You are on page 1of 22

KAALAMAN SA KAHANDAAN NG PAMANTASAN NG GITNANG MINDANAO SA

PAGPAPATUPAD NG PROGRAMANG K-12 SA TAONG 2016-2017

Isang Pamanahonang papel na iniharap kay G. Jade A. Bengua,


Departamento ng Edukasyong Pangwika, Kolehiyo ng Edukasyon,
Pamantasan ng Gitnang Mindanao Musuan, Bukidnon

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa


Asignatura ng Filipino 45
(Kurikulum ng Filipino sa Batayang Antas)

nina:

Anjanette D. Billones
Arvie Joy M. Repuella
Hazel Rose M. Macababat
Ivy M. Paraiso
Kathleen A. Colago
Nico S. Mabal
Rocelle D. Palencia

Nobyembre, 2016
PASASALAMAT

Mula sa puso ng mananaliksik nais ipabatid at iparating ang taos-pusong


pasasalamat sa lahat ng mga taong naging daan at naging bahagi upang maisakatuparan at
maging matagumpay ang ginawang pananaliksik tungkol sa Kahandaan ng Pamantasan ng
Gitnang Mindanao sa K-12 na Kurikulum.
Unang-una sa lahat, nais ng mga mananaliksik na ipabatid ang masayang
pasasalamat sa Poong Maykapal na kung hindi dahil sa kanyang patnubay at pagpapala ay
posibleng hindi matapos-tapos ang pananaliksik na ito, sa maayos na panahon na kanyang
ibinigay at sa araw-araw na gabay sa paggawa ng nasabing pananaliksik. Sa bawat ideyang
kanyang ipinagkaloob sa bawat miyembro na siya ring paraan upang ang bawat isa ay may
maiambag sa pananaliksik.
Pangalawa sa mga magulang, na walang sawang suporta hindi lang sa pinansyal
kundi maging sa moral na suporta. Sa araw-araw na pag-iintindi sa anak kung sakaling ito ay
aalis man ng bahay upang isagawa ang nasabing pananaliksik, at sa pagtitiwalang ibinigay sa
anak na hinahawakan ng bawat mananaliksik at iniingatan. Sa iba pang mga tao na naging
bahagi sa pamanahonang papel na ito, sa mga kaklasi at mga kaibigan ang mga mananaliksik
po ay taos-pusong nagpapasalamat. Bernales (2012)
Panghuli, lubos ding pinasasalamatan ang guro sa asignaturang ito na si G. Jade
A. Bengua, sa pagbibigay sa mga mananaliksik ng ganitong uri ng gawain na siyang gagabay at
magsisilbing paghahanda sa mag-aaral para sa hinaharap na bukas. Maraming Salamat sa
inyong lahat.
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Ang K-12 ay isa lamang ideya na kalaunan ay isa nang ganap na batas. Ito ay isang
bagong programa kung saan ang sekondarya ay madaragdagan ng dalawa pang taon na siyang
tatawaging Grade 11 at Grade 12 o kaya ay Senyor Hayskul. Bago pa man naisabatas ang
programang ito, sumailalim muna ito sa isang malalimang pagbusisi ng mga eksperto at
dumanas ng maraming batikos mula sa marami. Naging matunog ang usaping ito sa lahat higit
na sa mga magulang at sa mag-aaral na siyang pinakaapektado sa nasabing programa.
Habang isinusulong ito ng marami, dumaan muna ito sa masidhing debate, umani ito
ng maraming negatibong puna mula sa ibat ibang sektor ng lipunan. Ayon kay, ang
programang ito ay dagdag pasanin sa mag-aaral at dagdag gastusin sa mga magulang.
Maging ang ibang guro man ay nagbigay rin ng kanilang saloobin tungkol sa nasabing programa
na dahil dito kinakapus na sila ng oras sa sarili o kaya sa pamilya. Ikinababahala rin ng marami
ang kahandaan ng bawat paaralan pagdating sa programang ito. Dahil sa biglaang
pagsasabatas ng programang ito, ang gobyerno ay hindi masyadong nakapaglaan ng malaking
pundo para rito kaya maaaring kulang sa mga aklat, paaralan at maging sa mga guro.
Noong taong 2012 sinimulang ipatupad ng pamahalaan ang K-12 dahil ito ay
naglalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas, ayon kay, sa buong Asya ang
Pilipinas lamang ang bansang nananatiling sampung taon ng basic education, kaya naman
ipinatupad ng pamahalaan at kagawaran ng Edukasyon ang K-12 na kurikulum, ang Pilipinas ay
hindi na mahuli pa sa kabihasnan at pandaigdigang kompetisyon pagdating sa kalidad ng
edukasyon.
2. Layunin ng Pag-aaral

