You are on page 1of 22

Pasay City South High School

Piccio Garden, Villamor Air Base Pasay City

Epekto sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral na Naghahanapbuhay ng

Senior High School ng

Pasay City South High School

Isang Pananaliksik sa:

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Aquiler, Elliah H.

Ayson, Dominique Sofitia R.

Gumaru, Kristene Airam L.

Flor, Angelo C.

Pineda, Francis Gabriel A.

Riparip, Sean Ryzel L.

Salazar, Adam Brian A.

Gng. Melanie Roxas Azor


SHS Instruktor

1
TALAAN NG MGA NILALAMAN

I. KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

A. PANIMULA…………………………………………………1
B. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN…………………….2
C. BALANGKAS KONSEPTWAL……….............................3
D. PAGLALAHAD NG SULIRANIN………..........................3-4
E. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL………………………4-5
F. SAKLAW AT DELIMITASYON……………………………5
G. KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT……………5-6
II. KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
A. MGA NAUNANG PAG-AARAL………..………………….6-7
B. MAIKLING KASAYSAYAN…….……….…………………7-9
III. KABANATA III: METODO NG PANANALIKSIK
A. PAMAMARAANG GINAMIT……..………………………9
B. PANGANGALAP NG DATOS……………………………10-11
C. INSTRUMENTO……..…………………………………….11
IV. KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA
MGA DATOS
A. RESULTA……..…………………..………..……………..16-17
V. KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. LAGOM……..…………………………..…………………18
B. KONKLUSYON……..…………………………………….19
C. REKOMENDASYON……..…………………………….20
VI. KABANATA VI: BIBLIYOGRAPI
A. SANGGUNIAN……..……………………………………21

2
KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

A. PANIMULA

Ayon kay Prof. Dr. John Dewey, ang edukasyon ay isang proseso ng mga

karanasan. Dahil ang buhay ay isang patuloy na pagyabong, tinutulungan ng

edukasyon ang pagyabong ng ating sarili nang hindi pinaghihigpitan ng edad. Ang

proseso ng pagyabong ay ang proseso ng pagsasaayos sa bawat yugto natin pati na rin

ang pagdagdag sa pagpapaunlad ng mga kasanayan.

Ang pag-aaral ay isang bahagi ng buhay ng isang tao na kailanman hindi niya

dapat sukuan. Kahit pa siya ay mahirap o mayaman iisa lang ang nais nilang

makamtam ang kaalaman na sa kanila'y yaman na magagamit nila sa kanilang paglaki't

pagtanda. Ngunit sa isang banda maraming mag-aaral ang kapos sa pera na nagiging

dahilan ng kanilang paghinto sa pag aaral. Subalit ang iba naman ay nakakaisip ng

paraan upang ang kanilang pag-aaral ay tuluyan nilang matapos at makamit ang

diplomang nais mahawakan. Ito ay sa pamamagitan ng pagtratrabaho upang ang

kanilang pangangailangan sa pag aaral ay kanilang masolusyonan. Karaniwang dahilan

ng pagtatrabaho ng mga karamihan sa mag-aaral ay ang kahirapan na kung saan

napipilitan ang ilan na magtrabaho upang makapagtapos lamang ng kanilang pag-aaral.

Tulad ng pagiging isang service crew sa kainan, kasambahay, tindera, welder at iba pa.

Maaring ito ay morning shift, mid-day shift, evening shift, overnight shift o graveyard

shift at maaaring ito ay isang summer job.

3
B. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Ang mga mag-aaral na naghahanapbuhay o working students sa Pasay City

South High School partikular sa Senior High School ay nagsasakripisyo ng oras at

katawan upang matupad ang hangarin na makapagtapos at maging matagumpay. Dahil

sa mga iba’t ibang dahilan, maaaring ito ay sa problemang pampinansyal sa pamilya,

pag-iipon para sa kolehiyo o maaaring dahil may nais na bilhin tulad ng laptop,

cellphone at iba pang mga kagustuhan. Subalit dahil sa paghahanapbuhay habang nag-

aaral ay nagkakaroon din ito ng epekto sa mga mag-aaral na naghahanapbuhay,

positibo man ito o negatibo.

