You are on page 1of 7

Kabanata 3

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik


ENERO I VEGA I OCHOA I STA. MARIA I MORALES

Sa kabanatang ito matatagpuan ang mga pamamaraang isasagawa ng mga mananaliksik


upang maisakatuparan ang kanilang ginagawang pag-aaral. Dito ilalahad ang disenyo ng
pananaliksik na kanilang gagamitin, ang mga hakbangin na kanilang gagawin, ang lugar kung
saan nila gagawin ang pagkuha ng mga datos, ang kanilang mga napiling respondente, ang
instrumento ng pananaliksik na kanilang gagamitin at ang paglalahad ng mga paraan ng mga
mananaliksik sa kanilang gagawing pangangalap ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng kuwalitatibong paraan ng pananaliksik. Ang kuwalitatibong


metodo na ito ay naglalayong unawain at ipaliwanag ang paksa ng pananaliksik na ito. Ang
kuwalitatibong disenyo ng pananaliksik ay madalas na kinapapalooban ng mga isyung
panlipunan at kung sa papaanong paraan ito nakaaapekto sa kanilang mga pag-uugali at
pakikipag-ugnayan sa ikanilang kapwa at sa lipunang kanilang kinabibilangan. Ang
kuwalitatibong disenyo ay hindi naglalayong sumukat at magbigay ng estadistikal o
nakanumerong mga datos sa halip, ito ay nakatakdang magbigay lamang ng pagpapaliwanag
sa mga kasalukuyang pangyayari at ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na bakit.
Sinasabing ito ay labis na personal sapagkat gumagamit ang disenyong ito ng iba’t ibang
instrumento at paraan upang makakalap ng impormasyon tulad ng pakikipanayam at paggamit
ng mga talatanungan.

Sa pamamagitan ng kuwalitatibong disenyong ito, magkakaroon ang mga mananaliksik ng


pagkakataong magsagawa ng malalimang pagsiyasat sa mga opinyon, paniniwala, at
persepyon ng mga kabataan ukol sa pre-marital sex o maagang pakikipagtalik. Ang disenyong
ito ang pinili ng mga mananaliksik dahil ito ang nakikita nilang pinakaangkop na disenyo para sa
kanilang pag-aaral at sa pamamagitan ng disenyong ito ay mapalulutang at mailalahad ng
maayos ang magiging resulta ng mga datos at impormasyon na kanilang makukuha mula sa
kanilang mga respondante. Kalakip ng kuwalitatibong disenyo ang pagkakaroon ng mga
personal na impormasyon at sigurado ang mga mananaliksik na ang kanilang pag-aaral ay
magbabase sa mga opinyon, pananaw, at kuro-kuro ng mga respondente kaya’t nararapat
lamang na ito ang disenyong gamitin ng mga mananaliksik. Nilalayon ng mga mananaliksik na
sagutin ang mga tanong na nakapalibot sa isyu ng pre-marital sex o maagang pakikipagtalik sa
Pilipinas at umaasa ang mga mananaliksik na makatutulong silang malaman ang mga
posibleng dahilan kung bakit nasasangkot dito ang mga kabataan at kung ano ang mga
maaaring maging epekto nito sa kanilang buhay.

Hindi lamang kuwalitatibong disenyo ang gagamitin ng mga mananaliksik. Ang mga
mananaliksik ay gagamit din ng naglalarawang disenyo o deskriptibong disenyo ng
pananaliksik. Sa pamamagitan ng disenyong ito ay mabibigyan ng
pagkakataon ang mga mananaliksik na ilarawan kung ano ang kasalukuyang sitwasyon ng isyu
ng pre-marital sex o maagang pakikipagtalik sa mga kabataan sa bansang Pilipinas. Mailalahad
at maipapaliwanag ng mga mananaliksik ang mga impormasyon at datos na nagbibigay ng
kaalaman sa mga mababasa ukol sa tumataas na bilang ng mga kabataang nasasangkot sa
pre-marital sex at kung papaano ito nakaaapekto sa lipunang kanyang ginagalawan kasama na
rin iba pang mga isyung panlipunan na nakapalibot dito.

Paraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa persepsyon ng mga kabataang nasa baitang siyam (9) at
sampu (10) sa paaralan ng St. James Academy sa lungsod ng Malabon. Ang gagamitin na
pamamaraan ng mga mananaliksik sa pangangalap ng mga impormasyon at datos ay sa
pamamagitan ng pagpapasagot ng talatanungan o sarbey sa mga estudyante. Ang sarbey ay
isang malawakang paraan sa pagkuha ng mga impormasyon mula sa mga respondante sa
isang pananaliksik . Ito ay isang pag-aaral na ginagamit para sukatin ang umiiral na mga
pangyayari nang hindi direktang nagtatanong kung bakit ganon o ganito ang isang bagay,
paksa o pangyayari.

Napili ng mga mananaliksik ang pagsasarbey o paggamit ng mga talatanungan dahil sa mga
sumusunod na kadahilanan. Una, para sa mga mananaliksik, ito ang pinakamabilis at mabisang
paraan upang makakalap ng mga angkop na impormasyon mula sa mga estudyante na nasa
baitang sampu at siyam ukol sa isyu ng pre-marital sex. Pinili rin ito ng mga mananaliksik upang
kanilang malaman kung ano na ang mga bagay na nalalaman ng mga estudyante ng St. James
Academy sa isyung ito. Nais din malaman ng mga mananaliksik kung sapat at tama na ba ang
kanilang pagkakaintindi rito at kung ano ba talaga ang persepyon ng mga estudyante ng St.
James Academy tungkol sa mga isyung nakapalibot dito tulad ng  pagtaas ng populasyon ng
mga batang maagang nabubuntis at paglobo ng bilang ng mga mahihirap sa ating bansa.
Lugar ng Pag-aaral

Ang lugar na pinili ng mga mananaliksik upang pagsagawan ng kanilang pananaliksik tungkol
sa persepsyon ng mga kabataan sa pre-marital sex ay ang paaralan ng St. James Academy sa
lungsod ng Malabon City. Ang paaralan ng St. James Academy ay nagbibigay ng primarya at
sekondaryang pag-aaral. Ang paaralan na ito ay isang PAASCU Level II accredited na
institusyon kaya’t ito ay nagpapatunay na ang paaralang ito ay nakasisiguro na ang kalidad ng
edukasyon na ibinibigay sa kanilang mga mag-aaral ay naaangkop at nakatutulong sa kanilang
pag-unlad at paglagio bilang isang bata at mamamayan ng bansa.

Ang mga salik na ikinonsidera ng mga mananaliksik sa pagpili ng lugar kung saan nila
isasagawa ang pag-aaral ay ang oras at lapit ng pagsasagawan ng pangangalap ng datos
upang matapos ito ng mabilis, tama at maayos. Ang St. James Academy ay isa sa mga
Katolikong institusyon sa Malabon at kilala ang simbahang Katolika sa mga nangunguna sa
paglaban ng tumataas na bilang ng mga kabataan na nasasangkot sa pre-marital sex kaya't isa
ito sa mga dahilan kung bakit ito ang napili ng mga mananaliksik na pagdausan ng kanilang pag
aaral. 

Isa pang salik kung kaya't ang St. James Academy ang napili ng mga mananaliksik na
pagsagawan ng kanilang pag-aaral ay dahil ang mga mananaliksik ay mga mag-aaral sa
nasabing paaralan kung kaya't makatutulong ito upang mapabilis ang pag-usad ng pangagalap
ng datos na pananaliksik. Napapansin din ng mga mananaliksik ang mga tumataas na bilang ng
nga estudyanteng pumapasok sa isang relasyon at nagkakaroon ng kasintahan sa paaralan
kung kaya't nais ng mga mananaliksik na malaman ang kanilang paniniwala ukol sa isyu ng pre-
marital sex. Nilalayon din ng mga mananaliksik na dagdagan ang kaalaman ng mga kapwa
mag-aaral ng mga mananaliksik ukol sa isyung ito upang mas magabayan sila ng mga
kinauukulan at matulungan silang maiwasan ang gawaing ito.

Pokus ng Pag-aaral
 
Ang respondente na napili ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante na
nasa baitang siyam (9) at sampu (10) ng paaralan ng St. James Academy sa lungsod ng
Malabon City. Ang bilang ng mga respondente na kanilang kukuhanin mula sa dalawang baiting
ay 50 kaya’t ang kabuuang bilang ng mga respondente ay 100 katao. Ang mga mananaliksik ay
naniniwala na ang mga estudyanteng kanilang napili para kanilang maging respondente ay may
ideya na at sapat na kaalaman ukol sa pre-marital sex sapagkat ito ay itinuturo sa kanilang
Health subject.

