You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Kurso: PRINCIPLE, TRENDS AND TECHNIQUES IN TEACHING FILIPINO


Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: Ang pagtuturo at ang Social Media
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

Sa panahon ngayon, pinadadali ang buhay ng mga tao sa buong mundo ng dahil
sa teknolohiya. Sa pamamagitan ng nasabing teknolohiyang ito’y nagkakaroon
ng malawak na oportunidad ang mga mag-aaral para sa pagkatuto lalo na’t ang
mga kabataan ngayon ay may malawak na access sa social media. Ang social
networking ay isang istrakturang sosyal na gawa sa mga nodes o sa mas
madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad ng
kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon.

Parte na ng ating lipunan ngayon ang social media. Ang mga mag-aaral ay
palaging gumagamit ng naturang mga social networking sites, katulad nalamang
ng instagram, twitter, at facebook.

Ang iba’t-ibang social networking sites katulad nalamang ng edmodo, facebook,


youtube, google, yahoo, instagram at iba pang mga social networking sites ay
maaaring tumulong sa mga mag-aaral upang mapadali ang kanilang pag-aaral.
Kapag, nagamit ng maayos ay maaaring maging tulong sa mga mag-aaral sa
halip na maging mapanira.

May mga nagsilabasang educational sites katulad nalamang ng Edmodo, dito


maaaring magpost ng updates, magpost ng mga takdang aralin, at magpost ng
mga pagsusulit na maaaring gawin ng mga mag-aaral.

Ang facebook ay kilala bilang lugar kung saan, maaaring mag post ng mga
status updates, mga announcements, mga larawan at mga video. Upang
magamit ito sa pag-aaral, maaaring gumawa ng grupo dito para magpost ng mga
takdang-aralin, mag-paalala sa mga estudyante tungkol sa mga importanteng
mga deadline at mag- anunsyo. Dito rin, maaaring makapag-usap ang mga
estudyante, maaari ring makipag-usap ang isang guro sa kanilang estudyante ,
maaari ring mag-usap ang mga estudyante at kanilang mga kapangkat ukol sa
kanilang mga pangkatang gawain. Sa madaling salita, pinapahaba ng site na ito
ang talakayan sa labas ng silid-aralan.

Katulad ng facebook, ang youtube rin ay nagdadala ng pagkatutyoutubeo sa


labas ng silid-aralan. Dito, maaaring manood ng mga lektiyur at iba pang mga
video na may kaugnayan sa kasalukuyang paksa ng mga mag-aaral.

Sa instagram, dito maaaring magpakita ng kani-kaniyang talent ang bawat mag-


aaral sa pamamigagitan ng pagkuha ng litrato ng kanilang mga artwork at maaari
ring ipost ng mga mag-aaral ang kanilang mga ginagawa sa kanilang paaralan.
Isang halimbawa nito ay, kung mayroong ipinakitang larawan ang kanilang guro,
dito maaari nilang ipost ang larawang iyon at dito rin magsusulat ng kanilang
pagninilay tungkol sa larawang iyon. Dito rin, maaaring makakita ang mga guro
ng mga interesanteng mga detayle tungkol sa kaniyang estudyante.

Maraming magagandang dulot ang internet sa mga mag-aaral ngunit may


kaakibat rin itong mga hindi maganda. Isa sa mga halimbawa nito ay maaari
nitong turuan ang mga mag-aaral na maging tamad dahil sa isang pindot lamang
ay makakakuha na kaagad ng mga impormasyon. Subalit nasa- sa kamay pa din
ng mga mag-aaral kung papaano nila gagamitin ang internet at ang social media.
Sa panahon natin ngayon madami nang mga makabagong teknolohiya ang
nabubo at isa na dito ang internet at social media kung saan ay nakakatulong sa
atin ang paggamit nito sa pagaaral, pagsasaliksik at komunikasyon. Ngunit may
naidudulot ba itong mabuti sa mga magaaral?

Ang internet ang pinakamalaking aklatan ngayon at walang iisang teksbuk ang
makatatapat dito. Binabago ng internet ang pamamaraan ng pagtuturo at kung
saan ito maaaring magkaroon ng pagkatuto. Nakakapagpabilis din ito at walang
aksaya sa oras sa pagkuha ng mga impormasyon at kaalaman sa mga
kabataang Pilipino.

Sa tulong nito, makakukuha ang bawat indibidwal ng mga impormasyon na


maaari nilang malaman. Nakakatulong din sa atin ang social media bilang
kabataan ay ang paggamit ng Google kung saan mas napapadali ang ating mga
gawain lalo na sa mga takdang aralin at proyekto. Sa tulong naman ng social
media, hindi lang sa mga bagong impormasyon at kaalaman kundi pati na rin
ang makapagbenta ng mga gamit online o ang pagnenegosyo.

Bilang konklusyon, yamang gumagamit na ng social media ang mga estudyante


malayo sa eskuwelahan, ang paggamit nito bilang kasangkapan sa pagkatuto’y
malaki ang maitutulong sa pag-aaral nila.
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Kurso: PRINCIPLE, TRENDS AND TECHNIQUES IN TEACHING FILIPINO


Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: Ang Guro sa Bagong Normal: Sa kabila ng Pandemiya
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

Marami sa atin ang nahihirapan ngayong may pandemya. Nariyan ang kawalan
ng trabaho, pagtutustos sa pangangailangan, kagutuman at pakikipagpatintero
ng mga sangay ng gobyerno para sa ating buhay. Nang dahil sa pandemya,
marami ring establisyemento ang nagsara at kasama na rito ang mga paaralan.

