You are on page 1of 22

“KARANASAN SA PAGHARAP SA MGA HAMON NG MGA MAG-

AARAL SA PAGPAPATULOY NG KURSONG IBA SA NINANAIS


NILANG GUSTONG TAHAKIN SA KOLEHIYO”

“Iprenisenta sa Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas, Dasmariñas City,


Cavite: Isang Pagsusuri sa Pananaliksik sa Filipino 2”

Mga Mananaliksik:

Reveza, Michael Ryan D.

Bonayon, Peter Jayson

Lagasca, Andrei

Lamoste, Dencel Dave

Robles, Kevin Ray

Alsisto, Joshua Job

Espuerta, Joel

Casencia, Alijah Kenneth


KABANATA I:
INTRODUKSYON

Saligang Pangkasaysayan

Sa pananaliksik na ito malalaman kung ano ang mga karanasan sa pagharap

sa mga hamon ng mga mag-aaral sa pagpapatuloy ng kursong iba sa ninanais

nilang gustong tahakin sa kolehiyo. Mababasa rito ang mga naging epekto nito sa

mga mag-aaral sa buong daigdig, sa rehiyonal at sa loob ng paaralang Kolehiyo ng

Lungsod ng Dasmarinas. Hindi matatakasan ng mga estudyanteng internasyonal

ang cultural shock at pagbabagong nararanasan nila sa kanilang pag-aaral sa US.

Samakatuwid, ang mga pagbabagong ito ay maaaring maiugnay sa proseso ng

akulturasyon. Ang mga pagbabagong ito ay nangyayari sa mga pisikal, biyolohikal,

kultural, panlipunang relasyon, at sikolohikal (pag-uugali at katayuan sa kalusugan

ng isip) na mga domain. Iminungkahi ni Berry ang isang transactional model ng

stress at coping kung saan inaakala niya na ang sikolohikal na kalusugan at

pagsasaayos ay naiimpluwensyahan ng karanasan ng akulturasyon ng isang

indibidwal, ang pagtatasa ng mga acculturative stressors, at ang mga kasanayan sa

pagkaya na ginamit. Ang proseso ng akulturasyon ay maaaring maging positibo,

pagpapabuti ng mga pagkakataon sa buhay at kalusugan ng isip ng isang tao sa

karamihan/nangingibabaw na kultura, o maaari itong maging negatibo. Ang

negatibong bahagi ng proseso ng akulturasyon ay maaaring mangyari dahil sa likas

na mapaghamong kalikasan ng pagbabago at pagbagay sa mga bagong inaasahan

sa kultura at panlipunan. Sa katulad na paraan, ang tagumpay ng isang paninirahan

o pansamantalang pananatili sa isang bagong kultura ay madalas na iniisip, sa

sikolohikal na panitikan, sa mga tuntunin ng "pagsasaayos." Ito ay maaaring


mangyari sa dalawang aspeto, katulad, psychological at sociocultural adjustment.

Ang mga sikolohikal na pagsasaayos ay tinukoy bilang nauugnay sa kalusugan ng

isip at pangkalahatang kagalingan ng migrante, samantalang ang pagsasaayos ng

sosyolohikal ay tinukoy bilang nauugnay sa mga salik sa pag-uugali at nagbibigay-

malay na nauugnay sa epektibong pagganap sa panahon ng transisyon ng cross-

cultural. (www.hindawi.com, 2015).

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “Karanasan sa Pagharap sa mga Hamon

ng mga Mag-aaral sa Pagpapatuloy ng Kursong iba sa Ninanais nilang Gustong Tahakin

sa Kolehiyo”, na naglalayong sagutin ang mga sumusunod:

1. Anu-ano ang pananaw o opinion ng mga estudyante sa kanilang kursong nakuha

na hindi nasunod sa kanilang kagustuhan.

2. Anu-ano ang mga ginawa nilang pagbabago para maka sabay sa pag-aaral ng

kursong Information System?

3. Anu – ano ang mga maaring maging rekomendasyon ng mga kasalukuyang mag-

aaral sa ganitong uri ng karanasan sa kolehiyo para sa mga estudyanteng katulad

nila?

