You are on page 1of 61

IMPLUWENSYA NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MAG-AARAL

NG KOLEHIYO NG PANGANGALAKAL AT PALATUUSAN (CBAA)


NG BALIUAG UNIVERSITY

Isang Pamanahong Papel na

Iniharap sa mga Guro

ng mga Mag-aaral

Bilang Bahagi ng Katuparan ng mga Pangangailangan

sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino 200

nina

Angelica Giron

Claire Ann Sidayen

Dessiree Ann Palac

Mark Glyn Evans

Aaron Tadeo

Bren Sicat

Oktubre 2017
KABANATA 1

PANIMULA

Sa pagpili ng kurso tila magkaiba na ang larawan ng kabataan noon sa larawan ng

kabataan ngayon. Kung noon ang mga kabataan ay konserbatibo sa pagpili ng kanilang

kurso, ngayon ay hindi na ganun kakonserbatibo, kung ano na lamang ang maisipan o kung

ano ang gusto ng kaibigan ay ganun na lamang ang kukunin. Marahil ito ang dahilan kung

bakit marami sa ating mga kabataan ay taliwas ang nakuhang trabaho sa kursong kanilang

natapos. Sa kabila ng hirap ng buhay ngayon, mas marami na ang bilang ng kabataan ang

nakakapagtapos ng pag-aaral dahil sa mga iba't ibang vocational courses at sa mga state

universities. Ayon sa GMA New online, umabot na sa 10.828 milyon ang bilang ng mga

Pilipinong nasa edad ng pagtatrabaho (15 taong gulang, pataas) ang walang trabaho at yaong

underemployed, batay sa datos nitong Enero 2013.Tumaas ito ng 918,000 mula sa 9.91-

milyon noong Enero 2012, habang dumarami ang mga Pilipino na underemployed, ayon sa

pinakahuling tala ng National Statistics Office (NSO). Ayon naman sa isinagawang Labor

Force Survey (LFS) ng NSO noong Enero, umabot na sa 7.934 milyon ang bilang ng mga

underemployed mula sa 7.018 milyon noong nakaraang taon (2012). Bumaba naman umano

ang bilang ng mga walang trabaho na ngayo'y na sa 2.894 milyon. Subalit kung ipagsama

ang bilang ng underemployed at walang trabaho, aabot ito ng halos 11 porsyento ng

populasyon ng Pilipinas na sa ngayon ay 99.4 milyon, batay sa pagtataya ng National

Statistical Coordination Board (NSCB). Bumaba sa 7.1 porsyento ang unemployment rate

mula sa 7.2 porsyento noong Enero 2010, ngunit tumaas naman ang underemployment rate –
20.9 prosyento mula sa 18.8 porsyento. Pero lingid sa ating kaalaman na marami sa mga

kabataan natin ngayon ay pinipili ang kursong Bachelor of Science in Business

Administration(BSBA).

Ayon sa Boston University, ang Bachelor of Science in Business Administration

(BSBA) ay inaasahang ang mga estudyante ay maka-kumpleto ng mga aktibidad sa tinatawag

na “management” at “liberal arts”, at makakumpleto ang 129 kredits kasama pa ang iba’t

ibang pagsasanay sa pagpapalago ng propesyon. Ang mga estudyante ay kinakailangang

maka apat (4) na taon upang matapos ang kursong nabanggit. Gayon din sa Pilipinas,

kailangan matapos ang apat (4) na taon at makompleto ang 129 kredits. Nakapasok rin dito

ang iba’t ibang kursong pang negosyo. At ayon naman sa Wikipedia,ito ay ginawa upang

magkaroon ang mga estudyante ng sapat na kaalaman sa pagpapatayo ng negosyo at ipasok

sa pagdedesisyon ng tama upang makipag kompitensya sa pabagu-bagong mundo. Ang

programa ay nakatutulong sa mga estudyante na maintindihan ang galaw ng iba’t ibang uri

ng trabaho sa isang kumpanya tulad ng marketing, finance, operations, human resources, at

office management. Ang pagsasanay sa programang ito ay nakakapag palago sa pagiging

isang responsableng tagapanguna at maihanda sila sa mas matataas na posisyon na maari

nilang maabot sa darating na panahon.

Marami sa ating mag estudyante ay ito ang pinipiling kurso. Marahil sa estado ng

ating pamumuhay ngayon ay talagang kapansin–pansin ang kahirapang iniinda ng karamihan

sa atin, at sa ginawang pananaliksik, napag–alaman na ang kumukuha ng kursong nabanggit

ay pinairal lamang ang pagiging praktikal sapagkat mas madaling makahanap ng trabaho ang
mga may kursong Bachelor of Science in Business Administration (BSBA), kaysa sa ibang

kurso tulad ng Nursing, Hotel and Restaurant Management (HRM), Bachelor of Science in

Education (BSED), at marami pang iba dahil ang mga nagsipagtapos sa kursong ito ay

madaling makakapaghanap ng trabaho sapagkat maari silang mamasukan sa kahit na saan,

sapagkat ang nabanggit na kurso ay may anim (6) na pangunahing paksa: Human Resource

Development Management, Marketing Management, Operations Management, Business

Economics, Financial Management, Management Accounting, na kung saan ang mga

nakapagtapos sa mga pangunahing paksa na ito ay siya ring pangunahing kailangan sa mga

negosyo, tulad ng: Opisina, Bangko, Paaralan, Call Center at marami pang iba, gayon din sa

kadahilanang ang mga napag-aralan sa mga paksang ito ay siya ring kinakailangan sa mga

nabanggit, ngunit maliban sa mga nabanggit na dahilan, kung ang pag uusapan naman ay

patungkol sa matrikula, tiyak na mas mababa ang kursong BSBA o Bachelor of Science in

Business Administration kumpara sa mga kursong nabanggit.

Ang layon ng pananaliksik na ito ay hindi nag lalayon na ibaba ang ibang mga kurso.

Ito ay ginawa upang magbigay ng malawakang pananaw sa mga estudyante at maging sa

mga magulang. Upang magkaroon sila ng kaalaman sa pagpili ng kursong kukuhain sa

kolehiyo at upang sa hinaharap ay maiwasan ang mapabilang sa mga taong mga walang

trabaho at sa mga taong taliwas ang nakuhang trabaho sa kanilang mga natapos. Hindi

lamang iyan, mahalaga rin na dapat ang mga mag–aaral ay dapat siyasatin ang sarili kung

saan sya magaling at kung saan siya interesado, upang sa gayon ay hindi masayang o

masasayang ang pera, panahon at lakas, lalong lalo na ang paghihirap at pagsasakripisyo ng

mga magulang upang maitaguyod lamang ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa pag-asang
magtatamo ng magandang kinabukasan kapag matagumpay na makapagtapos. Ayon nga kay

Rocky Rivera, isa sa mga taong nag bibigay ulat tungkol sa mga kurso, kabilang na ang

kursong BSBA, isa din siyang manunulat at nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in

Business Management:”Ang pagpili ng kurso ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng

bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo

nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di

kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay

alam naman nating hindi na maibabalik pa kahit kalian”. Napakalinaw ng sinabi, gusto

lamang ipabatid na sa pagpili ng kurso ay hindi basta basta dapat ito ay pinag lalaanan ng

panahon at dapat din ito ay ayon sa iyong kagustuhan.

Sa pagpili ng kurso, mahalaga din na malaman ng estudyante ang impormasyon ukol

sa kursong kukuhain; kung ano ang kalamangan nito sa iba at kung ano ang naghihintay na

trabaho pagkatapos mag–aral. Layon din ng pananaliksik na ito, ay mabigyan ng kaukulang

impormasyon ang mga nagnanais na kumuha ng kursong Bachelor of Science in Business

Administration at maging sa kasalukuyang nag–aaral sa kursong ito upang mapagtanto kung

sigurado ba sila sa napiling larangan.

Samakatuwid, ang kursong Bachelor of Science in Business Administration ay hindi

limitado ang saklaw sa pagkakaroon ng trabaho na kung saan masasabing isa sa magandang

kurso na dapat kunin.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin at malaman kung bakit

sa ngayon, maraming mga kabataan ang nag kakaroon ng problema sa pagpili ng kanilang

mga propesyon o kung ano ang kanilang kukuning kurso sa kolehiyo. Hindi naman lingid sa

kaalaman na maraming kurso ang pwedeng pagpilian ng mga kabataan, tulad na lamang ng:

Hotel and Restaurant Management (HRM), Nursing, Doktor,Lawyer, Accountancy at

marami pang iba, ngunit ano nga ba ang mga dahilan kung bakit marami sa ating estudyante

ang pumipili ng Bachelor of Science in Business Management o BSBA?

1. Kaalaman ukol sa kursong Bachelor of Science in Business Administration,

1.1 Ano-ano ang mga medyor ng kursong ito?

2. Ano ang kaibahan nito sa ibang kurso?

3. Dahilan ng mga kabataan sa pagpili ng kursong Bachelor of Science in Business

Administration.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay alamin kung ano nga ba ang

kursong Bachelor of Science in Business Administration o BSBA at ang mga dahilan

kung bakit marami sa mga kabataan ito ang pinipiling kurso. Gayun din, naglalayon ang

pananaliksik na ito na bigyang impormasyon ang mga mag-aaral na may nais na kuning

propesyon ang kursong nabanggit.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Mga mag aaral - Palaging naririnig ang kataga ni Dr. Joe Rizal na, “Ang kabataan ang pag-

asa ng bayan.” na kung saan ay sinasabing, hanggat bata, hanggat kaya at may pagkakataon

pa, pilitin at pagsumikapan makapag tapos upang maiangat ang ating pamumuhay at ang

ating bayan, ang bansang Pilipinas.

Ang Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) ay isang pag aaral na

kung saan ay ang mga estudyante ay matututo ng mga tamang paraan kung paano makagawa

at makapagtayo ng isang business o negosyo. Na kung saan ay matututo sila ng mga gawi o

tinatawag na “tips” kung pano maging matagumpay sa pag nenegosyo.

Kaugnay rin ito sa mga estudyanteng magsisipagtapos ng sekondarya at papasok na

panibagong yugto ng kanilang buhay, ang buhay kolehiyo na kung saan nagkakaroon ng

problema sa pagpili ng kursong kanilang kukunin. Makakatulong ang pananalik na ito upang

mag karoon sila ng kaalaman sa kursong Bachelor of Science in Business Administration

(BSBA), kung ano ang kalamangan nito sa ibang kurso.

Mga magulang - Simula sa pagkabata, mga magulang na ang laging nakakasama. Na kung

saan ay sila ang laging umiisip sa kapakanan ng kanilang mga anak. Kung ano ba ang

makakabuti para sa mga ito.

Sa pagdating ng kolehiyo ng kanilang mga nagdadalaga o nagbibinatang mga anak,

hindi pa din sila nawawala. Nakaalalay sila sa kung ano ang gusto o nais na tapusin ng

kanilang mga anak. Kung mapili man nila o ng kanilang mga anak ang kursong Bachelor of
Science in Business Administration (BSBA), hindi nila ito mapag sisisihan. Sapagkat ang

kursong nabanggit ay isang pag aaaral na kung saan ay nakapaloob dito ang pagnenegosyo at

pag unlad. At sapat na ang mga kadahilanang ito upang mawala na ang mga pag iintindi at

pag aalala ng mga magulang sa magiging kinabukasan ng kanilang mga anak.

