You are on page 1of 13

ICCT Colleges Foundation Inc.

v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

KABANATA I
Ang Suliranin at Kaligiran nito

Panimula

Ang K-12 Program ay sinumulang ipatupad ng pamahalaan noong taong

panuruang 2012 na nag lalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating

bansa sa buong asya tanging ang Pilipinas na lamang ang mayroong sampung

taon na Basic Education kaya naman ipinatupad ng pamahalaan at ng kagawaran

ng edukasyon ang K to12 curriculum. Sa programang ito, ginagawang madatory

ang pag pasok ng mga batang kindergarten, nagkakaroon din ng Junior

Highschool (grade 7-10) at Senior High School (grade 11-12) nag lalayong

tulungan ang ating kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon hindi lamang

sa buong asya, kung hindi sa buong mundo.

Isa sa mga layunin nito ay mas ihanda ang mga kabataan sa pag tatrabaho

kapag sila ay nakapag tapos na sa Senior High School makakakuha na sila ng

Certificate of Compentency Level 1 na igagawa ng Tesda. Mag sisilbi itong

pasaporte para makapag trabaho na sila, magandang balita ito lalo na sa mga

kabataang walang pantustos sa kolehiyo para kay dating Pangulong Benigno

Aquino III ang K-12 ay ang pag bibigay ng Basic Competencies na kailangan

upang makapag trabaho ang mga kabataan, kahit Senior High School pa

M-19
ICCT Colleges Foundation Inc.
v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

lamang ay maari ng makakuha ng Certificate of Compentency Level 1 basta

mapunan ang mga kinakailangang papeles ng tesda at kapag nakapag tapos na

ng Senior High School ay maari na silang makapag trabaho.Sa kasalukuyan,

maraming tao ang nag tatanong kung ano na nga ba ang estado ng mga indibidwal

na estudyante sa kanilang pag aaral malaki ba ang naidagdag ng kurikulum na ito

sa kani kanilang kaalaman, pisikal, mentalidad at sosyal na aspeto.

Layunin
Ang pag aaral na ito ay nag lalayong maipabatid sa mga indibidwal na

mambabasa tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng mga Senior High sa

makabagong kurikulum at nag lalayong masagot ang mga sumusunod na

katanungan.

1. Ano-ano ang mga kasalukuyang kalagayan ng mga Senior High sa loob ng

sampung buwan?

2. Ano-ano ang pangunahing problemang kinakaharap nila sa pang araw

araw?

3. Ano-ano ang mga epekto sa kanilang akademikong pag ganap?

4. Magiging maganda kaya ang epekto nito sa kanilang pamumuhay?

5. Naging epektibo ba ito para mapa unlad ang kanilang sarili?

M-19
ICCT Colleges Foundation Inc.
v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang mga datos at impormasyong inilalahad dito sapagkat ito ay

nakakatulong sa mga estudyanteng papasok pa lamang sa Senior High School sa

pamamagitan ng pananaliksik na ito ay malalaman din ng mga esdudyanteng

papasok pa lamang sa Senior High School kung saan at sa anong asignatura sila

mahihirapan upang sa gayon mapag handaan na nila ang mga nasabing suliranin.

Ang mga mananaliksik ay buong lakas at buong pusong isinagawa ang pag aaral

na ito upang makapagbigay bahagi sa mga mambabasa kung anong suliranin ang

kinakaharap ng isang mag aaral.

Saklaw at Limitasyon

Ang panananaliksik na ito ay nakatuon sa kalagayan ng mga mag aaral sa

Senior High School. Saklaw nito ang mga estudyante sa ika-labing dalawang

baitang ng Senior High School sa ICCT College Main Campus Cainta Rizal.

Nililimitahan ang pag aaral na ito sa mga mag aaral ng ika-labing dalawang baitang

ng Senior High School mula sa ICCT. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa

kasalukuyang panahon ay kinakailangang mag karon ng ganitong pag aaral upang

mag karoon ng sanggunian at masagot ang mga katanungan at makapag bigay

ng karagdagang impormasyon at kaalaman sa mga susunod pang pananaliksik.