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang perspektibo ng mga mag-aaral

patungkol sa paksang “Karanasan sa Pagharap sa mga Hamon ng mga Mag-aaral

sa Pagpapatuloy ng Kursong iba sa Ninanais nilang Gustong Tahakin sa Kolehiyo”.


Ang espesipikong mga layunin ay ang mga sumusunod:

1.) Layunin ng pag-aaral na ito na magbahagi ng kaalaman tungkol sa mga

karanasan at ginawang pagbabago ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa

ganitong uri ng itwasyon.

2.) Layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mga hamon at pagbabagong

ginawa ng mga mag-aaral sa kursong napili nila na hindi nila ninais na

tahakin sa kolehiyo.

3.) Alamin ang mga pananaw at perspektibo ng mga mag-aaral sa ginawan

nilang pagbabago at sa kanilang panibagong karanasan sa kolehiyo.

4.) . Layunin din ng pananaliksik na ito na malaman kung ano ang mga

maaaring maging rekomendasyon mga mag-aaral sa kapwa nila mag-

aaral na papasok palang sa kolehiyo.

Batayang Teoretikal

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng impormasyon batay sa teoretikal na

konsepto na may kaugnay sa paksang “Karanasan sa Pagharap sa mga Hamon ng

mga Mag-aaral sa Pagpapatuloy ng Kursong iba sa Ninanais nilang Gustong

Tahakin sa Kolehiyo”.

Sa ginawang pananaliksik, Inihayag ni John B. Skinner sa kanyang teorya na

Operant Conditioning, ang idibidwal ay nagbabago ng ugali batay sa mga karanasan

nito sa buhay. Ang isang tao ay natuto mula sa mga karanasang ito. Dagdag pa ni

Skinner sa kanyang teorya na Behaviorism, ang mga karanasang ito ay natatamo sa

pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapaligiran. Siya ay naniniwala na ang mga


tugon sa kapaligiran ay siya ang naglalarawan ng ating galaw.

(www.simplypscycholog.com, 2024)

Ang teoryang ito ay angkop sa ginawang pag-aaral, dahil ang sinasabing mga

mag-aaral na napunta sa kursong hindi nila ninais na tahakin sa kolehiyo ay isang

malaking salik sa kanilang karanasan at may malaking epekto sa kanilang

kapaligiran. Ang teoryang ito ay konektado sa pananaliksik sapagkat ang mga

karanasan at pagbabago ng mga estudyante sa kolehiyo ay isang malaking

pagsubok sakanila. Ang karanasan ng isang mag-aaral ay naka depende sa

kanyang pakikitungo sa kapwa at sa mga pagbabagong kanyang ginawa sa kanyang

kapaligiran, ang pag-aadjust sa kursong hindi ninais na kunin sa kolehiyo ay

mayroong malaking epekto sa karanasan at pagbabago sa estudyante.


Balangkas Konseptwal

Ang balangkas na konseptwal sa pag-aaral na ito ay tumutukoy sa paksang

“Karanasa sa Pagharap sa mga Hamon ng mga Mag-aaral sa Pagpapatuloy ng Kurosng

Iba sa Ninanais Nilang Gustong Tahakin sa Kolehiyo.”

Batayang Konseptwal

Pananaw ng mga Mag-aaral

Mga
Pagbabago

Nagkaroon ng
Nagkaroon ng
hindi magandang
mabuting epekto
epekto

Rekomendasyon
Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito patungkol sa paksang “Karanasnan sa Pagharap sa mga

Hamon ng mga Mag-aaral sa Pagpapatuloy sa Kursong Iba sa Ninanais Nilang Gustong

Tahakin sa Kolehiyo” ay may sakop na 12 na respondente sa Kolehiyo ng Lungsod ng

Dasmarinas (KLD) sa Kursong Batchelor of Science in Information System (BSIS), May

apat na respondente sa unang taon, apat na respondente sa pangalawang taon at apat

na respondente sa pangatlong taong etudyante sa nasabing Kolehiyo.

