You are on page 1of 15

Kabanata I

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula
Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahahalagang desisyon na dapat
isalang-alang ng mga kabataan ngayon. Upang makatulong at makapagbigay ng linaw sa
mga kabataang magdidisisyon sa kanyang papasuking kurso sa kolehiyo. Dahil
naniniwala ako na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang
edukasyon lalung-lalo na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikable ang
sistema ng ating economiya para sa ating mga mamamayan dito. Kayat ang magkaroon
ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat
ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at
kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik
sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang
oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na maibabalik kung sakaling nagunita
mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala ito ang nais mong kurso.
Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi
kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga
importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat
kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring
sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon.

Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang batang magtatapos


sasekondarya ay ang pagdedesisyon sa kung anong karera ang nais niyang tahakin o
kunin sa kolehiyo. Sapagkat, ang desisyon na iyon ay makakaapekto sa
magiging buhay nila pagkatapos ng kolehiyo.Ayo n k a y R o d m a n Web b a t
R o b e r t S h e r m a n ( 1 9 8 9 ) A n g s a l i t a n g career ay maaaring tumutukoy sa
isang linya ng trabaho o sa kurso ng propesyunal na buhay ngisang
indibidwal. Ang dalawang kahulugan ng salitang ito ay nagbigay liwanag na
ang karerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinagiisipan at binuo ayon sa
sariling kagustuhan at sa pangangailangan ng lipunan samakatuwid, iba-iba
ang batayan ng bawat indibidwal ukol sa kung anong karerang nais niyang
tahakin. Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din
sa isang bokasyon-bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili pang hubugin ang
kaalaman at asal ng mga mag-aaral na siyang pagasa n gating bayan.

BALANGKAS AT TEORETIKAL AT KONSEPTWAL


Sa pananaliksik na ito pinagsisikapan ng mga mananaliksik na makahanap
na mga materyales para sa teorya at konseptwal na maaring pagbatayan sa paksang
pinag-aralan.
Maraming problema ang kinakaharap ang mga mag-aaral na maari rin
ihalintulad sa mga estudyanteng ICT sa unang taon. May mga pangumaghing problema
ang kinakaharap ng mag-aaral sa kolehiyo. Una ang problema sa pera, nagiging problema
ito ng mga mag-aaral sa kolehiyo sapagkat nauubos ang peran ng mag-aaral dahil sa
maraming pinaggagastusa, minsan pa ay hinde alam kung ng mga estudyante kung kalian
darating ang pera na ipinadala ng magulang nila kaya kung minsan ay nangungutang na
lamang siya sa kalapit na kaibigan. Ang mga mag-aaral sa kolehiyo ay mahilig gumimik
at magbarkada na hindi talaga maiiwasan kapag nandiyan ang pera na binigay ng
magulang imbes na ilaan ang pera sa paggagastusan sa pag-aaral ang iba ay ipagbibili ng
luho nila o kaya maglaro ng internet o games sa internet sa computer shop. Itong
problema na ito ay maaring ihalintulad sa estudyanteng ICT sa unang taon.
Ikalawa ang problema sa paaralan at klase, itong problema na ito ay
maihahalintulad din sa mga estudyanteng ICT sa unang taon, nagiging problema ito ng
mag-aaral dahil kadalasan ay hindi maiiwasan ang matambakan ng Gawain tulad ng
takdang aralin, proyekto, research o tesis na minsan ay dahilan ito para mapuyat at
minsan mahuli sa klase at inaantok tuwing leksyon ng kanilang propesor lalo sa bigayan
ng grado kung hindi pasang-awa na ibibigay minsan dalawang asignatura ang bagsak at
uulitin ito sa susunot na semester.

SULIRANIN
Bakit nahihirapan ang mga estudyante na pumili ng kanilang kurso sa kolehiyo?
Anu-ano ang mga balakid sa pagpili ng kurso?
Bakit mas pinili nila ang medaling kurso kahit hinde in-demand?
Makakaapekto bas a buhayy ng estudyante ang napiling kurso?

LAYUNIN
Sa Pagaaral na ito ay inaasahan ng mga mananaliksik ang?
1.)
2.)
3.)
4.)

Mabatid ang sa pagpili ng kurso


Maisaalang-alang ang sa pagpili ng kurso
Maunawaang pahalagahan ang kursong pipiliin
Mabatid ang pagpili ng kurso sa:
a.) Estudyante
b.) Magulang
c.) Komunidad

HAYPOTESIS

Malaki ang epekto ng pagpili ng kurso ng mag-aaral sa RTU Laboratory High


School.Sapagkat ditto nakasalalay ang kanilang kinabukasan at susi sa rurok ng
tagumpay ng kanilang buhay. Ito rin ang maaaring mag-ahon sa kahirapan ng kanilang
magulang. Higit sa lahat, ito ang mag-aangat ng estado ng komunidad ng kanilang
kinabibilangan.

