You are on page 1of 21

PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES

NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 1

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


PANIMULA

Sa pagtatapos ng panuruang 2017-2018 kasabay nito ay ang pagsi-

sipagtapos nang unang batch ng Senior High School na programa ng Department of

Education (DepED) na nagsimula noong taong 2012-2013. Ang K-12 program ng

gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mandatory o required na

kindergarten at karagdagang dalawang taon sa dating 10 taong Basic Education Cycle.

Nilalayon ng pamahalaan na pataasin ang kalidad ng edukasyon at paunlarin pa ang

ekonomiya ng ating bansa. Layunin din nito na mas ihanda ang mga kabataan sa

pagtratrabaho kapag natapos ang mga kabataang ito sa Senior High School ,at nasa

sapat na rin silang gulang at sapat na kakayahan upang makahanap ng magandang

trabaho.

Ngunit nangangamba ang isang malaking business group na hilaw pa sa

karanasang makakatulong sa pagtratrabaho ang mga magsisipag tapos sa K-12

Program. Tingin ni Alberto Fenix, president ng Human Resource Development

Foundation PCCI, baka mahirapang makapasok ng trabaho ang tinatayang daan-daang

libong magsisipagtapos sa kadahilanang hindi pa sapat ang mga kalaman at kakayahan

upang sumabak sa mundo ng pagtratrabaho. Ipinangako ng Kagawaran ng Edukasyon

(DepEd) na kung sino man ang makapagtapos ng Senior High School ay mayroon nang

pagkakataong makapagtrabaho dahil sa mga industriyang katuwang ng pampubliko at

pribadong paaralan noong sila ay sumabak sa tinatawag na Immersion Training kung

saan ipinamalas nila ang kanilang kakayahan at mga teoryang natutuhan ukol sa

kursong nais nilang tahakin.


PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 2

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


Ang trabaho ay kinakailangan at inaasahan ng ilan sa mga magsisipagtapos

ngunit sa mga naglalabasang balita at opinyon ng mga kumpanya ukol sa kredibilidad

ng kakayahan ng mga Senior High School graduates ay parang magiging imposible pa.

Sa katotohanang papaano matatanggap ang mga mag-aaral na nakatapos ng K to 12

sa trabahong propesyunal kung mismong ang nagsipagtapos ng kolehiyo ay

karamihang ay di mabigyan ng oportunidad namakapagtrabo.

Gayun pa man, nakasalalay pa rin sa mga estudyante ang kapalaran nila sa

pagtratrabaho at sapag-sisikap upang makahanap nito o kaya’y magtayo ng sariling

negosyo upang makapagpatuloy ng kolehiyo kung gugustuhin.

Sanligan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay isa rin sa mga magsisipagtapos sa unang batch ng K

to 12 program, bilang isa sa mga pangunahing maapektuhan ng paksa at dahil narin sa

sariling kagustuhan ay napili naming ang “Pananaliksik sa kahandaan sa pagtatrabaho

ng mga unang graduates ng Senior High School sa Paaralang Sekundarya ng Lucban”.

Kaya’t ninanais ng mga mananaliksik na malaman ang opinyon ng mga kapwa

estudyante kung sila nga ay handa nang tumanggap ng pagtratrabaho kasama ng

responsibilidad.

Tiyak na Layunin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga kahandaan ng mga

graduates ng Senior High School sa Paaralang Sekundarya ng Lucban sa pag-a-aplay

ng trabaho. Layunin din nitong malaman ang opinyon ng ibat-ibang indibidwal ukol sa
PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 3

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


kahandaan ng mga estudyante. Nais din nitong maipaalam ang mabuting idudulot ng

pagpapatuloy sa kolehiyo o ng pagtratrabaho pagkatapos ng gradwasyon.

Tiyak na Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang tunay na kalagayan ng

kahandaan sa pagtratrabaho ng mga unang graduates ng senior high sa Paaralang

Sekundarya ng Lucban. Layunin din nitong masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

1) Anu-ano ang mga hakbang na isinagawa upang masabi na handa na talaga ang

magsisipagtapos ng Senior High na makapagtrabaho o kaya’y makapagtayo ng

sariling negosyo?

2) Anu-ano ang persepsyon ng mga estudyante sa kanilang kahandaan upang

sumabak o mag-aplay ng trabaho sa kanilang industriyang/ trabahong napili?

