You are on page 1of 9

KABANATA 2

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Panimula

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy at maunawaan ang epekto ng pagkakaroon

ng OFW na magulang sa akademikong larangan ng mga magaaral sa Baitang 11 STEM, Centro

Escolar Integrated School A.P 2019-2020. Ang kaugnay na pag-aaral at literature na ito ay

nagnanais na mailahad ang mga impormasyon na nakapaloob sa paksa at ang pundasyon ng pag-

aaral.

Sinasabing ang kabataan ang pag-asa ng bayan, Ang hinaharap ng bansa ay namamalagi

sa kamay ng nakababatang henerasyon kung kaya’t ang mga magulang ay may malaking

responsilibidad sa edukasyon ng kabataan upang maging maayos at produktibong mamamayan

ang kanilang anak sa ating bansa. (Quano, 1998) binibigyang diin na ang mga magulang ay may

pangunahing tungkulin na magbigay ng edukasyon sa mga bata na naghahanda sa kanilang

buhay. Ngunit, napag-alaman na ang edukasyon ay labis na naapektuhan ng problema sa

kahirapan. Batay sa 2017 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) halos siyam na porsyento ng

tinatayang 39.2 milyong mga Pilipino na may edad 6 hanggang 24 taong gulang ay Out-of-

school Children and Youth (OSCY)

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman at kamalayan sa mambabasa

patungkol sa dahilan ng mga OFW na magtrabaho sa ibang bansa at ang epekto nito sa

akademikong larangan ng kanilang mga anak na magaaral. Saklaw nito ang General Weighted

Average (GWA) sa unang markahan ng mga respondent, study habits, buwan o taon ng

pagtatrabaho ng magulang sa ibang bansa, suliranin sa pag-aaral ng mga piling respondents.


Kahulugan ng Overseas Filipino Workers (OFW)

Ang mga Overseas Filipino Workers o OFW ay mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang

bansa. Sila’y nakikipagsalaparan sa ibang bansa para makahanap ng oportunidad sa trabaho

upang makapagbigay at matugunan nila ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Kilala

rin sila bilang Overseas Contract Workers sapagkat nagtatrabaho sila sa ibang bansa sa

pamamagitan ng isang kontrata, kasama ang kanilang employer. Ang OFW ay pinagtibay sa

ilalim ng administrasyon ni Pangulong Fidel V. Ramos upang bigyang pagkilala ang libo libong

Pilipino na nagsasakripisyo sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa ibang bansa. Ang Migrant

Workers Act of 1995 ay naglalayong protektahan at itaguyod ang kapakanan ng migranteng

manggagawa pati narin ang kanailang pamilya.

Dahilan ng Pagkakaroon ng Overseas Filipino Workers (OFW)

Ang pamilyang Pilipino na may limang miyembro ay nangangailangan ng PhP 7 337

upang matugunan ang pangunahing pangangailangan sa pagkain ng pamilya sa loob ng isang

buwan, ayon sa Philippine Statistic Authority. Tinatayang 16.1 na porsiyento, taong 2018 ang

nakararanas ng kahirapan sa pamilyang Pilipino kaya naman libo libong tao ang naghahanap ng

maayos at magandang trabaho upang magkaroon ng kita na makakapag-ahon sa pamilyang

ngunit isa sa malaking problema ng bansa ang kakulangan sa trabaho, Tumaas ang bilang ng mga

Pilipino na walang trabaho sa unang tatlong buwan o quarter ng 2018, base sa survey ng Social

Weather Stations (SWS) na ginawa mula Marso 23-27 2018. Ayon sa survey, nasa 23.9

porsiyento o mahigit kumulang 10.9 milyong Pinoy ang walang trabaho sa kasalukuyan, mas

mataas nang mahigit 8.2 puntos kumpara sa datos na 15.7 porsiyento noong Disyembre 2017.
Ngunit kahit na makahanap ng trabaho ang mga Pilipino sa loob ng bansa ay hindi parin

nasusuntentuhan ang mga pangangailangan ng mag-anak dahil sa liit ng sweldo na kinikita ng

mga Pilipino, Ayon sa Wage Order No. NCR-22 na inilathala noong nakaraang Nobyembre 7,

2018 ang bagong minimum wage rate sa Metro Manila ay P500 at P537 sa iba't ibang sektor.

Ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa sector ng non-agriculture ay nakataas sa P537.

Nananatiling malaking hamon sa pamahalaan ang paghahanap ng solusyon upang matugunan

ang pangangailangan na dagdag-trabaho, siguro’y ang kakulangan na ito ang pinaka-malaking

problema ng bansa dahil nakadikit dito ang problema sa kagutuman, kawalan ng disenteng

tirahan at higit sa lahat ang kawalan ng kakayahang makapag-aral.