Sa kabila ng pandemya, patuloy namang nagturo ang mga guro sa pamamagitan


ng mga online classes. Iba’t-iba ang naging estilo at malaki ang ginawang pag-
aadjust upang mabigyan ng edukasyon ang mga mag-aaral. Kabi-kabila man
ang naging problema sa naturang midyum ay hindi pa rin nagpatinag ang
kagawaran ng edukasyon at itinuloy ang pasukan noong nakaraang taon.

Ano nga ba ang buhay ng guro ngayong lockdown?

Nagsimula na ang bagong taon ng pag-aaral at hinaharap natin ngayon ang


realidad ng distance learning sa buong bansa. Bagong pag-unawa at marami
pang katanungan ang batid ng bawat araw. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok,
patuloy na nagsusumikap ang ating mga guro. Patuloy na bumabangon sa gitna
ng kawalang-tiyak na dulot ng mga pagbabago para maabot ang ating mga mag-
aaral.

“Ang gawain ng isang guro ay mayroon at palaging magkakaroon ng kaugnayan


sa lipunan. Kahit na kailangan nating muling tukuyin ang mga gawain ng guro
para maiakma sa kasalukuyang konteksto ng pandemya, ang pagsasaayos ng
ito ay kinakailangan upang maibigay ang de-kalidad na edukasyon sa mga mag-
aaral kahit na may kalayuan

Sa pagtahak nitong bagong landas, natututunan ng ating mga guro na


matagumpayan ang mga hamon sa kanilang paligid. Natututunan nilang harapin
ang mga panibagong kondisyon ng kanilang komunidad. Patuloy na tumutugon
sa iba’t ibang pangangailangan ng paaralan sa kabila ng hirap o pagod dahil
kumukuha sila ng lakas mula sa mga batang tinuturuan nila at sa mga miyembro
ng pamayanan, kapwang guro at mga magulang, na kasapi nila sa pagtuturo.

Ang pagsuporta ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral ay makikita at


mararamdaman sa maraming paraan lalo na ngayong bagong taon ng pag-aaral.
Sa paggamit man ng screen o sa pagbisita sa tahanan, nakakaranas ng iba’t
ibang pagsubok ang ating mga guro upang maabot ang kanilang mga
estudyante. May hamon na kailangang lutasin araw-araw ngunit patuloy ang
kanilang pagsisikap. Pinipili nilang magkamali, matuto, at sumubok muli dahil
nais nilang mag-iwan ng makabuluhang marka sa buhay ng bawat batang mag-
aaral.

Republic of the Philippines


UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Kurso: PRINCIPLE, TRENDS AND TECHNIQUES IN TEACHING FILIPINO


Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: Mga Kagamitan/ Materyal sa Pagtuturo para sa mga Pilipinong Mag-aaral
na Naninirahan sa Japan
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

Hindi maintindihan ng mag-aaral ang sinasabi ng guro. Dahil hindi maintindihan


kaya siya ay nababagot. Dahil nababagot kaya paikut-ikot sa klase. Dahil paikut-
ikot sa klase, pinagtatawanan at tinutukso, at dahil naman dito ay napapa-away
at napapahiwalay. Para matigil ang ganitong vicious cycle, dapat ay siguraduhing
naiintidihan ng mag-aaral ang leksiyon higit sa lahat.
Magiging masaya ang pag-aaral kung ito’y naiintindihan, at dahil dito ay lalo
pang gustong matuto ng mag-aaral. Dahil interesadong matuto ay mas
maraming natutunan ang mga mag-aaral, kaya mas masaya silang nakakasali sa
klase. “Naiintidihan ko.” Ito ang pinakamabisang gamot upang makasali nang
husto sa klase.
Ano ang puwedeng gawin para maiintindihan ng mag-aaral ang leksiyon?
Mayroong tatlong paraan upang makatulong sa pag-aaral ng estudyante:
Pagturo nang naka-pokus sa Japanese language, Pagturo nang naka-pokus sa
nilalaman ng mga subjects at Pagturo nang naka-pokus muna, sa nilalaman ng
mga aralin, pagkatapos, sa Japanese language.
Ang halimbawa ng unang paraan ay ang “Let’s Learn Japanese” 2 and 3 na
inilalabas ng Ministry of Education. Dito ay habang pinag-aralan ang salitang
Hapon, natutunan din ng mga estudyante ang mga nilalaman ng mga aralin.
Epektibo ito sa mga estudyanteng mayroon nang alam tungkol sa mga aralin, o
doon sa mga mag-aaral na may sapat nang kakayahan sa salitang Hapon at sa
pag-unawa sa nilalaman ng aralin nang mag-isa kahit wala pang kaalaman sa
mga asignatura.
Ang pangalawang paraan ay nagbibigay halaga sa pagtuturo ng nialalaman ng
asignatura sa lahat ng posibleng paraan. Ang “JSL curriculum” ng Ministry of
Education ay halos ginawa rin batay sa konseptong ito. Subalit, kapag sobra ang
pagbibigay diin sa pagtuturo ng nilalaman ay hindi nakakatulong sa pagkakatuto
ng salitang Hapon. Kahit na naiintindihan ang nilalaman, maaaring hindi kayang
gawin ng mga mag-aaral ang mga susunod na problem solving sa matematika
sa pamamagitan ng Japanese.
Ano ang ibig sabihin ng “lahat ng posibleng pamamaraan/ganito at ganyang
paraan”?
Mayroong limang mahahalagang pamamaraan sa pagtuturo ng iba’t ibang
asignatura kung ang mag-aaral ay hindi marunong ng salitang Hapon: Piliing
mabuti ang mga nilalaman ng ituturo sa mag-aaral, Palitan ang mga mahihirap
na mga salita ng mga simple at madadaling salitang alam na ng mag-aaral,
Gumamit ng mga visual aids, Paghati-hatiin ang leksiyon sa mga maliliit na
hakbang at huli, gamitin nang paulit-ulit ang mga salita upang madaling maisaulo
Dahil sa situwasiyon na limitado ang oras para sa pagtuturo, hindi nararapat na
ituro lahat sa maikling panahon, kung hindi, piliin lamang mabuti ang mga dapat
ituturo.
Sa pagpapaliwanag ng leksiyon, sikaping gamitin ang Japanese na madali at
alam ng mag-aaral. Kapag kinakapos sa oras, maaari ring gamitin ang mother
tongue ng bata/estudiyante.
Nararapat na gumamit ng maraming illustration at kagamitan sa pagtuturo upang
madadagdagan pa ang limitadong kakayahan ng mag-aaral sa Japanese.
Hindi kaya ng mag-aaral ang maintindihan at matutunan ang lahat ng nilalaman
ng mga textbook sa isang subo. Batay sa kakayahan ng mag-aaral, dapat itong
paghati-hatiin na parang maliliit na subo. Ang maliliit na unit ay dapat hatiin pa sa
mas maliliit. Ang mga mahahaba at mahihirap na pangungusap naman ay dapat
gawing simple, at isa-sang kumpirmahin bago magpatuloy.
Ang mahalaga ay tulungan ang mag-aaral sa pagsaulo ng leksiyon. Lalo na
kapag may mga salitang hindi maipalit sa Japanese na alam ng mag-aaral,
kailangan nila itong isaulo. Ngunit, hindi madali ang pagsaulo sa isang bagay na
isa o dalawang beses lamang narinig sa ibang wika. Kailangang pagsikapan ng
tagapagturo na ulit-ulitin ang mga sinasabi nang masanay ang mag-aaral sa
pakikinig nito; magsulat sa pisara at ituro ito habang nagsasalita; at iba pang
nararapat na paraan.
Huwag kalimutan ang Japanese language instruction
Panatag ang kalooban ng guro at mag-aaral kung naiintindihan na ang
nilalaman ng leksiyon. Pakiramdam nila ay natapos na ang lahat. Ngunit hindi ito
sapat dahil hindi pa rin nakakasali nang husto ang mag-aaral sa klase o
nakakakuha man lang ng mataas na score sa test. Para sa estudiyante,
malaking bagay ang pagkakuha niya o hindi ng mataas na score sa test. Upang
makakuha ng mataas na score, kailangan ng sapat na kakayahan sa pag-unawa
ng Japanese at pag memorya nito. Kailangan alam ng tagapagturo kung anong
Japanese expression at kanji ang dapat ituro sa mag-aaral sa isang unit at
palaging i-review sa tuwing matatapos ang klase. Dagdag pa dito, para madaling
mamemorize, ang importanteng words at expressions ay dapat gawing
rhythmical na pangungusap, at ipabasa nang paulit-ulit sa mag-aaral.
Nakakatulong din gumawa ng kanta at iparinig sa mag-aaral.