3) Anu-ano pa ang mga kinakailangang pagtatasa upang masabi na handa ang

mga unang graduates na makapagtrabaho o makapagtayo ng sariling negosyo?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga at makakatulong sa mga sumusunod:

Para sa mga Mananaliksik

Upang pag-ibayuhin ang kaalaman at kakayahan upang maging karapat-

dapat matanggap sa trabaho o makatuloy sa kolehiyo;

Para sa mga Mambabasa

Upang malaman ang kasalukuyang katayuan ng kahandaan ng mag-aaral

na nakapagtapos ng senior high school upang makapagtrabaho. Malalaman din


PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 4

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


nila ang hakbang at gawaing ginawa upang masabi na handa na talaga ang

magsisipagtapos ng Senior High upang makapagtrabaho o kaya’y makapagtayo

ng sariling negosyo. At malalaman din ang persepsyon ng mga mag-aaral ng

Senior High School ukol sa paksa;

Para sa pamahalaan

Upang mas mapalawig pa nila ang kanilang kaisipan tungkol sa

pagpapatupad ng K-12 Malalaman kung ang mga paaralan na papasukan ng

mga mag-aaral ay mayroong sapat na kalidad upang makita ang mga

problemang dapat ay mabigyang solusyon lalong higit sa larangan ng kahandaan

ng mga mag-aaral na makapagtrabaho bilang isang layunin ng prigramang ito

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-aaral ng Ika - 12

baitang ng Senior High School sa Paaralang Sekundarya ng Lucban. Ang mga

mananaliksik ay kukuha lamang ng mga respondent sa mga kursong ibinibigay sa PSL

– HUMSS, ABM, Cookery, Automotive at EPAS, Sumasaklaw ang pananaliksik na ito

sa lahat ng mag-aaral na nagnanais malaman ang kahandaan sa pagtratrabaho ng mga

unang graduates ng Senior High sa Paaralang Sekundarya ng Lucban at maging sa

mga mambabasa na magtatapos rin. Ang pananaliksik na ito ay isasagawa lamang sa

buong kwarter ng Ikalawang semester.


PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 5

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Accountancy and Business Manament – Kurso na iniaalok ng Paaralan sa mga nag-

nanais magmay-ari ng negosyo at accountant

Automotib – Isang kurso sa TVL track na kinukuha ng mga mag-aaral na nag nanais

maging automotive technician.

Cookery – kurso para sa mga nais maging chef at maging hasa sa pagluluto.

EPAS – Isang teknolohiyak na larangan para sa mga nagnanais maging electrician

atbp.

Humanities and Social Sciences – isang pang-akademikong kurso para sa mga

gustong maging guro, abogado, poltiko at iba pang larangan.

Immersion – isang perquisite subject na kinakailangan kunin ng isang Senior High

Student na naglalayong mapalawak ang kanyang kaalaman ukol sa kursong kanyang

napili.

K to 12 Education Curriculum - nangangahulugang kindergarten at ang

labindalawang taon sa elementarya at sekondaryang education.

Paaralang Sekundarya ng Lucban – isang mataas na paaralan na matatagpuan sa

Lucban , Quezon

Senior High Schoool – Huling Dalawang taon na pag-aaral sa K-12 Curriculum


PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 6

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Inilahad sa kabanatang ito ang ilang sipi sa aklat, artikulo at dyornal sa internet

na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.

K-12 Basic Education Curriculum

Ayon kay Mullet (2012), ang K+12 ay nangangahulugang kindergarten at ang

labindalawang taon sa elementarya at sekondaryang pag-aaral. Isang taon sa

kindergarten, anim na taon sa baitang 1 hanggang 6, apat na taon sa Junior High

School (JHS) na tinatawag na baitang 7 hanggang 10, at dalawang taon sa Senior High

School na tinatawag namang baitang 11 hanggang 12. Ang mga estudyante sa

elementarya ay makakukuha ng diploma, gayundin sa junior at senior high school. Ang

dalawang taon ng senior high school ay nagbibigay sa kanila ng panahon upang

makapamili sa siyensya, teknolohiya, musika, sining, agrikultura, isport at

pagnenegosyo. Ang labindalawang taon ng basic education ay kailangan upang

makarating sa susunod na antas.