Sa pamamagitan ng pananaliksik ng epekto sa pag-aaral ng naghahanapbuhay

na mga mag-aaral ng Senior High School ng Pasay City South School dito ay

malalaman kung ano nga ba ang epekto sa mga mag-aaral na naghahanapbuhay at

kung paano nga ba nila nababalanse ang kanilang pag-aaral at kanilang pagtatrabaho.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay maipamahagi sa mga mambabasa kung ano ang

nagiging epekto sa pag-aaral ng kanilang pagsasabay ng pag-aaral at pagtatrabaho.

Upang malaman din kung ano ang magiging solusyon at kung paano rin makatutulong

ang mga mambabasa sa mga mag-aaral na naghahanapbuhay.

4
C. BALANGKAS KONSEPTWAL

Sa pananaliksik na ito ay aalamin ang nagiging epekto sa pag-aaral ng mga

naghahanapbuhay na mag-aaral ng Senior High School ng Pasay City South High

School.

Impormasyon ukol sa
respondent:
mga respondente:
Magsasagawa ng Epekto sa pag-aaral ng
Edad talatanungan para sa mga naghahanapbuhay
Kasarian mga mag-aaral na na mag-aaral ng Senior
Baitang naghahanapbuhay ng High School ng Pasay
Senior High School ng City South High School
Ano ang nagiging Pasay City South High
epekto ng pagkakaroon School
ng hanapbuhay habang
nag-aaral?
nag-aaral

D. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa pananaliksik na “Epekto sa Pag-aaral ng naghahanapbuhay na mag-aaral ng

Senior High School ng Pasay City South High School.” natugunan na ang mga

sumusunod na tanong upang malaman ang epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral na

naghahanapbuhay ng Senior High School ng Pasay City South High School.

5
1.) Ano ang karaniwang trabaho ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng

Senior High School ng Pasay City South High School?

2.) Bakit kailangang magtrabaho ang mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng

Senior High School ng Pasay City South High School?

3.) Paano nababalanse ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng Senior High

School ng Pasay City South High School ang pag-aaral at pagtatrabaho?

4.) Paano nakakasabay sa mga pinag-aralan ang mga mag-aaral na

naghahanapbuhay ng Senior High School ng Pasay City South High School?

5.) Ano ang nagiging epekto sa mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng Senior

High School ng Pasay City South High School?

E. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay labis na mahalaga sa mga sumusunod:

MAG-AARAL NA NAGHAHANAPBUHAY. Upang malaman ang solusyon sa mga

nagiging epekto ng pag-aaral ukol sa pag-aaral sabay ang paghahanapbuhay.

MAG-AARAL NA HINDI NAGHAHANAPBUHAY. Upang magbigay kaalaman tungkol

sa epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay.

MAGULANG. Upang maipaalam ang nagiging epekto sa pag-aaral sa mga anak na

naghahanapbuhay habang nag-aaral

GURO. Upang maipagbigay-alam ang epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral na

naghahanapbuhay at upang matutukan ang mga mag-aaral na ito.

PAMAHALAAN. Upang maagapan at bigyang pansin ang mga naghahanapbuhay na

mag-aaral.

6
F. SAKLAW AT DELIMITASYON

Isa sa mga kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang pagbibigay kaalaman sa

mga mambabasa. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga taong nais

makaalam ng epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto sa pag-aaral ng mga

naghahanapbuhay na mag-aaral. Nakatuon ang mga reaksyon at opinyon ng mga 85

na Responde mag-aaral ng Senior High School ng Pasay City South High School na

naghahanapbuhay tungkol sa pananaliksik na ito.

G. KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

Ang mga sumusunod na mga salita o termino ay pakakahulugan para sa

madaling pag-unawa:

Working Students - mga estudyante na pinagsasabay ang pag-aaral at pagta-trabaho

Service Crew - isang grupo ng mga tao na direktang naglilingkod sa isang customer.

Maaaring ito ay sa isang hotel o restaurant.

Kasambahay - tao na ginagampanan nila ang lahat ng gawain sa bahay, mula sa

pinakamadali hanggang sa pinakamahirap.

Tindera - babae o lalake na ang trabaho ay magbenta ng mga bagay

Welder - Ang maghihinang o pagwe-welding ay siya ang nagdirikit ng dalawang piraso

ng mga metal sa pamamagitan ng init.

Morning Shift - pagtatrabaho mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon o kaya

mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

7
Mid-day Shift - ito ay ang pagtatrabaho mula 1:00 ng hapon hanggang 9 ng gabi o

kaya mula 2:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.