Mga mananaliksik sa hinaharap - Ang pananaliksik na ito ay makakatulong hindi alamang

sa mga mag-aaral, sa mga magulang, kundi mabibigyang tulong din ng pananaliksik na ito

ang mga hinaharap na mananaliksik na makakuha ng ideya ukol sa kursong Bachelor of

Science in Business Administration. Malalaman at mauunawaan nila kung ano ang kursong

nabanggit, maging ang kahalagahan nito sa mga estudyanteng tutungtong kolehiyo, pati narin

ang kalamangan nito sa iba pang mga kurso.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga dahilan ng mga mag-aaral sa pagpili ng

kursong Bachelor of Science in Business Administration ng Baliuag University. Ang mga

datos na nakalap ay ayon sa kasarian at kurso ng mga naging tagatatugon.

Saklaw lamang ng isinagawang surbey para sa pag-aaral, ang mga estudyante mula sa

unang pangkat sa unang taon (BSBA 1-1) ng kursong Bachelor of Science in Business

Administration ng Baliuag University na may bilang na limampu (dalawampung lalaki at

tatlumpung babae) ng akademikong taong 2015-2016.


DEPINISYON NG MGA KATAWAGAN O TERMINOLOHIYA

Estudyante o mag aaral - siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang

estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay. Lahat ng tao

ay dumadaan sa proseso ng pagiging estudyante. Ang mga estudante ay nangangailangan ng

mga silid-aralan at mga kagamitan pang-iskwela. Ang isang mabuting mag-aaral ay

nagsisikap na mapabuti o mapataas ang kanyang marka o grado. ang mabuting mag-aaral ay

responsable at may concern sa mga taong nasa kanyang paligid.

(https://tl.wikipedia.org/wiki/Mag-aaral)

Kurso - isang yunit ng pagtuturo sa isang paksa, pangmatagalang isa akademikong kataga.

(http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_ibig_sabihin_ng_kurso)

Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) - ay isang apat na -taong

programa na dinisenyo upang magturo ng malawak na pag ikot ng negosyo , iniaayos ang

propesyonal na mga kasanayan ng mga estudyante, palawakin ang literature sa teknolohika,

at bumuo ng pandaigdigang pananaw.

(https://www.google.com.ph/?gfe_rd=cr&ei=TyWsVvKbEOGxmQWwpLpQ&gws_rd=ssl#q

=google+translate)

Major - sa United States at Canada, ay ang akademikong disiplina na kung saan ang isang

hindi nakatapos na mag aaral pormal na nagkumita . Ang mag-aaral na matagumpay na

makumpleto ang mga kurso inireseta sa isang akademikong pangunahing ay kuwalipikado

para sa isang undergraduate degree.


(https://www.google.com.ph/?gfe_rd=cr&ei=KCusVt3KDoSnmQWUt5KQDA&gws_rd=ssl

#q=Major+course)

Operational Management - ito ay tumutukoy sa pamamahala ng mga kasanayan sa negosyo

upang lumikha ng pinakamataas na antas ng kahusayan na maaari ay nasa loob ng isang

organisasyon. Ito ay nakapaloob sa pagsalin ng mga materyales at labor sa mga kalakal at

serbisyo nang mahusay hangga't maaari, upang palakihin ang kita ng isang organisasyon.

(https://www.google.com.ph/?gfe_rd=cr&ei=xDysVsT4OeiqmQWszKy4AQ&gws_rd=ssl#q

=Operational+Management)

Financial Management - Financial management ay tumutukoy sa mahusay at epektibong

pamamahala ng pera (pondo) sa ganitong paraan upang makamit ang mga layunin ng isang

organisasyon. Ito ay mahalagang tungkulin na naka direkta kaugnay sa pinaka mataas na

namamahala.

(https://www.google.com.ph/?gfe_rd=cr&ei=xDysVsT4OeiqmQWszKy4AQ&gws_rd=sslFi

nancial%20Management#q=Financial+Management)

Management Accounting - Management Accounting ay tungkol sa pagkakaloob ng

pinansiyal na data at payo sa isang kumpanya para sa paggamit sa mga organisasyon at pag-

unlad ng kanyang negosyo.

(https://www.google.com.ph/?gfe_rd=cr&ei=xDysVsT4OeiqmQWszKy4AQ&gws_rd=Mana

gement Accounting#q= Management+Accounting)


Marketing Management - Marketing Management o Pamamahal sa marketing ay ang

pagdidisiplina sa isang organisasyon na kung saan ay naka sentro sa mga praktikal na

aplikasyon sa oryentasyon ng marketing, pamamaraan at mga pamamaraan sa loob ng isang

negosyo at organisasyon sa pamamahala ng mga mapagkukunan sa marketing ng isang

negosyo at mga gawain.

(https://www.google.com.ph/?gfe_rd=cr&ei=xDysVsT4OeiqmQWszKy4AQ&gws_rd=sslM

arketing%20Management#q=Marketing+Management)

Management - Management ay isa ding akademikong disiplina , isang karunungang

panlipunan na ang layunin ay pag-aralan ang panlipunang organisasyon .

(https://www.google.com.ph/?gfe_rd=cr&ei=xDysVsT4OeiqmQWszKy4AQ&gws_rd=sslM

anagement#q= Management)
KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral na may

ugnay sa isinasagawang pag-aaral.

KAUGNAY NA LITERATURA

Isa sa pinakamahalagang bagay sa mga tao ay ang Edukasyon. Ayon sa mga

magulang, edukasyon ang pinakamahalagang bagay na kanilang maipapamana sa kanilang

mga anak, sapagkat lumipas man ang mga araw, ang karunungan at kaalaman ay hindi

lilipas. Edukasyon lamang ang “natatanging bagay” na hindi “maagaw” nino man. Kayat

napakahalaga ng eduksyon sa bawat isa, ito ay nakakatulong upang madagdagan ang ating

kaalaman sa mga bagay bagay, hindi lamang iyon, upang mahasa rin ang angking galing,

kaalaman at talento.

Sa pagpasok sa mundo ng edukasyon o pag-aaral, maraming sektor ang dapat mong

pagdaanan. Kailangan mong tumungtong sa mababang lebel, pre-elementarya upang

makatungtong ka sa elementarya, patungo sa sekondarya at pagkatapos nito tutungo ka sa

lebel na kung saan ay kailangan mo ng pumili ng kurso na tungo sa propesyon na gusto mo

sa pagdating ng panahon, maging ang trabahong gusto mong pasukin, dito din nakasalalay

ang pagkamit mo ng iyong mga pangarap.

Hindi naman lingid sa atin na maraming kurso ang pwedeng pagpilian, katulad ng

HRM o Hotel and Restaurant Management na kung saan kailangan makatapos ng apat (4) na

taon at sinasabi na ang mga estudyante na kumukuha ng uri ng kursong ito ay napapahasa at
nabibigyang karagdagang talino at talent tulad ng sa pagluluto paggawa ng mga inumin,

pagbibigay serbisyo sa mga hotel at marami pang iba.

(http://www.scribd.com/doc/85183893/Fil-Thesis#scribd).

Kung ang pag-uusapan naman ay ang larangan ng pag-aaral at paglilingkod bilang ng

maysakit, kursong Nars o dalubhasang tagapag-alaga (o tagapangalaga) ang ugnay dito. Isa

itong trabaho at propesyon na kung saan nakatuon sa pagtulong sa mga indibidwal, mga

mag-anak, at sa mga pamayanan upang makamit, mapanatili, at mapanumbalik ang mataas

na antas ng kalusugan. Nauugnay rin ang mga nars at ang larangan ng narsing sa pag-aalaga

sa mga oras ng pagbubuntis, pagsilang, at kamatayan. Ilan lamang iyan sa mga kursong

pwedeng kunin at pagpilian. (https://tl.wikipedia.org/wiki/Narsing)

Ngunit sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahahalagang desisyon na dapat

isaalang alang ng mga kabataan ngayon. Ito ay mahalagang usapin dahil ito ang umpisa ng

kanilang buhay sa hinaharap.

Ang mga magulang ay may mahalagang papel sa desisyon ng anak lalo na kung ang

kinabukasan ng anak ang pag-uusapan. Kung anong kurso ang pipiliin ay dapat masinsinan

itong pinag-uusapan ng isang anak at ng kanyang mga magulang. Ang mga magulang ang

siyang gabay sa usaping ito. Mahalagang isaalang alang ang interes ng anak dahil ito ang

nagbibigay sa kanya ng sigla sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pagtatrabaho. Ngunit sa

lawak ng kaalaman ng mga magulang dahil sa kanilang mga karanasan ay nakabubuti para sa

anak na makinig sa desisyon ng mga magulang.


Ayon sa WikiPilipinas, ang isang estudyante ay dapat may batayan sa pagpili ng

kurso:

 Dapat Isipin kung ano ang interes mo.

- Makatutulong kung ililista ang mga bagay na kinagigiliwan mong gawin

at mula roon, isulat mo ang mga posibleng kursong maaari mong kunin.

Ang mga bagay na madalas mong pinagkakaabalahan o kinaiinggitang

ginagawa ng iba marahil ang iyong hilig.

 Alamin kung saan ka magaling

- May ibang taong hindi ganoon kagaling sa mga bagay na kanilang

kinahihiligan. Bagaman lahat naman ng bagay pwedeng matutunan, mas

magiging madali kung ang interes mo ay bagay din na nagagawa mo nang

magaling.

 Pagmunihan kung ano ang iyong mga pinahahalagahan

- Suriin ang iyong moral na kamulatan para mapili nang wasto ang kursong

gusto. Alamin kung ano nga ba ang gusto mong matamo mula sa iyong

pag-aaralan. Bukod sa materyal na bagay, ang kaganapan ng katauhan,

kabuluhan ng buhay at kasikatan ang ilan sa mga dahilan kung bakit

pinipili ng iba ang ilang kurso.

 Trabahong Makukuha

- Magsaliksik sa internet, telebisyon at radyo o kaya’y magtanong-tanong sa

ibang tao kung ano ang mainam na kursong kuhanin. Kailangan malaman

mo sa simula pa lang kung may trabaho kang makukuha mula sa kursong


iyong kukunin. Tignan mo rin kung gaano kalaki ang sahod, pirmihan ang

trabaho, ang pagod na iyong gugugulin, mga responsibilidad na haharapin

at mga benepisyong tatanggapin. Makabubuti kung may mahanap na tao o

institusyong pwedeng magpaaral sa iyo.

 Panahon

- Maging maalam sa pagbabago sa ekonomiya dahil ito ang maaaring

magdikta kung ano ang mga trabahong papatok sa partikular na panahon.

Ang isang kursong maraming kumukuha ay maaaring magpaliit ng

tyansang makakuha ng trabaho dahil maraming kakompetensiya. Baka sa

panahong matapos mo ito, kakaunti na lang ang oportunidad na natitira.

 Nilalaman ng kurso

- Rebyuhin ang nilalaman ng kurso partikular na ang paraan ng pagtuturo,

mga takdang-aralin at pagsusulit na pagdadaanan para magkaroon ng

ideya kung ano ang iyong pinapasok.