M-19
ICCT Colleges Foundation Inc.
v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

KABANATA II
Mga Kaugnay na Pag aaral at Literatura

Kaugnay na Pag-aaral
Ang edukasyon isang mahalagang yugto ng buhay ng isang tao kung saan

ang bawat mag aaral ay natututong sumulat at bumasa. Ito ang nag sisilbing gabay

sa bawat mag aaral sa mga daang kanilang tatahakin tumatayo rin ito bilang

pundasyon ng bawat kabataan upang makamtan ang kanilang mga hangarin sa

buhay.sa buong asya pilipinas na lamang ang tanging bansa na nag tataglay ng

sampung taong paunang edukasyon o tinatawag na “Basic Education” bago pa

ipatupad ang bagong kurikulum ayon sa nakalap na mga impormasyon ng

“Department of Education”

Ayon sa pag aaral ni (Braza, 2014) layunin nito na malaman at matuklasan

ang mga problema at mga solusyon ng mga guro sa ikapitong baitang sa

sekondarya, ang pag papatupad ng programang “K to 12” sa kanyang pag aaral

sinasabi na ang mga nakapag tapos ng pag aaral, makalipas ang sampung taon

ay napansin nag marami. Sinasabi rito na ang edukasyon sa pilipinas ay lubha ng

napag iwanan ng iba pang bansa na nakapaligid dito. Ipinatupad programang “K

to 12” upang mas maipataas ang kalidad ng pangunahing pamamaraan ng pag

aaral sa ating bansa ngunit ang pangunahing problema na nakita ng mga Pilipino

M-19
ICCT Colleges Foundation Inc.
v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

ay kakulangan sa pera upang matustusan ang dalawang taon na dagdag sa

edukasyon ng mga Pilipino. Ayon sa pahayag ng dating Pangulong Benigno

Aquino III, nag laan ang gobyerno ng sapat na pera o “voucher” upang matustusan

ang mga nag aaral sa kanilang pangangailangan sa pag aaral ng “k to 12” ng mga

estudyante.

Ayon kay Eloisa R. Membre sa kanyang pananaliksik patungkol sa epekto

ng k to 12 sa mga estudyante, ang programang K to 12 ay masyadong negatibong

epekto sa mga estudyante. Kung titingnan napakaganda ng layunin nito pero tulad

ng ibang programa ay hindi naangkop ang pag papatupad nito hindi nasusukat sa

dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao hindi nasusukat sa

dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya namang

matutunan ng mga pilipino ang dapat na matutunan sa kasalukuyang umiiral na

sistema ang katunayan dito ay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mga

pribadong paaralan. Dahil dito ay suportado ng mga kagamitan at tamang pag

tutok sa pag aaral ng mga bata ng kanilang magulang may mga nananalo pa

ngang estudyanteng Pilipino sa mga patumpalak sa ibang bansa.

M-19
ICCT Colleges Foundation Inc.
v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

(pasion, 2012) ang K to 12 na programa ng Administrasyong Aquino na nag

lalayong solusyunan daw ang matagal ng problema sa Edukasyon pero umani ito

ng batikos. Base sa programa magiging mandatory ang Kindergarten, mag

kakaron ng anim na taon sa Elementarya (grade 1 hangggang 6) apat na taon sa

Junior High School (grade 7 hanggang 10 ) at dalawang taon sa Senior High

School (11 hanggang 12) subalit ayon sa kabataan Partylist, hindi sagot

bumababang kalidad ng edukasyon sa pag lobo ng bilang nga mga out of school

youth o ang mga kabataang hindi nakapag aaral maging ang kawalan ng trabaho

sa bansa ang hakbang sa pag pag dagdag ng taon sa batayang edukasyon.

(trillanes, 2012) sinabi ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na lalong

lalala ang Drop out rate at tataas ang halaga ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng

programang Enhanced Kindergarten to grade 12 K to 12 ng Department of

Education (DepEd) nanindigan ang senador na ang K to 12 na ipinatupad ng

DepEd ay hindi praktikal na solusyon sa mababang kalidad ng edukasyon sa

pilipinas.