Evening Shift - pagtatrabaho na magsisimula ng 4:00 o 5:00 ng hapon hanggang 11:00

ng gabi o 12:00 ng hatinggabi.

Overnight Shift/Graveyard Shift - ito ay ang pagtatrabaho mula 12:00 ng hatinggabi

hanggang 7:00 ng umaga o 8:00 ng umaga.

Summer Job - pagtatrabaho tuwing bakasyon o summer vacation kung tawagin.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

A. MGA NAUNANG PAG-AARAL

Mayroon ding mga ibang tao na nakakalap ng datos at nagsagawa rin ng

masusing pagsasaliksik ukol rin sa epekto ng pag-aaral ng pagiging isang mag-aaral na

naghahanapbuhay.

Ayon sa naunang pananaliksik ni Gary Pike (2004) na ang magtrabaho ng higit

sa 20 oras kada linggo ay may negatibong epekto ito sa marka ng mga mag-aaral sa

loob man o labas ng paaralan. Ang naging kongklusyon dito ay kahit na magtrabaho ng

20 oras mahigit na maaaring makahadlang sa pagtatagumpay sa pag-aaral ng isang

mag-aaral ay madami naman itong magandang maidudulot sa iba’t ibang paraan.

Kailangan limitado lamang ang oras na dapat gugulin ng mga mag-aaral na

naghahanapbuhay sa hanapbuhay.

8
Ayon naman kay Dr. Sarah Jewel na karamihan sa mga mag-aaral na

naghahanapbuhay ay nagtatrabaho para lamang makabili ng mga luho o kagustuhan

subalit mayroon din naming mga mag-aaral na nagtatrabaho ng walang sapat na

perang panggastos para sa pangangailangan pero dahil diyan ay nagkaroon ng

negatibong epekto ito sa kanila dahil sa kawalan ng pag-asa kaya binigyan ito ng

solusyon na dapat pagtuunan ng pansin ang mga mag-aaral na ito ng gobyerno at

bigyan sila ng sapat na suporta upang maging pursigido sa parehong pag-aaral at

pagtatrabaho.

Parehong nakalapat sa mga pananaliksik na mayroon man itong negatibong

epekto sa kanilang pag-aaral ay mayroon din naman itong positibong epekto tulad ng

pagiging produktibo, maagap at disiplinado, napagsasanay at natuturuan ng mga

kasanayan para sa mga darating pang mga oportunidad at mas magandang

hanapbuhay na nakalaan para sa mga mag-aaral na nagtitiyagang naghahanapbuhay.

B. MAIKLING KASAYSAYAN

Ang Edukasyon ay isang yaman na na maituturing ng mga kabataang Pilipino,

bagama't ang lahat ay nabiyayaan ng angking talino at kakayahang magpursige, hindi

lahat ay nabiyayaan ng magandang katayuan sa buhay upang matustusan ang kanilang

pag-aaral

Ayon sa ilang mga datos mula sa DepEd at Ched, taong 1980 pataas nagsimula

ang paglobo ng bilang ng mga working students mula sa kolehiyo at hayskul. Anim sa

sampung mag-aaral sa Kolehiyo ang tinatayang bilang ng mga working students sa

kolehiyo.Samantala, lima naman sa walong mag-aaral ang tinatayang bilang ng mga

working students sa hayskul. Dala umano ng pagtaas ng mga matrikula sa mga


9
unibersidad at iba pang mga problemang pinansyal ang dahilan upang magkaroon ng

mga working students sa pilipinas. Ayon sa World Program of Action for youth

implementation in the Philippines, ang pangunahing dahilan sa pagtatrabaho ng mga

mag-aaral sa kolehiyo at hayskul ay ang kahirapan at mababang estado o katayuan sa

buhay kung saan nakararanas ng matinding kakapusang pinansyal ang isang bata para

matustusan ang kanyang pag aaral, mula sa maliliit na gastusin (baon,maikling

pagsusulit,etc.) hanggang sa malalaki (modyul, mga proyektong ipinapagawa,matrikula

etc.). Naitala din na posibleng dahilan ay ang kagustuhang makatulong ng mga mag-

aaral sa kanilang mga magulang sa pagtustos sa mga pangangailangan ng pamilya.

Kasama din ang suliranin ng maagang pagbununtis o maagang pagkakaroon ng

responsibilidad na maging isang magulang habang nag-aaral.