Republic of the Philippines


UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Kurso: PRINCIPLE, TRENDS AND TECHNIQUES IN TEACHING FILIPINO


Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino na lapat sa kakayahan ng mga
Mag-aaral
Estratehiya sa Epektibong Pagtuturo at Gampanin ng Guro
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

Ang pagtuturo ay isa sa mga pinakakomplikadong gawain. Ito ay


nangangailangan ng buong atensyon, malalim na pag-unawa at masusing pag-
iisip. Bilang isang guro, pangunahing adhikain nito ang matuto ang kanyang mga
mag-aaral.
Tungkulin nitong maipahayag ng mabuti ang buong kaalaman naituturo sa mga
mag-aaral kaya naman malaking tulong ang mga pamamaraan ng pagtuturo
bilang tulay upang maunawaan ng lubos ng mga mag-aaral ang nais na
ibahaging impormasyon nito.
Ayon sa akdang Ang Tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo, upang
maging mabisa at mabilis ang pagkatuto, kinakailangan ang paggamit ng
mabubuting pamamaraan ng pagtuturo sapagkat nakabase sa mabuting paraan
ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral.
Ibig sabihin, lubos na mauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang leksyon
kung ang pamamaraan ng pagtuturo ay nakakaengganyo at kapantay ng lebel
ng mag-aaral nang sa gayon sila ay mabilis na matuto. Upang maging epektibo
ang estratehiya ng isang guro, may mga dapat itong bigyang pansin. Ito ang mga
bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng gagamiting pamamaraan ng
pagtuturo sa mga mag-aaral.
Ang mga salik na ito kapag nabigyan ng kaukulang atensyon ay magpapadali at
magpapagaan ng proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral at maaring maging
tulay upang mas maging mabisa ang estratehiya na ginagamit ng isang guro,

Republic of the Philippines


UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Kurso: PRINCIPLE, TRENDS AND TECHNIQUES IN TEACHING FILIPINO


Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: Wikang Filipino sa Makabagong Panahon
Teknolohiya sa Pagtuturo ng Wikang Filipino
Mga Suliranin ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng


kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at
magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga
at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat
mamamayan. Ito ay talagang napakahalaga dahil kung wala ito, ang ekonomiya
ay hindi lalago o uunland kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o
nagkakaintindihan.
Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya
lalong-lalo na patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas maraming barayti
ng wika at nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe katulad
nalang ng mga ginagamit ng bakla o “beki” na kadalasan tinatawag na “beki
language”. Marami nang nadulot na impluwensya ang mga pagbabagon ito
lalong-lalo na sa mga kabataan.
Nang dahil sa teknolohiya na nakapaligid sa ating kabataan ngayon, nalipat na
ang kanilang atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o mahalaga.
Nakakalimutan na nila ang pangunahing kaalaman kagaya ng wastong paggamit
ng mga salita at ang kahalagan ng pagbibgigay importansya at pagtangkilik sa
ating sariling wika; ang wikang Filipino.
Ayon nga sa sinabi ng ating naturingang bayani, “Ang hindi marunong magmahal
sa sariling wika, ay higit pa sa amoy ng malansang isda”.
Narito ang ang mga suliranin na kinahaharap ng mga guro sa pagtuturo ng
Filipino.
Oras na itinakda para sa asignatura.
Higit na makakatulong sa guro at sa mga mag-aaral ang magkaroon ng sapat na
oras sa pagtuturo/pag-aaral upang maisakatuparan ang layunin sa pagtuturosa
araw na iyon.
Kapaligiran ng paaralan.
Magkadaragdag sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang may maayos na
kapaligiran sa lugar na kanilang pinag-aaralan gayundinsa mga guro sa kanilang
pagtuturo kung kaya’t nararapat na magkaroon ng maayos, malinis, maliwanag,
maganda at maaliwalas na kapaligiran sa isang paaralan.
Kakulangan sa kaalaman sa mga makabagong pamamaraan o istratehiyang
pampagtuturo.
Makatutulong ang pagdalo ng mga guro sa mga seminar-worksyap na ibinibigay
ng KWF o anumang samahang nagtataguyod ng wikang Filipino upang mas
lalong madagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa makabagong
pamamaraan o estratehiyang pampagtuturo.
Kakulangan sa mga makabagong kagamitang pampagtuturo.
Ang tagapamahala ng paaralan ay maaaring makatulong sa paghahanda ng
mga kagamitang pampagtuturo ng mga guro kabilang na ang paggamit ng
kompyuter sa modernong pagtuturo.
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Kurso: PRINCIPLE, TRENDS AND TECHNIQUES IN TEACHING FILIPINO


Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: Makabagong Metodolohiya sa Pagtuturo ng Filipino sa Kolehiyo
E-Filipino: Ang pagtuturo at pagkatuto ng/sa Wikang sa sistemang Online
and Distance Learning
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

Kadikit ng panahon ng Information and Communication Technologies (ICT) ang


pagpasok sa ating kamalayan at lipunan ng mga terminong gaya ng e-Learning,
e-Commerce, e-Government, knowledge-based society, knowledge-based
economy, information society, paperless society, information economy, attention
economy at iba pang techno-terms.
Sa panig ng akademya, nagresulta ang ICT ng pagbabago maging sa sistema ng
pagtuturo at pagkatuto sa wikang Filipino. Isa sa mga kongkretong patunay nito
ay ang pagkakaroon ng asignaturang isinasagawa sa wikang Filipino sa UP
Open University (UPOU). Mula sa personal na danas ng mananaliksik hanggang
sa mga kaugnay na literatura hinggil sa Open and Distance Learning (ODL),
sinusuri dito ang iba’t ibang salik sa pagtuturo ng/sa wikang Filipino kaugnay ng
mga isyung pang-mag-aaral, estratehiya sa pagtuturo, at Internet bilang
pangunahing paraan ng pakikipag-ugnayan. Upang tugunan ang layunin,
ipaliliwanag ang kabuuang sistema ng ODL at ang kontekstuwalisasyon nito sa
Pilipinas, partikular sa UPOU. Ilalahad din sa pag-aaral ang katangian ng mga
mag-aaral ng UPOU kaalinsabay ng inaasahang katangian ng isang ODL
teacher.
Ang nasabing panahon ng ICT ay nagresulta ng pagbabago maging sa sistema
ng pagtuturo at pagkatuto ng/sa wikang Filipino. Nakita ang gamit ng Internet
bilang midyum sa pagdidisenyo ng at pagtatalakay sa klase.
Ang Simulain ng UPOU Maiuugat ang pagkakabuo ng UPOU sa introduksiyon ng
radyong rural at ng “schools on the air” ng UP Los Baños na pinasimulan noong
1959 upang magturo ng mga mga aralin at pagsasanay sa wikang Ingles.
Kinalaunan, binuo ng UP Kolehiyo ng Agrikultura sa Los Baños, sa pamamagitan
ng Radyo DZLB, ang programang nagbibigay ng mga panayam at diskusyon
para sa mga magsasaka sa bansa.
Ayon sa nasabing resolusyon: Faced with the perennial challenge of providing
quality higher education to a growing population distributed in over 7,000 islands,
the UP, through UPOU’s open and distance learning, will allow wider access to
quality education. As an institution with the largest full-time faculty, with the
highest number of advanced degrees and the widest fields of study among
institutions of higher education in the country, UP is in the best position to offer
quality distance education programs.

Republic of the Philippines


UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Kurso: PRINCIPLE, TRENDS AND TECHNIQUES IN TEACHING FILIPINO


Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: Kultura bilang Resource sa Pagtuturo ng Sining ng Wika
Ang pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino
(Kontekstong K-12)
Kahandaan ng mga Bagong Itinalagang Guro sa Pagtuturo ng Asignaturang
Filipino
Mga Salik sa Epektibong Pamamaraan ng Pagtuturo ng Asignaturang
Filipino.
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