Ang pag-aaral na ito ay walang intensyon na maghanap ng iba pang respondente sa

labas ng nasabing paaralan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral tungkol sa “Karanasan sa Pagharap sa mga Hamon ng mga Mag-

aaral sa Pagpapatuloy ng Kursong iba sa Ninanais nilang Gustong Tahakin sa Kolehiyo,

ay nagbibigay ng mga dagdag na kaalaman para sa mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral. Mahalaga ang ganitong uri pa-aaral upang malaman nila

kung ano ang mga karanasan at ginawang pagbabago ng mga naunang mag-aaral sa

kolehiyo sa ganitong uri ng sitwasyon. Mahalaga sa mga mag-aaral ang pananaliksik na

ito para malaman nila kung ano ang mga nagging rekomendasyon ng mga naunang

mag-aaral sa kolehiyo sa particular na isyu.

Para sa mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sakanila ng kaalaman

kung ano ang mga maaari nalang gawing paghahanda para sa kanilang mga anak na

pipili ng kurso sa kolehiyo. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng ideya sa mga

magulang kung ano ang gagawin nilang aksyon para sa kursong pipiliin ng kanilang
anak. Mahalagang magampanan ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa

kanilang mga anak na pipili ng kurso sa kolehiyo, ang pag-aaral na ito ay maaaring

magbigay sakanila ng sapat na impormasyon para sa kanilang mga dapat na gawin para

magabayan ng maayos at matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak

na papasok sa kolehiyo.

Para sa mga guro. Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa ating mga kaguruan para

magkaroon sila ng ideya kung pano sila mag-aadjust para sa mga estudyanteng napunta

sa kursong hindi nito ninanais. Maaaring magkaroon ng pag-babago sa pamamaraan o

ginagawang pagtuturo ng guro sa kaniyang estudyante. Maaari din silang magbigay

gabay sa mga estudyante sa kolehiyo at mabigyan ng sapat na atensyon at suporta ang

kanilang mga mag-aaral.

Para sa mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmarinas. Ang pag-aaral

na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman para sa kanilang gagawing hakbang sa

kanilang pagpili ng kurso sa kolehiyo. Magkakaroon sila ng ideya sa kanilang mga

gagawing pagbabago at pag-adjust sa kursong kanilang kinuha sa kolehiyo na hindi nila

ninais na tahakin. Magkakaroon sila ng karagdagang kaalaman patungkol sa ganitong uri

ng isyu sa pagpapatuloy ng kursong ng hindi tugma sa kanilang kursong nais na pasukin

sa kolehiyo. Ang mga karanasanat pagbabagong ginawa ng mga naunang mag-aaral ay

maaari nilang maging sentro ng kanilang mga gagawing hakbang at pagbabago.


Kahulugan ng Terminolohiya

Ang mga terminong nakalista sa seksyong ito ay may mga kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral, nakalista ang mga terminong ginamit upang magbigay

kahulugan sa mga mambabasa.

Edukasyon. Tumutukoy sa mga konkretong aktibidad, proseso at institusyon na

naglalayong magbigay ng kaalaman, kasaysayan, at pag-unlad sa isang indibidwal.

Ito ay hindi lamang tungkol sa pagkuha ng mga akademikong kaalaman, kundi pati

na rin sa pagbuo ng mga kakayahan at pagpapaunlad ng mga pisikal, sosyal, at

emosyonal na aspeto ng tao. (www.sanaysay.ph.com, 2023).

Sa pananaliksik na ito, ginagamit ang edukasyon bilang isang pangunahing

Cultural Shock. Ang pagkabigla sa kultura ay tumutukoy sa mga damdamin ng

kawalan ng katiyakan, pagkalito, o pagkabalisa na maaaring maranasan ng mga tao

kapag lumipat sa isang bagong bansa o nakakaranas ng isang bagong kultura o

kapaligiran. Ang kultural na pagsasaayos na ito ay normal at ang resulta ng pagiging

nasa isang hindi pamilyar na kapaligiran. (www.investopedia.com, 2022).

Isang pakiramdam ng pagkalito at kawalan ng katiyakan kung minsan ay may

damdamin ng pagkabalisa na maaaring makaapekto sa mga taong nalantad sa

isang dayuhan na kultura o kapaligiran nang walang sapat na paghahanda.

