You are on page 1of 19

KABANATA I

Ang Suliranin

Panimula

Ang edukasyon o pagtuturo ay ang sistema at proseso ng paghahatid ng

kaalaman, karunungan at maging ng kultura ng isang bansa at nagtuturo ng

magandang pag-uugali sa isang tao. Kadalasang ginagawa ang pagtuturo sa mga

pasilidad pang-edukasyon na tinatawag na paaralan. Guro o propesor ang tawag sa

mga taong kuwalipikadong magturo. Nagsisimula ang edukasyon o pag-aaral ng

isang tao sa maagang edad hanggang sa paglaki. Ang karaniwang edukasyon ay

binubuo ng mga antas o lebel. Maaari itong magsimula sa Pre-school at

Kindergarten, ngunit kadalasan ay hindi na ito kinukuha ng ilang kabataan.

Susundan ito ng antas sa elementarya o grade school na binubuo ng anim na taon

(grade 1 hanggang grade 6). Pagkatapos ay susundan naman ito ng high school level

o sekondarya na binubuo naman ng apat na taon (first year hanggang fourth year).

Ang huli ay ang kolehiyo o tertiary level kung saan nakadepende ang haba ng taon

sa kursong nais kuhanin. Ang huling antas na ito ay kadalasang hindi na inaabot ng

maraming kabataan dulot ng mga kakulangan sa personal na buhay at maging ng

mga problema sa pamamalakad ng edukasyon. Kaya’t pumapatak na sampung taon

lamang ang taon ng pag-aaral sa bansa.

1
Ngunit ang ganitong sistema ng edukasyon ay huli na sa mabilis na pag-

unlad ng mundo. Ang lumang sistema na binubuo lamang ng sampung taon o 10

grade

basis of education ay halos naka-implementa na lang sa tatlong bansa sa mundo:

Angola, Djibouti at Pilipinas. Marami ng bansa ang nagpatupad ng bagong sistema

ng edukasyon na tinatawag na “K-12 Curriculum” kung saan nadagdagan ng

dalawang taon ang lumang sampung taon ng pag-aaral. Dahil dito, agarang

pinatupad ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapa-implementa ng K-12 program sa

bansa. Layunin nito na mapataas ang kalidad ng edukasyon, mapaghandaan ang

kinabukasang trabaho ng isang tao at makasabay sa umuunlad na edukasyon sa

mundo.

Sa kabila ng magandang layunin ng programang ito ay tila marami pa ring

hindi sumasang-ayon, lalo na ang mga magulang. Iniisip ng marami na lalo lamang

lalala ang kalagayan ng bansa dahil dito. Bukod pa riyan, isa sa mga nakikitang

problema ay ang hindi kahandaan ng bansa sa pagpapatupad nito. Isang miyembro

ng Senado, si Sen. Trillanes, ang nagsabi “Mas makabubuti para sa ating bansa kung

hindi muna ipatutupad ang K to 12 Program hangga’t hindi pa nasosolusyunan ang

mga problema sa sistema ng ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-

aralan at kagamitan ng mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro at ang

kanilang mababang sahod.”

2
Bukod pa sa kakulangan ng mga pasilidad, aklat at guro ay tila kulang rin

sa pinansyal ang mga pamilyang may mga anak na papasok sa ganitong bagong

sistema. Tila hindi rin handa ang mismong mga kabataan sa ganitong pagbabago.

Nalulula ang marami dahil tila hahaba ang taon ng kanilang pag-aaral at

madaragdagan pa ang kanilang gastusin. Kulang rin ang mga mapapasukang

paaralan

na nag-aalok ng tract na napili ng ilang papasok sa K-12 curriculum. Tila limitado

lamang ang mga tract na iniaalok sa mga paaralan dulot ng mga kakulangan. Dahil

rito, may mga estudyante na iba’t iba ang nagiging pananaw sa bagong

kurikulum,may mga positibo at sang-ayon,ngunit mayroon din namang negatibo at

hindi sumasang-ayon.