 Haba ng kurso

- Ang pagsasaalang-alang kung gaano katagal ang kurso ay mahalagang

alamin para makita kung kaya mo talagang matapos ito. Maaari mong

pagpilian kung gusto mong tapusin ang iyong kurso sa loob ng apat na

taon o dahan-dahani at patagalin pa ito. Ang haba o tagal ng kurso ay

nangangahulugan din kung gaano katas o kababa ang iyong babayaran.

 Mga Pangangailangan ng kurso


- May ilang kursong mas mataas ang standard ng talino o talentong

kailangan. Kapag sa umpisa pa lang ng aplikasyon ay hindi ka na pumasa,

baka simbolo na iyon na hindi mo kakayaning tapusin ang kurso kapag

ipinagpatuloy mo pa.

 Pinansiyal na Abilidad

- Ang pagsasaalang-alang sa pinansiyal na abilidad mong kuhanin ang

kursong nais ay isang mahalagang bagay. Isipin mo sa umpisa pa lang

kung kaya mong tugunan ang mga gastusin sa libro, field trip at iba pa.

Gayunpaman, hindi ito ang dapat na maging pangunahing sagabal sa

iyong pag-aaral dahil mayroon namang mga scholarship programs na

pwede mong aplayan at pakinabangan.

 Kalidad ng Unibersidad

- Bukod sa kurso, makatutulong din pag-isipan kung saang eskwelahan

mag-aaral. Mainam kung espesyalisasyon ng unibersidad ang kursong nais

mong pag-aralan. Ikumpara mo ang kalidad ng pasilidad, guro at kurso sa

ibang paaralan para makasigurong makukuha ang inaasahang edukasyon.

Kung possible, bisitahin ang eskwelahan at sumali sa ilang klase para

magkaroon ng ideya kung paano sila magturo at kung kaya mo bang

matuto sa ganitong paraan.

(http://fil.wikipilipinas.org/index.php/10_Bagay_na_kailangan_isaalang-

alang_bago_pumili_ng_kurso_sa_kolehiyo)
Iyan ang bilang na dapat ikunsidira ng mga estudyante sa pag-pili ng kurso. Bagamat

sa kabila ng napakaraming kursong pwedeng pagpilian, marami sa mga mag-aaral ay pinipili

ang kursong Bachelor of Science in Business Administration.

Ayon sa Boston University, ang Bachelor of Science in Business Administration

(BSBA) ay inaasahang ang mga estudyante ay maka-kumpleto ng mga aktibidad sa tinatawag

na “management” at “liberal arts”, at makakumpleto ang 129 kredits kasama pa ang iba’t

ibang pagsasanay sa pagpapalago ng propesyon. Ang mga estudyante ay kinakailangang

maka apat (4) na taon upang matapos ang kursong nabanggit. Gayon din sa Pilipinas,

kailangan matapos ang apat (4) na taon at makompleto ang 129 kredits. Nakapasok rin dito

ang iba’t ibang kursong pang negosyo. At ayon naman sa Wikipedia, ito ay ginawa upang

magkaroon ang mga estudyante ng sapat na kaalaman sa pagpapatayo ng negosyo at ipasok

sa pagdedesisyon ng tama upang makipag kompitensya sa pabagu-bagong mundo. Ang

programa ay nakatutulong sa mga estudyante na maintindihan ang galaw ng iba’t ibang uri

ng trabaho sa isang kumpanya tulad ng marketing, finance, operations, human resources, at

office management. Ang pagsasanay sa programang ito ay nakakapag palago sa pagiging

isang responsableng tagapanguna at maihanda sila sa mas matataas na posisyon na maari

nilang maabot sa darating na panahon.

(https://www.google.com.ph/search?q=ano+ang+kursong+BSBA&oq=ano+ang+kursong+B

SBA&aqs=chrome..69i57j0l2.11283j0j8&sourceid=chrome&espv=2&es_sm=93&ie=UTF-

8#q=what+is+Bachelor+of+Science+and+Business+Administration)
Ang Business Administration ay isang pangunahing kurso na kung saan ay

nagbibigay ng malawak na kaalaman sa larangan ng negosyo. Walang kinakailang tapusin o

maabot na antas sa buhay ang kursong ito. Hanggat nakapag tapos ng sekundarya, maipasa

ang mga kinakailangang papel o mga dokumento, at maipasa ang mga eksamin, maaari kang

makapasok at maging isang estudyante ng kursong nabanggit.

Ang Bachelor of Science in Business Administration o BSBA ay hindi isang mahirap

na kurso. Gaya ng iba, kinakailangan ang sipag at husay sa pag aaral at may determinasyong

matapos ang iyong pag aaral sa kolehiyo. Kaakibat nito, ay mas madali kang makakahanap

ng trabaho o maayos na mapapasukan, kaysa sa ibang hindi nakatapos o walang ideya sa

larangan ng negosyo. Ang programang Bachelor of Science in Business Administration o

BSBA ay nagawa upang magkaroon ng mga estudyanteng may sapat na kaalaman sa

pagpapatayo ng negosyo at ipasok sila sa pagdedesisyon ng tama upang makipag

kompitensya sa pabagu-bagong mundo. Ang programa ay nakatutulong sa mga estudyante na

maintindihan ang galaw ng iba’t ibang uri ng trabaho sa isang kumpanya tulad ng marketing,

finance, operations, human resources, at office management. Ang pagsasanay sa programang

ito ay nakakapag palago sa pagiging isang responsableng tagapanguna at maihanda sila sa

mas matataas na posisyon na maari nilang maabot sa darating na panahon. Ang kurso ay

nabuo upang makapabigay ng sapat na kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng isang kumpanya at

sa kabuuan nito. Tumutulong itong mahasa ang mga kasanayan ng isang mag aaral sa

larangan ng negosyo, kasama na rito ang pakikipag usap sa ib’y ibang tao na maaari nilang

makaharap
(https://en.wikipedia.org/wiki/Bachelor_of_Business_Administration)

Marami ang kalamangan ng isang estudyanteng tapos ng kursong Bachelor of Science

in Business Administration (BSBA). Ayon sa Slideshare.net ang Bachelor of Science in

Business Administration ay maituturing na isang hakbang patungo sa MBA o Master’s of

Business Administration. Sinasabi rin nasa karera ng buhay ang propesyong ito, ito ang

pinaka “fulfilling and rewarding” sa mundo. Sa lahat ng aspeto at sektor at naglalaro ng

pinakaimportante o pinakamabuluhang papel. Ang kursong nabanggit ay malaki ang

matutulong sa larangan ng negosyo o sa mundo ng pagnenegosyo sapagkat hindi madali ang

paghahanap o maghanap ng solusyon sa problema patungkol sa pagnenegosyo, sapagkat

kung kulang ang iyong kaalaman patungkol sa pagnenegosyo hindi mo madaling

masusulusyonan ang mga problema at pagsubok na iyong haharapin. Ang kursong nabanggit

ay maaaring magbukas ng malaking pinto para sa mga pagkakataon, madagdagan pa ang

kaalaman patungkol sa pagnenegosyo, maaari ring mapahusay lalo ang mga kasanayan sa

“business field industry” katulad ng business law, marketing, finance, human resource

management at accounting. Nasasaad rin sa Slideshare na ang Bachelor of Science in

Business Administration ay ang susi patungo sa tagumpay.

(http://www.slideshare.net/bachelorinit/benefits-of-bachelor-science-in-business-

administration)

Kahit na propesyonal at personal na pag-unlad ang dalawang pangunahing dahilan sa

patuloy na pagkuha ng kursong business administration. Ang kaalaman at kasanayan na

makukuha mula sa kursong ito ay maaaring maging isang susi na magkaroon ng isang
matagumpay na karera sa hinaharap. Ang kursong ito ay maaaring makatulong sa iyo na

bumuo ng mahalagang mga kasanayan tulad ng paglutas ng problema , komunikasyon,

pamamahala ng oras at leadership. Ang mga programang ito ay maaaring magbigay ng tiwala

at kompyansa para sa mga naghahangad na magtayo ng sarili nilang negosyo. Maaaring

saklaw rin ang kursong ito mula sa microeconomics, accounting fundamentals, marketing

strategy at business law. Madalas kinakalingang malaman ang ibang puntos ng industriyang

ito tulad ng mga prinsipyong pang organisasyon, pag-uugali at pananalapi. Bukod pa rito,

ang mga paksang pang edukasyon tulad ng College Algebra, pananalata at Ingles

komposisyon ay mahalaga rin.

Bachelors of Science in business administration ay kadalasang naglalaman ng mga

paksa tulad ng Ingles komposisyon, business law, college algebra at microeconomics. Sa

kabilang dako, ang mga saklaw para sa bachelor degree ay mas malawak at karaniwang

nakatutok sa pangangasiwa.Disciplines like principle, ethics at business communicaton. Ang

lahat ng ito pundasyon para sa bachelors of business administration degree. Ang mga mag-

aaral ay kinakailangan ding pag-aralan ang ilang mga paksa tulad ng leadership, team

development, sales, international business, psychology and finance management. Maliban

dito, ang mga mag-aaral din ay kailangan o maari ring kumuha ng ilang bahagi sa elective

classes. Mga klase na nag tuturo ng e-commerce at online marketing na tiyak na magiging

kalamangan, habang ang mga kursong tulad ng business planning, entrepreneurship at pati na

rin ang pag-unlad tiyak na makatulong upang makuha ang layunin na simulan ang sariling

negosyo, na kung saan ay isa sa mga pinakamahusay na pagkakataon na pangangasiwa ng

negosyo. Mas malawak na saklaw ay maaari ring makatulong upang malaman ang
managerial accounting, transaksyon, negotiations at internasyonal na marketing. Ang

management na posisyon ay hindi lamang propesyon na magagamit ng mga nakapagtapos ng

Bachelor of Science in Business Administration. Maari ring ang kursong ito ay maging

correspondence clerks, payroll, executive secretaries, word processors, library assistants,

human resource and business owners.

Bachelors of Science business administration ay nag-aalok ng maraming pagkakataon

sa karera ng buhay. Ito ang dahilan kung bakit maraming mga tao ay nais na magkaroon ng

kaalaman sa industriya na ito. Sa kabilang banda , palaging panatilihin sa isip na hindi lahat

ay maaaring makapasok dito, kaya siguraduhin na dapat ay may mga kasanayan at kakayahan

tulad ng kakayahan sa pakikipagkomunikasyon, analytical na kasanayan at interpersonal na

kasanayan.

(http://www.slideshare.net/bachelorinit/bachelors-of-business-administration-opportunities)

May 6 na pangunahing paksa o majors ang kursong Bachelor of Science in Business

Administration:

Una ay Ang Bachelor of Science in Business Administration major in Human

Resource Development Management. Ito ay isang apat na taong kursong pang kolehiyo na

kalakip ang mga isyu ng trabaho sa pamamahala ng negosyo. Ang programang ito ay

maykaalaman at kakayahan sa workforce organisasyon, pagsusuri sa trabaho, manpower

recruitment at sahod, mga tauhan na nagsasanay , mga legal na probisyon at iba pang

alalahanin patungkol sa mga gawain.


Human Resource Management (HRM) ay nakapokus sa mga tao na kabilang o

maaring maging kabilang ng oraganisasyon. Sakop rin nito ang mga deskripsyon at detalye

ng mga empleyado, katulad ng saan nagtapos, pagsasanay sa mga tauhan at pag-unlad ng

mga kasanayan at iba pang mga sistema o mga pamamaraan sa paghawak at pamamahala ng

mga tao.