(Merriam-Webster.com)

Coping. Tumutukoy sa mga nakakamalay na estratehiya na ginagamit upang

mabawasan ang hindi kasiya-siyang emosyon. Ang mga diskarte sa pagharap ay

maaaring mga cognition o pag-uugali at maaaring indibidwal o panlipunan. Ang

makayanan ay ang pagharap at paglampas sa mga pakikibaka at kahirapan sa


buhay. Ito ay isang paraan para mapanatili ng mga tao ang kanilang mental at

emosyonal na kagalingan. Lahat ng tao ay may mga paraan ng paghawak ng

mahihirap na pangyayari sa buhay, at iyon ang ibig sabihin ng pagharap.

(www.Wikipedia.com, 2022)

Harapin at subukang malampasan ang mga problema at kahirapan. (Merriam-

Webster).

Psychological. Ang salitang sikolohikal ay ginagamit upang ilarawan ang mga

bagay na pangunahin sa isip o emosyonal, ngunit maaari rin itong gamitin kapag

tumutukoy sa larangan ng sikolohiya. Maaaring interesado kang pag-aralan ang mga

sikolohikal na isyu ng kabataan at pagkabata sa kolehiyo. Mag-ingat kung may

gumagamit ng psychological warfare sa iyo. Ginagamit niya ang sarili mong

emosyon para atakihin ka tulad ng kapag may nagtangkang magkasala sa iyo sa

paggawa ng isang bagay.(www.vocabulary.com, 2024).

Ang ibig sabihin ng sikolohikal ay mental o emosyonal at pisikal. Pagkatapos

ng isang pagkabigla, ang iyong mga problema, at maging ang iyong pisikal na

pananakit, ay nagmumula sa sikolohikal na pinagmumulan sa halip na anumang

karamdaman sa katawan.(Merriam-Webster).

Karanasan. Ang karanasan ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa

pamamagitan ng paggawa ng isang bagay o gawain o pagpapanood ng ibang taong

gumagawa ng isang bagay o ng isang gawain. Isa itong pag-aaral o pagkatuto sa

pamamagitan ng mga gawa, galaw, o kilos. Ilang mga pangkat na panrelehiyon at

mga paraan ng pagtuturo ang nagpapahalaga sa pagkatuto sa pamamagitan ng

karanasan. Halimbawa, kapag may isang taong nais matuto hinggil sa larong

ahedres ang nag-aaral at ang nagtuturo ay maglalaro ng ilang mga laro ng ahedres.
Sa pamamagitan ng pagkaranas ng mga kamalian at pagkatuto mula sa mga mali,

mas natututo sila sa halip na magbasa lamang tungkol sa paglalaro ng ahedres.

(www.wikipedia.com, 2023).

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito makikita ang mga kaugnay na literatura kaugnay sa paksang,”

Karanasan sa Pagharap sa mga Hamon ng mga Mag-aaral sa Pagpapatuloy ng

Kursong Iba sa Ninanais Nilang Gustong Tahakin sa Kolehiyo”. Ang mga kaugnay

na literatura na ito ay matutulungan ang mga mananaliksik sa kanilang ginagawang

pag-aaral, at upang makapagbigay na rin ng epekto at kung ano ang mga magiging
mas epektibong solusyon sa isang suliranin. Sa madaling salita, hangarin ng mga

literature na ito at pag-aaral ang makapagbahagi ng impormasyon sa mga tao.

Kaugnay na Literatura

Ayon sap ag-aaral ni Misscheska (2010), may mga mag aaral na gustong

kumuha ng medisina, ngunit sa kawalan ng kakayahan na pang tustos sa matrikula

ay iba nalang ang kinukuha. Pangalawa ay ang walang sapat na pangastos sa

panga araw-araw, may mga mag-aaral na mas inuunang gastusan ang mga

proyekto kaysa bumili ng pagkain o meryenda para masiguro na sila ay papasa,

ngunit mahirap mag aral ng walang laman ang tiyan dahil mawawala ang

konsentrasyon ng isang estudyante at nagiging sanhi ito sa kanilang pagbagsak.

