You are on page 1of 1

MUKHA NG KABATAAN NOON AT NGAYON

Kasabay ng pagbabagong bihis ng lipunan ay ang bagong mukha ng kabataan. Sa likod ng


tinatamasang pagunlad ay ang unti-unting paglaho ng kulturang kinagisnan. Tanging
pagkukumpara ang maiiwan sa kung sino nga ba ang higit na lalamang na kabataan, noon o
ngayon?

Kahit saang anggulo tingnan kung sa makalumang perspektibo ang pag-uusapan,dehado


ang sa kasalukuyan. Marahil narinig mo na rin ang sari-saring bersiyon ng katagang “nung
kabataan namin noon”. Mahaba ang listahan at masakit ang katotohanang ibinabaon ng
pagunlad at teknolohiya ang kulturang natabunan na pagkakakilanlan ng kabataan ngayon.

Noon, dalagang Pilipina kung maturingan dahil sa konserbatibong pananamit at pinong


galaw na di makabasag pinggan. Ngayon, ang mga dalagang Pilipina ay yaong kumasa sa
challenge na laman ng social medias at nagpapaamo sa kamera. Bumabaw ang depenisiyon at
lumalim ang agwat ng dalawang henerasiyon. Kinikilig ka pa ba sa tuwing hinarana?
Nakapanghihinayang dahil hindi na isinasabuhay ang makalumang panliligaw.Kung usaping pag-
ibig lang naman batikano ang kabataan noon. Handing mag-igib at magbiyak ng kahoy masungkit
lang ang matamis na oo na isang taong hinintay. Ipapahayag ang pagmamahal sa mga liham na
midyum sa mga kaisipang di mausal sa personal.Tumahimik ang kalsada at umingay ang social
media. Wala na ang mga larong kalye tulad ng tumbang preso,tagutaguan at piko na larawan ng
pagkabata noon dahil sarili na lamang ang kalaro gamit ang mobile phones. Madaling tumanda
ang kabataan ngayon sa pisikal at pamamaraang pampagiisip. Sa murang edad ay matanda na
kung manamit at kumilos. Ang Pilipinas ay may konserbatibong paniniwala at kultura na pilit
binabali ng modernong panahon sa tulong ng iba’t ibang medya na nakaakimpluwensiya sa
paniniwala ngayon. Tumapang ang kabataan dahil alam nilang may batas na sa kanila’y
poprotekta. Sa bawat isang hakbang patungo sa pagunlad katumbas ay dalawang hakbang
paatras sa kultura at kaugaliang Pilipino na dapat sana’y isinasabuhay ngayon ng mga pagasa ng
bayan.

Kung ang mga magulang ngayon ang kabataan noon at ang kanilang mga anak ang
kabataan ngayon hindi ba’t dapat ang kanilang gawi at pag-uugali ang pinamarisan? Kasalanan
bang maituturing ng kabataan noon ang pagpapalaki sa mga kabataan ngayon? Hindi, sa
kadahilanang malaki ang hatak ng nakikita’t naririnig sa lipunan kumpara sa tagubilin ng mga
magulang.

Sa kabila ng mga negatibong puna na nakakabit sa kabataan ngayon, gaano nga ba natin
sila kakilala? Nararapat bang ikahon sila sa iisang imahen? Hindi maitatangging maraming
kabataan ngayon ang nagdudulot ng sakit sa lipunan subalit ang mali ng karamihan ay hindi
maaring ipasa sa pangkalahatan. Hindi totoong wala na ang kulturang pagmamano gayundin ang
pagsasabi ng ‘po’ at ‘opo’. Marahil wala na ang bayanihan sa mga lugar na kongkreto na ang
tahanan. Hindi na ang tipong Maria Clara ang mga dalagang Pilipina kundi ang mga modernang
Pilipina na hinubog ng panahon at pakikitalad sa lipunan makuha lamang ang pantay na karaptan
tulad ng ibang kasarian.

Sa pag-usbong ng makabagong panahon at teknolohiya, nabuksan ang mga isip at puso


ng kabataan sa makabagong imbensiyon na nagkaroon ng malakas na hatak sa paghubog ng
panibagong kultura at pamamaraan sa pangaraw-araw na gawain. Marahil ay natakpan ng
pagunlad ang ugat ng ating purong pagkakakilanlan. “Walang permanenteng bagay sa mundo
kundi ang pagbabago” ika nga. Bawat henerasiyon mula sa Silent Generation, Baby Boomers, Gen
X, Milenyals at sa panibagong usbong na Generation X ay may kaniya kaniyang kahinaan at
kalakasan. Subalit ,ang tunay na pagbabagong maituturing ay may magandang kaugalian ng
nakalipas na magsisilbing basehan ng mga susunod na henerasiyon.

You might also like