Ang kurikulum ng Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) sa

Human Resource Management kasamang ang CHED – ang pangkalahatang paksa, na may

diin sa Administrative at Office Management ; Labor Law at Legislation ; Recruitment at

Selection; Training at Development ; Compensation Administration; Labor Relations at

Negotiations ; Strategic Human Resource Management ; at Organizational Development.

Ang pag aaral ng Bachelor of Science major in Human Resource Management o

HRM ay Walang mga tiyak na mga kasanayan o kakayaahn na kinakailangan, gayunman,

pagkakaroon ng ilang mga kakayahan at mga katangian ay magandang bentahe sa kursong

ito. Tulad ng:

 Kakayahan sa Pakikipag-usap - kakayahang magsulat at makipag-usap sa wikang

Ingles at sa iba pang wika ay kapaki-pakinabang , lalo na sa mga talakayan sa silid-

aralan at pag-uulat, maging sa pakikipag-usap sa iba’t ibang tao na makakasalamuha.

 Interpersonal Kasanayan - makakatulong sa pag-aaral kasama ng mga kaklase, sa

paggawa ng asignatura sa grupo at bumubuo ng koneksyon sa mga kaibigan, mga

kapwa kolehiyo at maging sa mga katrabaho.

 Kakayahan sa Organisasyon at Pamamahal ng Oras.


Sa huling taon ng BSBA sa Human Resource Management ay isang programa para sa

mga mag-aaral, kailangang lumahok sa isang practicum course bilang paghahanda para sa

hinaharap na karera. Ang Practicum ay isang hands-on, experiential 6 units, 300- oras na

kurso kung saan ang mga mag-aaral sumailalim sa On-The-Job-Training, isang ahensiya na

ilalantad ang mga ito sa mga gawain, trabaho sitwasyon at kapaligiran upang bumuo o

mahasa ang mga kinakailangang kakayahan at kasanayan sa hinaharap.

Maraming maaring trabaho ang isang estudyanteng nakapagtapos ng kursong

Bachelor of Science in Business Administration major in Human Resource Management.

Kung “fresh graduate” pa lang maari kang mamasukan sa mga trabahong hindi kailangan ng

maraming karanasan tulang ng:

 Recruitment Trainee – kung saan susuportahan ang recruitment consultant sa

pamamagitan ng pagkuha ng mga bagong empleyado para sa mga bakanteng trabaho.

 Assistant Training and Development Officer - tumutulong sa mga Training

Manager sa mga patuloy na mga gawain ng pagsasanay para sa pagpapabuti ng mga

empleyado , kasanayan, pagpapagana sa mga ito upang matupad ang mga posibleng

gawin sa loob ng organisasyon.

 Human Resource Staff - personnel office sa HR Department ng isang Company o sa

isang Recruitment agency ginagawa ang mga dokumento at mga talaan.

Ilan lamang yan sa mga trabahong maaaring kuhain ng mga “fresh graduates”. kung

may karanasan sa pagtatrabaho ngunit hindi sapat maari ka ring kumuha ng trabaho tulad na

lamang ng mga:
 Recruitment Officer – nakikipagpanayam sa mga aplikante. Sinisiyasat at sinusuri

kung tugma ang mga ito sa mga kinakailangan sa trabaho sa kumpanya.

 Training and Development Manager - humahawak sa pag-aaral at propesyonal na

pag-unlad ng workforce ng organisasyon upang magbigay ng kasangkapan sa mga

tauhan na may kaalaman, praktikal na kasanayan at pag-uudyok upang isagawa ang

trabaho na kaugnay na mga gawain.

 Careers Information Officers – Kinikilala, pinag-aralan at sinuri ang pagiging

angkop at halaga ng impormasyon na may kaugnayan sa isang karerang pang serbisyo

o karerang pang yunit ng impormasyon.

Ilan din lamang yan sa mga trabahong maaari mong kunin kung ikaw ay hindi pa

ganun katagal sa pagtatrabaho, o ang iyong karansan ay hindi pa gnun kasapat.

Kung matagal ng nagtatrabaho at maymalawak ay sapat na kakayahan at karanasan

ito ang maaari mong makuha o kuhaing trabaho:

 Recruitment Manager - responsable para makahikayat ng mga aplikante at

tumutugma ang mga ito sa pansamantala o permanenteng posisyon sa mga kumpanya,

pagbuo ng mga relasyon upang makakuha ng isang mas mahusay na pang-unawa para

sa mga pangangailangan at mga kinakailangan sa pangangalap.

 Human Resource Managers - pinamumunuan at pinapamahalaan ang human

resources organization at sinisigurado na dinidebelop ang proactive human resources ,

maging ang mga diskarte at mga hakbangin , upang makamit ang isang maayos na
pagtatrabaho, pang-industriyang kapayapaan at malakas na alyansa sa gobyerno at sa

komunidad.

 Academician - mga miyembro ng faculty, instructors, at professors sa isang

institusyon na nagbibigay ng edukasyon na lecture sa Human Resources

Management.

Ilan lamang yan at marami pangtrabaho ang maaari mong pasukan kung ikaw ay may

sapat na karanasan.

Sa larangan ng sweldo, para sa mga “Fresh graduate” na may kursong Human

Resource na nagtapos sa Pilipinas, ang suweldo na hanay para sa entry level jobs tulad HR

Assistant ay karaniwang php10,000 sa php12,000 buwanan. Posisyon para mas may

karanasan na empliyado ay nag-aalok sa pagitan php12,000-20,000 bawat buwan. At para

naman sa mataas na posisyon na nangangasiwa tulad ng HR Managers magkaroon ng isang

buwanang suweldo na php30,000 sa php45,000.

(http://www.finduniversity.ph/majors/bsba-in-human-resource-development-management-

philippines/)

Ang pangalawang major ay ang Bachelor of Science in Business Administration

major in Operations Management (BSBA-OM) ay isang apat na taong antas. Dinisenyo

upang magbigay sa mga mag-aaral na may kaalaman at kasanayan sa paglikha ng produkto,

pag-unlad, pamamahagi, substantial measurement and analysis of internal processes.


Ang BSBA in Operations Management ay isang programa na tinuturuan ang mga

mag-aaral sa kung paano ang paggawa at operasyon ng serbisyo magbigay ng kontribusyon

sa organisasyon sa larangan ng diskarte. Ang Paksang tinalakay sa kursong ito ay

kinabibilangan ng produkto at proseso ng diskarte, kapasidad, pagpaplano, lokasyon at layout

na diskarte, pinagsama-samang pagpaplano at scheduling. Ang programang ito ay

sumasaklaw din sa mga paksa sa manufacturing, pamamahala ng mga pagbili, imbentaryo,

kalidad na control, imbakan , lohistics at pagsusuri. Kung ikukumpara sa mga generic

kurikulum ng BSBA na kung saan ay isang mas malawak na negosyo sa antas ng pagko-

korporasyong pananalapi, accounting, Marketing, IT, HR, at iba pang mga paggalaw ng

negosyo. Ang programang BSBA-OM ay partikular na sa mga manufacturing at pamamahagi

sa aspeto ng isang organisasyon o negosyo na pagtatatag. Ang programang ito ay sumesentro

sa pagsasaayos at pamamahala ng mga produkto, mga proseso, mga serbisyo at sa pag-ikot

ng mga produkto.

Ang mga nagtapos sa programa na ito ay nagtatrabaho sa establisimento at mga

kumpanya na kung saan ay operations, logistics, inventory, planning, purchasing, project

management at iba pa ang trabaho. Ngunit ang major na ito at tulad ng unang major na

nabanggit, ito ay walang tiyak na mga kasanayan o kakayaahn na kinakailangan, gayunman,

pagkakaroon ng ilang mga kakayahan at mga katangian ay magandang bentahe sa kursong

ito. Tulad na lamang ng mga:


 Pagkahilig sa Matematika- halos bawat paksa sa programang ito ay

nangangailangan ng paggamit ng mga tiyak na konsepto ng matematikal at operasyon

sa gayon ito ay napakahalaga na magkaroon ng matibay na pundasyon sa matematika.

 Kakayahan sa Pagsolba ng mga Problema- ang kakayahan upang kilalanin, masuri,

lumikha ng alternatibong solusyon at malutas ang aktwal na problema.

 Kasanayan sa Analytical- ang kakayahan upang malutas ang parehong mahirap

unawain at uncomplicated na mga problema at mga konsepto at gumawa ng mga

matalinong pagpapasya at batayan sa mga maaaring gamitin na impormasyon.

 Madiskarteng Pag-iisip- ay nagsasangkot ng henerasyon at application ng mga

natatanging pananaw na tungkol sa negosyo at mga pagkakataon na inilaan upang

lumikha ng competitive advantage para sa isang kumpanya o organisasyon.

 Computer Literacy- kaalaman sa paggamit ng computer at mga kakayahang

unawaan ang mga application program.

 Kasanayan sa Interpersonal- nagbibigay-daan upang harapin ang iba't ibang mga

uri ng mga tao na bahagi ng isang koponan sa produksyon at pamamahagi ng mga

kalakal at serbisyo sa gayon ito ay mahalaga upang magtatag at magpanatili ng

positibong relasyon sa superiors, workmates at mga kliyente.

 Kasayahan sa Pakikipag-usap- kakayahang magsulat at makipag-usap sa wikang

Ingles at sa iba pang wika ay kapaki-pakinabang , lalo na sa mga talakayan sa silid-

aralan at pag-uulat, maging sa pakikipag-usap sa iba’t ibang tao na makakasalamuha.

Ang BSBA in Operations Management programa ay tumatagal ng apat na taon upang

makumpleto. Ang programa ay maaaring makumpleto sa mas mababa sa 4 na taon sa


paaralan na sundin ang trimestral kurikulum. Katulad ng ibang kurso, ang mga mag-aaral rin

ng kursong ito ay kailangang sumailalim sa OJT o On-The-Job-Training, na kung saan

mahahasa ang angking galing at madadagdagan pa ang kanilang kaalaman patungkol dito.

Ang Bachelor of Science in Business Management major in Operations Management

ay marami ring opporunidad. Ang opportunidad sa trabaho ay nahahati sa 3 para sa mga may

nais na magtrabaho:

Entry Level jobs para sa mga “fresh graduate”.

 Stock Personnel/Controller- responsable para sa daloy ng paninda mula sa punto ng

paghahatid ng mga benta o panloob na destinasyon.

 Operations Management Assistant- gumanap sa tungkulin ng pamamahala at iba

pang mga tungkulin na makakatulong sa streamline ng pang araw-araw na

pagpapatakbo ng negosyo ng isang organisasyon.

 Shipping and receiving personnel- nangangasiwa ng mga papasok at papalabas na

mga gawain sa pagpapadala upang matiyak ang katumpakan , pagkakumpleto, at

kalagayan ng mga pagpapadala

Mid/Advanced Level Position, trabaho para sa mga may karanasan at bihasa na sa

pagtatrabaho.

 Production Supervisor- paninda ng mga produkto sa pamamagitan ng pangangasiwa

sa mga tauhan; pag-aayos at pagsubaybay sa daloy ng gawain.