Taon 2004, ayon sa World Program of Action for Youth Implementation in the

Philippines, tinatayang mayroong 3,408,000 bilang ng mga working students sa bansa.

Bagama't mayroong mga maaaring masamang idulot sa oras, kalusugan at pag-aaral

ng mag-aaral ay tuloy-tuloy pa din ang pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na

nagtatrabaho. Tinatayang tumaas ang bilang nito ng 23% mula taong 1994 hanggang

taong 2013 at patuloy pa din itong nadadagdagan hanggang ngayon sa kasalukuyan.

Ngayon taong 2017, inanunsyo ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na nagsimula na

itong matugunan ang mga aplikasyon para sa Special Program ng DepEd para sa

Employment of Students (SPES) 2017. Sa isang Memorandum na ibinigay sa field,

sinabi ng DepEd na ang aplikasyon para sa programa ay binuksan simula noong

nakaraang linggo ng Pebrero. Ang deadline ng aplikasyon ay sa Marso 27. Bukod dito,

binawasan din ng departamento ng edukasyon ang minimum na edad na kinakailangan

10
ng mga mag-aaral na nais na lumahok sa trabaho sa summer job ng taong ito, upang

mapaunlakan ang mas maraming aplikante lalo na ang mga mag-aaral na nasa Senior

High School. Republic Act No. 7323 s. 1999, na susugan ng Republic Act No. 9547,

naghahangad na hikayatin ang pagtatrabaho ng mga estudyante sa mga tanggapan ng

pamahalaan sa panahon ng tag-init, sa pamamagitan ng insentibo na ipinagkaloob ng

DepEd at Department of Labor and Employment (DOLE).

KABANATA III: METODO NG PANANALIKSIK

A. PAMAMARAANG GINAMIT

Ang mga sumusunod ay ang mga pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik

upang maisagawa ang pananaliksik sa Epekto sa Pag-aaral Ng Mga Mag-aaral Na

Naghahanapbuhay ng Senior High School ng Pasay City South High School.

Nagpamahagi ng mga sarbey kwestiyoner o talatanungan ang mga mananaliksik

upang sagutin ng mga piling naghahanapbuhay na mag-aaral ng Senior High School

ng Pasay City South High School.

B. PANGANGALAP NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay nagpamahagi ng mga talatanungan sa mga mag-aaral

na naghahanapbuhay ng Senior High School ng Pasay City South High School. Sa

523 na mag-aaral ng Senior High School ng Pasay City South High School, 85 ang

rumisponde sa talatanungan na ibinigay ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral na

11
naghahanapbuhay ng Senior High School ng Pasay City South High School. Naririto

ang mga nakalap na datos ng mga mananalisik.

1. Deskripsyon ng mga Respondente

Respondente ayon sa Kasarian

KASARIAN BILANG BAHAGDAN


LALAKI 41 48%
BABAE 44 52%
KABUUAN 85 100%

Respondente ayon sa Edad

EDAD BILANG BAHAGDAN


16 33 39%
17 29 34%
18 23 27%
KABUUAN 85 100%

Respondente ayon sa Baitang

BAITANG BILANG BAHAGDAN


G11 37 44%
G12 48 56%
KABUUAN 85 100%

C. INSTRUMENTO

12
Ang mga mananaliksik ay ginamit ang mga sumusunod na instrument upang

ikompyut ang mga nakalap na datos.

“Frequency and Percentage Distribution”

Ito ay ginamit ng mga mananaliksik sa pagkompyut ng datos ng deskripsiyon

ng mga respondente, gaya ng edad, kasarian, baitang, karaniwang trabahong kinukuha

ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay, oras ng pagtatrabaho, dahilan ng

pagtatrabaho, paraan ng pagbabalanse ng trabaho at pag-aaral, gawain para

makasabay sa pinag-aaralan at ang epekto ng paghahanapbuhay ng mga mag-aaral sa

pag-aaral.

Pormula: P= (F/N)*100

Kung saan:

P= Percentage

F= Frequency

N= Kabuuang bilang ng respondente

KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA

DATOS

Ang mga mananaliksik ay ilalahad, susuriin at pagpapahalagahan ang mga datos

na kanilang nakalap sa pananaliksik ukol sa Epekto Sa Pag-aaral ng mga

Naghahanapbuhay Na Mga Mag-aaral Ng Senior High School ng Pasay City South

High School.