Ayon sa datos ng Social Weather Station (SWS) noong 2010, tatlo sa bawat

sampung Pilipino na 18 taong gulang pataas ang walang trabaho. Ito na umano ang

pinakamataas na adult unemployment rate na naitala ng SWS. Totoo, lubha nang

nakakabahala ang pagkakaroon ng mahinang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ayon

naman sa mga propesyunal at intelektwal, ang bagong sistema ay isang long term goal

para sa Pilipinas na dapat bigyan ng atensyon. Kung pag-iibayuhin ang 12 year Basic
PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 7

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


Education System sa mahabang panahon, tataas ang antas ng edukasyon at maaari

nang makasabay ang ating bansa sa mga first world countries sa mundo.

National Certification

Isa sa mga layunin ng K-12 ang pagiging handa ng mga mag-aaral sa

pagtratrabaho kahit hindi pa nakakatutuntong ng kolehiyo sa pamamagitan ng

pagtanggap ng National Certification. Ito ay isang pagtatasa upang malaman kung ang

isang indibidwal ay makakatugon sa kinakailanganng kasanayan at pamantayan na

inaasahan sa kaniyang napiling larangan. Ibinibigay ito sa mga taong nakatugon sa

kagalingang pamantayan ng Philippine TVET Competency Assessment and

Certification System (PTCACS) na pinapatupad ng Technical Education and Skills

Development Authority (TESDA). Tinitiyak ng pagsasanay na ito na ang pagiging

produktibo, kalidad at “global competitiveness” ng isang middle-level na trabahador.

Sa kasalukuyan, ang Technical-Vocational-Livelihood Track ang siyang

nagungunang track sa Senior High School na maaring kumuha ng National

Certification. Maari ring kumuha ang mga mag-aaral na kumukuha ng Arts and Design

Track sa larangan ng Performance Arts, Photography at iba pa; Science, Technology,

Engineering and Mathematics Strand sa larangan ng medisina; at mga kumuha ng

Accountacy ang Business Management na maaring magkamit ng Bookkeeping NCII at

Microfinance Technology NCII.

Work Immersion

Ayon sa Department of Education (DepEd) Order no. 30 s. 2017, ang mga senior

high school students ay kinakailangan sumailalim sa isang Work Immersion na isang


PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 8

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


hinihinging batayan upang makatapos sa mataas na paaralan. Ito ay isang kurso sa

senior High school kung saan direktang mararansan at maging pamilyar ang mga mag-

aaral sa kanilang napiling larangan ng espesyalisayon. Tiyak na layunin ng programang

ito na (i) magkaroon ang mga mag-aaral ng sapat na kaalaman at praktikal na

kasanayan sa pamamagitan ng mga tagapayo mula sa industriyang kinabibilangan; (ii)

pahalagan ang aplikasyon ng mga natutunang teorya at saligan sa paaralan; (iii)

mapataas ang kasanayang makipag-ugnay sa mga tao; at (iv) linangin ang magandang

kaugalian at pagpapahalaga at respeto sa trabaho.

Ang Work Immersion ay bahagi ng Senior High School (Grade 11 at 12)

Curriculum na nangangailangan ng 80 oras na pagsasagawa ng aktwal na trabaho or

“hands-on” experience upang maranasan ito ng mga estudyante. Maari din itong

paggaya lamang sa aktwal na trabaho or ‘simulated’. Hindi maaring lumampas ng 8

oras bawat araw ang pagsasagawa ng trabaho. Kailangan din gabayan ng eskwelehan

at employers ang mga estudyante.

Kalamangan sa Trabaho

Isang rason upang suportan ang K – 12 educations ay dahil ang graduates ng

programang ito ay handa nang sumabak sa puwersa ng paggawa. Samantalang ang

mga high school graduate ng 10-taong kurikulum ay hindi pa kayang tumanggap ng

trabaho dahil wala pa silang mga kasanayang meron ang mga nagsipagtapos ng K-12

program.

Bilang karagdagan, ang mga nagtapos sa mataas na paaralan ng 10-taong

kurikulum ay wala pa sa wastong gulang. Sa bagong kurikulum, ang mga mag-aaral sa


PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 9

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


senior high school ay maaaring magpakadalubhasa sa larangang sila’y mahusay at

interesado. Pagkatapos nila makapagtapos ng Senior High School ay mayroon na

silang tiyak na mga kasanayan na may kaugnayan sa trabaho na kahit hindi sila

tumanggap ng college degree. Ang mga Pilipinong magsisipagtapos ng bagong

kurikulum ay awtomatikong kikilalaning propesyonal sa abroad dahil ang edukasyong

kanilang tinggap ay alinsunod sa International Education Standard na siyam sinusunod

ng karamihan ng mga bansa. Hindi na kailangang mag-aral muli at upang maging

karapat-dapat para sa mga internasyonal na pamantayan. Ang mga Pilipinong

propesyonal na naghahangad na magtrabaho sa ibang bansa ay hindi na makakaranas

ng hirap sa pagkuha ng mga trabaho sa kanilang piniling larangan.