Hinihinuha ng mga mananaliksik na sila ay mayroon ng mas malawak na isipan at bukas na


pananaw kaya’t hindi na sila maiilang na sagutin ang mga tanong na ibibigay ng mga
mananaliksik sa kanila. Sila rin ang napiling maging respondente ng mga mananaliksik
sapagkat ang mga kabataang nasa baiting siyam (9) at sampu (10) ay nasa edad o panahon ng
kanilang buhay kung saan nila naiiisipang pumasok sa isang relasyon. Sila rin ang mga
nasabing mga maaaring makinabang sa pag-aaral na gagawin ng mga mananaliksik dahil sa
pamamagitan ng mga datos na makakalap ng mga mananaliksik ay mabibigyan sila ng ideya at
sila’y mas malilinawagan kung ano ang mga posibleng sanhi, epekto at mga paraan kung
papaano nila maiiwasan ang pre-marital sex o maaagang pakikipagtalik. Masasabi rin na ang
mga estudyante na ito na magiging respondente ng mga mananaliksik ay posibleng kuryoso sa
isyung ito. Ang pag-aaral na ito ay dapat seryosohin ng mga respondente upang kanilang
malaman ang kasalukuyang lagay at pananaw ng mga mag-aaral ukol sa pre-marital sex sa
loob ngkomunidad ng St. James Academy. Angkop ang mga estudyante na napili sa pag-aaral
na ito sa kadahilanang ang mga estudyanteng ito ay na sa edad na 15-19 taong gulang na ayon
sa mga pag-aaral ay ang karamihan ay nakaranas na ng pre-marital sex. 

Instrumento ng Pag-aaral

Ang pangunahing instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik ay ang pagsasarbey o


paggamit ng upang mangalap ng datos ukol sa opinyon ng mga respondante sa pre-marital sex.
Ang sarbey ay isa sa mga pinakaepektibong pamaraan upang mangalap ng datos nang mabilis
at nakasasaklaw ng pangmalawakan at pangmalakihang bilang ng mga respondate. Ang mga
tanong ay nakalahad na sa papel at mamimili nalang ang mga respondante sa mga sagot na
ibinigay ng mga mananaliksik. Kung wala naman ang nais na sagot ng mga respondante sa
mga tanong na nakalahad sa sarbey ay maaaring sagutan ang ipa pa na sagot kung saan
maaring mailahad ng mga respondente ang kanilang nais na sagot. Ang sarbey ay naglalaman
ng sampung katanungan na sumasaklaw sa mga sumusunod, lebel ng kaalaman ng mga
respondente ukol sa pre-marital sex, kanilang mga paniniwala at opinyon ukol dito, mga
posibleng sanhi ng pre-marital sex, mga epekto ng pre-marital sex sa mga kabataan at sa mga
taong nakapaligid sa kanila, at ang mga posibleng paraan kung papaano nila mapipigilan na
masangkot sa maagang pakikipagtalik o pre-marital sex. Ito’y makatutulong sa mga
mananaliksik upang malaman ang opinyon o nasasaisip ng mga respondente ukol sa pre-
marital sex.
 
Gagamit din ang mga mananaliksik ng pakikipanayam upang kanilang maging pangalawang o
sekundaryang pagkukuhanan ng datos. Ninais ng mga mananaliksik na magsagawa ng interbyu
upang kanilang mas maintindihan at maunawaan ang opinyon ng mga respondente ukol sa pre-
marital sex. Ang panayam na gagamitin ay “semi-structured” kung saan mayroong mga tiyak na
katanungan na kailangan sagutin ng mga kinakapanayam ukol sa pre-marital sex at maaring
magbigay ang mga tagapanayam ng mga biglaang katanungan base sa mga sagot ng mga
kinakapanayam. Ang interbyu ay magkakaroon lamang ng anim hanggang sampung mga
katanungan. Ang pakikipanayam ay gagawin pa isa-isa upang mas lalong maunawaan ng mga
mananaliksik ang mga sagot at opinyon ng bawat kinakapanayam ukol sa pre-marital sex .
Dahil ang pakikipanayam ay gagawin harap-harapan, mas maiintindihan at mauunawaan ng
mga mananaliksik ang opinyon ng mga kinakapanayam ukol sa pre-marital sex at magkakaroon
ng mas malayang talakayan sa pagitan ng mga mananaliksik at ng kanilang iniinterbyu.

Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng dalawang mga pamamaraan o instrument upang


makapangalap ng datos. Pinili ng mga mananaliksik na magkaroon ng dalawang
mapagkukunan ng impormasyon upang magkaroon sila ng mas matibay na basehan at
magsisilbing ebidenya o sandigan ng kanilang isinasagawang pag-aaral. Ninanais ng mga
mananaliksik na mas maging makatotohanan ang kanilang ginagawang pananaliksik upang ito
ay makatulong sa iba lalo na sa mga kabataan.

Una, ang mga mananaliksik ay gagawa ng isang talatanungan na naglalaman ng sampung


tanong. Ang mga katanungang ito ay nakabase sa mga inilahad na mga katanungan ng mga
mananaliksik sa unang kabata. Sisiguraduhin ng mga mananaliksik na ang mga katanungang
ilalagay sa talatanungan ay ang mga kinakailangan lamang upang mas mapalitaw ang layunin
ng kanilang isinasagawang pag-aaral at ang mga sagot na magsisilbing impormasyon o datos
na kanilang makukuha ay lubhang makatutulong at magpapatunay sa mga inilahad ng mga
mananaliksik na pananaw ukol sa isyu. Kasabay nito ay bubuo na rin ang mga mananaliksik ng
mga katanungan na kanilang pagbababatayan para sa kanilang isasagawang panayam o
interbyu.

Pagkatapos ng mga ito, ang talatanungang ginawa ng mga mananaliksik at ang mga tanong na
kanilang nabuo para sa interbyu ay kanila ng ipaaapruba sa kanilang guro. Matapos nitong
maapruba ay sisimulan na ang pagpaparami ng mga kopya ng talatanungan. Ito ay sunod
namang ipamimigay ng mga mananaliksik sa bawat seksiyon ng dalawang baitang, tig-10 kada
kwarto. Iaabot ang mga talatanungan ng mga mananaliksik sa isang magsisilbing kinatawan ng
kanyang klase, sa kanya ibibigay at sa kanya rin kukuhanin ng mga mananaliksik ang mga
talatanungang sinagutan ng kanyang mga kaklase. Isasagawa na rin ng mga mananaliksik ang
pakikipagpanayam sa tatlong tao na kanilang mapipili. Sa pamamagitan nito, masisimulan na
ng mga mananaliksik ang mga hakbang na kinakailangan sa pangangalap ng datos sapagkat
makukuha na nila ang persepsyon ng mga kabataang mag-aaral ukol sa isyung ito.
Sisiguraduhin ng mga mananaliksik na ang mga personal na impormasyon na kanilang
makukuha ay para lamang sa layunin ng pag-aaral.

Pagkatapos mapasagutan ang mga talatanungan at maisakatuparan ang mga interbyu ay


sisimulan na ng mga mananaliksik ang pagiinterpreta ng mga datos na kanilang nakalap.
Masinsinan nilang itatally ang mga ibinigay na sagot ng kanilang mga respondente na mula sa
baitang siyam at sampu. Sa pamamagitan ng kanilang mga sinagot ay malalaman na rin ng
mga mananaliksik ang mga kasagutan sa mga itinalang mga katanungan ng kanilang
isinasagawang pag-aaral. Gagawa ang mga mananaliksik ng mga nakalarawang
representasyon katulad ng mga tsart at grap upang mas maintindihan ng mga mambabasa ang
naging resulta ng pag-aaral. Ilalahad din naman ng mga mananaliksik ang mga naging
pananaw ng mga taong naging bahagi ng kanilang pakikipanayam o interbyu, ito ang
magsisilbing kanilang sekundaryang pagkukuhanan ng impormasyon. Mula sa mga ito ay
mapapatunayan na ng mga mananaliksik ang kanilang mga inilahad nap unto ukol sa pananaw
ng mga kabataan ukol sa pre-marital sex o maagang pakikipagtalik.

You might also like