Sa pamamagitan ng isang pakikinayam, limang (5) mga piling guro sa Pamantasan ng


Gitnang Mindanao na nagtuturo sa Senyor Hayskul ang inaasahang sasagutin ang sumusunod
na mga layuning pananaliksik:
A. Ano ang K-12 na Programa?
B. Anong mga hakbang ang isinagawa ng Pamantasan ng Gitnang Mindanao?
Ano ang mga implikasyon nito?
C. Papaano kaya masosolusyonan ang mga problemang dulot ng programang ito sa
Pamantasan ng Gitnang Mindanao?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang kahalagahan sa bagong


naimplementang programa para sa edukasyon, at upang matukoy kung gaano kahanda ang
mag-aaral pati na rin ang mga paaralan at mga pamantasan tungkol sa programang K-12. Isa
rin sa kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang maiparating sa lahat ang totoong layunin ng K-
12 at ito ay upang pataasin ang kalidad ng edukasyon at paunlarin ang ekonomiya ng bayan.
Sa pamamagitan ng mga katanungang inihanda ng mga mananaliksik at sa tulong ng
mga datos na nalikom, nalaman at nasagot ang kahulugan ng programang K-12 at epekto nito
sa bansa.

4. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kahandaan ng mga paaralan sa K-12 na


programa higit na sa Pamantasan ng Gitnang Mindanao. Sakop ng pag-aaral ang mga guro sa
Kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasan ng Gitnang Mindanao na nagtuturo ng Grade 11.
Nais ng pag-aaral na ito na matukoy ang kahandaan ng isang paaralan tungkol sa K-
12 Kurikulum at kung ano ang mga kahandaang isinagawa ng nasabing institusyon. Nakatuon
din ang pag-aaral sa kahalagahan ng programa sa antas ng edukasyon sa Pilipinas at ang
maaaring maging resulta ng bagong kurikulum na ito.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat


ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na teminolohiya batay sa
kahulugan at paggamit nito sa pananaliksik.
Ang akma ay ang tama o may katuturan na mga salita, ang salitang itoy ang pag-
aaral ng mga eksperto ay tutugma sa maaaring kalalabasan sa unang taong implementasyon ng
K-12.
Ang Alliance of Concerned Teachers isang sektor ng mga gurong may pakialam sa
mga batang hindi nakakapag-aral, ayon sa sektor na ito, hindi solusyon ang karagdagang taon
sa pag-aaral, bagkus, maaaring dahil dito ay mas lumala pa ang problema at dumami pa ang
bilang ng hindi nakakapag-aral.
Ang budget ay ang pera o pundong nakalaan para sa mga paaralan, walang gaanong
budget ang gobyerno kung sakali mang maipatupad ang programang K-12.
Ang datos ay mga ebidensya, itoy makatutulong na masagot ang ilan sa mga
katanungan ng nakararami.
Ang debate ay ang pakikipagpalitan ng ideya ng magkabilang grupo, ginamit ang
salitang ito sapagkat ang programang K-12 ay dumaan muna sa isang debate.
Ang departamento ng Edukasyon isa sa kasangga ng gobyerno sa pagpapatupad
ng K-12, ito ay sumasang-ayon sa pagpapatupad ng programang K-12 at ang may sabi na ang
K-12 ang siyang sulosyon sa dumaraming bilang ng kabataang hindi nakapag-aral o hindi
pumapasok sa paaralan.
Ang Junior High ay ang tinatawag ngayon na Grade 7 hanggang Grade 10, ang
huling lebel para makapag Senyor Hayskul ang mag-aaral.
Ang kalidad ay ang natatanging kakayahan ng mag-aaral, isa sa layunin ng K-12 ay
ang linangin ang kakayahan ng bawat mag-aaral nang sa ganoon ay magamit sa tamang
paggagamitan.
Ang kindergarten ay ang hakbang na tatahakin ng bata para makapag elementarya.
Kinakailangan na ito sa bawat mag-aaral.
Ang kawani ay ang mga naging kasamahan na nakatulong sa pagpapatupad ng K-
12, ang mga kasamahang naging kaagapay sa pagpapatupad at sumusuporta ng programang
K-12.
Ang mandatoryo ay isang kinakailangan at nararapat na kunin at sundin, ang K-12
ay isa nang pangangailangan at kinakailangang sundin.
Ang Out-of-school-youth ay ang mga batang hindi nakapag-aaral at kasalukuyang
dumarami. Ipinatupad ang progrmang K-12 upang masulosyunan ang suliranong ito.
Ang semi-skilled ay mga kakayahan ng mag-aaral na lilinangin sa tulong ng K-12.
Ang Senyor Hayskul, ay ang dalawang taong karagdagan sa sekondarya Grade 11
at 12, ang naging pinakapukos sa K-12.
Ang TESDA ay kasangga ng DepEd at siyang nakatuon sa kakayahan ng bata.
KABANATA II
KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang programang K-12 ang bagong nailunsad na batas sa Filipinas, karamihan sa mga
Pilipino ay hindi ganoon ka lawak ang kaalaman tungkol sa programang ito, kaya naman
marami ang nabigla ng ito ay lumabas, kaakibat nito, marami ring mga eksperto at
mananaliksik ang nag-aral tungkol dito nang sa ganoon ay maging gabay narin para sa
mamamayan at para maliwanagan sa maaaring dulot nito.
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang mga pampublikong paaralan sa
bansa ay nakaranas ng 182, 483 kakulangan sa mga guro 97, 685 kakulangan sa silid aralan, at
153,709 kakulangan sa palikuran. Naglaan lamang ang Department of Budget Management ng
259.25 bilyon na halaga para sa 2013 gayong ang pangangailangan sa edukasyon ay aabot sa
halagang 338.20 na bilyong pesong halaga. Ang mismong United Nations Educational, Scientific
and Cultural Organzation (UNESCO) ang nag aatas sa ating gobyerno na maglaan ng anim na
porsyento ng kita nito ay para sa edukasyon subalit hanggang ngayon ay tatlong porsyento
lamang ang inilalaan ng administrasyong Aquino para sa batayang Edukasyon, ayon pa uli sa
nakararami, malisyusong itinutulak ng programang ito ang mag-aaral na mangibang bansa
imbis na hikayatin ang mga ito na mag lingkod sa sariling bayan.
Ayon kay Reymund Palatino isang kabataan Rep. Hindi ibig sabihin ng bagong
kurikulum ay nangangahulugan na agad na improvement hindi dapat magpukos sa academic
cycle, isang factor lang yan, higit na kailangang tugunan ang mga pundamental na problema ng
edukasyon, saad ng isang tagapangulo ng Anakbayan na si Vencer Crisostomo walo sa bawat
sampung kabataan ay out-of-school-youth, at nangangamba kami na lalala pa ito sa
desperadong pagpapatupad ng K-12 ng administrasyong Aquino saad naman ni Crisostomo
ang administrasyong Aquino ay pumapaloob sa malaking bentahan ng kinabukasan ng
kabataan.
Ang pananaw naman ng DepEd at ng gobyerno ay iisa, malamang ang mga ito ay
sumailalim sa isang malalimang pananaliksik tungkol sa K-12, at maaari ring pinagbasihan nila
ang estados at kalidad ng edukasyon sa Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa na tig
lalabing daawang taon. Sabi pa nga nila ang Pilipinas ay nahuhuli na pagdating sa kalidad ng
edukasyon at sa lahat ng mga bansa sa Asya isa na ang Pilipinas sa mga bansang hindi pa
gumaagamit ng K-12.
Sa pamamagitan ng programang ito ay natatanaw na ng gobyerno ang posibleng
magandang maidulot nito para sa bansa, maaaring dahil dito ay uunlad ang kalidad ng
edukasyon sa Pilipinas at uunlad din ang ekonomiya ng bansa at maging ang mga trabaho at
magkakatrabaho ay dadami rin.
Hindi naman masama ang intensyon ng DepEd at gobyerno sa pagpapatupad ng
programang ito, iyon nga lang sa bawat umuusbong na batas ay talagang may mga
masasagasaan na tao at tiyak na may mga aalma at mag rereklamo tungkol dito. Bagamat,
isipin nalang kumbaga ng nakararami nakung ang Pilipinas ay mananatili na lamang sa
nakasanayan at hindi kailan man susubok sa bagong kaalaman o bagong mga hakbang tungo
sa pagbabago ay tiyak na wala ring patutunguhan. Ibig ng mga nasa katungkulan ay ang
kaginhawaan hindi lang sa bayan kundi pati na rin sa mamamayan, at ang K-12 ay isa sa
tinatayang daan tungo sa kasaganahan, at isiping itoy isa na ring oportunidad para sating mga
kabataan.
Kung iuunay natin ang pag-aaral ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at sa
pananaw ni Reymund Palatino ay talagang maiiuugnay natin ang mga ito, dahil kung lubos na
iintindihin, ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) ay hindi sang-ayon sa pagpapatuad ng
programang K-12 sapagkat wala pang sapat na budget ang gobyerno para rito, ganon naman si
Remund Palatino hindi rin ito sang-ayon sa pagpapatupad ng K-12, ika nga niya na hindi ibig
sabihin na bagong kurikulum ay pagbabago rin o improvement ang dulot nito, kinakailangan na
mas pagtuunan ng pansin ang problema sa edukasyon. Ibig sabihin ang gusto ng dalawa ay
hindi ipatupad ang nasabing programa, isipin na lamang ang problemang kinakaharap ng
DepEd sa ngayon, at ang nais din ng mga ito na sulusyunan muna ng mga probleman tulad ng
kakulangan sa mga silid at guro at maging sap undo.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-analitik