Pangatlo ay ang sobrang pag-iisip ng isang estudyante patungkol sa kanyang

pinansyal na aspeto, maaring mauwi ito sa stress kung ito ay mag patuloy, isa rin ito

sa mag papahina ng kagustuhan ng isang estudyante para magtapos.

Ayon kay Khalmer E.Stordahl (2015), Sa kanyang pagsusuri, tinalakay ang

kaugnayan ng mga salik sa pagpili ng kurso sa Kolehiyo. Kaugnay na rito ang

kasarian, kakayahan sa kolehiyo, at distansya ng tahanan mula sa Unibersidad. Ang

mga mag-aaral na ang mga tahanan ay matatagpuan malapit sa Unibersidad ay higit

na naiimpluwensyahan ng mga praktikal na alalahanin kaysa sa mga nagmula sa

mas malayong distansya, at ang mas maraming kababaihang may kakayahang

pang-akademiko ay nagpahayag ng higit na pagmamalasakit para sa mga praktikal

na pagsasaalang-alang kaysa sa mga babaeng may mababang kakayahan.

Tinalakay din dito ang epekto ng desisyon ng kanilang mga magulang sa pagpili ng

kursong kukunin ng kanilang mga anak sa kolehiyo. Sinasabi rito na isa din sa
malaking salik sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ay ang kagustuhan ng kanilang mga

magulang para sa kanilang anak.

Ayon din kay Wagner S. (n.d), ang mga educational specialist na ang nagsabi

na ang isang dahilan ng pagiging matagumpay ng isang tao sa buhay ay ang

kanyang mga magulang at suporta ng mga ito, ngunit may masamang epekto rin

ang pakikilahok ng magulang at ito ang pressure.

Ayon kay Dagang at De Mesa (2017), ang malaking impluwensiya ng

magulang sa kanilang mga anak at nakakaapekto rin sa kanilang mga desisyon sa

buhay tulad ng kanilang karehang tatahakin at ayon kay Nathalie (2006) ang

karamihan sa pinipiling kareha ng isang estudyante ay nakabase sa opinyon ng

kanyang magulang and dahil dito ay napipilitan silang kumuha ng kurso na hindi

naman nila gusto at base lamang ito sa gusto ng kanilang magulang.

Ayon naman kay Andrew Sokatch (2016), sa isinagawang pag-aaral na ito,

sinasabing ang impluwensya ng mga kaibigan ay nagiging isang salik sa pagpili ng

kursong kukunin sa kolehiyo. Ang pagiging malapit na kasangkot sa kanilang mga

kaibigan ay may posibilidad na maging kasangkot sa mga desisyon ng kanilang mga

kaibigan. kung pipiliin ng isang tao ang Nursing, mapipilitan din ang isa na pumili ng

Nursing dahil ayaw nilang maging independent. Minsan naiimpluwensyahan ng mga

kasamahan ang iba na kunin ang partikular na kursong iyon dahil iniisip nila na mas

mabuti para sa kanila na kunin ang partikular na kursong iyon. Bilang resulta, ang

pagpili na kanilang ginawa ay hindi angkop para sa kanila.

Sinang-ayunan naman ito ni Ara B. Reyes (2016), Ang salik na makaaapekto

sa pagpili ng kursong nais mong kunin sa kolehiyo ay isa talaga nga namang

malaking parte sa buhay ng isang mag-aaral dahil taon ang sasayangin kung ang
kursong mapipili mo sa kolehiyo ay hindi mo ninanais na kunin o hindi buo ang iyong

desisyon sa pagpili ng kursong iyong kinuha. Maaaring ang kursong iyong kuniha ay

kagustuhan lamang ng iyong magulang para sa iyo o kaya naman ay ang iyong mga

kaibigan na maaring maka- apekto sa pagpili mo ng kurso sa dahilan na nais mo

silang makasama ulit sa iisang paaralan o seksyon. Mahalagang pag-isipan na

mabuti at bigyan ng oras ang iyong pagdedesisyon sa pagpili ng kurso na nais

tahakin sa kolehiyo upang hindi masayang ang taon kapag nabago ang iyong isipan

at puso sa kursong tinatahak mo.

