murang edad pa lamang, marami na sa mga batang kababaihan ang mayroon nang
sariling anak.

Malaki ang tsansa ng pagkakaroon ng negatibong epekto ang maagang pagbubuntis. Isa na rito
ang pagkakaroon ng sex-related na sakit. Ang sakit na may kinalaman sa napakarami pang
karamdaman sa katawan ang maaring makuha dulot ng maagang pagbubuntis gaya ng body
impairments, chronic at respiratory diseases at higit sa lahat, ang sexually transmitted diseases
o mas kilala sa tawag na STD. Isa pang negatibong epekto ng teenage pregnancy ay ang
pagkasira ng kinabukasan. Ang teammates pregnancy ay pwedeng maging dahilan ng sapilitan
na paghinto sa pag-aaral na maging resulta ng pagkasira ng magandang kinabukasan.

Ang pisikal, emosyonal, psychological at mental na suliranin ang nagiging dulot kadalasan ng
pagbubuntis ng maaga sa mga kapamilya at kamag-anak, at maging sa magiging anak. Dahil
sa hindi pa handa ang katawan at kakulangan sa kaalaman ng mga kabataang ina, napakalaki
ng tsansang magkaroon ng premature birth o ano pang komplikasyon sa kundisyon ng bata.
Ang huling negatibong epekto ng maagang pagbubuntis ay ang aborsyon. Dahil sa pagbubuntis
ng maaga, nakapag-iisip na magpalaglag ang isang kabataang babae, maging ang kanyang
kapareha.

Ang pagkakaroon ng karelasyon ay normal lamang sa mga kabataan. Ngunit kailangan din na
alam ang limitasyon ng bawat gagawin ng magkasintahan. Kailangan ng jbayong atensyon ng
mga kabataan ngayon. Ang mga isyung kanilang kinakaharap ay nakakaparalisa at nakakapigil
buhay sa kanilang hanay. Kailangan ng mga kabataan ng gabay una mismo sa kanilang
pamilya. Ang pagpapatatag ng pamilya ay isang makapangyarihang tugon sa isyung ito.
Kailangan mabigyan ng kasanayan ang mga kabataan na maaring tumulong sa kanila gumawa
ng maiinam na desisyon para sa kanilang sarili. Mahalaga din na mabigyan sola ng gabay na
ispiritwal.

You might also like