You are on page 1of 1

9

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyong deskriptib-analitik na
pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang ugnayan ng
mental na kalusugan sa pagiging produktibo ng mga respondente.

2. Mga Respondente
Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng
kursong Medical Technology sa St. Dominic College of Asia, at nasa ika-unang
baitang ng kanilang kurso. Pumili ng 50-respondente ang mananaliksik sa kursong
nasabi sapagkat sila ang ukol at pokus ng paksa at may kaugnayan sa pag-aaral.
Ang bilang ng dami ay napili upang mas mapadali ang pag-aaral.

3. Instrumentong Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng opinyon
ng mga respondente o “survey”. Ang mananaliksik ay naghanda ng isang “survey-
questionnaire” o papel na naglalaman ng ilang mga katanungan na naglalayon
makapangalap ng mga datos upang malaman ang ugnayan ng mental na kalusugan
sa pagiging produktibo ng mga mag-aaral sa ika-unang baitang ng kursong Medical
Technology.
Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mananaliksik sa
iba’t ibang mga hanguan sa aklatan tulad ng mga reperensyang aklat, tisis at
pamanahong papel. Nagkalap rin ang mananaliksik ng ilang impormasyon sa
Internet na masasabing tunay at hindi mga impormasyong walang pinagbabasehan.

4. Tritment sa Datos
Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang
at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang degree tulad ng isang
tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa
pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at komplikadong estadestikal na
pamamaraan. Bilang o dami at porsyento lamang ng mga pumili sa bawat
pagpipilian ng bawat papel na may mga katanungan ang inalam ng mananaliksik.
Samakatuwid, paglapat, pagkuha ng porsyento, at pagraranggo lamang ang
kinailangang gawin ng mananaliksik.

You might also like