Dahil sa mga isyung kinakaharap ng sistema ng edukasyon at ng bagong

implementang kurikulum, layunin ng pananaliksik na ito na alamin kung paano

tinatanaw ng mga mga estudyante na kasalukuyang nag-aaral sa tract na ABM sa

paaralang Sacred Heart Diocesan School, ang programang K-12. Aalamin ng

pananaliksik na ito kung gaano kalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa bagong

sistemang ito at kung gaano sila kahanda sa pagpasok dito. Sa pamamagitan ng mga

makakalap na sagot mula mismo sa mga mag-aaral ay patutunayan ng pananaliksik

na ito kung talaga bang epektibo at benepisyal ang bagong kurikulum na ito sa

pamumuhay ng mga estudyante, ngayon at sa hinaharap.

Teoritikal na Balangkas

3
Sa aklat na “School and Society” ni John Dewey, isang kilalang pilosopo

noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa, pinatunayan niya ang

isang katotohanan may kinalaman sa edukasyon. Sa aklat na ito, inilahad niya ang

kaniyang teoryang “PRAGMATISM ON EDUCATION”.

Ang aklat na ito ni John Dewey ay nailathala noong 1899, kung kailan

sinimulan niyang ilunsad ang kanyang teorya sa edukasyon. Ang teoryang ito na

Pragmatism on Education ni Dewey ay nagpatunay na ang karunungan ay mas

nagiging kapaki-pakinabang kung may praktikal na kasanayan. Idiniin ni Dewey na

mas matututo ang isang tao kung ang paraan ng pagtuturo ay sa pamamagitan ng

paghahahatid ng praktikal na kasanayan. Ang teoryang ito ni Dewey ay nahahati sa

apat na konsepto: (1) Ang edukasyon ay buhay; (2) Ang edukasyon ay pag-unlad;

(3) Ang edukasyon ay isang sosyal na proseso; at (4) Ang edukasyon ay nahuhubog

mula sa karanasan ng isang tao.

Ang Edukasyon ay Buhay. Sa konseptong ito sinabi ni Dewey na ang

pinagmumulan ng edukasyon ay ang buhay mismo. Nangangahulugan ito na habang

nabubuhay ang isa tao ay hindi rin titigil ang edukasyon. Isang halimbawa ay sa

pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao. Sa bawat sandaling lumilipas ay

nakagagawa ng mga gawain ang isa. Sa bawat gawaing ito, maaring may mga

bagong bagay siyang natuklasan na magbubunga ng karunungan. Maari rin naman

na may mga nagawa siyang tama at mali, at ito ang magtuturo sa kaniya. Ang mga

ito ay nangyayari dahil sa ang isang tao ay patuloy na nabubuhay, at ang patuloy na

buhay ay may kaakibat na patuluyang pagkatuto.

4
Ang Edukasyon ay Pag-unlad. Sinabi ni Dewey sa konseptong ito na ang

edukasyon ay patuloy na umuunlad sa paglipas ng panahon. Hindi ito nananatili sa

kung ano lang ang natutuhan ng isang tao, kundi may kaakibat itong pag-unlad

habang

ang isa ay nabubuhay. Halimbawa ay ang mga antas o lebel ng edukasyon. Ang

isang mag-aaral ay magsisimula sa pagpasok sa Kindergarten. Ang mag-aaral na ito

ay hindi mananatili bilang isang Kinder lamang kundi magpapatuloy ang pag-unlad

ng kaniyang karunungan sa pamamagitan ng pagpasok sa mas mataas na antas ng

edukasyon.

Ang Edukasyon ay Isang Sosyal na Proseso. Sa konseptong ito, binanggit

ni Dewey na ang karunungan ay maaring maapektuhan ng kapaligiran. Sinabi niya

na ang sosyal na kapaligiran ng isang tao ay nakatutulong na magkaroon siya ng

taglay na karunungan. Halimbawa, maaaring matuto ang isang tao sa pamamagitan

ng pakikipag-usap sa kaniyang kapwa. Nakakukuha siya ng mga kaalaman na

maaring hindi niya alam ngunit batid naman ng iba. Maari rin na matuto siya mula sa

mga karanasan ng ibang tao na nakasalamuha niya.

Ang Edukasyon ay Nahuhubog mula sa Karanasan. Sinabi ni Dewey na

ang edukasyon ay nahuhubog din sa pamamagitan ng karanasan ng isang tao.

Halimbawa, ang isang mag-aaral ay nais na maging isang magaling na tagapagluto.

