You are on page 1of 4

KABANATA II

Metodolohiya ng Pananaliksik

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at

paglalarawan sa mga hakbang na isakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan. Ang

susunod na hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik bago simulant upang mangolekta ng

datos sa pamamagitan ng sarbey ay ang pagbuo ng disenyo ng pananaliksik. Sa seksyon

na ito ay tinatalakay ang mga konsepto at yunit ng kaalaman na napili ng Disenyo ng

Pananaliksik, Saklaw at Limitasyon, Lokal na Tagatugon, Mga Kasangkapan sa Pag-

aaral, at Pamamaraan sa Pangongolekta ng Datos at ang mga pamamaraan na ginamit

upag Makita ang kahusayan ng pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptibo na

pananaliksik. Ito ay gumagamit ng isang palatanungan sa isang sarbey upang makapangalap

ng datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang desinyo na ito ay angkop para sa paksa

dahil pinadali nito ang koleksyon ng datos mula sa maraming respondent.

Ang mga piniling respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng

Secondarya sa Sacred Heart Diocesan School, Inc.. Pinili ng mananaliksik ang mga

respondente dahil sila ang pinakamadaling makatugon sa mga pangangailangan sa

pamanahong papel na ito sapagkat sila ang higit na nakadarama ng mga epekto ng K12

kurikulom.

19
Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at negatibong

epekto ng K12 Curriculum sa mga estudyante ng Sacred Heart Diocesan School, Inc.

mula ikapitong baitang hanggang sa ikalabing dalawang baiting.

Nalimitahan ang pag – aaral na ito sa mga estudyante ng Sacred Heart Diocesan

School, Inc. Hinahangad din ng pag – aaral na ito na suriinang mga pananaw at

persepsyon ng mga guro sa epektong dulot ng K12 program sa mga estudyante. Sa

huli, bibigyan ng mga mananaliksik ng mga mungkahing konklusyon kung ano ang

iba’t ibang pananaw ng mga estudyante sa programang K12.

Lokal na Tagatugon/ Respondente

Ang mga piniling respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng

Secondarya sa Sacred Heart Diocesan School, Inc..

Pinili ng mananaliksik ang mga respondente dahil sila ang pinakamadaling

makatugon sa mga pangangailangan sa pamanahong papel na ito sapagkat sila ang higit

na nakadarama ng mga epekto ng programang K-12 sa kanilang akademikong

perpormans.

Mga estudyante mula sa ikapitong baitang hanggang sa ikalabing dalawang baitang

ang naging mga respondente. Sandaang mga estudyante ang sumagot sa sarbey. Mula sa

nasabing bilang ng mga tagatugon ay napaloob dito ang mga estudyante mula sa iba’t

ibang baitang.

20
Instrumento ng Pag-aaral

Ito ay isang pangunahing instrumento na ginamit sa aming pananaliksik. Ang

talatanungan ay naglalaman ng mga maaaring maging reaksyon ng mga respondente sa

memorandum ng Kagawaran ng Edukasyon ukol sa pagdaragdag ng dalawang taon sa

antas ng edukasyon. Ang mga respondente ay nagbigay ng kanilang kooperasyon sa

bawat tanong na aming ibinigay. Sa pamamagitan ng talatanungan, nalalaman ang tunay

na pananaw ng mga respondente. Lalong lalo ng mga guro na isa sa mga maaapektuhan

sa pagpapatupad ng memorandum na ito.

Ang talatanungan ang pinakamabilis at pinakamabisang instrumento sa pagkalap ng

impormasyon. Pagkatapos itong masagutan ng mga respondente ay agad isinagawa ang

pagtatally sa bawat sagot ng mga katanungan. At susunod dito ay ang paggawa ng grap

na nakabase sa mga sagot ng mga respondent.

Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Naghanda muna ang mga mananaliksik ng mga talatanungan at pinasagutan sa

mga respondente. Pagkatapos ay pinag-isa ang mga magkakaparehong sagot. Kinuha ang

bahagdan o porsyento ng mga magkakaparehong sagot ng mga respondente sa bawat

tanong sa talatanungan. Masusing pinag-aralan at ginawan ng pagbubuod at konklusyon

ang mga sagot ng mga respondente. Sa paraang ito ay nakuha ang pananaw ng mga

respondente ukol sa pagdaragdag ng taon sa elementarya at high school.ßs

21
Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na

maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad

ng ipipresentang datos.

Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa

mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng

maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang pagiging kompidensyal ng mga

nakakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas makapagpahayag

ang mga sasagot ng tanong.

Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula Enero ng taong kasalukuyan. Ang

pagkolekta ng datos ay sinagawa ng isang araw kung saan maalwan na oras para sa mga

mag-aaral.

Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi

naman isang pangangailangan sa pagtamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon,

walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa

pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami

lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam

ng mananaliksik. Samakatuwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang

kinailangang gawin ng mananaliksik. Dahil sandaan (100) ang mga respondente, naging

madali para sa mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil sa bawat dami ng bilang ay

awtomatikong katumbas ng porsyento niyon.

22

You might also like