Maituturing na ang pagtuturo ay hindi biro sapagkat nangangailangan ito ng


kahandaan, karunungan at ng pagiging dalubhasa sa larangang itinuturo. Ang
pagsasaalang-alang sa mga pamamaraan o estratehiyang kawili-wili na
nagbibigay ng panibagong pananaw at mga kasanayang lilinang at
magpapaunlad ng kaalaman at sariling kalinangan ng mga mag-aaral ang
pangunahing dapat isaalang -alang ng mga guro. Kaya marapat lamang na
magkaroon ng kahandaan ang mga bagong itinalagang guro sa pagtuturo kaya
nagkaroon ng programa ang kagawaran ng Edukasyon na tinatawag na Teacher
Induction Program.
Ang Teacher Induction Program ay ang pagbibigay ng kaalaman sa mga bagong
itinalagang guro tungkol sa kanilang tungkulin at responsibilidad bilang
paghahanda sa kanilang itinuturo.
Sa ilalim ng Teacher Induction Program ang mga bihasang guro ang nagsisibing
tagapagsanay sa loob ng isinasagawang palihan kung saan nagkakaroonng mga
pagsasanay para sa mga bagong itinalagang guro.
Naglalahad sa papel ng isang dulog sa pagtuturo ng wika na lumilihis na
nakagawiang pagtuturo na may diin sa gramatika at komunikasyon. Ang
ipinapanukalang dulog ay nagpapatingkad sa ugnayan ng wika at kulturang
Filipino. May iba’t ibang aspekto ang ugnayang ito ngunit itinatampok ang
pagtingin sa wika bilang “daluyan” o “sisidlan” ng kultura. Gayumpaman, hindi
humihinto ang pananaw na ito sa enumerasyon lamang ng mga tao, lugar,
bagay, pangyayari, konsepto, at iba pang sagisag-kulturang Filipino, at sa halip,
laging iginigiit na ang kultura ay dinamiko, kolektibo, at may ginagalawang
konteksto. Naglatag din ng isang kongkretong modelo, at halimbawang
aplikasyon, sa pagsusuri ng mga cultural domain o pangkulturang larang na
nakatuon sa wika. Sa huling bahagi ng papel ay iminungkahi kung paano
puwedeng ituro sa konteksto ng K-12 ang wika at kultura na nakabalangkas ayon
sa wika ng paglalarawan, wika ng pagbuo ng kahulugan, wika ng pagtugon, at
wika ng paglahok.
Sa mga klase sa Filipino sa elementarya at hay-iskul, karaniwang nakatampok
sa pagtuturo ng wika ang dalawang larang: wika at gramatika o balarila, at wika
at komunikasyon. Sa wika at gramatika, karaniwang nagiging layunin ng
pagtuturo ang ipaliwanag ang katangian ng iba’t ibang bahagi ng wika at ang
mga tuntunin sa paggamit nito. Tinatalakay dito ang alpabeto, mga tunog,
pagbubuo ng salita, pagbubuo ng pangungusap, at pagpapakahulugan. Sa wika
at komunikasyon naman, karaniwang layunin ng pagtuturo ang ipaliwanag ang
mabisang paggamit ng wika para sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao, pasalita at
pasulat. Madalas na lumilikha sa loob ng silid-aralan ng iba’t ibang
komunikatibong sitwasyon para mahasa ang mga mag-aaral sa mabisang
pakikipag-ugnayan gamit ang wika.
Ang teknolohiya ay kaagapay ng guro tungo sa ikapagtatagumpay ng kanyang
pag-aaral. Dapat gamitin ng guro ang makabagong teknolohiya upang makuha
ang layunin sa pagkatuto ng klase. Ito ang nagiging daan upang magkaroon tayo
ng de kalidad na edukasyon.
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Kurso: PRINCIPLE, TRENDS AND TECHNIQUES IN TEACHING FILIPINO


Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: Pagtuturo ng Filipino: Lokal at Global/
Pokus sa ilang mahalagang kasanayan sa Lebel ng Elementarya/
Informance: Lapit sa Chamber at Readers Theater
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

Ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay minsan ng hinamon ng tanggalin sa


kurikulum ng mga kolehiyo ito. Bilang isang guro sa Filipino ay hindi maganda
ang epekto nito sa mga tulad ko, higit pa riyan ay ang epekto nito sa mga
susunod pang henerasyon.
Sa sarili natin mismong lupa ay hindi na pinahahalagahan ang pag-aaral ng
asignaturang Filipino. Nakalulungkot isipin na tayo din msmo ang nagigisa sa
atin sa sarili nating mantika. Hindi ko lubos maisip na kung bakit hindi na
kaylangan pang pag-aralan ang Filipino sa kolehiyo, ang sarili nating wika, ang
pambansang wika?
Sa ngayon ay unti-unti ng nakikilala ang galing nating mga pinoy sa buong
mundo. at nakatutuwang isipin na may mga banyaga nan ais matutuhan ang
ating wika at kultura.Pinag-aaralan nila ito ng bukal sa loob nila at masaya silang
ginagawa ito dahil mahal nila ang ating bansa. Sana naman ay mas higit tayo na
ganoon ang pagmamahal dahil tayo ay mga Pinoy.
Kaiba sa elementarya, ang Patnubay Pansekundarya ay nagtataglay pa rin ng
Saklaw at Pagkakasunud-sunod ng mga Nilalaman at Kasanayan sa bawat
linggo ng bawat markahan. Sa elementarya, nakahanay sa grid ang mga
kasanayan mula sa una hanggang ikaanim na baitang. Sa masusing pagsusuri
ay makikita ang papahirap na antas ng kasanayan na nagaganap sa iba’t ibang
komponent ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa lahat ng baitang.
Ang teatro ng Reader's ay isang pamamaraan para sa pagbuo ng matatas na
pagbasa. Ito ay nagsasangkot ng mga bata sa pagbasa sa bibig sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga bahagi sa mga script. Sa paggamit ng
diskarteng ito, hindi kailangang kabisaduhin ng mga mag-aaral ang kanilang
bahagi; kailangan lamang nilang basahin muli ito nang maraming beses, sa
gayon pagbuo ng kanilang mga kasanayan sa katatasan. Ang mga iskrip ng
teatro ng pinakamahusay na magbabasa ay may kasamang maraming diyalogo.
Ang teatro ng Reader's ay pinagsasama ang kasanayan sa pagbasa at
pagganap. Ang layunin nito ay upang mapagbuti ang mga kasanayan sa
pagbasa ng mga mag-aaral at kumpiyansa sa pamamagitan ng pagsasanay sa
kanila sa pagbabasa nang may isang layunin. Binibigyan ng teatro ng Reader's
ang mga mag-aaral ng isang tunay na dahilan upang basahin nang malakas.