 Materials supervisor- responsable para sa pagpaplano , nagdidirekta o pagcoordinate

ng mga proseso ng pagbili ng mga materyales, mga produkto at serbisyo

 Project Supervisor- responsable para sa pagpaplano , pamamahala, co -ordinasyon at

pinansiyal na kontrol ng isang proyekto konstruksiyon

Ang isang taong tapos ng kursong Bachelor of Science in Business Administration major

in Operations Management ay ay maaaring makakuha ng iba't ibang mga trabaho, at ang

sweldo o sahod ay nag-iiba, depende sa posisyon, karanasan at industriya.

(http://www.finduniversity.ph/majors/bsba-major-in-operations-management-philippines/)

Ang pangatlong major ng kursong Bachelor of Science in Business Administration ay

ang Management Accounting. Ito ay isang apat na taon na degree program na pinagsasama

ang accounting, finance at management. Ang BSBA in Management Accounting ay

programa na kung saan at nagtuturo sa mga mag-aaral patungkol sa lahat ng mga operasyon ,

accounting at pinansiyal na pag-andar , sa marketing management , istraktura sa negosyo at

pamumuno sa development sa loob ng isang organisasyon.

Ang BSBA in Management Accounting program ay itinuro sa mga mag-aaral ang

kanilang dapat matutunan sa pamamagitan ng mga aralin sa silid-aralan. Ang mga mag-aaral

ay maaari ring malantad sa pang-edukasyon na pag-uusap at seminar. Bilang isang

kinakailangan para sa graduation, isang mag-aaral ay dapat makumpleto ang isang OJT o On-

The-Job-Training, upang mahasa at madagdagan ang kanilang kaalaman. At ang isang

nagtapos sa programang ito ay malamang ay nagtatrabaho sa pananalapi kagawaran ng mga


korporasyon, mga bangko, pinansiyal na institusyon, bilang isang accounting clerk, office

clerk o sa BPO industry

Katulad ng mga nabanggit, wala ring tiyak na kasanayan sa major na ito. Ngunit

gayun pa man, katulad ng sa Operations Management kailangan mo rin ng mga kasanayan

katulad patungkol sa Mathematica at Pakikipag-usap.

 Inclination to Mathematics- halos bawat paksa sa programang iti ay

nangangailangan ng paggamit ng mga tiyak na matematikal na concepts at mga

operasyon kung sa gayon ito ay napakahalaga na magkaroon ng matibay na

pundasyon sa matematika

 Kakayahan sa Pagsolba ng mga Problema- ang kakayahan upang kilalanin, masuri,

lumikha ng alternatibong solusyon at malutas ang aktwal na problema.

 Kasanayan sa Analytical- ang kakayahan upang malutas ang parehong mahirap

unawain at uncomplicated na mga problema at mga konsepto at gumawa ng mga

matalinong pagpapasya at batayan sa mga maaaring gamitin na impormasyon.

 Madiskarteng Pag-iisip- ay nagsasangkot ng henerasyon at application ng mga

natatanging pananaw na tungkol sa negosyo at mga pagkakataon na inilaan upang

lumikha ng competitive advantage para sa isang kumpanya o organisasyon.

 Computer Literacy- kaalaman sa paggamit ng computer at mga kakayahang

unawaan ang mga application program.

 Kasanayan sa Interpersonal- nagbibigay-daan upang harapin ang iba't ibang mga

uri ng mga tao na bahagi ng isang koponan sa produksyon at pamamahagi ng mga


kalakal at serbisyo sa gayon ito ay mahalaga upang magtatag at magpanatili ng

positibong relasyon sa superiors, workmates at mga kliyente.

 Kakayahan sa Pakikipag-usap- kakayahang magsulat at makipag-usap sa wikang

Ingles at sa iba pang wika ay kapaki-pakinabang , lalo na sa mga talakayan sa silid-

aralan at pag-uulat, maging sa pakikipag-usap sa iba’t ibang tao na makakasalamuha.

BSBA in Management Accounting ay medyo mahirap. May mga pangunahing pag-

aaral na paksa na maaaring natutunan na madali habang may mga paksa naman na mahirap

unawain at mahirap intindihin. Kailangan mong makumpleto ang On-The-Job-Training

(OJT), ang bilang ng mga oras na kinakailangan ay minimal kumpara sa ilang iba pang mga

kurso. Ang pinakamalaking hamon para sa kursong ito ay ang huling requirement para sa

mga magsisipagtapos kung saan kailangan mo upang makamit ang isang business plan /

feasibility study. Hindi tulad ng mga papeles ng mga undergraduate, kung saan ay mayroong

kakayahang pumili ng isang paksa na kung saan ay interesad, isang feasibility study ay

nagsasangkot ng isang mas kumplikadong proseso. Kailangan mong makahanap ng isang

tagasulong kung sino ang may mga plano ng maglikha ng isang negosyo at kumbinsihin

upang tanggapin ang iyong mga serbisyo sa negosyo kahit pa ito ay feasible o hindi.

Mga Opportunidad para sa mga may kursong Bachelor of Science in Business

Administration major in Management Accounting.

Entry Level Jobs para sa mga “fresh graduate”

 Office Assistant- sinusuportahan ang operations sa pamamagitan ng pagpapanatili ng

mga badyet, mga kagamitan, mga rekord, kagamitan, at serbisyo sa gusali.


 Clerical Assistant- sa ilalim ng direct supervision, at gumaganap ng iba't ibang mga

clerical tasks na suporta ng mga operasyon sa negosyo sa loob ng isang departamento

o dibisyon; at gumaganap na may kaugnayan na tungkulin bilang nakatalaga.

 Management Trainee- responsable para sa mga nagtatrabaho sa tabi ng mga

managers at pagtanggap ng mga delegated na pananagutan at mga tungkulin na may

layunin sa huli na magiging isang tagapamahala o manager.

Mid Job Posisyon para sa mga maykaranasan sa pagtatrabaho, ngunit hindi pa ganun ka

dalubhasa.

 Financial Analyst– aralan patungkol sa pinansiyal na impormasyon upang makabuo

ng mga pagtataya ng negosyo, industriya, at pang-ekonomiya na mga kondisyon para

sa paggamit sa paggawa ng mga desisyon pang-investment.

 Executive Assistant- naghahanda sa mga korespande, mga ulat, mga pagtatanghal, at

namamahala sa mga iskedyul ng mga executive.

 Project Manager– responsible sa pagpaplano, pamamahala, ko-ordinasyon at

pagkontrol sa pinansyal ng isang proyekto.

At para naman sa mga dalubhasa na sa pagtatrabaho at sapat na ang mga karanasan,


Advanced na Posisyon.

 Financial manager- responsable para sa pagbibigay ng pinansiyal na payo at suporta

sa mga kliyente at kasamahan upang paganahin ang mga ito upang gumawa ng tunog

sa desisyon pang negosyo.

 Finance Director- responsable para sa pagpaplano ng pananalapi, pag-iingat sa

pinansiyal na rekord, pinansiyal na pag-uulat, at ang pamamahala ng mga pinansiyal

na problema.

 Chief Executive Officer (CEO)- pinakamataas na ranggo ng executive sa isang

kumpanya na ang pangunahing responsibilidad ay kinabibilangan ng pagbuo at

pagpapatupad ng mga diskarte sa mataas na antas, paggawa ng malalaking corporate

desisyon, sa pamamahala ng mga pangkalahatang operasyon at mga mapagkukunan

ng isang kumpanya.

(http://www.finduniversity.ph/majors/bsba-in-management-accounting-philippines/)

Ang isang degree sa Management Accounting ay maaaring humantong sa isang iba't

ibang mga trabaho, at salaries ay mag-iiba lubhang depende sa ang papel na ginagampanan at

industriya kang magtrabaho sa , pati na rin ang iyong karanasan at talento.

Narito ang ilang mga kaugnay na mga trabaho at ang kanilang mga inaasahan suweldo:

I. Office Assistant:

 Fresh Grad / < 1 Year Experienced Employee: P 8,000 to P 11,000

 1-4 Years Experienced Employee: P 10,000 to P 14,000


 Supervisor / 5 Years & Up Experienced Employee: P 15,000 to P 20,000

(http://myjobstreet.jobstreet.com.ph/career-enhancer/basic-salary-

report.php?param=Office+Assistant%7C000%7Cph%7C%7Cph&src=a)

II. Bookkeeper:

 Fresh Grad / < 1 Year Experienced Employee: P 8,000 to P 12,000

 1-4 Years Experienced Employee: P 8,500 to P 15,000

 Supervisor / 5 Years & Up Experienced Employee: P 13,000 to P 20,000

(http://myjobstreet.jobstreet.com.ph/career-enhancer/basic-salary-

report.php?param=Bookkeeper||170||ph)

III. Accounting clerk:

 Fresh Grad / < 1 Year Experienced Employee: P 8,000 to P 11,500

 1-4 Years Experienced Employee: P 8,500 to P 12,900

 Supervisor / 5 Years & Up Experienced Employee: P 12,000 to P 19,000

(http://myjobstreet.jobstreet.com.ph/career-enhancer/basic-salary-

report.php?param=Accounting%20Clerk||170||ph)

IV. Financial Analyst:

 1-4 Years Experienced Employee: P 14,000 to P 19,000

 Supervisor / 5 Years & Up Experienced Employee: P 20,000 to P 28,000

(http://myjobstreet.jobstreet.com.ph/career-enhancer/basic-salary-

report.php?param=Financial+Analyst%7C000%7Cph%7C%7Cph&src=a)

V. Assistant Manager:
 P 22,250 to P 40,000 (http://myjobstreet.jobstreet.com.ph/career-enhancer/basic-

salary-report.php?param=Assistant%20Manager||170||ph)

Pang-apat ay ang Bachelor of Science in Business Administration major Marketing

Management. Ang Marketing Management ng BSBA ay ginawa upang magbigay ng

kasangkapan sa kaalaman at kasanayan para sa epektibong marketing at estratehiya sa

pagtitinda. Kung paano tinutukoy ang isang kumpanya kung ano ang produkto o serbisyo

upang magbenta, kung paano mga customer at mga merkado ay delineated sa target na

demograpiko, at ang mga pamamaraan ng pag-abot ng mga ito. Ang kursong ito ay nakatutok

sa madiskarteng mga isyu sa marketing na kung saan ang mga marketing managers ay masuri

bago iharap sa kanilang mga executive. Sa pag-aaral na maging isang mabuting marketer at

manager, matututo tumugon sa mga pangangailangan ng mga kakumpitensya, gobyerno at

iba pang malalaking sosyal na isyu. Kabilang sa mga konsepto at teoryang tatalakayin ay ang

iba’t ibang sales management, tatak, pamamahagi, e-commerce, franchising, retailing,

information technology at corporate social responsibility.

Ang programa ito ay nagbibigay ng pagkakataon upang pumunta sa ibayo ng silid-

aralan. Ang mga posibleng pag-aaral ay nangangailangan ng field work at mga panayam sa

mga maimili sa inaasahang mga target sa merkado. Bilang isang produktibong pangunahin sa

kursong BSBA, ito ay naglalayong makabuo ng mga tapos na mag-aaral upang gumana sa

mga patlang ng marketing, advertising at pananaliksik.