M-19
ICCT Colleges Foundation Inc.
v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

Ang programang ito ng DepEd ay hindi lamang nangangahulugan ng

karagdagang gastos sa gobyerno kundi maging sa mga magulang na hirap ng

maka agapay sa patuloy na pag taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at

serbisyo sa bawat 100 na mag aaral sa grade 1 43 lamang ang nakakapag tapos

ng highschool at 14 ang nakakapag tapos ng kolehiyo ani ni trillanes “kung ating

isasaalang alang ang kasalukuyang estado ng ekonomiya hindi mo kinakailangan

ng maging genius para makita na ang drop out rate ay lalo lamang tataas kung

ipapatulad ang dawalang taong dagdag sa School Curriculum”

Ayon kay Trillanes base sa kamakailang pag aaral na ginawa ni Former

Education Deputy Minister Abraham Felipe at ni Dr. Carolina Porio na walang

kaugnayan ang bilang ng taon ng pag aaral sa pang kalahatang kalidad ng

edukasyon sa madaling sabi hindi nakalulutas ng krisis sa sistema ng edukasyon

ang programa kung hindi nag tatawid pa ito sa mas malaking suliranin na siyang

dapat tutukan hindi lamang ng mga edukador maging ng mga mag aaral, guro at

mga magulang na direktang maapektuhan nito. Ang dagdag taong ito sa pag aaral

ay panibagong suliraning kinakaharap ng mga magulang lalo pa at sumasabay din

ang pag taas ng mga bilihin at mababang prayoridad ng pamahalaan sa batayang

serbisyo.

M-19
ICCT Colleges Foundation Inc.
v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

Mga Kaugnay na Literatura


Ayon sa balita (2018) muling ipinahayag ni Department of Education

(DepEd) Secretary Leonor Batolis Briones na pangunahing layunin ng programang

K to12 ang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa at “ not solely “ to

provide immediate jobs for its graduates.” Sinabi ni Briones na mas mabibigyan ng

opsyon at oportunindad ang mga estudyante upang mapa unlad ang kanilang

edukasyon at kalidad ng pamumuhay sinabi ni Assistant Secretary Nepomuceno

Malalauan na ang programang K to 12 sa ikatlong implementasyon ay nasa

magang posisyon na kung ikokonsidera ang mga iprastraktura, materyales at pag

sasanay ng mga guro ayon kay malaluan, batay sa mga pinaka huling sarbey

ipinakitaang mga mapababa ng K to 12 ng ang porsyento ng drop out sa high

school, tinatayang 2,813milyon ang papasok sa grade 11 at 12 para sa School

Year 2018 hanggang 2019.

Ayon naman sa ABS-CBN news (2018) nangangamba nag isang malaking

business group na hilaw pa sa karanasang makatulong sa pag tatrabaho ang ilang

mag tatapos sa K to12 Program ang pinalawig na Basic Education System ng

Department of Education.Ibinasura ng Korte Suprema (sc) ang mga petisyon ng

mga paaralan, guro at mga mambabatas laban sa pag papatupad ng K to 12

Program sa pilipinas. Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Benjamin

Caguioa at inilabas noong Nobyembre sinabi ng Korte Suprema na “conditional”

M-19
ICCT Colleges Foundation Inc.
v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

o hindi labag sa saligang batas ang Republic Act 105330 ang Enhanced Basic

Education Act of 2018 at ang RA 10157. Kindergarten Education Act.

Ibinasura rin ang mga paratang na lumalabas saligang batas ang program

na gawing “sapilitan” ang pag pasok sa mga estudyante sa kindergarten at Senior

High School at mag daragdag pa umano ng obligasyon sa mga magulang at

estudyante. Pinalawig ng programa ang Basic Education Program sa required na

Kindergarten at 12 taon mula 10 taon na Basic Education Cycle. “The enactment

of Education Laws, including the K to 12 Law ang the Kindergarten Education Act,

their repective of the stats police power. The state has an interest in prescribing

regulation to promote the Education ang the general welfare of the people” ayon

sa korte. Paliwanag pa ng korte bilang isang batas ay may “presumption of

constitutionality” ang K to 12 Program at ipahihinto lamang ito kung

mapapatunayang ilegal o nag karoon ng Grave Abuse of Discretion sa panig ng

mga gumawa hindi rin nila napatunayan ng mga petitioners na may abusong

naganap sa pag arangkada ng discretion sa panig ng mga gumawa hindi rin nila

mapatunayan ng mga petitioners na may abusong naganap sa pag arangkada ng

programa. Tinanggal narin ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order

(TRO) na inilabas nito noong 2015 na nag patigil sa memorandum no.20 ng

Commission of Higher Education na nag tatanggal sa mga Subjects na Filipino at

M-19
ICCT Colleges Foundation Inc.
v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

panitikan sa score courses sa kolehiyo. Nilagdaan ni Dating Pangulong Benigno

Aquino III bilang ganap na batas ang RA 10533 noong 2013, pinalawig ang 10

taong Basic Education Cycle sa 12 taon. Layon din nitong ihanda ang mga

Highschool Graduate sa pag sabak sa kolehiyo o para makakuha ng trabaho

bagay na tinululan ng ilang grupo dahil sa umanoy kakulangan sa pag hahanda

sa programa.