13
1.) “Ano ang karaniwang trabaho ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay

ng Senior High School ng Pasay City South High School?”

PAGPIPILIAN PRIKWENSYA BAHAGDAN


Service Crew 67 79%
Kasambahay 3 4%
Tindera 10 11%
Kargador 2 2%
Iba pang kasagutan 3 4%
KABUUAN 85 100%
Batay sa bahagdan, pinakamarami ang sumagot ng Service Crew bilang

karaniwang trabaho ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng Senior High School ng

Pasay City South High School.

2.) “Ilang oras nagtatrabaho ang mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng Senior

High School ng Pasay City South High School?”

PAGPIPILIAN PRIKWENSYA BAHAGDAN


1-2 oras 8 10%
3-4 oras 52 61%
6-8 oras 22 26%
9-12 oras 2 2%
Iba pang kasagutan 1 1%
KABUUAN 85 100%
Batay sa bahagdan, pinakamarami ang sumagot ng 3-4 oras bilang oras ng

pagtatrabaho ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng Senior High School ng Pasay

City South High School.

3.) “Bakit kailangang magtrabaho ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng

Senior High School ng Pasay City South High School?”

14
PAGPIPILIAN PRIKWENSYA BAHAGDAN
Panggastos sa 70 82%

pangangailangan
Pamilya 8 8%
Kinabukasan 4 4%
Kagustuhang bilhin 5 5%
Iba pang kasagutan 1 1%
KABUUAN 85 100%
Batay sa bahagdan, pinakamarami ang sumagot ng panggastos sa

pangangailangan bilang dahilan ng pagtatrabaho ng mga mag-aaral na

naghahanapbuhay ng Senior High School ng Pasay City South High School.

4.) “Paano nababalanse ng isang mag-aaral na naghahanapbuhay ng Senior High

School ng Pasay City South High School ang pag-aaral at pagtatrabaho?”

PAGPIPILIAN PRIKWENSYA BAHAGDAN


Pamamahala sa paggamit 53 62%

ng oras

Pagsasabay-sabay ng mga 5 6%

gawain
Paggawa ng plano 18 21%
Pag-oorganisa ng mga 9 11%

kakailanganin
Iba pang kasagutan 0 0%
KABUUAN 85 100%
Batay sa bahagdan, pinakamarami ang sumagot ng pamamahala sa paggamit

ng oras bilang paraan ng pagbabalanse ng pagtatrabaho at pag-aaral ng mga mag-

aaral na naghahanapbuhay ng Senior High School ng Pasay City South High School.

5.) “Alin sa mga sumusunod ang ginagawa ng isang mag-aaral na

naghahanapbuhay ng Senior High School ng Pasay City South High School?”

15
PAGPIPILIAN PRIKWENSYA BAHAGDAN
Pagsaliksik gamit ang 12 15%

Internet

Pagkonsulta sa guro 16 19%


Pagbabasa ng libro 14 16%
Pakikipag-ugnayan sa 42 49%

mga kamag-aral
Iba pang kasagutan 0 0%
KABUUAN 85 100%
Batay sa bahagdan, pinakamarami ang sumagot ng pakikipag-ugnayan sa

mga kamag-aral bilang paraan upang makahabol sa mga pinag-aralan ang mga mag-

aaral na naghahanapbuhay ng Senior High School ng Pasay City South High School.

6.) “Ano ang epekto sa pag-aaral ng paghahanapbuhay ng isang mag-aaral ng

Senior High School ng Pasay City South High School?”

PAGPIPILIAN PRIKWENSYA BAHAGDAN


Mababang grado 6 7%

Kakulangan sa mga 12 14%

natutunan
Pagpupursige sa pag- 45 53%

aaral
Pagiging madiskarte sa 20 24%

hanapbuhay
Iba pang kasagutan 2 2%
KABUUAN 85 100%
Batay sa bahagdan, pinakamarami ang sumagot ng pagpupursige sa pag-

aaral bilang epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng Senior

High School ng Pasay City South High School.

16
A. RESULTA

Ito ang resulta sa mga talatanungan matapos ang pananaliksik ng mga

mananaliksik ukol sa Epekto Sa Pag-aaral Ng Mga Naghahanapbuhay Na Mga Mag-

aaral ng Senior High School ng Pasay City South High School.