Katulad ng mga kurso o major na nabanggit, wala ring tiyak na kasanayan o galing,

ngunit gayun pa man may ilang mga kakayahan sa kursong ito na maari mong magamit tulad

ng mga:

 Interpersonal na Kasanayan- Dapat maunawaan ang mga pangangailangan at mga

kagustuhan ng mga iba't-ibang mga demograpiko sa lipunan upang matukoy kung ano

ang makakahikayat o makakaakit sa kanila.

 Kasanayan sa Komunikasyon- tungkol sa pagkuha ng mga mensahe sa kabuuan sa

iyong mga merkado sa mga paraan na kung saan ay makakahikayat ito.

 Pagiging malikhain- kakayahan na “tumingin sa labas ng kahon” upang mahanap

ang mga creative na solusyon para sa mga natatanging mga problema sa marketing.

 Analytical skills- makalikha ng detalyadong pag-aaral na kung saan ay

kinakailangang kuhanin ang buong sektor ng marketing at pag-aralan ito nang paisa-

isa.

Ayon sa utos ng CHED (ang opisyal na namamahala sa katawan ng mas mataas na

institusyon ng edukasyon sa Pilipinas ), ang OJT o pagsasanay ng trabaho ay kinakailangan

para sa anumang programa ng BSBA. Ang kabuuang bilang ng mga oras na itinakda para sa

internships ayon sa CHED ay 300 na oras.

Sa panahon ng programang On-The -Job training, ay itatalaga na magtrabaho sa

marketing department ng isang kumpanya at maranasan ang proseso ng epektibong

pagtataguyod ng isang produkto o isang serbisyo sa pamamagitan ng mga target na mga

merkado ng kumpanya. Ang prosesong ito ay nangangailangan ng produksyon ng mga


detalyadong pag-aaral na kung saan ikaw ay magsagawa ng mga pananaliksik at interbyu

upang magtipon ng mga datos tungkol sa pag-uugali at demand ng isang konsyumer.

Katulad ng mga kursong nabanggit, marami ring opportunidad o mga naghihintay na

trabaho para sa mga nagtapos ng kursong ito. Ngunit ang trabaho ay nakabatay kung gaano

katagal o gaano kalawak ang karanasan.

Entry Level Job, ito ay para sa mga “fresh graduate”.

 Marketing Assistant- Gumagawa sa isang team na humantong sa pamamagitan ng

marketing manager upang maabot ang pang-promosyon na mga layunin ng

kumpanya.

 Sales Account Executive - nangongolekta at namamahala ng iba't ibang mga adres

ng kliyente para sa mga kumpanya at nagtatakda buwanan at taunang kota sa

inaasahang benta.

 Digital Marketing Intern- nagpapanatili ng mga social media accounts para sa mga

kumpanya upang magkaroon ng prisensya sa internet at maibenta o mai-promote ang

kanilang mga kalakal at serbisyo sa net- savvy.

Advance Posisyon, para sa mga sapat na ang karanasan at malawak na ang kaalaman

patungkol sa kursong ito.

 Project Manager (sa Marketing)- nangangasiwa at namamahala ng mga proyekto sa

marketing sa simula ng iba’t-ibang simula ng yugto upang makumpleto sa


pamamaagitan ng paghawak sa mga grupo sa ilalim ng pagkakasunod-sunod ng

trabaho.

 Marketing Consultant- gumagalaw sa isang kumpanya upang lumikha ng mga

plano sa marketing at mga pagtataya para sa mga kliyente ng kumpanya.

 Marketing Manager- nagsasakatuparan ng mga plano sa marketing at mga programa

ng komunikasyon upang maabot ang target na kita habang pinapanatili ang

pagbabantay sa pangangailangan ng kanyang kumpanya sa merkado.

Sa Pilipinas, ang mga nakapag-tapos ng Bachelor of Science in Business Administration

(BSBA) sa Marketing Management na kung saan ay nakakapagtrabaho sa ib’t-ibang antas ay

binabayaran sa pagitan 12,000php hanggang 18,000php bawat buwan o mas mataas depende

sa kumpanya. Mayroon ding ibang mas angat na posisyon na kung saan ay maaaring makuha

ang isang suweldo ng 25,000php hangang 40,000php para sa intermediate level management

at kung minsan ay umaabot pa ng 100,000 para sa mga propesyonal at may mga karanasang

mamamahala.

IBANG BANSA:

Sa pagta-trabaho sa ibang bansa, ang mga tapos ng Bachelor of Science in Business

Administration (BSBA) sa Marketing Management ay maaaring kumita ng dalawa hanggang

tatlo depende pa din sa paglalarawan ng trabaho at lugar ng trabaho.

(http://www.finduniversity.ph/majors/bsba-marketing-management-philippines/)
Ang Bachelor of Science in Business Administration ay may panglimang paksa ang

Financial Management. Ito ay isang apat na-taon na kurso sa kolehiyo na inirerekomenda

para sa mga taong nagpa-plano upang makagawa ng isang magandang kinabukasan sa

industriya ng pagbabangko at pananalapi. Ang programa ito ay naglalayong makatulong sa

mga mag-aaral na makapag sanay ng kasanayan sa analytical, pang unawa at kakumpitensya

na kailangan para sa paggawa pinansiyal na desisyon sa mundo ng negosyo.

Sa paghahambing sa BS in Business Administration na patungkol sa mga

pangunahing konsepto ng operating at pamamahala ng isang negosyo, ang Bachelor of

Science in Business Administration(BSBA) sa Finance Management ay nakatutok sa

financial analysis , ekonomiya, mga diskarte sa investment , sistema ng pamamahala ,

banking at komersyal na pagpaplano.

Ang kurikulum ng Finance Management ay kabilang sa pangangasiwa ng CHED –

ipinag-uutos ang pangkalahatang paksa, na may diin sa pera, utang at pagbabangko, negosyo

at pananalapi, pagbubuwis at Public Finance, Principles of Banking and Corporation Finance,

Principles of Investments, Patakarang Pinansyal at Central Banking. Ang mga teyoryang ito

ay maie-ehensayo sa panahon ng internship at on- the-job training.

Mga kakayahan o kasanayan na mamaaring maging pundasyon at magamit sa

kursong ito.

 Lohiko at Analitiko sa paglutas ng problema- kakayahang mag-link ng datos,

kaalaman at pananaw upang gumawa ng matalinong mga pagpapasya.


 Pagiging magaling sa numero- Ang mga numero at aritmetika ay pangunahing mga

bahagi ng pananalapi sa gayon, ito ay mahalaga na maging komportable sa mga

numero at aritmetika.

 Kasanayan sa pakikipag-usap- ang kakayahan sa pagsusulat at pakikipag-usap sa

Ingles ay nakakatulong, lalo na sa mga talakayan sa silid-aralan at pag-uulat.

Sa huling taon sa programa ng Bachelor of Science in Business Administration

(BSBA) sa Financial Management, ang mga mag-aaral ay sumailalim sa 240 sa 300 oras ng

pagsasanay upang matulungan ang mga ito na bumuo ng mga kinakailangang kakayahan at

kasanayan na kinakailangan sa particular na lugar. Ang OJT o On- the-job training ay

ginugol sa pinansiyal na institusyon, tulad ng mga bangko exchange offices, securities

brokerage firms; o sa finance department ng isang maingat na piling mga pribadong

kumpanya o ahensiya ng pamahalaan.

Katulad ng mga naunang nabanggit marami ring naghihintay na trabaho sa mga

nagsipagtapos ng kursong ito.

Entry Level Job, para sa mga “fresh graduate”.

 Bank Teller– nagpo-proseso at nagtatala ng mga nakagawiang mga transaksyon para

sa mga customer sa bangko kabilang ang cashing checks , tumatanggap ng mga

deposito at withdrawals at iba pa.

 Accounting Clerk- tagapagtago ng talaang pang pinansyal na gumagamit ng mga

pinasadyang ledgers at software upang itala at iproseso ang mga gastos resibo, payroll

at iba pang pinansiyal na mga transaksyon para sa isang negosyo o organisasyon.


 Treasury Assistant- sumusubaybay sa pagdaloy ng pera sa loob at labas ng negosyo

at naaayon sa kung ang kumpanya ba ay kumikita.

Mid-Level Posisyon para sa mga hindi pa gnun kadalubhasa at namamalagi pa lang sa

pagtatrabaho sa maikling panahon.

 Finance Officer- responsable para sa paghahanda ng mga financial statement,

pagpapanatili sa kontrol ng pera paghahanda ng payroll at mga tauhan ng

administrasyon, pagbili, pagpapanatili ng accounts payable at pamamahala ng mga

operasyon sa pilipinas.

 Financial Analyst- nagpapayo at gumagabay sa mga negosyo at mga indibidwal sa

mga pagdedesisyon sa pag-invest sa pamamagitan ng paghahanda at pag-aaral

patungkol sa pinansiyal na mga plano , mga pagtataya, at mga ulat.

 Stock and Securities Analysts- nananaliksik at sumusuri sa mga pinansyal na mga

datos sa mga stock at mga kumpanya upang maaari nilang payuhan ang mga

magnenegosyo sa kung paano pinakamahusay na mamuhunan ang kanilang pera.

Advance Posisyon para sa mga malawak na ang karanasan at namamalagi na sa

pagtatrabaho sa mahabang panahon.

 Financial Manager (CFO)- nangangasiwa sa pangkalahatang pera na nagawa sa

mga gawain at mga transaksyon ng isang organisasyon

 Payroll Manager- binabayaran ang mga empleyado at nagtatala ng mga

impormasyon sa pamamagitan ng pamamahala sa preparasyon sa payroll;

pagkumpleto ng mga ulat at pagpapanatili mga talaan


 Operations Manager- tumatanggap, sumusuri at umaapruba sa lahat ng transaksyon

at sinisiguro na lahat ay tama at ang accounting entries ay maayos na dumaa sa

General Ledger.

Para sa mga kapagtapos na mga estudyante ng Bachelor of Science in Business

Administration major in Finance Management sa Pilipinas, ang suweldo na hanay para sa

mga trabaho sa Finance Industry sa pangkalahatan ay php8,500 hanggang php14,000 kada

buwan. Higit pang mga matataas na posisyon ay nag-aalok sa pagitan php25,000 at php

45,000 sa bawat buwan, habang ang mga top managerial posisyon tulad ng CFO at VP

Finance ay maaaring magbayaran P100,000 at higit pa.

(http://www.finduniversity.ph/majors/bsba-in-financial-management-philippines/)

At ang huli sa mga major ay ang programa ng Bachelor of Science in Business

Administration major in Business Economics (BSBA-BUSEC) ay dinisenyo para sa mga

estudyante na may isang malakas na pundasyon at pagkakaunawa sa mundo ng economics,

na sumasakop sa mga lokal at pandaigdigang pang-ekonomiyang mga kondisyon pati na rin

ang mga pamamaraan at mga aplikasyon ng pang-ekonomiyang pag-aaral.

Ang programa ay may kasamang mga paksa at mga kurso sa banking, pamumuhunan,

proseso sa pag nenegosyo, mga batas, mga internasyonal na ekonomiya, managerial

economics, human resource economics, liberal arts at pamahalaan.

Ang programa ay dinisenyo upang mapahusay ang kakayahan sa strategic planning at

kasanayan sa pananaliksik, mapanuring pag-iisip, paglutas ng problema at kasanayan sa

analitikal ng mag-aaral.
Tagal ng BSBA sa Business Economics program sa Pilipinas:

Ang programa ng BSBA sa Business Economics ay tumatagal ng 4 na taon upang

makumpleto.

