0% found this document useful (0 votes)
102 views1 page

FILIPINO (PRINT) Answer

Ang panukala ay naglalayong makapagpagawa ng barangay health center sa Barangay Bag-ong Argao upang mapadali ang pag-access ng mga residente sa serbisyo ng kalusugan. Ang proyekto ay magtatagal ng 4 na buwan at magkakahalaga ng Php 5 milyon. Ito ay magbibigay ng malaking benepisyo sa komunidad lalo na sa pagpapadali ng pagpapatingin at pagbawas ng gastos sa pamasahe.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
102 views1 page

FILIPINO (PRINT) Answer

Ang panukala ay naglalayong makapagpagawa ng barangay health center sa Barangay Bag-ong Argao upang mapadali ang pag-access ng mga residente sa serbisyo ng kalusugan. Ang proyekto ay magtatagal ng 4 na buwan at magkakahalaga ng Php 5 milyon. Ito ay magbibigay ng malaking benepisyo sa komunidad lalo na sa pagpapadali ng pagpapatingin at pagbawas ng gastos sa pamasahe.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Panukala sa Pagpapagawa Barangay Health Center

Para sa Barangay Bag-ong Argao

Mula kay: Dypsy Pearl A. Pantinople

Purok-6, Barangay Bag-ong Argao,

Molave, Zamboanga del Sur

Ika – 22 ng Oktobre 2020

Haba ng Panahong Gugugulin: 4 na buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Isa ang Barangay Bag-ong Argao sa mga barangay na nakapaloob sa munisipalidad ng Molave, Zamboanga del Sur. Ito ay binubuo
ng humigit kumulang 100 na pamilya at 50% mula sa kabuuang bilang nito ay mga bata na nasa edad 1 hanggang 18 taong gulang at
12% naman sa kabuuang bilang nito ay mga buntis at mga bagong kasisilang na sanggol.

Isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng Barangay Bag-ong Argao ay ang mga hindi mapipigilan at hindi maiiwasang
natural na sakit ng pabago- bagong panahon gaya lagnat, ubo, sipon at maging trangkaso. Nararanasan din ng mga mamayan ng
Barangay Bag-ong Argao ang pagkabahala sapagkat malayo ang Health Center na siyang pagpapacheck-upan at pagapatinginan ng
mga mamamayan lalong-lalo na ang mga kabataang nagkakasakit at mga buntis, nahihirapan na din ang mga mamayan dahil sa
dagdag gastos sa pamasahe dahil sa malayong lokasyon ng Health Center.

Dahil dito mas mainam na makapagpatayo at makagawa ng Health Center sa Barangay Bag-ong Argao. Kung ito’y mapapatayo
tiyak na mas madali na para sa mga mamamayan ang pagpapagamot at pagpapatingin sa Health Center at bawas na din sa dagdag
gastos sa pamasahe ng mga mamamayan. Higit sa lahat kailangang mapatayo at mapagawa anng proyektong ito sa mas lalong
madaling panahon upang matiyak ang magandang kalusugan at katawan ng mga mamamayan sa at kaligtasan ng mga kabataan sa
Barangay Bag-ong Argao.

II. Layunin

Makapagpagawa ng Health Center na na makatutulong para matiyak ang kalusugan at kapakanan maging ang kaligtasan ng mga
mamamayan sa ano mang sakuna at sakit. At pati narin ang mas pagpapadali ng pagpapacheck- up at pagpapatingin ng mga
mamaymayan sa Barangay Bag-ong Argao.

III. Plano na Dapat Gawin

1. Pagpapasa, paghahanda, paglalabas ng badyet at maging pag-aaproba. (1 linggo)

2. Pagbibidding na gagawin sa mga kontaktor at magongontrata sa paggawa ng Health Center. (2 linggo)

Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani- kanilang tawad para sa pagpapatayo ng Health Center kasama
ang gagamiting plano para rito.

3. Pagsasagawa ng pagpupulong ng onseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa at magpapatayo ng Health Center. (2
araw)

Gagawin rin sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontaktor par asa kabatiran ng nakakarami.

4. Pagsasagawa at pagpapatayo ng Health Center sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bag-ong Argao. (4 na buwan)

5. Pagbabasbas at pagpapasinaya ng Health Center. (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Presyo o halaga ng pagpapagawa ng Health Center batay sa isinumite ng Php. 4,980,000.00
napiling kontraktor (kalakip na rito ang sweldo ng mga trabahador at ang lahat
ng mga kontraktor)

II. Halaga ng mga gastusin sa pagbabawas at pagpapasinaya nito. Php. 20, 000.00

Kabuuang Halaga Php. 5,000,000.00

V. Pakinabang

Ang pagpapagawa at pagpapatayo Health Center ay magiging malaking tulong at pakinabang ng mga mamamayan sa Barangay
Bag-ong Argao. Alam naman natin ang “Health is Wealth”, at sa paraang ito makakasiguro tayo na ligtas at may wasto at tamang
gabay at proteksiyon ang mga tao ng Barangay Bag-ong Argao. Hindi na mahihirapan ang mga tao na magpagamot at magpakonsulta
sapagkat mayroon nang Helath Center sa kanilang barangay. At tiyak na mas madali na para sa mga mamamayan ang pagpapagamot
at pagpapatingin sa Health Center at bawas na din sa dagdag gastos sa pamasahe ng mga mamamayan.

You might also like