You are on page 1of 8

A.

INTRODUKSYON

Sa pag pasok sa eskwelahan, may mga bagay na dapat nating isaalang-alang


katulad ng pera. Isa ito sa mga pinoproblema ng maraming kabataan at isa rin sa dapat
pag tuunan ng atensyon. Ang mga problema sa pananalapi ay maaaring magkaroon ng
malaking epekto sa mga mag-aaral, kapwa sa akademiko at personal. Nagdudulot din
ito ng stress at pagkabalisa sa mga mag-aaral dahil nag-aalala sila tungkol sa kung
paano mababayaran ang kanilang matrikula, mga libro, tirahan, at iba pang mga
pangangailangan ng isang mag-aaral.

Ang implasyon ay ang pagsukat ng kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa.


Tumutukoy din ito sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa
pamilihan. Maaari rin itong humantong sa mas mataas na matrikula dahil maaaring
kailanganin din ng mga unibersidad at kolehiyo na itaas ang kanilang mga matrikula
upang masakop ang kanilang sariling mga gastos. Maaaring maging mas mahirap para
sa mga mag-aaral na makayanan ang mas mataas na edukasyon, lalo na ang mga
nagmula sa mga pamilyang mababa ang kita o nahihirapan nang magbayad para sa
kanilang pag-aaral.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Sarison, ang mga mag-aaral ay hindi


mauubusan ng kagustuhan at pangangailangan kung kaya’y ninanais nila punan ang
mga ito sa pamamagitan ng pag-bili. Ngunit, sa bawat pag kakataon na sila ay mag
lalabas ng pera—hindi maitatangi na kinokonsidera nila ang presyo ng mga bagay na
ito; dahil ang presyo ng mga produkto ay patuloy na nag babago at tumataas. Dito
pumapasok ang konsepto ng implasyon na nahahati sa maraming sangay—ito ay ang
deplasyon, boom, at depression.

Noong 2022, ang average na pagtaas ng presyo ay umabot ng limang punto at


walong porsyento (5.8%) na mas malaki kaysa noong 2021 na umabot ng tatlong punto
at siyam na porsyento (3.9%)—mas mataas sa punteryang porsyento ng Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP) na dalawang porsyento hanggang apat na porsyento sa
taong 2022.

Ang problemang pinansyal sa mga piling mag aaral sa baitang 11 Accountacy,


Business, and Management (ABM) ng Arellano University – Jose Rizal High School (AU
– JRHS) ay naging isa sa dahilan sa kanilang pag liban sa paaralan. Dahil sa pagtaas
ng mga bilihan ngayon na tinatawag na implasyon, mas nahihirapan ang mga
estudyante na pag kasiyahin ang kanilang mga pera sa pangkain, pamasahe at pang
gastos nila sa mga proyekto na kanilang gagawin sa paaralan. Mula sa pag interbyung
isinagawa ni Vicencio (2018) mula sa ulat ng ABS CBN, tungkol sa pag taas ng presyo
ng bilihan, lalong napatunayan at naihayag nito ang ibat-ibang pag hihirap ng mga
studyante patungkol sa implasyon na nararanasan natin taon taon

Ang pananaliksik na pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng mga


problemang pinansyal na dulot ng implasyon sa mga piling Grade 11 ABM na mag-
aaral mula sa AU – JRHS. Ang pag-aaral ay magmumungkahi din ng mga potensyal na
solusyon at estratehiya na makakatulong sa pagpapagaan ng mga epekto ng mga
paghihirap sa pananalapi sa akademikong pagganap at pangkalahatang kagalingan. Sa
pamamagitan ng masusing survey at istatistikal na pagsusuri ng mga nakalap na datos,
ang pananaliksik na pag-aaral na ito ay naglalayong magbigay ng komprehensibong
pag-unawa kung paano nakakaapekto ang implasyon sa pinansiyal na katatagan ng
mga mag-aaral at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang akademikong pagganap at
kalusugan ng isip.
B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilhin ba dulot ng implasyon, aalamin


ng pag-aaral na ito ang mga naging epekto nito sa mga mag-aaral. Nakapaloob din dito
ang mga suliraning ikinakaharap ng mga mag-aaral sa kanilang pang araw-araw na
gastusin sa paaralan at naging epekto nito sa kanilang akademikong pag-aaral. Ito’y
naglalayong na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano natugunan ng mga estudyante ang problemang pananalapi?


