You are on page 1of 18

Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 1

SALIK NA NAKAAAPEKTO SA TIWALA SA SARILI SA

ASPETONG PANG-AKADEMIKO NG MGA

MAG-AARAL SA SANTOS VENTURA

NATIONAL HIGH SCHOOL

(SVNHS)

Santos Ventura National High School - SHS

JAVIER, JOSHUA G.

Marso 18, 2019


Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 2

TALAAN NG NILALAMAN

Page
................................................................................................
Panimula 3
.
................................................................................................
Suliranin ng Pag-aaral 5
.
Kahalagahan ng Pag- ................................................................................................
6
aaral .
................................................................................................
Saklaw at Limitasyon 7
.
................................................................................................
Metodolihiya 7
.
................................................................................................
Resulta at Diskusyon 8
.
Konklusyon at ................................................................................................
13
Rekomendasyon .
................................................................................................
Talasanggunian 15
.
................................................................................................
Apendiks A 16
.
................................................................................................
Apendiks B 17
.
Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 3

Panimula:

“The four C’s of making dreams come true: Curiosity, Courage, Consistency, Confidence.”

- Walt Disney

Sa sistema ng pag-grado sa mga paaralang nakapailalim sa Kagawaran ng Edukasyon

(Department of Education), humigit – kumulang 50% ang inilalaan para sa mga performance

tasks at recitation ng bawat mag-aaral, ayon sa DepEd Order No. 8; Series. 2015. Gayunpaman,

ipinapahayag nito na ang lebel ng pagiging aktibo ng isang bata sa aspeto ng mga performances

at pagsagot sa mga tanong ng mga guro sa loob ng paaralan ay isang malaking salik sa kanyang

pagkapasa o pagbagsak ng kaniyang akademikong grado, na kapag naipagpatuloy at napabayaan

hanggang kolehiyo ay maaaring maging salik din sap ag-angat o pagsadsad ng kaniyang

kinabukasan. Sa kabilang banda, hindi sapat na ang bata ay matalino lamang, bagkus mahalaga

rin ang mataas na pagtitiwala sa sarili upang maitaguyod ang kanyang mga pangarap at

maipamalas ang angking talino at kakayahan. Ayon kay Bandura (1997), ang tiwala sa sarili ay

ang kakayahang makalikha o makagawa ng isang bagay o kilos na kung saan ang kakayahang

mental, sosyal, emosyonal at pang-asal ng tao ay naisasaayos at epektibong nagagawa para sa

iba’t-ibang layunin.

Ito ay hindi lamang limitado sa iisa o natatanging aspeto ng kakayahan ng tao, kundi ito

rin ay sumasakop din sa bawat aspeto ng ating abilidad at pagkatao na kapag pinagbuklod-

buklod ay makabubuo ng isang kilos o bagay. Ipinahahayag din nina Snyder at Lopez (2002) na

ang tiwala sa sarili ay hindi sapat na nasusukat sa paggawa ng kilos na likas sa tao at walang
Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 4

kabuluhan, bagkus ito ay ang kakayahang pag-ugnayin ang sariling mga kasanayan at abilidad ng

tao sa gitna ng mga kaganapang pabago-bago at puno ng hamon. Higit pa rito, nakapaloob din

ang pagtitiwala niya sa kung hanggang saan siya makabubuo o makalilikha ng mga kaaya-ayang

kilos at kakayahan o sa sarili niyang kapabilidad.

Ayon sa pag-aaral ni Maslow (1943), ang pagkasiya ng tao sa kaniyang halaga o self-

esteem ay magbubunga sa pagtaas ng kaniyang tiwala sa sarili o self-confidence na siyang

nagaganap lamang matapos matugunan ang mga herarkiya ng kaniyang mga pangangailangan ns

kung babanggitin ay ang sumusunod: 1) Pisiolohikal o pisikal na pangangailangan; 2) Seguridad

at Kaligtasan; 3) Pagmamahal; 4) Pagkaramdam ng halaga sa sarili at 5) Pagkabuhay ng sariling

potensyal. Kung kaya’t, sa kaballigtaran, kung ang isang tao ay kapos o kulang sa pagkain,

damit, pagmamahal ng magulang o pakiramdam ay walang halaga ang sarili ay magreresulta sa

pagbaba ng kaniyang tiwala sa sarili.