Magpapatunay dito si Michaela Mendiola, isang senior high school student

graduate na kumuha ng IT sa Mobile App and Web Development Technical-Vocational-

Livelihood Track. Bilang graduate ng Senior High School, mayroon siyang mga sertipiko

na magpapahintulot sa kanya na magtrabaho hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa

ibang bansa. Sa kasalukuyan, isa na siya ngayong Technical Support Representative at

SPI Global sa Ortigas, Pasig City kung saan naghahanda siya ay nagiipon upang

tumuntong sa kolehiyo at kumuha ng kursong BSIT kung saan mas maari pang

malinang ang kaniyang kakayahan at magdulot ng marami pang oportunidad.

Hindi pa handang magtrabaho

Ayon naman kay Fenix, hindi pa handang magtrabaho ang mga unang

gradweyts ng Senior High School. Isa si Romeo Calibo sa mga maagang nagtapos ng

K-12 sa Laguna, na mas naunang nagpatupad nitong programa bago nailunsad sa iba
PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 10

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


pang bahagi ng bansa. Bukod sa dagdag dalawang taon ng high school, sumalang din

si Calibo sa 800 oras na OJT sa isang kompanyang gumagawa ng makina. Kung sa

isang araw ay walong oras ng pagsasanay ang ilalaan, halos 100 araw na nag-OJT si

Calibo, mas matagal kumpara sa 80 oras o dalawang linggo na tanging rekisito sa K-12.

Ayon sa kompanyang kumuha kay Calibo, kulang na kulang ang dalawang linggo para

maturuan ang isang estudyante sa kaniyang gustong pasuking trabaho at ginawa ito

upang mas mahasa siya sa mga teknikal na gawain sa trabaho.

Samantala, binigyang-diin ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali na nabuo

ang curriculum ng K-12 sa pakikipag-ugnayan sa Commission on Higher Education at

Technical Education and Skills Development Authority kaya maituturing itong

kompletong pagsasanay sa estudyante kung nanaisin niyang di na tumuloy sa kolehiyo.

Dagdag pa nito, hindi naman puwedeng panay OJT lang ang gawin ng mga

estudyante sa Grades 11 to 12 o senior high school dahil kailangan ding mabalanse

ang kanilang oras sa iba pang asignatura. Kumpiyansa rin si Umali na handa nang

magtrabaho ang mga unang gradweyts ng K-12 curriculum.

SINTESIS

Bilang pagbubuod, ang mga nakalap na impormasyon at datos ng mga

mananaliksik sa kabanatang ito ay maituturing na balidasyon ng magandang

maidudulot sa mga unang magsisipagtapos ng bagong kurikulum. Bagamat may di-

pabor sa minadaling implementasyon nito, ipinakita dito ang mga proseso ng mga

magagandang epekto ng K-12 Curiculum tulad ng pagkakaroon ng sapat na edad sa

pagtratrabaho, Work Immersion at National Certification.


PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 11

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


Sa mga salik na ito ipapalagay at pagbabatayan ng mga mananaliksik ang

gagawing pagkuha ng datos mula sa mga respondante upang makakuha ng epektibon

resulta kung anong lebel ng kahandaan sa pagtratrabaho at pagtatayo ng sariling

negosyo ang mga unang gradweyts ng Senior High School sa Paaralang Sekundarya

ng Lucban

BATAYANG KONSEPTWAL

Ang pamaraang
Ang mga Matasa ang
gagamitin
respondente ay kahandaan sa
sa pagkuha ng
mga magtatapos pagtratrabaho ng
mga datos o
na Senior High mga gradweyts ng
impormasyon ay
School Students at mag-aaral ng
ang sarbey-
Industry Senior High
kwestyoneyr at
Supervisors School
interbyu

INPUT PROSESO AWTPUT

Ang unang kahon ay naglalaman ng input ng pag-aaral na tumutukoy sa limang

respondante ng pag-aaral. Makikita na ang mga respondante ay ang magsisipagtapos

ng Senior High sa Paaralang Sekundarya ng Lucban at ang mga Industry Suprevisors.