1.) Ano ang karaniwang trabaho ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng

Senior High School ng Pasay City South High School? Ang karaniwang trabaho ng

mga naghahanapbuhay na mga mag-aaral ng Senior High School ng Pasay City South

High School ay ang pagiging isang service crew tulad ng pagseserbisyo sa karinderya,

pagtulong sa salon at mga negosyo sa pamilya. Ang service crew ay ang angkop at

bagay na pasukan ng mga mag-aaral pa lamang. Madalian lamang ang proseso at mga

kakailanganin at sakto lamang ang 3-5 oras ng pagseserbisyo dito para sa mag-aaral

na naghahanapbuhay.

2.) Bakit kailangang magtrabaho ang mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng

Senior High School ng Pasay City South High School? Bukod para sa pamilya at

kagustuhan ang mga naghahanapbuhay na mga mag-aaral ng Senior High School ng

Pasay City South High School ay nagtatrabaho upang matugunan ang kanilang

pangangailangan sa buhay dahil sa kakapusan at para sa karagdagang gastusin.

3.) Paano nababalanse ng mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng Senior High

School ng Pasay City South High School ang pag-aaral at pagtatrabaho? Ang mga

naghahanapbuhay na mga mag-aaral ng Senior High School ng Pasay City South High

School ay binabalanse ang kanilang pagtatrabaho at pag-aaral sa pamamagitan ng

17
paggamit ng wasto sa kanilang oras sa pag-aaral na tumatagal ng pitong oras at

trabaho na tumatagal ng tatlo hanggang limang oras pati na rin sa kanilang sarili.

4.) Paano nakakasabay sa mga pinag-aralan ang mga mag-aaral na

naghahanapbuhay ng Senior High School ng Pasay City South High School?

Nakakasabay sa mga pinag-aralan ang mga naghahanapbuhay na mga mag-aaral ng

Senior High School ng Pasay City South High School dahil sa kanilang pakikipag-

ugnayan sa kanilang mga kamag-aral kung ano ang kailangan niyang kumpletuhin at

kung ano ang mga aralin na kanilang nakaligtaan.

5.) Ano ang epekto sa mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng Senior High

School ng Pasay City South High School?” Ang mga naghahanapbuhay na mga

mag-aaral ng Senior High School ng Pasay City South High School ay mas lalo pa na

nagpursige sapagkat sila ay nagtratrabaho habang nag-aaral. Kahit hindi ganoon

kataas ang grado basta makapag-aral ng mabuti at ipakita na hindi hadlang ang

pagtratrabaho habang nag-aaral.

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. LAGOM

Ang pag-aaral ng mga mananaliksik ay tungkol sa Epekto Sa Pag-aaral ng mga

Naghahanapbuhay Na Mga Mag-aaral Ng Senior High School ng Pasay City South

High School. Napili ang paksang ito ng mga mananaliksik upang matutukan ang mga

mag-aaral na naghahanapbuhay sa Senior High School ng Pasay City South High

School dahil makakatulong ito sa paggabay sa kanilang trabaho at pag-aaral at kung

ano ang maaaring gawin ng mga guro, kamag-aral, pati narin ang mag-aaral na

18
naghahanapbuhay mismo para sa ikabubuti ng pag-aaral at hanapbuhay ng

naghahanapbuhay na mag-aaral ng Senior High School ng Pasay City South High

School. Nais din ng mga manaliksik magbigay-alam sa mga nagnanais na maging isang

mag-aaral na naghahanapbuhay sa pagdedesisyon sa paghahanapbuhay. Ang layunin

ng mga mananaliksik ay ang pagbukas ng isipan sa mga mag-aaral na

naghahanapbuhay ang epekto ng kanilang hanapbuhay sa pag-aaral sa Senior High

School ng Pasay City South High School. Ang ginamit ng paraan ng mga mananaliksik

upang makahanap ng kasagutan sa mga katanungan ay sa pamamagitan ng

pagpapamahagi ng mga talatanungan sa mga mag-aaral na naghahanapbuhay ng

Senior High School ng Pasay City South High School. Ang epekto sa pag-aaral ng mga

mag-aaral na naghahanapbuhay ng Senior High School ng Pasay City South High

School ay mas lalo silang nagiging pursigido sa pag-aaral upang makapagtapos ng

pag-aaral at makahanap ng mas maganda pang hanapbuhay na malalaan para sa

kanila.