Ipinaliwanag ni McGee (2010) na ang mga personal na karanasan ng tao ay mahalagang

salik sa pagtaas o pagbaba ng tiwala niya sa sarili. Dagdag pa rito ang mga bagay na kaniyang

pinaniniwalaan tungkol sa kaniyang pagkatao o katangian, ito man ay positibo o hindi. At ilan pa

sa mga salik ay ang: paraan ng pagpapalaki ng magulang; media; karanasan sa paaralan; o ang

mismong sariling isipan ng tao. Higit pa roon ay kung paano nakaaapekto ang mga karanasang

ito sa kaniyang paniniwala sa sarili at sa paligid niya. Habang sa aspetong pang-paaralan, ayon

kay Smith (2007), nagiging salik ang pagtrato ng mga guro ng isang mag-aaral sa kaniyang

tiwala sa sarili. Kung ang bata ay maaaring pinahiya ng guro o pinalakas man ang loob para

maging aktibo sa paaralan noong bat ay maaaring makaapekto sa lebel ng tiwala niya sa sarili.

Sa aspetong atletiko at akademiko, sa isang pag-aaral ng mga estudyante na nasa unang

taon sa kolehiyo, mas mataas ang tiwala sa sarili ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan
Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 5

(Lopez at Gormley, 2002). Madalas din na ang mga kalalakihan ang may lakas ng loob at

determinasyong lumuklok sa mga posisyon sa pamahalaan, paaralan, mga kumpanya at iba’t –

iba pang kaharian. Higit pa rito ay naaayon sa ilang pag-aaral nina Cheng at Furnham (2002) na

ang mataas na lebel ng pagkabalisa, kalungkutan, hiya, depresyon at emosyonal na kahinaan ay

nakapagpapababa rin ng tiwala sa sarili ng isang tao. Kaya’t kapansin-pansin na ang mga biktima

ng karahasan at pang-aabuso, maging ang mga taong nakaranas ng depresyon sa kanilang

nakaraan ay may napakababang lebel ng tiwala sa sarili.

Sa isang institusyon gaya ng Santos Ventura National High School, layunin ng

mananaliksik na determinahin ang mga salik na nakaaapekto sa antas ng tiwala sa sarili ng mga

mag-aaral sa pang-akademikong aspeto. Higit pa roon, makapagbabahagi rin ito ng mga

resultang makapagbibigay kamalayan sa estado ng tiwala sa sarili ng kanilang mga mag-aaral at

mga estratehiya o pamamaraan upang palakasin at patibayin ang tiwala sa sarili ng kanilang mga

mag-aaral na maaaring magbunga sa mas aktibo at kooperatibo na mga mag-aaral. At panghuli,

sa mga pagsusuring ginawa ng mananaliksik sa iba’t – ibang teksto, libro at mga pag-aaral, na-

obserbahan ng mananaliksik ang gap ng mga pag-aaral na kalimitan ang paksa ay patungkol sa

self-efficacy at self-esteem, ngunit hindi gaano sa self-confidence o tiwala sa sarili upang

makapagbahagi na rin ng karagdagang impormasyon at datos sa mga susunod na mananaliksik.

Suliranin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay determinahin ang mga salik na

nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong pang-akademiko ng mga mag-aaral sa Santos

Ventura National High School. Sasagutin din nito ang mga espesipikong layunin:
Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 6

1. Ano ang antas ng tiwala sa sarili ng mga respondent sa pang-akademikong aspeto,

partikular na sa:

1.1 kurikular na pagganap

1.2 ekstra – kurikular na pagganap

2. Ano ang mga salik na nakaaapekto sa tiwala sa sarili ng mga respondent, partikular na sa:

2.1 Karanasan sa Paaralan

2.2 Pisikal na Kaanyuan

2.3 Sosyo-ekonomikong Katayuan

2.4 Karanasan ng Pang-aabuso at Karahasan

3. Ano ang implikasyon ng pag-aaral sa pang-sekondaryang edukasyon?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang para sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral dahil matutuklasan dito ang

mga salik na naroon sa kanilang kapaligiran na nakaaapekto sa kanilang tiwala sa sarili na siyang

magbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral upang tumulong sa pagpapahina ng mga salik na

ito.

Guro. Ang pag-aaral ay kapaki-pakinabang sa mga guro dahil magkakaroon sila ng ideya sa

katayuan at estado ng kanilang mga mag-aaral, at kung sakaling mataas ang resulta ng lebel ng

“karanasan sa paaralan” ng mga mag-aaral, maaari nilang matulungan ang kanilang mga mag-

aaral, bilang mga ahente ng edukasyon at taong nasa otoridad sa loob ng paaralan.
Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 7

Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang para sa paaralan dahil makapagdudulot ito

ng kamalayan sa punong-guro ng paaralan kung ano ang estado ng paaralan pagdating

pambubulas o bullying at iba pa.