na pananaliksik. Tinangkang alamin at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang
Kaalaman sa Kahandaan ng Pamantasan ng Gitnang Mindanao sa Programang K-12
sa taong 2016-2017.

2. Mga Respondente

Ang mga naging respondente sa pananaliksik na ito ay mga guro sa Grade 11 sa


Pamantasan ng Gitnang Mindanao, lima rito ay mga guro sa Kolehiyo ng Edukasyon; tatlo ang
nagtuturo sa asignaturang Filipino, isa sa General Science, at isa rin sa Edukasyong Pisikal.

3. Instrumento ng Pananaliksik

Upang maisakatuparan at maging matagumpay ang pananaliksik na ito, kinakailangang


may mga respondante na may sapat na kaalaman sa bagong ipinatupad na kurikulum ang
programang K-12, kaya naman ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng interbyu sa mga guro
sa grade 11 na nagtuturo ng asignaturang Filipino, General Science at Edukasyong Pisikal sa
Pamantasan ng Gitnang Mindanao.
KABANATA IV
1. PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Batay sa mga nakalap na datos ng pananaliksik, ang mga mananaliksik ay nakipanayam


sa limang guro (5) na nag tuturo sa Senyor Hayskul. Ang mga ito ay tinanong at sumagot batay
sa mga kalaman at sariling obserbasyon.