Republic of the Philippines


UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Kurso: PRINCIPLE, TRENDS AND TECHNIQUES IN TEACHING FILIPINO


Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: WIKANG FILIPINO SA PANAHON NG INTERNASYONALISASYON AT
GLOBALISASAYON/ ANG KURIKULUM SA FILIPINO BATAYAN NG
PAGTUTURO SA SEKUNDARYA/ THE FILIPINO COMPONENT IN
THE K TO 12 PROGRAM/ MTB- MLE COMPONENT IN THE KTO 12
CURRICULUM
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

Kasabay ng paglipas ng panahon, maraming mga pagbabago ang naganap hindi


lamang sa ating kapaligiran kundi maging sa ating wika. Malaki ang naging pag-
unlad ng wika, simula noong panahon ng mga katutubo, na kung saan tayo ay
may alibata hanggang sa kasalukuyan na kung saan nagkaroon ng bagong
alpabeto. Itinuturing na malaki ang naging ambag ng mga katutubo sa pag-unlad
na tinatamasa ngayon ng wika.

Gamit ang mga makabagong teknolohiya, nagagawa ng wika na mas


mapaglagom pa lalo ang saklaw nito. Ang “internet”, ang nagbigay daan sa
global na komunikasyon. Kahit na malayo ang isang tao, nagagamit pa rin ang
wika sa kanilang pakikipagtalastasan. Dulot ng interaksyon na ito sa modernong
kaparaanan, ay maraming salita ang nadagdag, naimbento at nabago. Marami
ring salita ang umuso at nakakuha pansin sa mga tao. Ang henerasyon ngayon
ang may malaking ginagampanan sa pagyaman at pagbabagong ito ng wika.
Ang kanilang mga malilikhaing isip ang nakagawa at nakaimbento ng mga ito. At
sa pamamagitan ng biyayang ito ng globalisasyon, pinanatili nitong buhay ang
kaluluwa ng ating Wikang Filipino sa puso’t isip ng bawat-isa. Hindi naging
hadlang ang wikang banyaga sa panahon ngayon bagkus ay nakatulong pa lalo
upang maipakita ang pag-unlad nito.

Ang ating ekonomiya sa usaping komersyal at industriya ay higit na napaunlad


rin dulot ng wika. Nagkaroon ng pagkakaintindihan ang mga tao dala ng
komunikasyon gamit ang lingua franca na siyang nagbigay daan sa pagkakaisa.
Mas naihatid nang madali at maayos ang mensahe na may kinalaman sa
transaksyon kahit nasa magkaibang lugar. Mas napaganda rin ang paggamit ng
wika sa panahong ito. Hindi naging mahirap sa mga tao na makipagsabayan sa
mga karatig bansa dahil na rin sa pagtaas ng ekonomiya sa tulong nang
matalinong paggamit ng wika.

Samakatuwid maraming salik ang naging ugnayan ng globalisasyon at ng ating


wika. Ang dalawang ito ay magkaagapay sa pag-unlad. Hindi naging masama
ang panahong ito sa pagpapalagom ng ating wika bagkus ay lalo pang
naisakatuparan ang mithiin para sa wika.

Patuloy pa rin ang pagbabago at pag-unlad ng wika. Hindi ito mapipigilan o


masisira man ng panahon. Iba- iba man ng yugto, ay patuloy pa rin ang
pagyabong nito. Ang modernong panahong ito tungo sa bagong yugto ng
globalisasyon ay malaki ang maitutulong sa wika. Patuloy ang rebisa ng wika
hanggang sa mas lalo pa itong mapaunlad. Marami pa rin ang madadagdag,
mababago at maiaambag sa ating wika ng mga susunod pang henerasyon.

Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng Pagtuturo sa Sekondarya Dalawang


pangunahing dahilan kung bakit itinuturo ang Filipino sa ating mga paaralang
Pambansa:Una - ituturo ito bilang isang sabjek o aralin na bahagi ng kurikulum
sa elementarya at sekundarya.Ikalawa -gagamitin ang Filipino bilang wikang
panturo sa mga tiyak na sabjek o aralin na iniatas sa Patakarang Bilinggwal.
Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang layunin subalit magkatuwang ng
kaganapan sapagkatuto. Kinakailangang matutuhan ang Filipino bilang isang
wikang may sariling kakanyahan upang magamit ito sa pagkatuto ng iba pang
sabjek na itinuturo sa Filipino at magiging tulay din ito sa pagkatuto ng Ingles na
pangalawang wika ng mga mag-aaral. Ang Pagtuturo ng Wika Batay sa DepEd
Kurikulum sa Filipino. Mga Pananaw at Simulain sa Pagkatuto ng Wika na
Binibigyang Pansin. Ang pagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng mga mag-
aaral, ng guro at ng teksto., sahalip na isang pamaraan sa dahilang ito ay
nagrerepresenta sa isang pilosopiya ng pagtuturo na batay sa komunikatibong
gamit ng wika. Nagsimula ang lapit na ito sa mga naisulat nang panitikan
nanauukol sa konsepto ng nosyonal-functional at paglinang ng kasanayang
komunikatibo sa halip na sa bararila o istruktura ng wika na katuon ang
pagtuturo. Sa lapit na ito binibigyang pansin ang sumusunod na pananaw o
simulain: Pagbibigay diin sa gamit ng wika sa komunikasyon sa halip na sa pag-
aaral ngkayarian ng wika. Pagkakaroon ng katatasan sa pagsasalita sa halip na
sa pagiging tama o wasto sa kayarian o bararila ng wika. Pagbibigay pansin sa
mga gawaing aktwal na ginagamit ang wika sa halip napagsasanay sa mga
bahagi ng wika.