Susunod na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang para sa mga susunod na

mananaliksik dahil ang mga datos, impormasyon at kinalabasan ng pag-aaral na ito ay

makadaragdag sa kanilang Review of Related Literature and Studies, patungkol sa parehas na

penomena.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tutuon lamang sa mga mag-aaral ng Santos Ventura National

High School sa kadahilanang ito binigyan lamang ng ilang buwan upang isagawa at sa

kakulangan ng mga human, material at financial resources ng mananaliksik. Ang sentro ng pag-

aaral ay sumasakop lamang sa tiwala sa sarili sa aspetong pang-akademiko at hindi na sa ibang

aspeto upang mas maging espesipiko. Gagamit ang mananaliksik ng mga survey questionnaires

upang kolektahin ang mga data sa iba’t-ibang respondente.

Metodolihiya

Ang mananaliksik ay naglalayong humamit ng kwantitatibong disenyo ng pag-aaral na

siyang gagamit din ng ‘survey questionnaires’ upang ipunin ang mahahalagang impormasyon at

datos na ibinabalak ipasagot sa iba’t-ibang antas ng Santos Ventura National High School –

Senior High School level.


Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 8

Sa sasaguting questionnaire, nakapaloob ang mga posibleng salik na makaaapekto sa

kanilang tiwala sa sarili tulad na lamang ng: 1) karanasan sa paaralan; 2) pisikal na kaanyuan; 3)

Sosyo-ekonomikong katayuan; 4) karanasan sa pag-abuso at karahasan. Susukatin din nito ang

antas ng tiwala sa sarili ng mga respondente sa aspetong pang-akademiko, partikular na sa: 1)

kurikular na pagganap at; 2) ekstra-kurikular na pagganap.

Ang mga respondente ay pinili gamit ang ‘simple random sampling’ at ang bilang ng mga

respondente ay 24 na mag-aaral (12 na mga respondente sa Baitang 11 at gayon din sa Baitang

12).

Resulta at Diskusyon

Talahanayan 1: Antas ng Tiwala sa Sarili

sa Aspetong Kurikular na Pagganap

4 3 2 1 Total
Item
f % F % f % f % f %
Q01 3 12.50 14 58.33 7 29.17 0 0.00 24 100
Q02 5 20.83 11 45.83 7 29.17 1 4.17 24 100
Q03 6 25.00 18 75.00 0 0.00 0 0.00 24 100
Q04 7 29.17 16 66.67 1 4.17 0 0.00 24 100
Total 5.25 21.88 14.8 61.46 3.75 15.63 0.25 1.04 24 100

Ayon sa Talahanayan 1, 61.46% ng mga respondente ang may mataas na antas ng tiwala

sa sarili sa aspetong kurikular na pagganap, habang 1.04% lamang ng mga respondente ang may

napakababang lebel ng tiwala sa sarili sa aspetong ito.


Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 9

Samakatuwid, marami pa rin sa mga mag-aaral, kahit sa ibang paaralan, ang may sapat na

‘self-confidence’ upang magpamalas ng kahusayan sa loob ng silid-aralan.

Talahanayan 2: Antas ng Tiwala sa Sarili

sa Aspetong Ekstra-kurikular na Pagganap

4 3 2 1 Total
Item
f % F % F % f % f %
Q05 3 12.50 10 41.67 7 29.17 4 16.67 24 100
Q06 0 0.00 3 12.50 16 66.67 5 20.83 24 100
Q07 3 12.50 4 16.67 12 50.00 5 20.83 24 100
Q08 1 4.17 7 29.17 9 37.50 7 29.17 24 100
7.291 45.833 21.87
Total 1.75 6 25 11 5.25 24 100
7 3 5

Ipinapahayag ng Talahanayan 2 na 45.83 bahagdan ng mga respondente ang may

mababang antas ng tiwala sa sarili sa aspetong ekstra-kurikular na pagganap, at 1.75% naman

ang may mataas na antas ng tiwala sa sarili sa aspetong ito.

Ipinapakita nito na napakaraming mag-aaral sa Santos Ventura National High School ang

maaaring takot magpamalas ng kanilang mga talento at angking talino at kakayahan sa labas ng

paaralan.