Sinabi ni Briones noong 2017 na may mga hamon na kailangang

matugunan tungol sa pag papatupad ng K to12 lalo na sa SHS tiniyak ni Briones

na sila ay nag susumikap upang matiyak na ang mga ito ay maasikaso bago mag

simula ang bagong taon ng paaraln, patuloy pa rin nilang sinusubaybayan ang

katayuan ng pagiging handang nga mga paaralan.dalawang linggo bago ang pag

bubukas noong 2017

pinahayag ni Briones na isa pang press confrence ang isasagawa ng DepEdp

upang ihayag ang “tunay na katayuan ng mga paaralan” lalo na ang mga nag aalok

ng SHS. Sa simula sinabi ni Briones na mayroon paring maraming mapag kukunan

tulad ng mga silid aralan at mga guro na dapat itanong ng DepEd. “ Mayroon ding

mga kakulangan na hindi sa ilalim ng DepEd at mga lugar na problema na hindi

nakasalalay sa ating reposibilidad tulad ng mga kalsada at tulay

M-19
ICCT Colleges Foundation Inc.
v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

ngunit kailangan natin tugunan ang mga ito. Upang matiyak ang patuloy na pag

papatupad ng programa ng SHS sa ilalim ng K to12 sa taong ito tatanggapin ng

DepEd ang 33,00 na guro upang ituro mag turo sa estudyante sa grade 11 at grade

12 bukod sa mga item para sa mga guro ng SHS, tatanggap din ang DepEd ng

mga 20,000 para sa kinder, elementarya ang Junior High School mag kakaron din

ng 13,000 non teaching items.

M-19
ICCT Colleges Foundation Inc.
v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

KABANATA III
Disenyo at paraan ng pananaliksik

A.Disensyo ng Pananaliksik

Ang pag aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng mapaparaang

deskriptib analitik na pananaliksik masusi at itinangkang ilarawan at sinuri ng mga

mananaliksik ang kaalaman at pananaw ng mga mag aaral sa kalagayan ng

kanilang edukasyon sa napapanahong “K to 12 curriculum”

B. Mga Respondante

Ang mga napiling repondante sa pag aaral na ito ay ang mga mag aaral ng

Grade 12 Senior High ng ICCT College Caint Main Campus ang mga repondante

ay mayroong apat na grupo. Labing dalawa (12) ay mula sa ABM labing – dalawa

(12) sa GAS, labing-apat sa (14) sa stem at labing dalawa (12) sa HUMMS upang

mag karoon ng pantay na representasyon ng bawat grupo gumamit ng “random

sampling” ang mga mananaliksik pansinin ang kasunod na talahanayan.

ABM GAS HUMMS STEM KABUUAN

ICCT

COLLEGES 12 12 12 14 50

M-19
ICCT Colleges Foundation Inc.
v.v Soliven Ave, II, Cainta Rizal

C.Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey kwestyoner upang malaman ang

kasalukuyang kalagayan ng mga senior high sa loob ng sampung buwan. Ipang

lalong madagdagan ang kaalam tungkol sa nasabingpaksa ay nag interbyu at

nasagawa ng sarbey ang mga mananaliksik sa mga estudyante ng senior high

nangalap din ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa TV , Thesis at

dyaryo upang mas patibayin ang ginawang pamanahong papel

D.Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong papel na ito ay ginawa ng isang grupo ng mga mananaliksik

na estudyante upang matamo ang mga wastong sagot sa mga datos at pag

sasaliksik na ginawa sa pamamagitan ng masinsinan at masidhing pag susuri ng

kompleks na istatistika tanging pag tatally at pag kuha nga mga porsyento lamang

ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik.

M-19

You might also like