Ang ikalawang kahon ay nagsisilbing proseso ng pag-aaral na ginawa sa

pamamagitan ng pagkuha ng datos o impormasyon mula sa sarbey-kwestyoner at ilang

sesyon ng interbyu mula sa mga piling respondante.

At ang ikatlong kahon na siyang output ng pag-aaral ay nakatuon sa nais

kalabasan ng pag-aaral na malaman ang kahandaan ng mga magsisispagtapos sa

pagtra-trabaho at pagkakaroon ng sariling negosy


PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 12

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


KABANATA III

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay sa pamamagitan ng isang kwalitatibo at kwantitabong na

pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang kahandaan sa

pagtratrabaho ng mga unang graduates ng Senior High School.

Respondente

Ang mga piniling tagasagot sa pag-aaral na ito ay dalawampu’t-limang mag-aaral

ika-labing dalawang baitang sa Senior High School sa Paaralang Sekundarya ng

Lucban. Pinili ng mananaliksik ang mga respondente dahil sila ang pinakamadaling

makatugon sa mga pangangailangan sa pananaliksik na ito sapagkat sila ang higit na

makakatasa sa kanilang sarili ng kanilang kahandaan sa pagtratrabaho. Kinuha rin ng

mga mananaliksik ang mga Industry Supervisors bilang respondent upang makuha ang

kanilang opinion tungkol sa mga mag-aaral na nag-work immersion.

Pagpili ng Repondante

Ang instrumentong ginamit ay random sampling. Ito ay pagpili sa mga

respondente ng mga mananaliksik na itinaya ayon sa antas ng kanilang balidasyon sa

pamamagitan ng pagsasagot sa talatanungan na ginawa ng mga mananaliksik.

Gumamit ang mga mananaliksik ng Fishball method.


PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 13

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey at Focus

Group Discussion (FGD). Ang mga mananaliksik ay naghahanda ng isang talatanungan

na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang kahandaan sa

pagtratrabaho ng mga unang graduates ng Senior High School.

Pagtataya ng Balidasyon ng Kagamitan

Ang talatanungan na gagamitin sa pananaliksik na ito ay contently valid dahil ang

mga mananaliksik ay tinangkang kunin ang persepyon ng mga mag-aaral ng ilang mga

pribadong mataas na paaralan sa Lucban tungkol sa antas ng kanilang kahandaan sa

pagta-trabaho sa pamamagitan ng isang initial survey. Ang mga datos na ito ang siyang

gagamitin ng mga mananaliksik na mga aytem sa talatanungan. Matapos nito ay

idadaan ito sa tagapayo ng pananaliksik na ito upang marebisa at maihanay ng

maayos.

Tritment ng mga Datos

Dahil ang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang, bilang o

dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang

inalam ng mga mananaliksik. Samakatuwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento

lamang ang kinailangang gawin ng mga mananaliksik.

P = f/n x 100
PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 14

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


Kung saan:

P - Porsyento (%)

f – frequency

n – kabuuang bilang ng mga respondante

Ang mga natirang datos ay isinaayos at inihanay sa antas ng pagsusuring

pamilang at paglalarawan ng puntos. Likert Scale ang ilan sa ginamit na pagsusuring

ito.

Narito ang mgasumusunod na Scale:

90-100 – Lubhang Mahusay

70-80 – Mahusay

50-60 – Mahina

30-40 – Mas Mahina

10-20 – Lubhang Mahina


PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 15

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN


TALASANGGUNIAN

A. AKLAT

Mullet, Valentina. 2012. The Modern Teacher: An opinion on the K+12 program (Vol

61). Manila:Publishers Associaton of the Philippines, Inc

B.

www.officialgazette.gov.ph/k-12/. Retrieved February 21, 2018, 9:24 a.m.

www.deped.gov.ph/k-to-12/faq. Retrieved February 21, 2018, 9:24 a.m.

https://ph.theasianparent.com/advantages-new-k-12-curriculum/. Retrieved February

21, 2018, 9:24 a.m.

http://news.abs-cbn.com/news/01/16/18/pcci-mga-magtatapos-ng-k-12-maaaring-hindi-

pa-handang-magtrabaho. Retrieved February 21, 2018, 9:25 a.m.

www.deped.gov.ph/sites/default/files/page/2017/Work%20Immersion%20CG.pdf.