Kung paghahambingin ang Talahanayan 1 at 2, napakarami sa mga respondente ang may

sapat na ‘self-confidece’ sa mga pagganap gaya na lamang ng pag-recite habang diskusyon,

paggawa ng schoolworks at projects at mga iba’t-ibang performances sa loob ng silid-aralan,

ngunit hindi sa mga pagganap na tulad ng isports, pang-akademikong kompetisyon (essay


Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 10

writing, quiz bee, atbp.), skills competition (cooking, landscaping, atbp.) at paglahok sa mga

organisasyon sa loob ng paaralan.

Talahanayan 3: Bahagdan ng ‘Karanasan sa Paaralan’

bilang Salik sa Antas ng Tiwala sa Sarili

4 3 2 1 Total
Item
f % F % F % f % f %
Q09 4 16.67 10 41.67 7 29.17 3 12.50 24 100
Q10 4 16.67 4 16.67 11 45.83 5 20.83 24 100
29.16 16.66
Total 4 16.67 7 9 37.5 4 24 100
7 7

37.5% ng mga respondente ang nagpahayag na sila ay hindi pa nakaranas ng mga

negatibong engkwentro sa loob ng paaralan. Sa kabilang banda, 29.167% naman ang nakaranas

na ng negatibong karanasan sa loob ng paaralan.

Kung gayon, nakaaalarmang madiskubre na halos hindi magkalayo ang porsyento ng mga

mag-aaral na naranasan nang mabuyo o mabully at mapahiya ng guro, at ng mga hindi pa, na

maaaring hadlangan ang layuning lumikha ng isang ‘supportive’ na kapaligiran sa paaralan para

sa mas epektibong pagkatuto na nakasaad sa mission statement ng Kagawaran ng Edukasyon,

maging ang core-value na ‘Makatao’ para sa mga mag-aaral na nambubuyo.

Talahanayan 4: Bahagdan ng ‘Pisikal na Kaanyuan


Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 11

bilang Salik sa Antas ng Tiwala sa Sarili

4 3 2 1 Total
Item
f % F % F % f % f %
Q11 1 4.17 2 8.33 9 37.50 12 50.00 24 100
Q12 1 4.17 9 37.50 10 41.67 4 16.67 24 100
22.91 39.583 33.33
Total
1 4.17 5.5 7 9.5 3 8 3 24 100

Ayon sa Talahanayan 4, 39.583% ng mga respondente ang nagpahayag na sila ay hindi

nababahala sa kanilang pisikal na kaanyuan o mataas ang paniniwalang kaaya-aya ang kanilang

pisikal na itsura, habang 4.17% naman ang lubos na nagpahayag na hindi kaaya-ayang ang

kanilang pisikal na kaanyuan.

Inilalahad nito na ang pisikal na kaanyuan ay hindi isang salik sa pagbaba ng tiwala sa

sarili ng mga SVNHS students ayon sa resulta sa itaas, at marami rin ang hindi gaanong

nagbibigay-pansin sa kanilang pisikal na anyo o tanggap ang natural na sarili.

Talahanayan 5: Bahagdan ng ‘Sosyo-ekonomikong Katayuan’

bilang Salik sa Antas ng Tiwala sa Sarili

4 3 2 1 Total
Item
f % F % F % f % f %
Q13 1 4.17 6 25.00 8 33.33 9 37.50 24 100
Q14 2 8.33 7 29.17 7 29.17 8 33.33 24 100
27.08 35.41
Total
1.5 6.25 6.5 3 7.5 31.25 8.5 7 24 100
Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 12

Ipinapakita ng Talahanayan 5 na 35.41% ang nagpahayag na natutugunan ang kanilang

mga pangangailangan at may magandang katayuan sa sosyo-ekonomikong aspeto, habang 6.25%

ng mga respondente ang hindi gaanong maganda ang sitwasyon sa aspetong sosyo-ekonomiko.

Ipinapakahulugan lamang nito na ang sosyo-ekonomikong katayuan bilang salik sa antas

ng tiwala sa sarili ng isang mag-aaral ay hindi isang matinding salik dahil marami sa mga mag-

aaral ng SVNHS ang natutugunan ang pangangailangang pang-akademiko at pisiolohikal at may

sapat na sweldo ang magulang.