Grap 1
Kalaman sa K-12 na Programa

Ang lima sa limang (5/5) gurong nakapanayam ng mga mananaliksik sa Pamantasan ng


Gitnang Mindanao ay iisa ang pangkalahatang kaalaman tungkol sa K-12 na programa. Ito ay
ang pagdagdag ng dalawang (2) taon sa sekundarya at mandatoryong pagpasok sa
kindergarten. Ang unang apat (4) at ang dalawang (2) dagdag na taon ay Senyor Hayskul. Ang
Programang ito ay nakatuon sa paghasa ng kasanayan, karunungan at kahandaaan ng mga
estudyante bago tumuntong sa kolehiyo.
Tinatayang ang bansang Filipinas, Angola at Djibouti na lamang ang may sampung taon
sa batayang edukasyon kung kaya ang mga gradweyt dito sa kolehiyo ay kinikilalang
andergradweyt sa ibang bansa. Upang malutas ang suliraning ito, nararapat talagang ipatupad
ang K-12, dahil ito ay maka-uunlad sa kalidad ng Edukasyon sa bansa.
Grap 2
Kahandaan ng Pamantasan ng Gitnang
Mindanao sa Programang K-12

Pito (1) sa pitong (7) nakapanayam na guro ng mga mananaliksik sa Pamantasan ng


Gitnang Mindanao ang nagsasabing hindi pa masyadong handa ang Pamantasan sa
pagpapatupad ng programang K-12. Kahit ang mga guro ay kulang sa oryentasyon at seminar
tungkol dito. Hindi rin gaanong handa ang mga pasilidad tulad ng silid-aralan at lalong-lalo na
ang mga aklat.

Grap 3
Kaalaman sa mga Hakbang na Isinagawa ng
Pamantasan ng Gitnang Mindanao
Sa pitong (7) nakapanayam na guro ng mga mananaliksik sa Pamantasan ng Gitnang
Mindanao pito (7) ang nagsabi na ang pamantasan ay nagsagawa ng hakbang sa paghahanda
ng programang K-12. Ito ay ang oryentasyon ng mga estudyante at ang mga gurong nasa
mataas na posisyon ang dumalo sa mga pagsasanay sa ibat ibang unibersidad. Ayon sa kanila,
ang paghahandang ito ay hindi talaga sapat dahil ang karamihang guro sa senyor hayskul ay
hindi nakadalo sa mga seminar kung kaya hindi rin masyadong alam ang dapat na gawin sa
maayos at maunlad na pag-implementa ng progaramang K-12.

Grap 4
Implikasyon ng Programang K-12 sa mga
Guro at Mag-aaral sa Pamantasan ng Gitnang
Midanao

Sa pitong (7) nakapanayam na mga guro ng mga mananaliksik sa Pamantasan ng


Gitnang Mindanao pito (7) sa kanila ang nagbigay ng mga naging implikasyon ng programang
K-12, isa na dito ay napapahiya ang ilan sa mga gurong nagtuturo sa Senyor Hayskul dahil
karamihan ay kulang sa kaalaman tungkol sa nasabing programa at hindi naibibigay ang
wastong impormasyon sa mga bata pati narin sa mga magulang.
Pagdating naman sa implikasyon ng programang K-12 sa mag-aaral, karamihan sa mga
ito ay nakatatanggap ng maling impormasyon mula sa kanilang mga guro, at kung minsan ay
kinukulang ang mga impormasyong nakakalap nila. Gayon paman nakakaranas din sila ng
kakulangan sa mga kagamitan at pasilidad ng paaralan.
Grap 5
Mga Suhestyon na Makatutulong sa Mas
Epektibong Pagpapatupad sa Programang K-
12 sa Pamantasan ng Gitnang Mindanao

Sa pitong (7) nakapanayam na mga guro ng mga mananaliksik sa Pamantasan ng


Gitnang Mindanao pito (7) ang nagsabi na kinakailangang bago mag turo ang isang guro sa
Senyor Hayskul sasailalim muna ang mga ito sa mga seminar at oryentasyon na may tiyak na
eksperto na namamahala upang lubusang maipaliwanag ang nais ipabatid ng programang K-12.
Isa pa sa suhestyon ng mga guro, kinakailangang maglaan ng sapat na pondo ang
pamahalaan upang maibigay ang mga kinakailangan ng mga paaralan at ng mga guro mismo
na nagpapatupad nito.