Ayon naman kay John Holland (2016), una sa lahat, ang pagpili ng karera ay

isang pagpapahayag o pagpapalawak ng pagkatao sa mundo ng trabaho na

sinusundan ng kasunod na pagkakakilanlan na may tukoy na stereotype ng trabaho.

Ang modal na oryentasyong pansarili ay isang proseso sa pag-unlad na itinatatag sa

pamamagitan ng pagmamana at kasaysayan ng buhay ng indibidwal na pagtugon sa

mga indibidwal na pangangailangan.

Sa thesis na isinagawa ni Michael Borchert na pinamagatang Salik sa Pagpili

ng Karera ng Mga Mag-aaral sa High School, sinabi ng mananaliksik na

paalalahanan niyang paalalahananan kung gaano kakumplikado ang proseso ng

pagpili ng karera ay tila isang magandang lugar upang magsimula ngunit nang

magsimula siya sa pagsasaliksik, na-hit sa kanya ang pagsasakatuparan na may iba

pang mga madiskarte na maaaring isaalang-alang na proseso ng pagpili ng Gawain

ng ating buhay. Ang pagpili ng karera ay isang patuloy na umuusbong na proseso.

Ang mga mag-aaral ay dapat na magkaroon ng kamalayan sa prosesong ito; hindi

pa ito napapekpekto.
Ayon kay Kusumuwati (2013), ang ilang mga mag-aaral ay isinasaalang -

alang ang mga kadahilanan tulad ng reputasyon sa Unibersidad at pag-asa sa

trabaho. Ang pagpili ng karera ng mag-aaral ay malapit na nauugnay sa mga

implikasyon sa pananalapi na nauugnay sa pag-aaral. Ginawa ng mga mag-aaral

ang kanilang mga pagpipilian sa pag-aaral sa pamamagitan ng paghahambing ng

kanilang gastos sa pag-aaral at ang benepisyo na nauugnay sa kanilang mga

degree pagkatapos ng pag-aaral. Samakatuwid, ang karamihan sa mga mag-aaral

Ay tumingin sa kanilang katayuang pang-ekonomiya kapag pumili ng karera. Sinabi

ni Maharaj na ang pagpopondo ay isang mahalagang kadahilanan kapag ang pagpili

ng isang karera at pagkuha ng isang bursary bilang mga nag-aaral na nagmula sa

mababang katayuang pang-ekonomiya ay nahihirapang magbayad para sa kanilang

tertiary na edukasyon.

Ayon kay Mortimer et al (2016), ang katayuan sa ekonomiya o kita ng pamilya

ay isa pang aspeto ng background ng pamilya na nakakaimpluwensya sa mga

kagustuhan sa karera ng Kabataan. Para sa mga pamilyang mababa ang kita, ang

isang malaking pamilya ay gagastos sa mga magulang ng mas kaunting pera upang

matulugan ang mga mas matatandang bata sa pag-aaral, habang ang mga mas

bata na bata ay maaring makatanggap ng higit na tulong sa pananalapi dahil mas

mababa ang pilit na pinasyal sa sandalling umalis ang mga mas matatandang bata

sa bahay.

Ayon kay Roderick et al. (2015), Itinuturing na problema ng mga mag-aaral na

magtatapos ng senior high school ang pagpili ng kurso sa kolehiyo. Ang kawalan ng

sigasig at kalooba bg isang mag-aaral ang mga dahilan kung bakit hindi nila

makamit ang kanilang nais na kurso sa kolehiyo. Matagal nang problema ng mga
mag-aaral na tutungtong sa kolehiyo ang isyung ukol dito.Sapagkat karamihan sa

kanila ay nag-aalala sa pag-iisip kung ano ang kurso na gusto nila dahil sa mga

hinaharap na suliranin.

Ayon sa The Higher Education Research Institute (2015), madalas na

nangyayari ang pagpapalit ng kurso dahil sa mga nahihirapang itaguyod ang pag-

aaral dahil sa kakulangan sa perang pinansyal. Sa mga nakalap na pag-aaral, higit

na malaki parin ang kakulangang datos patungkol sa persepsyon ng mga

estudyanteng hindi nakuha ang kursong nais sa kolehiyo.

