You are on page 1of 4

Epekto ng Math Anxiety sa Resulta ng Pagsusulit sa

Basic Calculus ng mga STEM na Mag-aaral

Maxim James M. Agojo


Bernette R. Botardo
Ruffa Mae O. Cueto
Dominic Aladia M. Gaba
Krisha Andrae Guevarra
Blessie R. Reside

BAITANG: Grade 11

Track/Strand: STEM

ASIGNATURA: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK, PAGSULAT
I. Rasyunal
Isa sa mga isyung umuugong sa isipan ng mga estudyante ngayon ay kung paano nila
malalampasan ang pagsubok ng ibat-ibang uri ng matematika sa kanilang buhay. Ang
matematika ay magagamit natin sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Ang eskwelahan
ang isa sa naghuhubog ng pagkatuto ng bawat isa sa matematika. Isang uri ng matematika ay
ang basic calculus. Ayon sa math is fun (2017) ang calculus ay nanggaling sa latin na ang
ibig sabihin ay small stone, dahil ito ay tulad ng pag-unawa ng isang bagay sa pamamagitan
ng pagtingin sa maliliit na piraso ng mga bagay bagay. Ang Math Anxiety naman ay nalaman
na patuloy na nagkakaroon ng negatibong korelasyon sa gawaing matematika ng mga
estudyante.

Sa pananaliksik na ito ang mga mananaliksik ay mag popokus sa mga naging epekto
ng ng math anxiety sa resulta ng pagsusulit sa basic calculus ng mga STEM mag aaral ng
Fidelis Senior High. Dito ay magsasagawa ang mga mananaliksik ng pagsusuri at
pakipanayam sa mga STEM na estudyante ng Fidelis Senior High upang mas maunawaan
kung ano nga ba ang resulta sa bawat isa ng pagkakaroon ng math anxiety lalong lalo kapag
ang usapin ay patungkol sa basic calculus.

Mahalagang mapag-aralan ang math anxiety sapagkat ito ang kalimitang nagiging
dahilan ng mga STEM na estudyante na hindi makapag pokus sa kanilang mga pagsusulit,
aktibidad at marami pang iba na may patungkol sa kanilang pag-aaral sa matematika. Hindi
biro ang magkaroon ang isang mag-aaral ng math anxiety lalong lalo na sa panahon ngayon.
Nararapat na malaman ang kahalagahan nito sapagkat ito ang magsisilbing pundasyon ng
mga estudyanteng may math anxiety.

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga estudyanteng mayroong math


anxiety at ito ang magsisilbing gabay nila kung paano malampasan at kung paano harapin
ang math anxiety sa kanilang pamumuhay kasama ay matematika.

II. PANGKALAHATANG LAYUNIN

Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang epekto ng math


anxiety sa resulta ng exam sa basic calculus ng mga STEM students.
III. ESPESIPIKONG LAYUNIN

Nilalayon din ng pananaliksik na ito na mabigyang linaw ang mga sumusunod na


suliranin:

1. Matuklasan ang mga estudyanteng mayroong math anxiety.


2. Malaman ang epekto ng math anxiety sa resulta ng exam sa basic calculus ng
mga STEM na mag-aaral.
3. Malaman ang epekto ng pagkakaroon ng math anxiety sa mga STEM students.
4. Mga salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng math anxiety.

IV. METODOLOHIYA

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa pamamaraang kwantitatibong


pananaliksik. Angkop upang malaman ang epekto ng math anxiety sa mga estudyante.
Ang mananaliksik ay gagamit ng sarbey na pananaliksik. Isasagawa ang pananaliksik sa
pamamagitan ng paggamit ng talatanungan para makakuha ng mga datos.

Kukuha ang mga mananaliksik ng 15-20 respondents mula Fidelis Senior High
Grade 11 Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) students na
nakakaranas ng math anxiety tuwing may pagsusulit sa Basic Calculus. Ito ay upang
malaman ng mananaliksik ang epekto ng math anxiety sa resulta ng isang STEM student
sa kanilang pagsusulit. Bukod dito, magsasagawa din ang mga mananaliksik ng
pangangalap ng impormasyon sa internet upang makakuha pa ng mga karagdagang
kaalaman ukol sa pananaliksik na gagawin.

Sa pagsusuri ng datos, matapos mapagsama-sama lahat ng talatanungan, ito ay


ita-tally ng mga mananaliksik gamit ang talahanayan upang malaman ang magiging
resulta ng isasagawang sarbey. Pagkatapos ay susuriin ang bawat resulta sa pamamagitan
ng tsart upang makagawa ng konklusyon sa gagawing pananaliksik.
V. INAASAHANG BUNGA

Ilan sa mga inaasahang bunga ng mga mananaliksik sa isinagawang pag aaral ay


matamo ang mga layunin sa pag aaral na ito, masagot ang mga katanungan na
nakapaloob, malaman ang pangunahing epekto ng pagkakaroon ng math anxiety sa mga
mag aaral at maunawaan at maiapply ng mga mambabasa ang mga nakapaloob sa pag
aaral na ito. Inaasahan din ng mga mananaliksik na magkaroon ng kooperasyon ang mga
respondante na mapipili upang maging makabuluhan ang ang pag aaral na ito. Inaasahan
din ang pagiging tapat at seryoso ng mga respondante sa pagbibigay ng kasagutan sa mga
tanong na nakapaloob.

You might also like