You are on page 1of 6

EPEKTO NG DEPRESYON SA KABATAAN

RATIONALE
Ang katangian ng taong may depresyon ay kasama ang
paulit-ulit na nagiging malungkutin, walang interes o pagganyak, at
negatibo kung mag-isip. Kung kaya naman ang gawa ng taong ito sa
trabaho o buhay-iskwela, at pamilya at personal na relasyon ay lubos na
apektado. Maraming mga kabataan ay nararanasan ang depresyon
tulad ng sa pag-aaral kung saan ang mga ito ay isang dahilan ng
pagkakaroon nila ng stress at depresyon. Hindi lamang sa pag- aaral
pati din sa pamilya at sa social media ang dahilan ng pagkakaroon ng
depresyon. Marami rami pa ang mga dahilan kung bakit nakakaranas ng
depresyon ang mga kabataan na kailangan nating malaman at
mapagtuunan, hindi isang biro ang pagkakaroon nito sa isang tao hindi
natin sila dapat husgahan kundi dapat natin silang intindihin at
tulungan.

LAYUNIN
Layunin ng pag-aaral na ito na mapatunayang isa sa mga
dahilan ng kawalan ng gana ng ibang maga kabataan sa pag-aaral ay
dahil sa pagkakaroon ng depresyon. Talakayin din ang pag-aral na ito
ang maga sanhi sa kung bakit nagkakaroon ng depresyon ang isang bata
at higit sa lahat, layunin ito at sa mga batang nakakaranas ng
depresyon, makapagbibigay din ang pag-aaral na ito ng kaunting
kaalaman sa kung paano mapipigil ang paglala nito at kung paano
maalis ang ganitong uri ng sakit sa mga kabataan.
MGA SULIRANIN
1. Ano ang iba’t-ibang sintomas ng pagkakaroon ng depresyon ng
mga kabataan?
2. Anu-anong mga bagay ang dapat gawin upang mapigilan ang
pagkakaroon nito?
3. Paanong nagging sanhi ang depresyon sa kawalan ng gana ng mga
kabataan sa pag-aaral?

METODOLOHIYA
Mga sintomas ng pagkakaroon ng depresyon sa kabataan.

. pagkakaroon sobra ang stress makasasama ito sa katawan at isip na


kung minsan ay nagiging sanhi ng depresyon sa isang kabataan
dumaranas ng mga pagbabago sa katawan. Ang sanhi ng stress ay
problema sa pamilya posibleng dahilan ang pambu-bully o kaya sa pag-
aaral.

. hindi masaya, nalulumbay, nalulungkot, nabibigo, o miserable halos


araw-araw

. nakakaramdam na walang kaya, walang pag-asa, o walang halaga


. nawalan ng interes sa pag-aaral ,sa mga libangan, kaibigan at
aktibidad na dating nagbibigay ng kasiyahan

. hindi makatulog nang mahimbing o sobrang matulog


. nadaragdagan o nababawasan ang timbang
. nakakaramdaman ng paghihina o laging pagod
. nahihirapang ituon ang isipan o gumawa ng mga desisyon
. naiisip ang pagpapakamatay
.mabilis magalit
. mayroong mga pisikal na sintomas, tulad ng ng mga panankit ng tiyan,
masakit ang ulo, o pananakit ng likod.

PAANO MAIIWASAN ANG DEPRESYON?

1. Mag ehersisyo 

Ang pag-ehersisyo ay nakakatulong upang maiwasan ang pag-iisip ng


mga negatibong bagay. Napatunayan na rin ng mga espesyalista na
habang nagpapawis ang isang tao ay natatanggal din ang negatibong
enerhiya sa katawan.

2. Pagkain nang maayos

Ang nutrisyon sa ating katawan ay mahalaga upang maiwasan ang


pagkakaroon ng depresyon kaya naman ugaliing kumain ng mga
masusustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay.

Bawasan ang mga pagkaing may mataas na sugar content, high-fat


foods at mga processed foods. Ugaliin din na uminom ng maraming
tubig dahil nakakatulong din ito upang maging maayos ang daloy ng
dugo.

3. Pagtulog sa tamang oras


Ayon sa National Sleep Foundation, ang mga taong may insomnia ay
mas malaki ang tyansang magkaroon ng depresyon kumpara sa mga
taong nakakatulog at nakakapagpahinga nang maayos. Dahil ang taong
may sapat na tulog ay may maganda at maayos na takbo ng pag-iisip,
physical health at mental health. Dagdag pa ang maganda at makinis na
balat.

4. Bawasan ang paggamit ng cellphone at social media

Ang mga maling impormasyon na kumakalat sa internet ay maaari rin


na maging sanhi ng depresyon. Ugaliin na lamang ang pagbabasa ng
mga libro, dyaryo o Bibliya na alam mong siyang makakatulong upang
maging masagana at positibo ang iyong pag-iisip.

5. Piliin ang kaibigan

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maiintindihan tayo ng ibang tao, hindi


rin sa lahat ng oras ay kaya natin silang pakiusapan, kaya naman piliin
natin ang ating kaibigan na alam nating makakatulong para mapabuti
tayo.

Umiwas sa mga negatibong tao na puro husga at insulto ang ibinibigay


sa iyo. Makisalamuha sa mga positibong tao dahil malaki ang
maitutulong ng mga tamang tao sa ating paligid kaya doon tayo sa mga
taong handa tayong intindihin at tulungan.

6. Komunsulta sa eksperto

Huwag ipasawalang bahala ang pagkakaroon ng depresyon, kung sa


tingin mo ay may sintomas ka na ng depresyon ay huwag nang
magdalawang isip na komunsulta sa mga espesyalista nang sa gayon ay
hindi na ito lumala pa.
Sanhi ng kawalan ng gana ang mga kabataan sa pag-aaral ay pambu-
bully sa eskwela, problema sa pamilya nakakaepekto din ito pag-aaral
ng estudyante, stress sa pag-aaral dahil sa daming mga Gawain.

INAASAHANG OUTPUT O RESULTA

Ang pagkakaroon ng depresyon ay hindi biro at hindi dapat ipagwalang


bahala dahil hindi madali ang pinagdadaanan ng sino mang
nakakaranas nito. Sila ay nangangailangan ng tulong, hindi ng
panghuhusga at panunukso. Maraming kabataan ang nararanasan ang
depresyon posibleng dahilan ng sobrang stress na dulot ng pisikal at
emosyonal na pananakit. Dahil sa depresyon maraming kabataan ang
nawawalan gana sa pag-aaral. Upang maiiwasan ang pagkakaroon ng
depresyon dapat maging positibo ka sa lahat mga bagay,makinig ka ng
musika kung may problem aka o pumunta sa paboritong lugar upang
maibsan an gang iisip sa problema, magbasa ng positibong quotes,
magbasa ng bibiblya at magsimba tuwing may samba, iisipin mo ang
pamilya mo na nagmamahal sa iyo at pangarap mo nais mong abutin.
Kung may kaibigan kang may depresyon damayan mo ito, kung may
problema man makinig ka upang maibsan ang kanyang nararamdaman.

MGA SANGGUNIAN

JW.ORG

CHAMPAIGE LOPEZ

SONSHINE MEDIA NETWORK INTERNATIONAL


PINASGLOBAL.COM

FAIRVIEW.ORG

You might also like