B. KONKLUSYON

Base sa pananaliksik na Epekto Sa Pag-aaral ng mga Naghahanapbuhay Na

Mga Mag-aaral Ng Senior High School ng Pasay City South High School ng mga

mananaliksik, makikita ang mga epekto nito sa pag-aaral. Ang paghahanapbuhay ng

mga naghahanapbuhay na mag-aaral ng Senior High School ng Pasay City South High

School ay mas napapabuti ang pag-aaral sa kadahilanang nagpupursige pa lalo at

nabibigyang atensiyon din ang paghahanapbuhay gayundin sa pag-aaral. Wala namang

bumaba ang grado at napabayaan ang pag-aaral sa mga naghahanapbuhay na mag-

aaral ng Senior High School ng Pasay City South High School. Gumagawa sila ng

19
paraan upang makahabol sa mga pinag-aralan at ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-

ugnayan sa kanilang mga kamag-aral. Malaki rin ang tulong sa mga mag-aaral na

naghahanapbuhay ang kanilang kamag-aral dahil sila ang madali nilang lapitan. Ang

mga working students din ay kayang mamahala ng oras na kanilang kakailanganin,

kung ano ang oras ng pag-aaral at kung ano ang oras ng kanilang paghahanapbuhay.

Kahit na sila ay nahihirapan na ay hindi alintana sa kanila ang paghihirap sa

pagbabalanse ng pag-aaral at paghahanapbuhay dahil sa hangarin nilang

makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng mas magandang hanapbuhay o kaya’y

upang makamit nila ang kanilang mga pangarap sa buhay. Isa sila sa mga mabuting

ehemplo na dapat tularan. Ang dapat tularan ay ang kanilang tatag at pagsusumikap sa

paghahanapbuhay upang makapaglaan ng panggastos sa kanilang pangangailangan.

C. REKOMENDASYON

Sa pananaliksik na isinagawa ng mga mananaliksik ukol sa Epekto Sa Pag-aaral Ng

Mga Naghahanapbuhay Na Mga Mag-aaral ng Senior High School ng Pasay City South

High School ay nabuo ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na mga

rekomendasyon. Sa mga nagbabalak maging mag-aaral na naghahanapbuhay, maging

responsible sa pagtratrabaho at sa pag-aaral, panatilihin ang maayos at masiglang

pangangatawan. Pag-isipan maigi at siguraduhing angkop ang trabahong papasukan.

Sa mga kamag-aral, tulungan at suportahan ang nagtratrabaho na mag-aaral upang

makahabol sa mga gawain sa paaralan katulad ng mga takdang araling, proyekto at iba

20
pa. Sa mga kasalukyang naghahanapbuhay na mag-aaral, balansehin ang pag-aaral at

trabaho upang maisagawa itong parehas ng maayos sa pamamagitan ng pamamahala

ng oras. Sa mga susunod na mananaliksik, isagawa ang pananaliksik sa tamang

paraan, pag-aksyon ng mabilis, at pagtuunan ito ng madaming oras. Sa mga paaralan,

magsagawa ng programa na makatutulong sa mgamag-aaral na naghahanapbuhay

tulad ng Open High School Program upang magkaroon ang mga mag-aaral na

naghahanapbuhay ng oras matuto habang nagtratrabaho at sa mga guro, ikonsidera

ang mga estudyanteng magtratrabaho na mas tutukan at bigyan ng payo kung ano ang

dapat gawin upang makapag-aral ng mabuti.

KABANATA VI: BIBLIYOGRAPI

A. SANGGUNIAN

Website

Guitang, Constantine.(Oktubre 13,2009).”Buhay Working Student". Pinoy na Pinoy.

https://pinoynapinoy.wordpress.com/2009/10/13/buhay-working-student/

21
JBM.(March 08, 2017).“DepEd Special Program for the Employment of Students (SPES)

2017: Requirement, Qualification, How to Apply”.http://philnewsph.com/2017/03/08/deped-

special-program-for-the-employment-of-students-spes-2017-requirement-qualification-

how-to-apply/

Aklat

Estrada, Brenda C.(March 2008).”Difficulties Encountered By Working Students: Bases

In Designing A Guide”.

Mediante, Syvil B.(May 2009). “Social Support, Spirituality and Psychological Well-

Being Of Working Students”.

Jewell, Sarah (2014). “The Impact Of Working While Studying On Educational And

Labour Market Outcomes”.

_______________ (2006). “Effects Of Employment On Student Academic Success”.

22

You might also like