Upang maging mahusay siya sa larangang ito, kinakailangan niyang maranasan ang

mga gawain ng isang tunay na tagapagluto. Maari na magsanay siya sa sarili niyang

5
tahanan o ‘di kaya naman’y sa mismong paaralan na kaniyang pinapasukan na nag-

aalok ng pagtuturo may kinalaman sa pagluluto. Sa pamamagitan nito, nahuhubog

ang kaniyang kasanayan upang mas maging mahusay na tagapagluto sa hinaharap.

Ang teoryang ito ni Dewey ang pinakakilalang pilosopiya at basehan ng

konsepto ng edukasyon sa Pilipinas. Sinabi ng isang Propesor sa Edukasyon at Dean

ng Graduate School of Siliman University na si Herman C. Gregorio at dating DECS

superior na si Cornelia M. Gregorio na ang edukasyon sa bansa ay walang duda na

nakabase sa teorya ni Dewey na Pragmatism.

Isang katunayan niyan ay ang paglulunsad ng bansa sa programang K-

12.Sa kurikulum na ito, maagang sinasanay ang mga kabataan sa larangang nais

nilang kuhanin sa hinaharap.Sa bagong sistemang ito, tinuturuan ang mga estudyante

na maging mahusay sa pamamagitan ng praktikal na pamamaraan.

Ipinahiwatig din ni Dewey ang pinakamabisang paraan upang magkaroon

ng karunungan ang isang mag-aaral. Para sa kaniya,ang edukasyon ay hindi lamang

pangangabisado ng mga aralin sa klase. Mas matututo ang mga mag-aaral kung

sasanayin ang kanilang isip na mag-isip nang kritikal at mag-analisa ng mga

problema at bigyan ito ng solusyon sa pinakamabisa at praktikal na pamamaraan.

6
Konseptual na Balangkas

Epekto ng K-12 Curriculum sa


pananaw at pagkatuto ng mga
Estudyante

“Pragmatism on Education” mula sa


aklat na School and Society ni Dr.
John Dewey

Mga pagkukunan ng datos (survey, mga aklat, internet at ilang


guro na may kaalaman sa paksa)

Kaalaman at kamalayan ng mga


Estudyante sa programang K-12

7
Kahandaan ng mga mag-aaral sa pagpasok sa K-12
upang magamit sa mas mataas na antas ng edukasyon

Paglalahad ng Suliranin

Ang pamanahong-papel na ito ay hingil sa epekto ng K-12 at naglalayong matugunan

ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng programang K-12?

2. Ano ang epekto ng programang ito sa mga estudyante?

3. May malaki bang maitutulong ang programang ito sa mga estudyante?

4. Sang-ayon ka ba sa pagpapatupad ng programang K-12?

5. Sinu-sino ang apektado ng programang ito?

Kahalagahan sa Pag-aaral

Mahalagang pag-aralan o gawan ng pananaliksik ang programang ito dahil mabibigyang

linaw ang o kaalaman sa mga estudyante, mga magulang at mga guro sa patuloy na walang

sapat na kaalaman sa programang ito. Marami pa ring naguguluhan kung ano nga ba ang

programang ito, sa pananaliksik na ito dito natin malalaman ang lahat ng katanungan nating

8
lahat. Malaki ang maitutulong nito sa, hindi lamang sa kasalukuyang panahon pati na rin sa

darating pang henerasyon.

Sa mga Estudyante. Nakapaglaan ito ng sapat na kaalaman sa mga estudyante

may kilaman sa bagong sistemang ito ng edukasyon na kanilang papasukan. Naging

pamilyar sila sa K-12 program at nalaman ang kahandaan na kinakailangan sa pagpasok

dito.

Sa mga Magulang. Nalaman ng mga magulang ang ilang tulong na maaring

makuha ng kanilang mga anak sa programang K-12 lalo na sa larangan ng Akademiya.

Nakapahanda rin sila ng mga kinakailangan para sa pagpasok ng kanilang anak sa bagong

sistema.

Sa mga Mambabasa. Nagkaroon ng kaalaman ang mga mambabasa kung paano

nagbago at nahubog ang sistema ng edukasyon sa bansa.Nalaman din nila ang ilang

aspeto ng bagong sistemang K-12 Curriculum.Napaghandaan din ng mga estudyanteng

mambabasa na papasok sa bagong kurikulum ang mga kinakailangan paghahanda.