Talahanayan 6: Bahagdan ng ‘Karanasan ng pag-abuso at Karahasan’

bilang Salik sa Antas ng Tiwala sa Sarili

4 3 2 1 Total
Item
f % F % F % f % f %
Q15 6 25.00 11 45.83 5 20.83 2 8.33 24 100
Q16 4 16.67 11 45.83 7 29.17 2 8.33 24 100
45.83 8.333
Total
5 20.83 11 3 6 25 2 3 24 100

Ayon sa Talahanayan 6, 45.83% ang nagpahayag na naranasan na nilang maabuso sa pisikal at

berbal na pamamaraan, samantalang 8.33% ang nagsabi na sila ay lubos na hindi nakaranas nito.

Ang mga resulta at bahagdan sa itaas ay nakaaalarma sapagkat maraming mag-aaral sa Santos

Ventura National High School ang naranasan nang maabuso sa pisikal at berbal na pamamaraan

at madalas ma-involve sa karahasan.

Kung paghahambinigin ang mga Talahanayan 3 hanggang 6, ang “karanasan ng pag-abuso at

karahasan” ang nagtamo ng pinakamalaking bahagdan na nagbunga upang tignan ito bilang
Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 13

pinakamatinding salik ng mga mag-aaral sa SVNHS na nakaaapekto sa kanilang pagtitiwala sa

sarili.

Konklusyon at Rekomendasyon

Ayon sa mga resulta, maraming mag-aaral ang takot makilahok sa mga ekstra-kurikular

na pagganap tulad ng: 1) isports/akademik/skills competition at; 2) school organizations, dahil

napag-alaman din na isa sa mga salik na pinakanakaaapekto ay ang karanasang maabuso sa

berbal o pisikal na pamamaraan.

Ayon din sa mga datos, ang mga mag-aaral ay madalas nakikipagcooperate sa mga

kagrupo sa iba’t-ibang subjects at aktibo sa mga performances, tests at activities.

Marami sa mga mag-aaral ang madalas inaabuso sa pasalita o berbal na pamamaraan,

maaaring sa tahanan, paaralan o sa paligid ng mga kaibigan. Samantala, nagtamo ng

pinakamababang “mean” ang aspetong “pisikal na anyo” bilang salik sa pagbaba ng tiwala sa

sarili.

Rekomendasyon

Sa mga guro, irinerekomenda ng mananaliksik na dagdagan ang motibasyon sa mhga

mag-aaral sa pasalitang paraan upang mas tumaas ang tiwala nila sa sarili, bilang pantakip o

panlaban sa pang-aabusong berbal na nararanasan ng mga mag-aaral.

Sa paaralan, irinerekomenda ng mananaliksik na gawing oportunidad ang mga Parent-

Teacher Association meeting upang kausapin at makipag-ugnayan sa mga magulang ukol sa


Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 14

isyung pag-abusong berbal. Higit pa roon, ang paaralan ay maaaring gumawa ng positibong

impresyon pagdating sa mga pagsali ng ekstra-kurikular na aktibidad.

Sa mga susunod na mananaliksik, irinerekomenda ng mananaliksik na isama sa Suliranin

ng Pag-aaral kung anong kasarian ang may mas mataas o mababang tiwala sa sarili, kung lalaki o

babae.

Talasanggunian:
Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 15

Bandura, A., (1997). “Self-efficacy: The exercise of self-control”. Stanford University. W. H.

Freeman & Company: New York.

Department of Education, (n.d.). “Memorandum No. 8; Series of 2015”. Retrieved at

http://www.deped.gov.ph/2015/04/01/do-8-s-2015-policy-guidelines-on-classroom-

assessment-for-the-k-to-12-basic-education-program/

Lopez, F. G., & Gormley, B. (2002). "Stability and change in adult attachment style over the

first-year college transition: Relations to self-confidence, coping, and distress

patterns". Journal of Counseling Psychology. 45 (3): 355–364. doi:10.1037/0022-

0167.49.3.355

Maslow, A., (1943), “A Theory of Human Motivation”. Psychological Review, 50, 370-396.

McGee P., (2010). “Self-Confidence: The Remarkable Truth of Why a Small Change Can Make

a Big Difference”. Capstone Publishing Ltd. (A Wiley Company): The Atrium, Southern

Gate, Chichester, West Sussex, PO19 8SQ, United Kingdom

Smith, E., Mackie, D.. (2007). Social Psychology. Psychology Press. ISBN 978-1-84169-408-5.