Grap 6
Pananaw ng mga Guro Kung Gaano
Kahandaan ng Mag-aaral sa Pamantasan ng
Gitnang Mindanao
Ayon sa pito (7) sa pitong (7) mga guro na nakapanayam ng mga mananliksik sa
Pamantasan ng Gitnang Mindanao, kung susuriing mabuti masasabing hindi pa handa ang mag-
aaral sa nasabing pamantasan kung pag-uugali ang pagbabasehan nito, dahil masyadong bata
pa sila kung mag-isip at halos ang gusto lamang ng mga ito ay maglaro at hindi siniseryuso ang
kanilang pag-aaral.
Hindi pa rin handa ang mag-aaral sa programang K-12, dahil hindi sapat ang kanilang
kaalaman dahil hindi sapat ang mga naibibigay ng impormasyon ng mga guro.
KABANATA V

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang kahandaan ng Pamantasan


ng Gitnang Mindanao tungkol sa programang K-12 sa tulong ng mga guro sa nasabing
pamantasan na nagtuturo sa Grade 11-12. Gayundin, upang matukoy ang mga damdamin hindi
lang ng mga guro kundi pati na rin ng mag-aaral tungkol sa bagong ipinatupad na programa.
Gamit ang disenyong deskribtib analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng
talatanungan para sa limang (5) gurong nakapanayam na siyang tumulong upang masagot ang
mga layunin ng pananaliksik na ito. Makikita na bago pa man isinagawa ng mga mananaliksik
ang pormal na pakikipanayam ay gumawa muna ang mga ito ng mga hakbang bago
makipagpanayam sa mga guro.
Ang mga mananaliksik ay gumawa at naghanda muna ng isang liham pagpapahintulot
upang payagan sa gaganaping pakikipanayam sa bawat guro. Isinunod naman ang pagpapa-
iskedyul sa mga guro kung kailan maaaring ganapin ang pakikipanayam at saka inalisa at
ininterpreta ang ang sagot ng mga ito upang maging isang datos sa nasabing pananaliksik.

KONKLUSYON

Batay sa mga inilahad na datos at sa mga sagot ng mga gurong nakapanayam,


masasabing ang Pamantasan ng Gitnang Mindanao ay hindi na handa sa pagpapatupad ng
programang K-12. Masasabing maging sa mga pasilidad ay may kakulangan pa.
Kung pag-uusapan din ang kahandaan ng bawat guro hindi pa handa ang karamihan sa
mga ito, sapagkat hindi pa ganoon kalawak ang kanilang kaalaman sa K-12 na programa. May
mga bagay pa rin na hindi gaanong malinaw sa mga guro at hindi naipaliwanag ng maayos
dahil na rin sa kakulangan sa oras at panahon sa paghahanda.
Ganun din, masasabing kung ang isang pamantasan ay hindi pa handa sa bagong
ipinatupad na programa, kung titingnan bilang pangkalahatan, hindi pa rin tuluyang handa ang
gobyerno para rito, maging sa materyales at sa mga silid sa bawat paaralan ay kinukulang pa
rin, masasabi ring pagdating sa pondo ay hindi pa masyadong napaghandaan ng gobyerno
sapagkat kinukulang pa rin ito at halos hindi mabigyan ng sapat na badyet ang lahat ng
pampublikong paaralan sa Filipinas.