Saklaw ng K to 12 Program ang Kindergarten at 12 taon ng pangunahing


edukasyon upang magbigay ng sapat na oras para sa mastery ng mga konsepto
at kasanayan, bumuo habang-buhay na mga nag-aaral, at naghahanda ng mga
nagtapos para sa tertiary na edukasyon, pag-unlad ng kasanayan sa antas na
antas, trabaho, at entrepreneurship.

Ang bawat batang Pilipino ngayon ay may access sa edukasyon sa maagang


pagkabata sa pamamagitan ng Universal Kindergarten. Sa 5 taong gulang, ang
mga bata ay nagsisimulang mag-aral at binibigyan ng mga paraan upang dahan-
dahang umangkop sa pormal na edukasyon.

Ipinapakita ng pananaliksik na ang mga bata na sumailalim sa Kindergarten ay


may mas mahusay na mga rate sa pagkumpleto kaysa sa mga hindi. Ang mga
bata na nakakumpleto ng isang pamantayang programa na batay sa
pamantayan ay mas mahusay na handa, para sa pangunahing edukasyon. Sa
Kindergarten, natututo ang mga mag-aaral ng alpabeto, numero, hugis, at kulay
sa pamamagitan ng mga laro, awitin, at sayaw, sa kanilang Mother Tongue.

Ang MTB-MLE ay edukasyong, pormal o hindi pormal, kung saan ginagamit ang
katutubong wika ng mag-aaral at mga karagdagang wika sa silid aralan.
Sinimulan ng mga nag-aaral ang kanilang
edukasyon sa wikang naiintindihan nila - ang kanilang katutubong wika - at
bumuo ng isang malakas na pundasyon sa kanilang katutubong wika bago
magdagdag ng mga karagdagang wika.
Binibigyang diin ng pananaliksik ang katotohanan na ang mga bata na may
matibay na pundasyon sa kanilang katutubong wika ay nagkakaroon ng mas
malakas na kakayahan sa pagbasa at pagsulat sa wikang nasa paaralan. Ang
kanilang kaalaman at kakayahan
ilipat sa mga wika. Pinapayagan ng tulay na ito ang mga nag-aaral na gamitin
ang pareho o lahat ng kanilang mga wika para sa tagumpay sa paaralan at para
sa panghabang-buhay na pag-aaral. Sa mga tuntunin ng nagbibigay-malay
pag-unlad, ang mga aktibidad sa paaralan ay makikipag-ugnay sa mga nag-aaral
na lumipat nang lampas sa pangunahing mga tanong na wh upang masakop ang
lahat ng mas mataas na kasanayan sa pag-iisip ng order sa L1 na maaari nilang
ilipat sa
iba pang mga wika kapag sapat na ang Filipino o Ingles ay nakuha upang
magamit ang mga kasanayang ito sa pag-iisip at pagpapahayag ng mga
saloobin.
Sa hangarin na gawin ang mga batang Pilipino na habang-buhay na nag-aaral sa
kanilang Li (MT), L2 (Filipino, pambansang wika), at L3 (Ingles, ang
pandaigdigang wika) ang mga nag-aaral
ay higit na nakahanda upang paunlarin ang mga kakayahan sa iba`t ibang mga
lugar ng pag-aaral. Ito ang magsisilbing kanilang pasaporte upang makapasok at
makamit nang maayos sa pangunahing pang-edukasyon
system at sa huli, magbigay ng produktibo sa kanilang pamayanan at sa mas
malaking lipunan pati na rin ang Multilingual, Multiliterate, at Multi-Cultural
Citizens ng bansa.
Para sa mabisang pagpapatupad ng MTB-MLE, iminungkahi na gamitin ang
dalawang-track na paraan, iyon ang panimulang track upang tumuon sa
kawastuhan at track ng kwento
upang ituon ang kahulugan. Pag-aaral sa pamamagitan ng dalawang-track na
paraan upang makakuha ng kasanayan sa pagpapaubaya pati na rin
maunawaan ang pang-akademikong nilalaman at makakuha ng kurikulum ng
masteral, malikhain at
kritikal na kasanayan sa pag-iisip para sa mapagpasyang paggawa ng desisyon.
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Kurso: PRINCIPLE, TRENDS AND TECHNIQUES IN TEACHING FILIPINO


Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: MGA ISYU NG PAGTUTURO SA WIKANG FILIPINO SA PANAHON
NG GLOBALISASYON/ PARAAN NG PAGPAPAYAMAN SA WIKANG
PAMBANSA
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

Sa mabilis na pagbulusok ng teknolohiya at panahon ay nagbabago rin ang ating


kapaligiran at pati ana rin ang ating wika. Malaki ang impluwensya ng ating
sinaunang wika at paraan ng pagsulat tulad ng baybayin sap ag-unlad ng ating
wika sa kasalukuyan.

Sa ngayon, mas napapalawak pa ng wika ang saklaw nito sa tulong na rin ng


makabagong teknolohiya. Ang “internet”, ang nagbigay daan sa global na
komunikasyon. Kahit na malayo ang isang tao, nagagamit pa rin ang wika sa
kanilang pakikipagtalastasan. Dulot ng interaksyon na ito sa modernong
kaparaanan, ay maraming salita ang nadagdag, naimbento at nabago. Marami
ring salita ang umuso at nakakuha pansin sa mga tao. Ang henerasyon ngayon
ang may malaking ginagampanan sa pagyaman at pagbabagong ito ng wika.
Ang kanilang mga malilikhaing isip ang nakagawa at nakaimbento ng mga ito. At
sa pamamagitan ng biyayang ito ng globalisasyon, pinanatili nitong buhay ang
kaluluwa ng ating Wikang Filipino sa puso’t isip ng bawat-isa. Hindi naging
hadlang ang wikang banyaga sa panahon ngayon bagkus ay nakatulong pa lalo
upang maipakita ang pag-unlad nito.