At sa kadahilanang ito napupukaw ang mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa upang

matustusan ang mga gastusin ng mag-anak (Philippine Statistics Authority, 2018) Ang bilang ng

mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtrabaho sa ibang bansa mula Abril hanggang

Setyembre 2017 ay tinatayang nasa 2.3 milyon. Ang Saudi Arabia ang nangungunang bansa na

may pinakamadaming OFW tinatayang 25.4% na Filipino Workers ang nasa Saudi Arabia.

Karamihan sa mga bansa ay may pinakamababang minimum na sahod na dapat bayaran ang

lahat ng mga manggagawa. Habang ang Saudi Arabia ay walang opisyal na minimum na sahod

para sa pribadong sektor, ang pampublikong sektor ay may pinakamababang rate ng 3,000 Saudi

riyals nakatumbas ng PhP. 41 227 na maaaring maging sagot sa problema ng kagutuman,

kawalan ng disenteng tirahan at higit sa lahat kawalan ng kakayahang makapag-aral. Ang

malaking sweldo na kikitain ng mga OFW ay magiging sagot sa kakayahang at kalidad ng

edukasyon na mararanasan ng kanilang mga anak.


Epekto ng Overseas Filipino Workers (OFW)

Ang desisyon ng mga magulang na magtrabaho sa ibang bansa, upang matugunan ang

mga pangangailangan ng mag-anak ay may mabuti at masamang epekto sa pamilyang iniwan

nito lalo na sa mga magaaral. Ang mga remittance ay dumiretso sa mga pamilya, kamag-anak,

kabahayan, kaibigan. Kaya maaari nilang pagbutihin ang kanilang kalidad ng buhay lalo na sa

edukasyon. (Laura, 2017) Ang mga remittance mula sa mga dayuhang manggagawa patungong

Pilipinas ay mahalaga sa bansa. Tumutulong ito upang mapanatili ang domestic consumption at

paglaki ng bansa. Ayon sa World Bank, ang bansa ay nakatanggap ng 28.4 bilyong dolyar ng US

noong 2015.Ang mga remittance ay kumakatawan sa 10% ng Gross Domestic Product (GDP) ng

bansa. Ang mga remittances na ito ay makakatulong upang patatagin ang piso laban sa dolyar ng

US.

At dahil nga para sa kinabukasan ng kanilang mga anak ang pinaka-mabigat na rason

kung bakit nila piniling lisanin ang bansa, sila rin ang higit na nakatatanggap ng napakalalaking

mga epekto ng kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa, na pawang mga positibo at negatibo. Ang

mga positibo at negatibong epekto na ito ay nakikita sa paraan ng pamumuhay ng isang bata,

kung paano siya naging bilang isang anak at isang mag-aaral. Ilan sa mga positibong dulot ng

pangingibang bansa ng mga magulang ay ang pagkakaroon ng kakayahang mapapasok ang anak

sa isang maganda at pribadong paaralan na may magandang kalidad ng edukasyon, na hahayaang

makasali ang anak sa mga aktibidades ng paaralan na kung saan ay hindi maitatangging

kakailanganin ng pinansiyal na usapin, at higit sa lahat natutugunan ang lahat ng mga

pangangailangan ng anak sa paaralan nang hindi naghihirap sapagkat kanila itong mabilis na

natutugunan. Ngunit bagaman napakaganda at talagang positibo ang mga epektong ito, may mga

negatibo pa ring epekto ito gaya na lamang ng pagiging malayo ng loob ng anak sa kanyang
magulang, ang pagkakaroon ng walang kakayahang masubaybayan ng magulang ang kanyang

anak habang ito’y nag-aaral, at ang pagkakaroon ng posibilidad na hanapin ng presenya ng

kanyang anak sa mga panahong kailangan niyang magpatulong dito sa kanyang mga gawain sa

paaralan. Hindi maitatatuwang ang mga epektong ito ay umiiral at patuloy pa ring umiiral sa mga

kabataang mag-aaral na mayroong mga magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa para lamang sa

kanilang kinabukasan.

Pagkakaugnay ng OFW na Magulang sa Akademikong Larangan ng Mag-aaral

Ang edukasyon ng kabataan ang pinaka-mahalagang bagay na dapat ibigay at suportahan

ng magulang, tulad nga ng sinabi ni Mahatma Gandhi, “Education is the most powerful weapon

which you can use to change the world”. Nangangahulugan lamang na edukasyon ng kabataan

ang importante dahil sa kanila nakasalalay ang kinabukasan ng isang bansa kung kaya’t ang

edukasyon ang dahilan ng pagkatuto ng kabataan sa anumang kasanayan at akademikong

larangan.

(Ntitika J. L, 2014) Ang Economic status ng magulang ay labis na nakakaapekto sa pang

akademikong pagganap ng ilang mag-aaral, sa pamamagitan nito, ang ilan sa mga mag-aaral na

mula sa pamilyang Economically unstable ay may posibilidad na magkaroon ng problema sa

mga bayarin sa paaralan, samantalang ang iba naman ay walang kakayahang makabili ng mga

materyales na kinakailangan sa pag-aaral, labis na nakakapapekto ito sa performance ng mag-

aaral sa kanyang akademiks. Bukod dito, ang kakulangan ng salapi ng isang pamilya ay

naglilimita sa magulang na pag-aralin ang kanilang mga anak sa paaralan na may sapat na

kalidad at matas na pamantayan.