2. Ano ang mga naging karanasan ng mag-aaral dahil sa implasyon?
3. Paano napangasiwaan ng mga mag-aaral ang epekto implasyon?
4. Dapat bang bigyang pansin ng gobyerno ang suliraning ito?
5. Gaano kalaki ang epekto ng implasyon sa mga estudyante?
C. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang malaman ang reaksyon, saloobin, at


komento ng mga mag-aaral sa baitang 11 Accountacy, Business, and Management
(ABM) ng Arellano University – Jose Rizal High School (AU – JRHS) patungkol sa mga
positibo at negatibong epekto sakanila ng mataas na implasyong nangyayari sa ating
bansa. Sa pag-aaral na ito malalaman kung ano-anong paghihirap sa pananalapi ang
nararanasan ng mga mag-aaral sa baitang 11 ABM ng AU – JRHS sa pang araw-araw
nilang pag-aaral sa AU – JRHS. Dito rin maipapakita kung gaano kalaking tulong at
gaano kahalaga ang saloobin ng mga kabataan sa ating bansa.
D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa panahon ngayon, hindi makakailang kinakailangan na ng salapi sa ibang


aspeto ng buhay—tulad ng pag-aaral. Marami pa rin ang nahihirapan pumasok
sapagkat kulang ang kanilang pamasahe, walang baon, o sadiyang hindi na umabot
ang kanilang pera. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga epekto ng implasyon sa
baitang 11 Accountacy, Business, and Management (ABM) ng Arellano University –
Jose Rizal High School (AU – JRHS). Nakatuon ang pag-aaral na ito sa kung paano
nalagpasan ng 11 ABM chiefs ang mga epekto ng implasyon. Ang mga datos na
makakalap ay maaring makatulong para sa mga kabataang mag-aaral na nahihirapan
mag budget ng kanilang salapi. Ito’y inaasahang magiging kapaki-pakinabang sa:

Mga Mag-aaral, magkakaroon sila ng kaalaman kung paano pinangangasiwaan


ang kanilang salapi sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin—lalo na ang mga school
supplies na kinakailangan ng mga mag-aaral.

Mga Magulang, upang magabayan nang lubusan ang kanilang mga anak at
maturuan ang maging masinop sa pera.
E. Saklaw at Limitasyon

Ang pagbuo sa pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga estudyanteng


sumagot sa aming surbey at napapabilang sa baitang 11 Accountacy, Business, and
Management (ABM) ng Arellano University – Jose Rizal High School (AU – JRHS).
Layunin ng aming pananaliksik na malaman ang reaksyon, saloobin, at komento ng
mga mag-aaral sa karanasan nila sa patuloy na pagtaas ng implasyon sa ating bansa.

Ang limitasyon ng aming pag-aaral ay hanggang apatnapung (40) mag-aaral


lamang, dalawampung (20) babaeng mag-aaral at dalawampung (20) lalakeng mag-
aaral na napapabilang sa baitang 11 at ang strand ay ABM ng AU – JRHS. Ito’y sapat
na bilang ng mga mag-aaral upang malaman ang impormasyong nais naming
malaman.
Depinisyon ng mga Terminolohiya

 Implasyon – pagtaas ng presyo ng bilihin.


 Accoutancy, Business, and Management (ABM) – isang Senior High
School strand na nakapokus sa pamamahala sa pananalapi, accounting,
atbp.
 Matrikula – tuition fee sa mga pribadong paaralan.
 Pinansyal na pananalapi – paano nagkakamit at gumagamit ng salapi o
pera ang mga tao.
 Deplasyon – tumutukoy sa pag baba ng presyo ng mga bilihin.
 Boom – ang tawag sa pinakamataas na bahagi ng tradecycle.
 Depression – makikita sa pinakamababang bahagi ng trade cycle.
 Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) – pampublikong institusyon na
namamahala sa salapi ng bansang Pilipinas.
 Aspeto (Aspekto) – nagsasaad o nag- papahayag kung ang kilos ay
nasimulan na, natapos na o sinisimulan na o sisimulan pa.
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Jose Rizal High School
Gov. W Pascual Ave. Malabon City
S.Y. 2022 - 2023

Epekto ng Pinansyal na Problema Dulot ng Implasyon sa Piling Mag-

aaral sa Baitang 11 ABM ng Arellano University - Jose Rizal High

School

Leader:

Genevieve Modina

Members:

Maybilyn Claire Bautista

James Clifford Quiapos

Kristelle Anne Rose

Rafael Alagaban

Marchie Nicole Rubio

John Raven Pablo

Klyr Rachel Navalta

Neilieth Dorothy Bren

Ralph Tulio

You might also like