Ang wika ang nagpaunlad ng komersyo at industriya kung ang pag-uusapan ay


ekonomiya. Nagkaroon ng pagkakaintindihan ang mga tao dala ng
komunikasyon gamit ang lingua franca na siyang nagbigay daan sa pagkakaisa.
Mas naihatid nang madali at maayos ang mensahe na may kinalaman sa
transaksyon kahit nasa magkaibang lugar. Mas napaganda rin ang paggamit ng
wika sa panahong ito. Hindi naging mahirap sa mga tao na makipagsabayan sa
mga karatig bansa dahil na rin sa pagtaas ng ekonomiya sa tulong nang
matalinong paggamit ng wika.

Dahil dito ay maraming salik ang naging ugnayan ng globalisasyon at ng ating


wika. Ang dalawang ito ay magkaagapay sa pag-unlad. Hindi naging masama
ang panahong ito sa pagpapalagom ng ating wika bagkus ay lalo pang
naisakatuparan ang mithiin para sa wika.

Ang ating wika ay patuloy lamang sa ebolusyon at pagbabago nito. Hindi ito
mapipigilan o masisira man ng panahon. Iba- iba man ng yugto, ay patuloy pa rin
ang pagyabong nito. Ang modernong panahong ito tungo sa bagong yugto ng
globalisasyon ay malaki ang maitutulong sa wika. Patuloy ang rebisa ng wika
hanggang sa mas lalo pa itong mapaunlad. Marami pa rin ang madadagdag,
mababago at maiaambag sa ating wika ng mga susunod pang henerasyon.

Republic of the Philippines


UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Rizal
GRADUATE SCHOOL

Kurso: PRINCIPLE, TRENDS AND TECHNIQUES IN TEACHING FILIPINO


Propesor: DR. ROGER C. VILLEGAS
Paksa: ANG WIKANG FILIPINO SA EDUKASYON/REPUBLIC ACT 10533
CMO 30. S 2013, TANGGOL/ WIKA AND SC RULING ON FILIPINO
LANGUAGE
Seksyon: MAT - Filipino
Mag-aaral: DELFIN N. VITUG JR.
Petsa:

Masusukat ba natin kung gaano kalawak ang paggamit natin sa ating wika? Ang
wikang filipino ay may legal na batayan bilang wika ng edukasyon. Kung kaya
lumawak ang paggamit nito sa wika ng pagkatuto at mas mapapaangat pa ang
antas ng literasi sa edukasyong Pilipino. nakasaad sa Artikulo XIV, seksyon 7 ng
konstitusyon; ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino.

Ang wikang Filipino ay nararapat bilang wika ng edukasyon sa Pilipinas sa


kadahilanang higit na mabilis matuto ang mga kabataan sa lenggwaheng
kanilang nakakasanayan. Mas naiintindihan ng mga kabataan ang kanilang
aralin kapag ipinapaliwanag sa wikang Filipino. At karaniwan na din sa ating mga
pilipino na maging bihasa sa wikang filipino na lingua franca na mauunawaan
nila kaysa sa Ingles. Higit din naipapahiwatig ng mga pilipino ang kanilang
saloobin sa wikang Filipino na kanilang nakasanayang wika.

Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay isang mahalagang


salik ang wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na
paggamit ng wika, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at
makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithini at nararamdaman. Sa paggamit ng
wikang filipino, natututunan din ng mga kabataan ang nilalaman ng kulturang
pilipino. Dapat panatilihin ang wikang filipino sa ating edukasyon at pagbutihin
ang pagturo nito dahil ito ang pamana ng ating kultura, isang kayamanan na
dapat nating pangalagaan.

Pinataguyod ng Korte Suprema ang legalidad ng K to 12 na pangunahing


reporma sa edukasyon na sinimulan ng nakaraang administrasyon, at kasabay
nito ay pinayagan ang gobyerno na alisin ang mga asignaturang Filipino at
panitikan (panitikan) mula sa kurikulum sa kolehiyo.

Ang lubos na nagkakaisang desisyon, na ginawa ng en banc o buong korte ay


isang sorpresa na pagkatalo para sa mga tagapetisyon na binubuo ng mga guro
ng kolehiyo, mga guro ng Filipino at mga magulang na nagpahayag na ang K to
12 system, na mahalagang idinagdag ng tatlong taon sa pangunahing
edukasyon - kindergarten at Grades 11 at 12 ng senior high school - ay hindi
salig sa batas.
Ang K to 12 na iskema ay humantong sa isang pagsusuri ng buong kurikulum sa
edukasyon sapagkat maraming mga paksa sa pangkalahatang edukasyon na
kinuha sa antas ng kolehiyo, kabilang ang Filipino at panitikan, ay "na-download"
sa senior high school, na dapat maghanda ng mga mag-aaral para sa kolehiyo,
trabaho o pagnenegosyo

Sinabi ng Tanggol Wika na kukunsulta sila sa mga abugado nito kung dapat ba
itong magsampa ng mosyon para sa muling pagsasaalang-alang. Nanawagan ito
sa Korte Suprema na tumawag sa isang pagdinig sa publiko tungkol sa isyu at sa
Kongreso na ipasa ang isang batas na ipinag-uutos sa mga asignaturang Filipino
sa kolehiyo.
Pansamantala, dapat isaalang-alang ng CHEd ang "aspetong moral" ng hindi
pagkakasundo at utos ng mga asignaturang Filipino sa kolehiyo, at idinagdag na
maraming guro ang tumayo na mawalan ng trabaho sinabi ng Tanggol Wika

You might also like