You are on page 1of 8

PAGMAMATON SA INTERNET

Ipinasa nina:
ARCADER, MARK JUSTINE
ESTABILLO, WAYNE ESTABILLO
SABUAG, KRIZELL FAITH
SAMOSINO, ALYSSA JANE
LIPALAM, NORIE
NOBELA, RAFAEL
OMAS-AS, CATHERINE DASSHELLE

Ipinasa kay:
MS. LYKA CHRISTINE GRASPARIL

September 2, 2019
Pagmamaton sa Internet o Cyber bullying

Ipinasa nina:
ARCADER, MARK JUSTINE
ESTABILLO, WAYNE ESTABILLO
SABUAG, KRIZELL FAITH
SAMOSINO, ALYSSA JANE
LIPALAM, NORIE
NOBELA, RAFAEL
OMAS-AS, CATHERINE DASSHELLE

Ipinasa kay:
MS. LYKA CHRISTINE GRASPARIL

September 2, 2019
Stablishing Shot
MALAKING KASAWIAN. Karaniwang epekto ng cyber bullying sa mga biktima nito ay ang
pagiging layo o ilang sa mga tao at mga kaibigan—madalas na nakakaranas ng malaking
kasawian ang mga biktima dahil nagiba na ang pananaw ng publiko o sa mga kaibigan ng
biktima. Sa punto naman ng biktima, mas bumaba ang pagtitiwala sa sarili at ang tingin sa
potensyal ng sarili. Umaabot din sa puntong masyadong hinuhusgahan gamit ang masasakit na
salita ng mga nakapalibot na tao at mismo ang sarili, kaya't mas nagiging malayo ang pagitan
ng bawat isa.
Stablishing Shot

SENARYONG MALALANG KASO. Madalang sa ating kaalaman na tinatago ng karamihang


biktima ang sakit na kanilang api, kahihiyan o pananakot na kanilang nararamdaman. Sa
malalang kaso, bukod sa pagbibigti, kadalasang ginagawa ang paglaslas ng sariling kamay o
labis na paginom ng mga gamot upang magpapakamatay kapag hindi sila na agapan sa
pagtulong or wala silang natanggap na tulog. Nagiging opsyon ito para sa mga biktima ng cyber
bullying dahil mas gugustuhin nilang mawala sa makabubuhay kesa makakaranas ng madalas
na pagmamaton; sa palagay ng mga biktima, nakakatakas sila sa problema kapag tinakasan
din nila ang buhay.
Detailed Photo

HADLANG SA KAPAYAPAAN. Ang pagmamaton gamit ang internet ay hindi pisikat na


pananakit, subalit, nakakasakit ito sa sikolohikal na aspeto ng idibidwal na nagiging lubha dahil
sa paggamit ng kapakinabangan ng pagiging hindi kilala o anonymous. Sa pamamagitan nito,
mas lalong nahihikayat ang mga manlalait sapagkat mahirap bakasin kung sino ang nang-api.
Sa panahon ngayon, may nauunlad na pamaraan upang masundan ang anonymous, ngunit,
dadaan ito sa mas mahabang proseso; kaya, mas gugustuhin na lamang ng mga biktima na
manahimik. Mas pinipili ng biktima ang mahulog sa sikreto ang sakit na nararamdaman at
umiyak na lamang sa bigat ng damdamib.
Detailed Photo

KALAT AT SALAT. Isa sa mga dahilan kung bakit marami parin ang na-aakit na mang-insulto
sa kapwa tao ay ang publisidad. Bukod sa matinding kahihiyan ang mararamdaman ng biktima,
ang plataporma ay mabilis kumalat ng impormasyon. Kalat na kalat ang kahit anong social
networking sites sa mga Pilipino; kumbaga, pinagkakabit tayo ng internet at mga impormasyong
nakukuha natin mula rito. Sa gayon, libo-libong tao ang nakakakita sa isang pindot ng panlalait
sa internet at libo-libong tao ang ang minsang natutuwa sa pang-iinsultong ginagawa o nag-
aalala sa biktima ng cyber bullying. Kalat ang impormasyong para sa madla at salat ito sa
nakakaranas ng pagmamaton sa internet.
Clincher Photo

PAGKAMAPAGDAMDAM ANG KALUTASAN. Napakadaming negatibong epekto ng


pagmamaton sa internet. Hindi magpapakaila na hindi agad-agaran ang magreresolba ng
suliraning cyber bullying, ngunit, makakagawa ang bawat isa ng mahalagang kontribusyon sa
unti-unting paglutas sa problema. Pag-usapan natin ang problema-- maari tayong makidamdam
sa mga kaibigan nating tahimik, sapagkat, maaring makakatulong tayo sa pagbibigay adbiso.
Sa huli, isang mensahe lamang ang gustong ipahayag ng estudyanteng may malasakit sa
kapwa kabataan: maging mabuti, sa online man o hindi, dahil ang kabutihan ay isang
responsibilidad na nagsisimula sa bawat isa. Maging sensitibo tayo sa kung anumang maaring
mararamdaman ng tao sa ating binibitawang salita lalo na sa internet, upang makamit natin
ating minimithi na kasiyahan kasama ating mga kaibigan at kapwa.

You might also like