Sa mga Mananaliksik. Natuklasan ng mga mananaliksik ang tunay na layunin at

sistema ng bagong K-12 Curriculum.Nagkaroon ang mga mananaliksik ng kaunawaan sa

takbo ng sistema ng edukasyon sa bansa.At naging basehan ito ng kanilang pagsang-ayon

o pagtuligsa sa programang K-12.

9
Katuturan ng mga Terminolohiya

10 Grade Basis Education. Ito ay sistema ng edukasyon na binubuo ng sampung

taon kabilang ang anim na taon sa elementarya at apat na taon sa high schoo. Sa ilalim

nito,hindi inoobliga ang mga mag-aaral na pumasok sa kindergarten bago maging

elementarya.

ABM. Accountancy, Business and Management. Ito ay isang academic strand na

sakop ng K-12 Curriculum. Nakatutok ito sa paghasa sa kakayahan ng isang mag-aaral sa

larangan ng negosyo at mga gawain may kinalaman sa pinansyal.

CHED. Commission on Higher Education.Ito ang ahensiya sa Pilipinas na siyang

may hawak ng pamamalakad sa mga kolehiyo at unibersidad o pamantasan.

DECS. Department of Education, Culture and Sports.Ito ang dating katawagan sa

kasalukuyang DepEd ng bansa na siyang may hawak sa pangkalahatang sistema ng

edukasyon sa buong Pilipinas.

DEPED. Department of Education.Ito ang kasalukuyang ahensiya ng gobyerno na

siyang may hawak sa sistema, pamamalakad at mga batas pang-edukasyon ng Pilipinas.

K-12 Curriculum. Tinatawag ding K-6-4-2.Ito ang bagong sistema ng edukasyon

na binubuo ng kindergarten, na obligadong pasukan ng mga mag-aaral, anim na taon ng

elementarya,apat na taon ng junior high school at dagdag na dalawang taon ng senior

high school.

10
Kurikulum/Curriculum. Ito ay tumutukoy sa kabuuang tuon o layunin na dapat

isakatuparan ng bawat paaralan upang maabot ang mga tiyak na tunguhin sa pagtuturo.

Progressivism on Education. Ito ay teorya ni John Dewey na nagsasabinh ang

edukasyon ay isang patuluyang proseso, nagbabago at umuunlad sa paglipas ng

panahon.Sinasabi rin dito na ang karunungan ay isang sosyal na proseso at nahuhubog ng

karanasan ng isang tao.

Senior High School. Ito ang bagong dagdag na sistema sa edukasyon na binubuo

ng grade 11 hanggang grade 12.

Track. Tinatawag ding academic strand,tumutukoy ito sa larangan na nais kuhanin

ng mga mag-aaral sa Senior High School.Katumbas ito ng salitang kurso na kinukuha

naman sa kolehiyo.

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

(Bayang Pilipinas, 2011) Kasalukuyan ng ipinapatupad ng pamahalaang Aquino

ang programa nitong kung tawagin ay K+12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon sa Basic

Education ng bansa. Sa programang ito ay hindi na tatanggapin sa unang grado ang

batang hindi nag-kinder bilang unang hakbang sa pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang

dalawang taong dagdag sa high school na ibig sabihin ay magkakaroon ng tinatawag na

Senior High. Sa loob ng dalawang taon sa Senior High ay maaaring mamili ang isang

estudyante ng kanyang espesyalisasyon na Technical/Vocational course o isport at iba

pang pagpipilian. Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng

11
edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas na lang kasi ang bukod tanging bansa sa Asya ang

may pinakamababang bilang ng taon sa Basic Education.