REKOMENDASYON

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inimumungkahi


ng mga mananaliksik hindi lamang sa mga guro at sa mag-aaral kundi pati na rin sa mga taong
mas may katungkulan at nakakataas sa posisyon ang mga sumusunod na hakbang upang
masulusyon ang tungkol sa suliranin sa kahandaan ng Pamantasan ng Gitnang Mindanao.
1. Bago sana ilunsad ang isang batas na para sa lahat, naway siguraduhin munang ang
mga taong mag iimplementa sa nasabing programa at maging ang mga taong magiging
apektado ay sumailalim sa isang masusing oryentasyon, upang lumawak pa ang kaalaman
tungkol sa nasabing programa.
2. Alam ng lahat na bago pa man isinabatas ang ang isang batas, pinag-aaralan muna
ito kung itoy magdudulot ba ng mabuti sa nakararami, at pag natiyak na itoy magdudulot ng
maganda naway itoy paglaanan ng malaking pundo lalo na kung ang bagong batas na ito ay
nangangailangan ng malaking halaga upang ganap na maisakatuparan.
3. Batid na ang isang batas ay inaprubahan para sa ikabubuti ng lahat, ipinatupad ito sa
inaakalang sa pamamagitan ng batas na ito ay mababago nito ang buhay ng mga Pilipino na
siyang magsasabuhay sa inilunsad na programa, hindi rin lingid sa gobyerno at Departamento
ng Edukasyon ang mga reklamo ng bawat magulang at mag-aaral tungkol dito, bagamat ang
tanging masasabi lamang ng mga mananaliksik, ang programang K-12 ay suportahan nalang ng
nakararami, sapagkat sa huli tayong mga Pilipino rin naman ang makikinabang sa posibleng
bunga nito, maaaring dahil dito, mababago ang takbo at tataas ang takbo ng ekonomiya sa
Filipinas at ganon din ay tataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Dadami ang bilang ng
mamamayang magkakaroon ng trabaho, at makaboboo tayo ng mga dekalidad at palaban na
mga produkto ng edukasyon.
Para hindi ganon kasakit sa loob para sa mga taong hindi payag sa programang K-12,
isipin na lamang na ang programang ito ay para sa ikabubuti ng kinabukasan ng kanilang mga
anak, at isipin na lang din ang mga magagandang maidudulot nito para sa lahat.
Mga Sanggunian

Bernales R.A et al. (2009). Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik. Mutya Publishing


house Inc.p.185-317
Bilbao P.P et al. () Curriculum Development For Teachers. Orimar publishing
house.

http://udyong.net/teachers-corner/1002-handa-na-ba-ang-mga-Pilipino-sa-K12

http://www.slideshare.net/mobile/joyieloo/pa-nanaliksik-1
Republika ng Filipinas
Pamantasan ng Gitnang Mindanao
Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Edukasyon
University Town, Musuan, Bukidnon 8710

Pangalan:
Petsa:

PANUTO:

Sa loob ng 5-10 minuto na pakikinayam sa mga guro, ang mga nasa ibaba ay
ang mga sumusunod na mga katanungang nangangailangan ng sagot nararapat na
masagot ng kinakapanayam.

MGA KATANUNGAN

1. Para sa inyo maam/sir ano ang K-12 na Programa?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Sa tingin niyo gaano kahanda ang Pamantasan ng Gitnang Mindanao sa programang


K-12?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Anong mga hakbang o paghahanda ang isinagawa ng Pamantasan ng


Gitnang Mindanao?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

4. Ano ang implikasyon ng K-12 sa mga mga guro at mag-aaral sa nasabing


pamantasan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

5. Ano po ang inyong maaaring suhestyon na makatutulong upang maging mas


epektibo ang programang K-12 sa Pamantasan ng Gitnang Mindanao?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

6. Bilang guro, masasabi mo ba na ang mga mag-aaral sa pamantasang ito ay


handa na talaga sa programang K-12?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
APENDIKS A
(Mga Kuhang Larawan)
APENDIKS B
(Mga Burador)

You might also like