Ayon naman sa artikulo ni Rocky Rivera, (2010),naniniwala ang mananaliksik

na ito na hindi lahat ng mag-aaral ay mayroong kakayahang makapasok sa kursong

gusto nila dahil sa Sistema ng ekonimiya ng ating bansa, kaya nagkakaroon ng

komplikadong pagdedesisyon para sa kurson pipiliin sa kolehiyo. Ang pagkakataong

pumili ng ng kurso sa kolehiyo ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit

na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nagustuhan ang

damit na nabili ay pupwede mong ibalik sa pinagbilhan o di kaya ay bawiin ang

perang ipinambili, hindi ito maaari, dahil ang oras na iyong nagamit ay alam naman

nating hindi na maibabalik kung sakaling nagunita mo sa kalagitnaan ng taon na

hindi mop ala nais ang kurso.


KABANATA III
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan na ginamit sa pag-aaral

at pagtuklas sa mga karanasan at mga ginawang pag-aadjust ng mga mag-aaral sa

kursong hindi nila ninais na tahakin sa kolehiyo. Matatagpuan sa kabanata na ito

ang disenyo ng pananaliksik na ginamit sa ginawang pag-aaral.

Disensyo ng Pananaliksik

Ang isinaagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya

ng pananaliksik. sa pamamaraang pagiinterbyu sa mga respondente para

makalikom ng mga datos na gagamitin sa pag-aaral tungkol sa mga ‘Karanasan at

Hamon sa Pagbabago na Ginawa ng mga Mag-aaral na Napunta sa Kursong hindi

nila Ninanais Tahakin sa Kolehiyo”.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na

magiging mabisa sa pagaaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na

magiging epektibo sa pananalisksik. Ginamit ang deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik dahil ito ang mas angkop na paraan sa pagkalap ng datos ng mga

mananaliksik sa ginagawang pag-aaral. Sa parang ito mas magiging maayos ang

nasabing pag-aaral.

Pamamaraan ng Pagpili ng Respondante

Upang makakuha ng mas malinaw at mas tutok na impormasyon ang mga

mga mananaliksik sa paksang “Karanasan sa Pagharao sa mga Hamon ng mga


Mag-aaral sa Pagpapatuloy ng Kursong Iba sa Ninanais nilang Gustong Tahakin sa

KOLEHIYO”, ay gumamit ang mga mananaliksik ng random sampling kung saan ang

pagpili ng respondent ay malaya at hindi sapilitan ang pag interbyu.

Ang napiling mga repondente ng mga mananaliksik ay mula sa unang taon na

may apat na respodente, pangalawang taon na mayroon ding apat na respondente

at sa ika-tatlong taon na may apat ding respondente, sa kabuuan, ang mga

mananaliksik ay mayroong labing-dalawang respondente sa kursong Bachelor of

Science in Information System (BSIS), sa paaralang Kolehiyo ng Lungsod ng

Dasmasinas.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa lamang ng pananaliksik sa ito sa

mismong lugar na nabangit, at hindi na naghanap pa ng magiging respondente sa

labas ng nasabing paaralan.

Intrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito patungkol sa “Karanasan sa Pagharap sa mga Hamon

ng mga Mag-aaral sa Pagpapatuloy ng Kursong Iba sa Ninanais Nilang Gustong

Tahakin sa Kolehiyo” ay gumamit ng paraang Interbyu o pakikipanayam bilang

pangunahing instrumento sa paglakap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral at

pagtuloy sa mga karanasan ng mga mag-aaral sa mga hamon at pagbabago na

kanilang hinarap sa pagpapatuloy ng kursong hindi nila ninais kunin sa kolehiyo. Sa

pamamaraang panayam, mas maibabahagi ng maayos at mas malaya ang mga nais

sabihin ng respondente sa mga katanungang itatanong sakanya ng mananaliksik.


Layunin ng mga mananaliksik na maging maayos at malinaw ang mga datos

na nakalap mula sa mga respondente.