Suportado ang programang ito ng ilang sektor tulad ng mga nasa negosyo. Sa

ganitong paraan diumano ay maari ng makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high

school lang ang tinapos. Napakalaki ng problema ng bansa pagdating sa edukasyon. Sa

mga pampublikong paaralan pa lamang ay masyadong siksikan sa mga silid. Bukod sa

walang maayos na bentilador ay hindi na rin matutukan ng maayos ng mga guro ang

kanilang mga estudyante sa sobrang dami. Ganito ang sitwasyon sa Metro Manila. Naiiba

naman ang kwento pagdating sa mga malalayong lugar sa bansa. Naririyan ang mga

estudyante na maraming oras ang ginugugol sa paglalakad ng ilang milyang layo

makarating lang sa paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil tumatawid pa sa ilog at peligro

ang inaabot tuwing umuulan dahil sa rumaragasang baha. Mayroon ding dagat pa ang

nilalangoy. Ganito kahirap ang dinaranas nila para lang makapagtapos sa elementarya at

high school. Kung mahina-hina ang loob ay napipilitan na lang silang tumigil. Ayon na

rin mismo sa Kagawaran ng Edukasyon ay malaki rin ang kakulangan ng mga silid, aklat

at guro sa bansa.

Sa kabila ng maraming tapos at lisensyadong guro ay may kakulangan pa rin.

Inirereklamo rin nila ang mababang pasahod sa mga guro. Taon-taon rin ay naglilimbag

ng aklat pero kinakapos pa rin. Ang matagal ng problemang ito ng bansa ay matagal ng

pinagpasa-pasahan ng ilang nagdaang administrasyon. Sa pagpapasimula ng

Pamahalaang Aquino sa K-12 program na ito ay mistulang dinadagdagan lang ang

12
problema sa edukasyon ng bansa. Napakaganda ng layunin nito pero tulad ng ibang

programa ay hindi naman naaangkop ang pagpapatupad nito. Bakit kaya hindi muna

unahin ang mga kasalukuyang pagkukulang ng pamahalaan sa kasalukuyang suliranin.

Kumpletuhin ang mga kulang na silid paaralan. Magbigay ng mga aklat na tama ang

nilalamang impormasyon. Magdagdag pa ng mga guro at dagdagan ang kanilang sahod at

benipisyo.

Hindi dapat gumaya ang Pilipinas sa ibang bansa na dinagdagan ang bilang ng

taon sa pag-aaral upang tumaas lang ang kalidad ng edukasyon. Hindi nasusukat sa dami

ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya namang matutunan ng mga

Pilipino ang dapat na matutunan sa kasalukuyang umiiral na sistema. Ang katunayan dito

ay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mga pribadong paaralan. Dahil ito ay

suportado ng mga kagamitan at tamang pagtutok sa pag-aaral ng mga bata ng kanilang

magulang. May mga nananalo pa ngang estudyanteng Pilipino sa mga patimpalak sa

ibang bansa.

Kung dadagdagan ng taon ang pag-aaral ay malulunasan ba nito ang kahirapan?

Mababawasan kaya nito ang mga drop out? Kung sa ngayong sistema pa nga lang ay

marami na ang drop out ay paano na kaya kapag tuluyan ng ipinatupad ito. Kahit sabihin

pang libre ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay gumagastos pa rin ang mga

magulang sa mga pang-araw-araw na baon ng mga bata. Ibig sabihin nito kapag

dinagdagan ng taon ay panibagong dalawang taon din ang dagdag pahirap sa mga

magulang. Ang sinasabing para makapagtrabaho na kahit high school lang ang tinapos ay

13
hindi rin totoo. Sa kasalukuyan, kahit may mga tinapos sa kolehiyo ay hirap makahanap

ng trabaho. Karamihan dito ay mga nagsipagtapos ng Nursing. Bakit hindi baguhin ng

pamahalaan ang paglunas sa problemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Halimbawa nito

ay ang malawakang pagpapatupad ng distant learning sa mga malalayong lugar.

Nandiyan na ang teknolohiya ng Internet. Maaring sa halip na araw-araw na pasakit sa

pagpasok sa eskwelahan ay gawing lingguhan na lang. Pwede ring gamitin ang telebisyon

sa pamamagitan ng paggawa ng mga educational channel na panonoorin ng mga bata na

kasabay ng turo sa aktwal na panahon sa paaralan. Marami pang alternatibong paraan ang

naghihintay na linangin para makatulong sa pag angat ng edukasyon ng Pilipinas.