Retrieved February 21, 2018, 11:36 a.m.

www.tesda.gov.ph/About/TESDA/25. Retrieved February 21, 2018, 12:18 p.m.

k12philippines.com/three-practical-benefits-of-the-philippines-k-to-12-curriculum/

Retrieved February 21, 2018, 9:25 a.m.

lifestyle.inquirer.net/227819/why-the-k-12-program-will-benefit-the-filipino-youth/

Retrieved February 21, 2018, 9:25 a.m.

school-principal.blogspot.com/2012/04/benefits-of-k-to-12-program-of.html Retrieved

February 21, 2018, 9:26 a.m


PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 16

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN

APPENDISE
PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 17

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN

APPENDIS “A”
LIHAM PAANYAYA SA MGA PANELIST
Pebrero 26, 2018
G. FERNANDO S. ANDAYA
Guro sa Filipino, Paaralang Sekundarya ng Lucban

Ginoo:
Mabunying pagbati! Kaugnay sa pasalitang presentasyon ng pananaliksik namin
na may pamagat na “Pananaliksik ukol sa Kahandaan sa Pagtratrabahong mga
Unang Graduates ng Senior High sa Paaralang Sekundarya ng Lucban” , nais po
sana naming kayong anyayahan upang maging panelist na pinaniniwalaan naming
makapagbibigay ng mga propesyunal at kapakipakinabang na input tungo sa lalong
ikatagumpay ng aming pananaliksik..Dalangin po naming ang inyong pagpapaunlak sa
aming paanyaya.
Gaganapin po ang aming presentasyon sa Marso 2, Biyernes, sa ganap na 1:00
ng hapon, sa PSL Library. Dalangin po naming ang inyong pagpapaunlak sa aming
paanyaya
Mangyari rin po na kung maaprubahan na ng aming guro ang pananaliksik na ito,
ibibigay po namin ang kopya ng aming pananaliksik at pormularyo sa pageebalweyt ng
pasalitang presentasyon para po sa maagang ninyong paghahanda kung tatanggapin
ninyo ang aming paanyaya. Marami pong salamat at patuloy nawa kayong pagpalain ng
Poong Maykapal!
Lubos na gumagalang,
Allyzza R. Nanong
Ronilo Rana Jr.
John Christopher Rollera
Mga mananaliksik
Binigyang-pansin:
Rochelle N. Esperanza
Guro
PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 18

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN

CURRICULUM
VITAE
PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 19

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN

RANA RONILO JR. CABUNGCAL

Araw ng Kapanganakan : August 16, 1999


Lugar ng Kapanganakan : Lucban, Quezon
Tirahan : 95 Lopez Jaena St Lucban, Quezon
Contact Number : 0910660435
Email Address : ranajayr@yahoo.com

Edukasyong Natamo
Elementarya : Paaralang Elementarya ng Lucban - 1
(2006-2012)
Junior Hayskul : Paaralang Sekundarya ng Lucban
(2012-2016)
Senior Hayskul : Paaralang Sekundarya ng Lucban
(2016-2018)

Kinabibilangang Samahan
President, Supreme Student Government
Member, Red Cross Youth
PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 20

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN

ROLLERA, JOHN CHRISTOPHER LAGDAMEO

Araw ng Kapanganakan : April 1, 1999


Lugar ng Kapanganakan : Lucena City
Tirahan : 2 Fidel rada St. Lucban, Quezon
Contact Number : 09079790152
Email Address : christopherrollera@gmail.com

Edukasyong Natamo
Elementarya : Paaralang Elementarya ng Lucban - 1
(2006-2012)
Junior Hayskul : Paaralang Sekundarya ng Lucban
(2012-2016)
Senior Hayskul : Paaralang Sekundarya ng Lucban
(2016-2018)

Kinabibilangang Samahan
N/A
PANANALIKSIK SA KAHANDAAN SA PAG TATRABAHO NG MGA UNANG GRADUATES
NG SENIOR HIGH SA PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN 21

PAARALANG SEKUNDARYA NG LUCBAN

NANONG ALYZZA RACOMA

Araw ng Kapanganakan : August 18, 1999


Lugar ng Kapanganakan : Lucban, Quezon
Tirahan : A. Bonifacio St. Lucban, Quezon
Contact Number : 09098717576
Email Address : alyzza_nanong18@yahoo.com

EDUCATIONAL BACKGROUND
Elementarya : Paaralang Elementarya ng Lucban - 4
(2006-2012)
Junior Hayskul : Paaralang Sekundarya ng Lucban
(2012-2016)
Senior Hayskul : Paaralang Sekundarya ng Lucban
(2016-2018)

Samahang Kinabibilangan
N/A

You might also like