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa saloobin at mga salik na nakaiiimpluwensya


sa pagpili ng kurso ng mga mag-aaral. Sakop ng pag-aaral na ito
n a makapangalap ng mga impormasyon at datos tungkol sa mga naiisip at
nararamdaman nila dulot ng pagpili ng kurso bilang propesyon, ano-ano
ang personal na saloobin ng mga mag-aaral ukol sa magiging bunga ng
pagpili nila ng kurso sa kolehiyo, at sa kung ano-ano ang nakaiimpluwensya
sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kursongkinuha. Nilimitahan ang
pag-aaral na ito sa limampung (50) mag-aaral ng Kolehiyo sa unang taon sa
Rizal Technological University sa taong 2014-2015.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito na ukol sa mga saloobin at impluwensya ng pagpili


ng kurso ay inaasahang magbibigay ng kapakinabangan sa mga sumusunod:

Sa Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga magaaralupang mabatid nila kung sila ay tunay na desidido sa kursong kanilang napilia

M g a M a g u l a n g . Ang pagaaral na ito ay makatulong upang mas maunawaan nila ang


saloobin ng kanilang mga anak ukol sa kurong nais kunin.

Sa Mga Instruktor ng Kolehiyo ng Edukasyon. Ito ay magbibigay sa kanila ngk a a l a m a n


k u n g p a a n o n i l a g a g a b a y a n a n g k a n i l a n g m g a m a g - a a r a l . G a yu n d i n ,
k u n g paano

nila

matutulungan

ang

mag-aaral

upang

mahikayat

na

ipagpatuloy ang kursongnasimulan.

Sa mga manunulat. Ang pagaaral na ito ay maaaring magbigay ng sapat na


impormasyon sa kanilang pananaliksik ukol sa lagay ng mga estudyante na kasalukuyang
pumipili ng kurso.

KABANATA II

KONSEPTWAL NA LITERATURA

Ang mga mananaliksik ay kumalap ng mga batayan o pundasyon kaugnay sa paksa na


kanilang pinagaaralan:

Batay sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik inilathala ni Doris


Franche-Borja sa pahayagan na Pilipino Star Ngayon na nararapat na pumili ng kursong
may mataas na sahod ang piliin ayon sa pahayag ng DOLE Sec. Rosalinda Baldoz. Pilliin
ang mga kurso na nagbibigay sa kanila ng magandang pagkakataon at mataas na sweldo.

Ginagawa ng kalihin ang pahayag dahil na rin sa napipitong graduation ng daandaang libong estudyante ng sekondarya ngayong marso 2015. Payo pa ng kalihim, huwag
gayahin ng mga estudyante ang kanilang mga kaklse sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo,
kundi ang isaalang-alang ay mga in-demand na kurso.

I also advice them to refrain from choosing courses based on whats in vogue or
fashionable or to use the popular social lingo of the youth, whats trending and popular.
Just because a neighbors son or daughter will take up this or that course does not mean
you should follow suit. Paliwana g ni Secretary Baldoz. Binanggit ng kalihim ang 10
kursong may highest paying jobs base sa report ng bureau of local employment gaya ng
aviation. Banking and finance, business process outsourcing, creative industries, cyber
services, manufacturing at mining.

Inihalimbawa ng mga kalihim na ang isang art director na nasa ilalim ng creative
industries ay tumatanggap ng median salary na php69,286 kada buwan, habang ang
geologist ay nasa php64,889. Ang aircraft pilot, navigator, flight engineer ay nasa
php57,789 kada buwan. Ang mining engineer ay php55,638 kada buwan at ang computer
programmer ay nakakasweldo ng php43,573 kada buwan. Naniniwala si Sec. Baldoz na
maiiwasan ang problema sa labor mismatch kung ngayon palang ay nagiging matalino na
sa pagpili ng kurso ang mga mag-aaral.

SINTESIS

Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabukasan ng


estdyante. Kaakibat nito ng pagpili ng kursong tatahakin sapagkat ito ang nagiging
kaakibat ng indibidwal sa kanyang panghinaharapna pamumuhay. Kaya nga ang unang
taon ng estudyante sa kolehiyo ay isang mahalagang panahon para isipin nito kung tama
ba o hindi ang kursong una nilng pinipili. Maraming tanong ang maaaring pumasok sa
isipan ng tao sa bawat hakbang nito sa buhay at nasa sarili rin natin kung paano natin
itoaaksyunan.
Kung mararamdaman nilang tama ito, marapat lang na itoy kanilng ipagpatuloy,
ngunit paano kung hindi tama ang pakiramdam nila sa kursong pinili? Dito pumpasok
ang paglipat ng kurso o shifting. Ang pagpalit ng kurso ay talamak na usapan hindi
lamang sa mga estudyante, kung hindianrin sa mga guro at mga magulang ng mga taong
sangkop sa usapang ito. Marami kasing magkakaibang opinion ukol sa paksag ito,
positiboman o negatibo. Maraming sitwasyon na ibat iba sa bawat indibidwal ang

maaaring magingdahilan ng paglipat nito ng kurso. Ang iba ay nagpapaliapt ng kurso


dahil gusto nila ang kursong lilipatan, ang ilan ay dahil sa kahirapan, at mayroondin
naming trip triplamang.