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang pamamaraang pagkalap ng datos ng mga mananaliksik patungkol sa

paksang “Karanasan sa Pagharap sa mga Hamon ng mga Mag-aaral sa

Pagpapatuloy ng Kursong Iba sa Ninanais nilang Gustong Tahakin sa Kolehiyo”,

isinagawa ng mga mananaliksik ang panayam ng one is to one lamang, upang

maiwasang kumalat ang mga kompidensyal na datos o impormasyon mula sa

respondente. Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang kung paano isinagwa ang

pagkalap ng datos ng mga mananaliksik.

1.) Naghanap ang mga mananaliksik ng maaaring maging respondonte,

sakop nito ang mga mag-aaral mula sa unang taong ng IS hanggang sa Ikatlong

taon sa Kolehiyo.

2.) Mabusising pinakinggang ng mga mananaliksik ang mga sinasabi ng mga

respondete, upang walang maging mali sa pagkalap ng datos.

3.) Maayos na pinagsama-sama ang mga datos na nakuha at maayos na

inalisa ang bawat sagot ng mga respondonte sa mga katanungan ng mananaliksik.


Pag-aanalisa ng Datos

Masusing inalisa ang mga datos na nakalap upang maging kagamit-gamit ang mga

datos na ito sa paksang “Karanasan sa Pagharap sa mga Hamon ng mga Mag-aaral

sa Pagpapatuloy ng Kursong Iba sa Ninanais Nilang Gustong Tahakin sa Kolehiyo”.

Ang mga sumusunod ay ang paraan ng pag-aanalisa ng datos:

1.) Makakasigurado na ang mga mananaliksik mismo ang nagsagawa ng

pagaanalisa sa nakalap na datos upang makatiyak na wastos at kalidad ang datos

sa ipepresinta.

2.) Mabusising inayos at inimbistigahan ng mga mananaliksik ang mga sagot

ng mga respondente upang makabuo ng mas malinaw at mas maayos na datos para

sa ginawang pananaliksik.

3.) Pinagsama-sama ang mga may magkapareho o dikit na sagot at

pagkatapo ay pinag-alayan ng oras upang analisahin ang mga ito.


Gabay sa Pakikipagpanayam

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sampung katanungan para sa

gagawing interbyu. Narito ang mga katanungang aming ginamit sa paglakap ng mga

datos sa pamamagitan ng panayam o interbyu.

1.) Anu-ano ang mga nagging dahilan bakit ka napunta sa kursong hindi mo ninais

na tahakin o kunin sa kolehiyo?

2.) Marami bang pagbabago o pag-aadjust ang ginawa mo sayong sarili at sayong

kapaligiran?Bakit?

3.) Anu-ano ang mga pagsubok na nararanasan/naranasan mo sa pagpasok sa

ganitong kurso na hindi mo naman ninais na kunin sa kolehiyo?

4.) Paano mo hinaharap/hinarap ang mga hamon at pagsubok na iyong nararanasan

dulot ng ganitong uri ng sitwasyon?

5.) Paano mo hinarap ang mga pagsubok sa pagtutok sa mga pinag-aaralan sa

isang kursong hindi mo ninais na kunin sa kolehiyo?

6.) Paano nakakaepekto ang kanilang mga karanasan at hamon sa pag-aaral sa

kanilang mga pangarap at ambisyon sa buhay kung nandirito sila sa ganitong uri ng

sitwasyon?

7.) Nagkakaroon ba ng matinding epekto sayo ang ganitong uri ng sitwasyon? May

mga napansin kabang pagbabago sa sarili mo, sa pag-uugali mo o maging sa

pakikipagsalamuha o pakikisama mo sa ibang tao?


8.) Ano ang pinakamahalagang hamon na hinaharap mo sa pagpatuloy ng kursong

hindi mo ninais na tahakin sa Kolehiyo?

9.) Anu-ano ang mga natutunan mo mula sa ganitong uri ng sitwasyon na mapunta

ka sa kursong hindi mo ninais na tahakin sa kolehiyo?

10.) Anu-ano ang kanilang paraan o estratehiya upang maabot ang kanilang mga

layunin at pangarap sa buhay sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakaharap?

You might also like