Nagagamit na ito sa ibang bansa. Ang K+12 ay hindi sagot sa suliranin ng bansa

pagdating sa edukasyon. Ito ay dagdag problema at walang malinaw na direksyon at hindi

napapanahon. Huwag na sanang gawing mas komplikado ang problemang ito sa

pamamagitan ng isang solusyong sa huli ay magiging dagdag pa pala sa suliranin. Sa

pagbubukas ng pang-akademikong taon 2012-2013, hindi na lamang taun-taong problema

sa edukasyon ang sasalubong sa mga mag-aaral, guro, at mamamayan, kundi ang

implementasyon ng Universal Kindergarten o K+12 na naglalayong dagdagan ang mga

taon sa elementarya at hayskul.

(Pasion, 2012) Ang K-12 ang programa ng administrasyong Aquino na

naglalayong solusyunan daw ang matagal nang problema sa edukasyon. Pero umani ito

ng batikos. Base sa programa, magiging mandatory ang kindergarten, magkakaroon ng

anim na taon sa elementarya (Grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high

school (Grade 7 hanggang 10) at dalawang taon na senior high school (11 hanggang 12).

14
Subalit ayon sa Kabataan Party-list, hindi sasagot sa bumababang kalidad ng edukasyon,

sa paglobo ng bilang ng mga out-of-school youth, maging ang problema sa kawalan ng

trabaho sa bansa, ang hakbang sa pagdagdag ng taon sa batayang edukasyon.

(Larry boy, 2014) NGAYON mag-uulat sa sambayanan si President Aquino.

Idedetalye niya sa kanyang ikalimang SONA ang mga nagawa ng kanyang

administrasyon. Isa sa maaaring ireport niya ay ang tungkol sa K to 12 program.

Ngayong taon inumpisahan nang pormal ang K to 12 at marami ang nagsasabi na dapat

ituluy-tuloy ito at paglaanan pa nang pondo sapagkat nakikita ang magandang

kahihinatnan ng mga kabataan. May magandang makakamtan sa programang ito. Hindi

naman dapat pakinggan ang panukala ni Sen. Antonio Trillanes IV na dapat suspendehin

ang K to 12. Ayon sa senador, dapat suspendehin ang programa sapagkat maraming

problemang kinakaharap. Hindi raw ito uubra sapagkat hindi handa ang pamahalaan sa

programang ito. Unahin daw muna ang mga pangunahing problema sa sektor ng

edukasyon bago itong K to 12. Ilan sa mga binanggit ni Trillanes ay ang problema sa

kakapusan ng mga classroom, kakulangan sa mga guro, at ang mababang sahod ng mga

guro. Sabi ni Trillanes, nagkaroon daw siya ng konsultasyon sa mga nagpanukala ng K to

12 program at nakita niyang walang kahandaan dito ang kasalukuyang pamahalaan. Kaya

ang suhestiyon niya ay suspendehin habang maaga pa ang programa at pagtuunan muna

ang mga problema ng education sector.

Malaking problema rin aniya ang kahahara-ping retrenchment ng 85,000 college

professors at employees sa 2016 kapag hindi sinuspende ang K to 12. Bakit ngayon lang

15
nagsalita si Trillanes? Kung kailan nakaporma na at naikasa na saka naman niya

sasansalain ang K to 12. Kung talagang may pagmamalasakit ang senador sa sector ng

edukasyon, dapat noon pa siya nagpanukala na resolbahin ang kakulangan sa classrooms

at guro. Dapat noon pa siya nagpakita nang pagtutol dito. Sa ilalim ng K to 12 ang mga

estudyante ay nararapat dumaan sa kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na

taon sa junior high school at dalawang taon sa senior high school. Magkakaroon ng

kasanayan ang mga estudyante sa sistemang ito. Handang-handa na sila. Huwag

ipagpaliban ang programang ito.

(Burce, 2013) Dahil sa globalisasyon, maitatatak sa utak ng mga kabataan na:

– mas magandang tangkilikin ang produkto nina Calvin Klein kesa kina Rajo Laurel

– hanggang manwal na trabaho lamang ang mga pinoy

– inferior na lahi lamang tayo dahil sa mga OFWs na lumuluwas ng bansa para maghugas

lamang ng pwet ng mga Aussie. Siguro nga maganda ang K+12 sa mga dayuhan, pero

para sa ating mga Pinoy? Paano tayo kung puro lamang dayuhan ang iniintindi natin?