KABANATA III

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamaraan upang makalap


ang mga datos sa pananaliksik na ito. Pinili ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito
sapagkat nababatid namin na kailangang masukat ang porsiyento ng bawat katanungang
aming inilahad sa respondante

INSTRUMENTO NG PAG-AARAL

Ang instrumentong ginamit ng mananaliksik sa kanilang pag-aaral ay paglikha ng


talatanungan upang makalap ang tamang impormasyon nakinakailangan. Ang
instrumento na kanilang isinasagawa upang masagot ang mga katanungan patungkol sa
mga magaaral.

MGA RESPONDANTE NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay pumili ng 50 respondante. Ang mga respondante ay


ang mga mag-aaral ng magsisipagtapos ng hayskul sa RTU Laboratory High School.

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang mananaliksik ay nagpresinta ng sarbey sa mga piling estudyante at kinalap


ito matapos nilang sagutan ang bawat katanungan nakapaloob sa aming talatanungan.
Hiniling ng mga mananaliksik na punan ang lahat ng mga nakalap na datos. Nagtakda rin
ito ng petsa ang mga mananaliksik sa mga piling tao na kanilang kakapanayamin.

ISTATISTIKAL TRITMENT NG MGA DATOS

Gumamit ang mga mananaliksik ng percentage formula para makuha ang mga
datos.
P=f/n

Na kung saan :
P = porsyento
f = frequency
n = kabuuang bilang ng respondante

PARADIMO NG PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito, ipinapakita ng pigura 1 ang persepsyon ng mga magaaral tungkol sa tamang pagpili ng kurso ng mga mag-aaral na magsisipagtapos ng
hayskul sa RTU laboratory Highschool (S.Y 2014-2015)

INPUT

PROSESO

AWTPUT

1. Pagpili ng kurso sa
kolehiyo
2. Persepsyon ng
mga mag - aaral sa
kursong kukunin sa
kolehiyo

1. Pagbibigay ng
"Survey Form"
2. Pagkuha ng mga
datos
3. Konklusyon at
lagom ng resulta ng
pag-aaral:
A. Istatistikang
Gawain
a. Pagsasama-sama
ng mga datos
b. Pagbuo ng
"Survey Form"

Mga impormasyon
ukol sa tamang
pagpili ng kurso
batay sa nakalap na
mga datos.

Pigura 1
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga mag-aaral na magsisipagtapos ng hayskul
tungkol sa pagpili ng kanilang kursong kukunin. Sa pamamagitan ng istatistikang gawain,
pinagsama-sama ang nakalap na datos mula mula sa mga talatanungang ipinasagot sa
mga mag-aaral.

PAGLALAHAD NG HAYPOTESIS

Ang pag- aaral na ginawa sa pananaliksik na ito ay lubhang


napakahalaga upang maunawaan at mas mapalawak pa ang ating
kaalaman sa tamang pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo.

TERMINOLOHIYANG GINAMIT SA PAG-AARAL

LHS (Laboratory High School) Isang mataas na paaralan sa Rizal Tehnological


Highschool.
Career - A n g s a l i t a n g career ay maaaring tumutukoy sa isang linya ng trabaho
o sa kurso ng propesyunal na buhay ngisang indibidwal. - R o d m a n Web b a t
Robert Sherman (1989).
Kolehiyo Pinakamataas na antas ng pag-aaral.
E d u k a s y o n Tu m u t u k o y s a a k a d e m i k o n g p a g - a a r a l .
Kabataan- mga taong nasa edad nasa 17 taong gulang pagbaba.

PAG P I L I N G K U R S O N G K U K U N I N S A K O L E H I Y O N G M G A M A G A A R A L S A RTU L A B O R ATO RY H I G H S C H O O L : I S A N G PAG AARAL

I s a n g P a n u k a l a n g Tes i s n a I n i h a r a p s a F a k u l t i n g K o l e h i y o n g S i n i n g
a t Ag h a m n g R i z a l Tec h n o l o g i c a l U n i v e r s i t y M a n d a l u y o n g C i t y

B i l a n g B a h a g i n g P a g t u p a d S a P a n g a n g a i l a n g a n s a As i g n a t u r a n g
F i l i p i n o I I s a i l a l i m n i D r. D o l o r e s S u n g a Tan a w a n

C A L Z A D O , J U D I T H AN N G .
R A M O S O , D AVE A.
ESCRIBE, ROBEL NOLITO B.
SEBUCAO, QUEENIE ROSE N.
GUIMERA, GEORGETTE
(MARSO 2015)

You might also like