Paksang kasama saprograma ng BSBA sa Business Economics:

 Philippine National Government with New Constitution

 Analytical Geometry & Calculus For Economist

 Law on Negotiation Instruction Insurance

 Introduction to Information Technology

 College Algebra & Trigonometry

 Law on Obligations & Contracts

 Fundamentals of Management

 Income Tax & Tax Construction

 History of Economic Thoughts

 Business Software Application

 Sining ng Pakikipagtalastasan

 Introduction to Economics

 Leadership Development

 Money Credit & Banking

 Principles of Marketing

 Managerial Accounting

 Financial Management
 Managerial Economics

 Fund of Collection Key

 Econ Research-Thesis

 Basic Communication

 Introduction to Logic

 Math of Investment

 Basic Econometrics

 Business Policy

 Current lssues

 Businessman

Mga oportunidad na trabaho para sa mga nakapagtapos na mag aaral ng BSBA sa Business

Ekonomiks:

 Business Development Manager

 Corporate Planning Analyst

 Business Office Manager

 Management Trainer

 Employee Manager

 Research Assistant

 Business Executive

(http://www.finduniversity.ph/majors/bsba-major-in-business-economics-)
KABANATA 3

METODOLOHIYA

PAMAMARAAN

Ang mapanahong papel na ito ay ginamitan ng paglalarawan sa pagsusuri. Ang

paglalarawan sa pagsusuri ay isang pamamaraan na kung saan inilalatag ang

pangkasalukuyang pamantayan at kalagayan ng isang mapanahong papel at ginamitan ng

descriptive na pamamaraan na talatanungan.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng convenient sampling sa pagpili ng tagatugon

kung saan ay dalawampung (20) lalaki at tatlumpung (30) babae na ang kabuuan ay

limampung (50) estudyante sa klase ang nagsagot ng talatanungang inihanda ng mga

mananaliksik. Ang convenient sampling ay isa sa madalas na ginagamit na paraan sa

pangalawang lengwahe sa pag-aaral. Ang kontribusyon ng pamamaraan na ito sa panahon

ngayon sa paggamit ng iba’t ibang sampling ay ang mataas na pagiging tama at eksaktong

datos na iyong makukuha.

TAGATUGON

Ang mga tagatugon ay mula sa mga piling estudyante na nagaaral sa kolehiyo ng

Baliuag University na kung saan ay nasa unang pangkat sa unang taon ng mag-aaral ng

Bachelor of Science in Business Administration (BSBA 1-1). Binubuo ng dalawampung (20)

lalaki at tatlumpung (30) babae. Sila ay opisyal na nakatala sa Taong Panuruang 2015-2016
ng Baliuag University. Ang mga tagatugon ay nasasaklawan ng edad mula labing anim (16)

hanggang dalawampung (20) taong gulang.

PANGONGOLEKTA NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng liham sa dean ng College of Business

Administration and Accountacy na si Gng. Wilhelmina Neis ng Baliuag University upang

mapahintulutan na magsagawa ng isang talatanungan sa mga napiling mag-aaral o estudyante

na kung saan ay nasa unang pangkat sa ika-unang taon ng kolehiyo sa Mataas na Paaralan ng

Baliuag University. Ito ay binigyang-pansin ng kanilang guro sa Filipino 200 na pahintulutan

ng punong-guro ang mga mananaliksik na isagawa ang kanilang layunin.

Ang mga napiling estudyante o mag-aaral ng mananaliksik ay ang mga estudyante o

mag-aaral na nasa unang pangkat sa unang taon (BSBA1-1) ng kolehiyo sa Baliuag

University. Pinaliwanag din ng maayos ng mga mananaliksik kung patungkol saan at kung

para saan ang nasabing talatanungan. Ang mga tagatugon ay nagsagot ng wasto sa bawat

katanungan na nakalahad sa talatanungan. Pagkatapos masagutan ay maingat itong kinuha ng

mga mananaliksik at magalang na nag-paalam sa mga mag-aaral. Ito ay kanilang binilang,

inusisa at inayos ang bawat datos at porsyento na kanilang nakalap

PAG-AANALISA NG MGA DATOS

Ang layunin ng pamanahong papel na ito ay malaman kung ano ang mga dahilan

kung bakit Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) ang napiling kurso ng

mga mag-aaral na nasa ika-unang taon sa kolehiyo ng Baliuag University.


Sa pag-aaral na ito, ang PERCENTAGE TECHNIQUE ay ginamit upang malaman

ang porsyento ng mga tagatugon sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral. Ang pormula ay:

𝑓
P= 𝑁 𝑥 100

Kung saan:

P = Porsyento

f = Bilang ng tagatugon

N = Kabuuang bilang ng mga tagatugon.

10%
KABANATA 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ng sulating pananaliksik ay inilalahad ang mga nilikom na mga

datos para sa pag-aaral, susundan ng mga pagtalakay, pagsusuri at binibigyan ng katumbas

na interpretasyon.

40%

Leyendarya:

Lalake
Babae

60%

1.Grap ng mga Tagatugon Batay sa Kasarian

Ang mga tagatugon ay mula sa mga estudyante sa unang pangkat ng ika-unang taon

(BSBA 1-1) sa kolehiyo ng Baliuag University na binubuo ng limampung (50) mag-aaral na

kung saan makikita sa Graph 1 na ang animnapung bahagdan (60%) ng populasyon ng mga

tagatugon ay binubuo ng mga kababaihan at ang apatnapung bahagdan (40%) naman ay


binubuo ng mga kalalakihan na sa madaling salita ay hindi patas ang nagawang pagsusuri sa

kadahilanang mas madami ang populasyon ng babae sa lalaki.

Ano ang dahilan kung bakit BSBA ang iyong


napiling kurso?

A. Dahil ito ang gusto ko.


(10) 20%
B. Dahil ito ang gusto ng mga
(4) 8% magulang ko para sa akin.
(29) 58%
C. Dahil ito ang kurso ng aking mga
(7) 14% kaibigan.
D. May iba pang dahilan.

2. Grap ng mga Tagatugon sa kanilang mga sagot sa unang bilang.

Makikita sa ikalawang grap na malaking bahagi ng mga tagatugon ang nagsagot ng

A. (Dahil ito ang gusto ko) bilang dahilan kung bakit BSBA ang kanilang napiling kurso.

Dalawampu’t siyam (29) na mag-aaral o katumbas ng limapun’t walong (58%) bahagdan ang

sumagot nito. Sampung (10) tagatugon naman o katumbas ng dalawampung bahagdan (20%)

ang nagsagot ng letrang D. at nagbigay ng iba pang mga dahilan kung bakit BSBA ang

kanilang napili. Samantalang pitong (7) tagatuon naman o katumbas ng labing-apat na

bahagdan (14%) ang sumagot ng B. (Dahil ito ang gusto ng mga magulang ko para sakin).
May apat (4) lamang na tagatugon o katumbas ng walong bahagdan (8%) ang sumagot ng

letrang C. (Dahil ito ang kurso ng aking mga kaibigan)

Sa ikalawang grap ay masasabing malaking porsyento ng mga tagatugon, pinili ang

kursong Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) sa kadahilanang ito ay

kanilang gusto.

Sa aspeto pang pinansyal, bakit BSBA ang napili


mong kurso?
A. Ang BSBA ay mas mababa ang
gastusin kung ihahalintulad sa
Hotel and Restaurant Managemen
(4) 8% (HRM).
B. Ang BSBA ay mas mababa kung
ihahalintulad sa Information
(17) 34%
Technology (IT).
(16) 32%
C. Mas kaya ng pamilya ko ang
gastos kung BSBA ang kurso.

(13) 26%
D. May iba pang dahilan.

3. Grap ng mga Tagatugon sa kanilang mga sagot sa ikalawang bilang.

Ipinakikita sa ikatlong grap ang mga posibleng dahilan kung bakit BSBA ang

napiling kurso ng mga nagging tagatugon pagdating sa aspetong pinansyal.Mapapansin na

labing pito (17) o katumbas ng tatlumpu’t apat na bahagdan (34%) ng mga estudyante ang

sumagot ng letrang A. (Ang BSBA ay mas mababa ang gastusin kung ihahalintulad sa Hotel

and Restaurant Management o HRM) na may pinakamalaking bilang ng tumugon sa tanong


na: Sa aspetong pang pinansyal, bakit BSBA ang napili mong kurso? Sumusunod naman ang

bilang na labing-amin (16) na tagatugon o katumbas ng tatlumpu’t dalawang bahagdan (32%)

ang sumagot ng letrang C. (Mas kaya ng pamilya ko ang gastos kung BSBA ang kurso).

Pumangatlo naman ang letrang B.(Ang BSBA ay mas mababa kung ihahalintulad sa

information Technology o I.T) na may labing tatlo (13) lamang na tumugon na katumbas ng

dalawampu’t anim na bahagdan (26%). Samantalang apat (4) lamang ang nagbigay ng iba

pang dahilan o letrang D. na katumbas ng natitirang walong bahagdan (8%) sa grap.

Makikita na sa ikatlong grap na sa aspetong pangpinansyal, marami ang naging

dahilan na ang kursong BSBA ay mas maliit ang gastos kung ikukumpara sa Hotel and

Restaurant Management.

Sa larangan ng mga kakayanan, bakit BSBA


ang napili mong kurso?
A. Gusto ko ang BSBA dahil
(2) 4% magaling ako sa larangan ng
(7) 14% matematika (Mathematics).
B. Dahil magaling ako sa
pakikipag-ugnayan sa
madaming tao.
(20) 40%
C. Dahil nais kong magtayo ng
negosyo.
(21) 42%

D. May iba pang dahilan.

4. Grap ng mga Tagatugon sa kanilang mga sagot sa ikatlong bilang.


Makikita sa ika-apat na grap na malaking bahagi ng mga tumugon ang sumagot ng

letrang B. (Dahil magaling ako sa pakikipag-ugnayan sa maraming tao) na may dalawampu’t

isa (21) na bilang o katumbas ng apatnapu’t dalawang bahagdan (42%) kung bakit BSBA ang

kanilang napiling kurso pagdating sa larangan ng kanilang mga kakayahan. Sumusunod

naman ang letrang C. sa mga napagpilian (Dahil nais kong magtayo ng negosyo) na may

dalawampung (20) sumagot o katumbas ng apatnapung bahagdan (40%). Pitong (7)

tagatugon naman o katumbas ng labing-apat na bahagdan (14%) ang sumagot ng letrang A.

(Gusto ko ang BSBA dahil magaling ako sa larangan ng matematika o mathematics).

Samantalang dalawa (2) o katumbas ng apat na bahagdan (4%) lamang ng mga tagatugon ang

sumagot ng letrang D. at nagbigay ng iba pang dahilan.

Mula sa ika-apat na grap, makikita na marami sa mga tagatugon ang nagsabing

magaling sila sa pakikipag-ugnayan sa mga tao kung kaya’t napili nila ang kursong BSBA.
Kung ang hinaharap ang pagbabasehan, bakit
BSBA ng napili mong kurso?
A. Dahil mas madali nang mag-
(1) 2% apply at makahanap ng magandang
trabaho kung ako ay tapos ng
kursong Bachelor of Science in
Business Administration (BSBA).
B. Maari akong makapag-apply
kahit na hindi angkop ang trabaho
(15) 30% sa aking natapos na kurso.
(21) 42%

C. Maari akong makapagtayo ng


sariling negosyo.