(Arguillas M.J & Williams L, 2010) Ang patuloy na pagtaas ng mga OFW ay siyang

patuloy na pagtaas din ng long-term separation ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Maaring magkaroon ng negatibong resulta sa edukasyon ang mag-aaral dahil sa pagkawalay ng

kanilang OFW na mgulang.

Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ng mga magulang ay maraming epekto sa batang

naiwan, naapektuhan nito ang emosyonal na aspeto ng bata, aspeto ng lipunan at ang pang-

unawa ng bata sa buhay. Ang mga respondent ay maaaring magkaroon ng alinlangan sa sarili

dahil sa kawalan at kakulangan ng pansin mula sa magulang. (Minda, 2017) Ang mga bata na

naiwan ay maaring maging materialistic sa halip na magkaroon ng mabuting ugali at maaari ding

maging rebelde sa parehong magulang.

Sintesis

Ang mga Overseas Filipino Workers na magulang ay nagsasakripisyo para sa kanilang

pamilya lalo na sa kalidad ng edukasyon na ibibigay nila sa kanilang mga anak upang mas

maging matagumpay ang kanilang buhay. Karamihan sa kanila ay piniling umalis at iwan ang

kanilang pamilya upang kumita ng malaking pera na maibibigay nila sa kanilang mga anak

ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na ang kanilang mga anak ay nahaharap sa isang mahirap na

sitwasyon na malayo sa kanila.

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maunawaan ang partikular na pagganap ng mga

mag-aaral na hindi kasama ang kanilang magulang na OFW sa kanilang akademikong larangan.
Mahalaga ang magulang na turuan, gabayan, tulungan at pamunuan ang kanilang mga

anak dahil ang isang bata ay nangangailangan ng suporta at disiplina mula sa kanilang magulang.

Responsibilidad ng mga magulang na pangalagaan ang kanilang anak, Mahirap para sa isang

mag-aaral na walang gagabay sa kaniya sa pag-aaral sapagkat bilang isang mag-aaral ay

kinakailangan mo ng tao na magtuturo sayo at ang taong pinakamahusay na kukuhaan nito ng

kaalaman ay ang magulang nito.


REFERENCES

https://www.academia.edu/37961566/THE_STUDY_HABITS_AND_ACADEMICS_PERFORMANCE_OF_ST

UDENTS_WHOS_PARENTS_ARE_OFW

https://www.academia.edu/30242126/Mga_Salik_na_Nakakaapekto_sa_Relasyon_ng_Anak_sa_Magula

ng_at_mga_Epekto_nito_sa_Pakikipag-ugnayan_sa_Pamliya

https://www.academia.edu/20155115/Effect_on_the_performance_of_the_College_students_with_OF

W_parents

https://www.academia.edu/35619155/The_Effect_of_Having_an_Overseas_Filipino_Worker_OFW_Par

ents_in_a_Students_School_Performance

https://www.academia.edu/8082714/Determinants_of_Academic_Performance_of_OFW_Children_in_

the_Division_of_San_Jose_City

https://www.academia.edu/37182167/ISOLATED_SOULS_EXPLORING_THE_EFFECTS_OF_HAVING_OFW

_PARENTS_TO_THE_CHILDREN_LEFT_BEHIND

https://www.academia.edu/37753395/THE_EFFECT_OF_SOCIO_ECONOMIC_STATUS_OF_PARENTS_ON

_THE_ACADEMIC_PERFORMANCE_OF_SECONDARY_SCHOOL_STUDENTS_IN_NIGERIA

https://www.academia.edu/428266/The_importance_of_friends_and_parents_in_health_and_academi

c_performance

https://www.academia.edu/36098550/Socio_Economic_Stuts_of_parents_and_home_environment_in

_relation_to_pupils_academic_performance
https://www.balikbayad.ph/blog/what-you-need-to-know-about-migrant-workers-and-overseas-

filipino-act-of-1995/

https://tradingeconomics.com/philippines/minimum-wages

https://www.minimum-wage.org/international/saudi-arabia

https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/survey-overseas-filipinos

https://psa.gov.ph/content/2017-survey-overseas-filipinos-results-2017-survey-overseas-filipinos

https://psa.gov.ph/poverty-press-releases/nid/138411

https://news.abs-cbn.com/news/05/01/18/bilang-ng-mga-pinoy-na-walang-trabaho-tumaas-survey

https://www.radyolaverdad.com/problema-sa-kakulangan-ng-trabaho-para-sa-mga-bagong-graduate-

patuloy-na-nireresolba-ng-pamahalaan/

You might also like