Snyder C. R., Lopez S., (2002). “Handbook of Positive Psychology”. Oxford University Press:

198 Madison Avenue, New York, New York 10016

Apendiks A
Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 16

(Liham Pahintulot)

Ika-11 ng Pebrero, 2019

Mahal kong tagatugon,

Ako si Joshua G. Javier ng 11 – HUMSS ng Santos Ventura National High School. Sa

kasalukuyan, ako ay nagsasagawa ng isang pananaliksik na may pamagat na “Mga Salik na

Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko ng mga Mag-aaral sa Santos

Ventura National High School” na naglalayong masagot ang mga salik na nakapagpapababa o

nakapagpapataas ng Tiwala sa Sarili ng mga SVNHS students.

Kaugnay nito, hinihingi ko ang inyong pahintulot na gawin ka bilang respondente ng

aking pag-aaral. Makaaasa kang magiging konpidensyal ang iyong kasagutan. Ang inyong

positibong tugon sa aking kahilingan ay aking ikalulugod.

Maraming salamat at pagpalain ka ng Panginoon.

Lubos na gumagalang,

JOSHUA G. JAVIER
Mananaliksik

Apendiks B
Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 17

(Instrument)

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA TIWALA SA SARILI


SA ASPETONG ASPETONG PANG-AKADEMIKO NG
MGA MAG-AARAL SA SANTOS VENTURA NATIONAL HIGH SCHOOL
PART I.
Panuto: Bilugan ang tamang bilang na pinakamalapit sa iyong sagot sa mga tanong.
4 – Lubusang sumasang-ayon 2 – Di sumasang-ayon
3 – Sumasang-ayon 1 – Lubusang di sumasang-ayon

Mga Pahayag Scale


1. Ako ay madalas nagtataas ng kamay tuwing
4 3 2 1
discussion sa paaralan upang sumagot.
2. Buo ang aking tiwala sa sarili at lakas ng loob na
4 3 2 1
mag-perform sa harap ng klase.
3. Ako ay nakikipag-cooperate sa aking mga kagrupo
4 3 2 1
sa iba’t – ibang subjects.
4. Aktibo akong miyembro ng aming klase pagdating
4 3 2 1
sa mga performances, tests at mga activities.
5. Ako ay aktibong kalahok sa mga sports competition
ng aming paaralan gaya ng volleyball, basketball at 4 3 2 1
iba pa.
6. Ako ay nakikilaban sa mga academic competitions
4 3 2 1
gaya ng quiz bee, essay writing at iba pa.
7. Nakikilahok ako sa mga skills competitions gaya ng
4 3 2 1
poster-making, landscaping, cooking at iba pa.
8. Ako ay aktibong miyembro o pinuno ng mga
organisasyon sa paaralan tulad ng Yes-O Club,
4 3 2 1
Supreme Student Council at iba pang organisasyon
sa paaralan.

TOTAL SCORE:

SALAMAT SA IYONG KOOPERASYON! MAY GOD BLESS YOU! 😊


MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA TIWALA SA SARILI
SA ASPETONG ASPETONG PANG-AKADEMIKO NG
MGA MAG-AARAL SA SANTOS VENTURA NATIONAL HIGH SCHOOL
Salik na Nakaaapekto sa Tiwala sa Sarili sa Aspetong Pang-akademiko 18

Part II.
4 – Lubusang sumasang-ayon 2 – Di sumasang-ayon
3 – Sumasang-ayon 1 – Lubusang di sumasang-ayon
Mga Pahayag Scale
1. Naranasan ko nang mapahiya ng mga guro o mga
4 3 2 1
kamag-aral.
2. Ako ay biktima ng pambubuyo o bullying sa
4 3 2 1
paaralan.
3. Ako ay nahihiya sa aking pisikal na itsura. 4 3 2 1
4. Ibinibilang ko ang aking sarili sa grupo ng mga di-
kagandahan o kagwapuhan pagdating sa pisikal na 4 3 2 1
kaayuan.

5. Hindi sapat ang sweldo ng aking mga magulang


4 3 2 1
upang punan ang aming mga pangangailangan.

6. Naniniwala akong marami sa mga pisiolohikal na


pangangailangan ko ay wala sa akin tulad ng pera, 4 3 2 1
pagkain, damit, school supplies at iba pa.
7. Naranasan ko nang maabuso sa pamamagitan ng
4 3 2 1
berbal o pasalitang paraan.

8. Naranasan ko nang abusuhin ng pisikal na


4 3 2 1
pamamaraan.

TOTAL SCORE:

SALAMAT SA IYONG KOOPERASYON! MAY GOD BLESS YOU! 😊

You might also like