(13) 26% D. May iba pang dahilan.

5.Grap ng mga Tagatugon sa kanilang mga sagot sa ika-apat na bilang

Makikita sa ika-limang grap na maraming tagatugon ang sumagot sa letrang A. (Dahil

mas madali nang mag-apply at makahanap ng magandang trabaho kung ako ay tapos ng

kursong BSBA) na kung saan may dalawampu’t isang (21) tagatugon o katumbas ng

apatnapu’t dalawang (42%) bahagdan. Pumapangalawa naman sa graph ay ang letrang C.

(Maari akong makapagpatayo ng sariling negosyo) na may labinglimang (15) tagatugon o

katumbas ng tatlumpong (30%) bahagdan. Sumunod naman ang letrang B. (Maaari akong

makapag-apply ng trabaho kahit na hindi angkop ang trabaho sa aking natapos na kurso) na
may labingtatlong (13) tagatugon o katumbas ng dalwampu’t anim (26%) na bahagdan. At

ang panghuli naman ay ang letrang D. (May iba pang dahilan) na may isang (1) tagatugon

lamang ang sumagot o katumbas na dalawang (2%) bahagdan.

Makikita sa ika-limang graph na maraming tagatugon ang nagsabing kung ang

hinaharap ang pagbabasehan, madali silang makapag-apply at makakahanap ng magandang

trabaho kapag tapos sila ng kursong BSBA.

Bakit Baliuag University ang napili mong


paaralan?
A. Dahil abo't-kaya ng mga
magulang ko ang mag-aral ako
dito.

(7) 14% B. Dahil sa magagandang mga silid-


(9) 18% aralan sa paaralang ito.

(9) 18% C. Dahil dito din nag-aaral ang mga


(6) 12% kaibigan ko.

(5) 10% D.Dahil malapit sa tirahan namin.


(14) 28%

E. Dahil gusto ko lang.

6.Grap ng mga Tagatugon sa kanilang mga sagot sa ikalimang bilang.

Makikita sa ika-anim na graph na sa atim na pagpipilian, maraming tagatugon ang

sumagot ng letrang D. (Dahil malapit sa tirahan naming) na may labing-apat (14) na

tagatugon o katumbas ng dalawampu’t walong (28%) bahagdan. Samantalang meroon

namang siyam (9) o katumbas ng labingwalong (18%) bahagdan ang sumagot ng letrang A.
(Dahil abot-kya ng mga magulang ko ang pag-aaral ko dito.) at letrang E. (Dahil gusto ko

lang). Pitong (7) tagatugon naman ang sumagot ng letrang F. (May iba pang dahilan) o

katumbas ng labing-apat (14%) na bahagdan. Sumunod naman ay ang letrang B. (Dahil

magaganda ang silid-aralan dito.) na may anim (6) o katumbas ng labingdalwang (12%)

bahagdan. At pumapahuli naman ang letrang C. (Dahil dito nag-aaral ang mga kaibigan ko)

na may lima (5) o katumbas ng sampung (10%) bahagdan.

Makikita sa ika-anim na grap na marami sa mga tagatugon ang pumili sa Baliuag

Umiversity dahil sa kadahilanang ito’y malapit sa kanilang tirahan.

Sa ika-tatlong taon ng kolehiyo, ano ang nais


mong major?
(1) 2%
(1) 2%
(2) 4%
A. Financial Mnagement.
B. Management Accounting.
(19) 38%
C. Marketing.
(16) 32%
D. Business Economics.
E. Human Resource Management
F. Operations Management

(11) 22%

7. Grap ng mga Tagatugon sa kanilang mga sagot sa ika-anim na bilang.

Sa ika-pitong graph makikitang maraming tagatugon ang sumagot ng letrang A.

(Financial Management) na may labingsiyam (19) na tagatugon o katumbas ng tatlongpu’t


walong (38%) bahagdan. Pumapangalawa naman ang letrang C. (Marketing) na kung saan ay

may labing-anim (16) na tagatugon o katumbas ng tatlumpu’t dalwang (32%) bahagdan.

Pangatlo naman ay ang letrang B. (Management Accounting) na may labing-isang (11)

tagatugon o katumbas ng dalwampu’t dalawang (22%) bahagdan. Samantalang makikita din

sa graph na pumapang-apat ang letrang E. (Human Resource Management) na may dalawang

(2) tagatugon o katumbas ng apat (4%) na bahagdan. Ang panglima at panghuling letra ay D.

(Business Economics) at letrang F. (Operations Management) na may isang (1) tagatugon o

katumbas ng dalawang (2%) bahagdan.

Makikita na sa ikapitong grap na ang pangunahing major na pinili ng mga mag-aaral

ng Baliuag University sa Unang taon ay Financial Management.

Kaakibat sa pagpili ng major sa ika-anim na


tanong, ano ang iyong dahilan kung bakit
iyon ang iyong napili?
(4) 8% A. Dahil ito ang aking gusto.
(4) 8%
B. Dahil ito ang gusto ng aking
mga magulang para sa akin.
(23) 46% C. Dahil mas maraming
(12) 24% oportunidad.
D. Dahil ito ang aking pangarap.

(7) 14%
E. May iba pang dahilan.

8. Grap ng mga Tagatugon sa kanilang mga sagot sa ikapitong bilang.


Sa ika-walo at huling grap, makikita ang iba’t- ibang dahilan kung bakit BSBA ang

kursong napili ng mga tagatugon.

Mapapansin sa grap na ito, dalawampu’t tatlong (23) tagatugon o katumbas ng

apatnapu’t anim na bahagdan (46%) ang pumili sa letrang A. (Dahil ito ang aking gusto)

bilang pangunahing dahilan kung bakit BSBA ang napili nilang kurso. Sumusunod naman sa

pinamilian ang letrang C. (Dahil mas maraming oportunidad) sa mga sumagot, na may

labingdalawang bilang (12) na katumbas ng dalawapu’t apat na bahagdan (24%). Pumangatlo

naman ang letrang B. (Dahil ito ang gusto ng mga magulang ko para sakin) na may pitong (7)

tagatugon na sumagot na katumbas ng labing-apat na bahagdan (14%). Pareho naman ang

nakuhang bilang ng sumagot ng letrang D. (Dahil ito ang aking pangarap) at E. (May iba

pang dahilan) na may pitong (7) tagatugon na sumagot nito na katumbas ng labing-apat na

bahagdan (14%).

Makikita na sa ika-walong grap, maraming mag-aaral ng unang taon ng Business

Administration ang pumili sa kursong ito dahil ito ang kanilang gusto.

\
KABANATA 5

PAGBUBUOD, PAGWAWAKAS, AT MGA TAGUBILIN

Ang kabanata lima ay naglalahad ng pagbubuod, mga lagom na natuklasan sa mga

tagatugon, konklusyon at rekomendasyon tungkol sa mga dahilan kung bakit Bachelor of

Science in Business Administration ang karaniwang pinipiling kurso ng mga kabataan o

estudyante.

PAGBUBUOD

Makikita sa graph na ginawa sa kabanata apat (4) na may anim (6) major o

pangunahing paksa ang kursong Bachelor of Science in Business Administration, Financial

Management, Marketing, Management Accounting, Human Resource Management, Business

Economics at Operations Management. Batay sa limampong (50) tagatugon, labingsiyam

(19) na tagatugon o katumbas ng tatlongpu’t walong (38%) bahagdan ang sumagot o ang

may nais na kunin ang major o pangunahing paksa ang Financial Management. Isang (1)

tagatugon o katumbas ng dalawang (2%) bahagdan naman ang may nais na kumuha ng major

o pangunahing paksang Business Economics at Operations Management.

Sa unang tanong sa tiyak ng suliranin na inilahad ng mga mananaliksik, mapapansin

na ang pangunahing major na napili ng mga mag-aaral ng Baliuag University sa unang taon

ay Financial Management.
Tunay ngang maraming kaibahan o kalamangan ang kursong Bachelor of Science in

Business Administration sa ibang kurso. Ayon sa surbey na isinagawa ng mga mananaliksik

lumabas na dalawampu’t isang (21) tagatugon o katumbas ng apatnapu’t dalawang (42%)

bahagdan na nagsasabing ang na mas madali nang mag-apply at makahanap ng magandang

trabaho kung tapos ng kursong BSBA. Sapagkat sa bawat major ng kursong Bachelor of

Science in Business Administation ay may kaakibat na trabaho. May isang (1) tagatugon

lamang ang sumagot o katumbas na dalawang (2%) bahagdan na may iba pang dahilan, tulad

na lamang na maarai kang maging manager ng isang kompanya.

Natuklasan ng mga mananaliksik na maraming dahilan ang mga kabataan sa pagpili

ng kursong Bachelor of Science in Business Administration (BSBA). Makikita sa graph na

inilahad ng mga mananaliksik sa kabanata apat (4) na binatay sa surbey na isinagawa,

dalawampu’t siyam (29) na mag-aaral o katumbas ng limapu’t walong (58%) bahagdan ang

sumagot na dahil ito ang kanilang gustong kurso. Apat (4) lamang na tagatugon o katumbas

ng walong bahagdan (8%) ang sumagot na kaya napili ang kursong ito dahil ito ang kursong

kinuha ng kanilang mga kaibigan.


PAGWAWAKAS

Ang mga nalikom na mga kasagutan ng mga mananaliksik mula sa mga taga tugon ay

magiging kasangkapan upang mabuo ang mga sumusunod na konklusyon:

1. Napatunayan ng mga mananaliksik na may iba’t ibang dahilan ang mga kabataan o

estudyante sa pagpili ng kursong Bachelor of Science in Business Administration (BSBA)

2. Nalaman ng mga mananaliksik na nag pangkaraniwang dahilan ng mga kabataan o

estudyante sa pagpili ng kursong Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) ay

dahil magaling sila sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao.

3. Napatunayan ng mga mananaliksik na mas mababa ang gastusin ng kursong kursong

Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) kumpara sa ibang kurso.

4. Napatunayan ng mga mananaliksik na maraming opportunidad ang nakapagtapos ng

kursong Bachelor of Science in Business Administration (BSBA)

5. Nalaman ng mga mananaliksik na sa bawat major ng kursong Bachelor of Science in

Business Administration (BSBA) ay may partikular na trabahong maaring kunin.


TAGUBILIN

Kaugnay sa isinagawang pag-aaral, iminungkahi ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod na tagubilin o rekomendasyon –aea sa mga mag-aaral, magulang at sa mga

susunod na mananaliksik.:

1. Para sa mga susunod na mananaliksik, magsagawa ng katulad na pag-aaral sa iba

pang unibersidad.

2. Para sa mga mag-aaral gawin sanang gabay at basihan ang isinagawang pag-aaral na

ito sa pagpili ng kurso.

3. Para sa mga magulang bigyan ng sapat na panahon ang mga anak sa pagpili ng

kanilang kurso.

4. Sa pagdadagdag ng iba pang impormasyon kaugnay sa pananaliksik na ito at

tinatanggap ng mga mananaliksik upang lalo pang lumawak at tumibay pa ang pag-aaral na

ito.

You might also like