Bakit turismo imbes na mismong mga Pilipino ang iniisip ni Ka-Trapo? Hindi ko

tinututulan ang bagong kurikulum, ang tanging pansin ko lang sa dito ay puro

pakikiangkop lamang ito sa iba’t-ibang mga bansa.  Pakikipagsabayan sa maraming

mga “First-world Countries” Ano ‘to? Tayo ang dapat na mag-adjust para sa kanila?

Utang na loob! Dati, sa panahon ng mga kastila, ipinaglaban natin ang edukasyong

walang bahid ng kolonyal na pagiisip. Maraming namatay upang makamit lamang ang

edukasyong gusto natin. Pero bakit ngayon, parang mismong Pinoy pa ata ang nato-

tolerate sa kolonyal na edukasyong ito. Baliktad na talaga ang mundo ngayon.

16
(Trillanes, 2012) Nagbabala si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV na lalong

lalala ang drop-out rate at tataas ang halaga ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng

programang Enhanced Kindergarten to Grade 12 (K to12) ng Department of Education

(DepEd). Nanindigan ang senador na ang K to12 na ipatutupad ng DepEd simula sa

darating na pasukan ay hindi praktikal na solusyon sa mababang kalidad ng edukasyon sa

Pilipinas.

“Ngayong malala pa rin ang kakulangan ng mga silid-aralan at mga guro, bakit

kinakailangang magpasimula pa ang DepEd ng isang programa na lalong magpapalala ng

kondisyon ng mga pangunahing pangangailangan sa edukasyon?” tanong ni Trillanes.

Ang programang ito ng DepEd ay hindi lamang nangangahulugan ng karagdagang

gastos sa gobyerno kundi maging sa mga magulang na hirap nang makaagapay sa patuloy

na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, dagdag pa ng senador.

Ayon kay Trillanes, ang programang ito ng DepEd na umano’y naglalayong

mapalawak ang basic education sa bansa mula 10 taon patungong 13 taon, ay

magpapalala pa sa mataas na drop-out rate sa bansa.

“Sa bawat 100 na mag-aaral sa Grade 1, 43 lamang ang nakakatapos ng high

school, at 14 ang makakapagtapos sa kolehiyo,” ani Trillanes. “Kung ating isasaalang-

alang ang kasalukuyang estado ng ekonomiya, hindi mo kinakailangang maging genius

17
para makita na ang drop-out rate ay lalo lamang tataas kung ipapatupad ang dalawang

taong dagdag sa school curriculum.”

Pinabulaanan din ni Trillanes ang sinasabi ng DepEd na ang naturang programa ang

magpapabuti sa kalidad ng edukasyon sa bansa at ang solusyon sa kawalan ng trabaho sa

mga kabataan.

Ayon kay Trillanes, base sa kamakailang pag-aaral na ginawa ni former Education

Deputy Minister Abraham Felipe at ni Dr. Carolina Porio, na “walang kaugnayan ang

bilang ng taon ng pag-aaral sa pangkalahatang kalidad ng edukasyon.

Hinalimbawa ni Trillanes ang situwasyon sa mga bansa na may mahabang

secondary level ng school cycle tulad ng South Africa, Chile, Botswana, Morocco at

Saudi Arabia na pawang nabibilang sa mga low-performing high school students sa

mundo. Kaduda-dura rin umano ang argumento na ang isang 18-year-old na magtatapos

sa ilalim ng  programa ng K to12 ay magiging “employable” kahit walang college degree.

“Kung ang libu-libong mga estudyanteng nagsipagtapos ng kolehiyo ay hindi

makahanap ng trabaho, paano naisip ng DepEd na kaya nilang resolbahin ang

unemployment sa pamamagitan ng mga umanoy ‘employable’ high school graduates?”

giit ni Trillanes.

18
Batay sa statistics, hindi maaaring iugnay ang mataas na unemployment rate sa

bansa lalo na mula sa youth sector sa maikling education cycle sa Pilipinas. Sa halip, mas

makabubuti kung rebisahin na lamang ang kasalukuyang sistema ng ekonomiya at job

generation policy ng pamahalaan,” paliwanag pa ni Trillanes.

19

You might also like