You are on page 1of 3

Magandang kinabukasan, may paraan

ni Divine Cesarie L. Niese

Sa paglaganap ng nakakamatay na Corona Virus dito sa Pilipinas, marami ang


nagbabago pati na rin ang sistema ng pamamalakad sa trabaho at pag-aaral. Ang sistema ng
pamumuhay ay may maraming binago kung kaya’t tinatawag na natin itong “New Normal”.
Pinatupad ng pamahalaan ang pagbabawal sa paglabas sa ating mga tahanan upang hindi
lubhang kumalat ang nasabing virus. Dahil sa suliraning ito ang Kagawaran ng Edukasyon
(DepEd) ay nag-isip at nagpanukala ng mga bagong paraan upang patuloy na matuto ang
mga estudyante sa kabila ng pandemya. Ang Online Class, Radio-Based Instruction, at
Modular Learning ay iilan sa mga paraan na pinatupad ng DepEd partikular na sa Lungsod
ng Oroquieta.

Hindi naging madali sa mga mag-aaral, mga magulang at kawani ng DepEd na isa sa
mga higit na naaapektuhan sa “New Normal” sa likod ng pandemyang patuloy nating
nilalabanan. Mas pabor man para sa mga magulang ang panibagong sistemang ito marahil
mas nakakatipid sila sa mga gastusin, nakukunan naman ang kanilang mga oras sapagkat
nangangailangan pa ring gabayan ang kanilang mga anak lalong lalo na sa mga mag-aaral
na nasa pre-school at elementarya.

Ayon sa komento sa isang artikulo sa internet ng isang naghahanapbuhay na


magulang na si Gng. Lorjane Tagpuno, dapat daw na wag bigyan ng mahihirap na gawain
ang mga bata sapagkat ito rin ay nakakaapekto sa iskedyul ng mga magulang dahil
kailangan nilang laanan ng oras ang kanilang mga anak upang tulungan na matapos at
makapasa sa kanilang mga gawaing pampaaralan.

Ang mga kawani ng DepEd ay ang may pinakamalaking ambag sa prosesong ito
sapagkat sila ay may panahong walang tulog, walang kain at halos wala nang panahon
libangin ang kanilang mga sarili para lang masigurong makagawa at makahatid ng mga
dekalidad na mga aralin at gawain para sa kabutihan ng mga mag-aaral. Ang mga guro at
mga kawani sa Kagawaran ng Edukasyon ay karapat-dapat na respetuhin at igalang dahil
sila ang ating mga bayani, mapagkakatiwalaan at matatakbuhan hindi lang sa panahon
ngayon kundi sa lahat ng pagkakataon.

Tayong mga estudyante ay nararapat lang na palaging mapagkumbaba,


mapagpasalamat at marunong rumespeto sa lahat ng panahon. Ang tanging bagay na dapat
nating gawin ay ang paggawa sa gawaing pampaaralan at pagsisikap sa pagkuha ng
mahusay na mga marka sa kabila man ng pagsubok na kinakaharap at nilalabanan natin
ngayon.

Tunay ngang sinusubok ang ating magandang kinabukasan sa pandemyang ito.


Kung magtulong-tulong ang mga ahensiya ng pamahalaan at ang mga magulang sa
pagnanais na maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral, tiyak na malalagpasan natin
ang pagsubok na ito.

Kung may gusto, may paraan. Sa kabila ng ng lahat ng ito, tayong lahat ay
kinakailangang magtulungan upang ang problema ay masolusyunan. Isa sa mga sikretong
sangkap ay ang pagtitiis at pagsisikap upang maabot ang hinahangad na pangarap.
Tumatakbo ang oras
ni Divine Cesarie L. Niese

Sa kasagsagan ng Corona Virus sa Pilipinas, labis na naapektuhan ang sistema ng


pag-aaral kung kaya’t marami ang nagbago. Ang mga mag-aaral ay may pagpipiliang
Learning Modality na nagsisilbing gabay nila sa buong taon. Isa na rito ang Radio-Based
Instruction at Modular Learning. Nagsipag ang mga guro upang masigurong maraming
matutunan ang mga mag-aaral sa kabila ng pandemya kaya siniguro nilang marami ang
mga gawain. Ngunit sa halip na matuto ang mga estudyante, ang iba ay nagmamadali na
lang sa paggawa at pagpasa ng kanilang mga gawain. Bunga nito, wala na silang oras
makapagbasa at matuto dahil sa maliit lamang ang oras na inilaan sa kanila para matapos
ang tambak-tambak na mga gawain sa bawat asignatura.

Sa pinakahuling resulta ng Learner Enrollment and Survey Form, lumabas na halos


9 milyong magulang at estudyante ang gustong gumamit ng self-learning module sa kahit
na sa hirap na sitwasyon na madadaanan . Base sa isang survey, 6 milyon ang walang
internet access at nasa 2 milyon din ang walang laptop, gadget, TV o radyo.

Dahil sa tambak-tambak na gawaing ibinibigay sa likod lamang ng kaunting oras,


marami sa mga estudyante at mga magulang ang nagreklamo dahil sa kanilang sitwasyon
pinagdaanan ukol sa problema.

Nagiging sanhi na rin ito sa pangongopya na nagtutungo sa hindi pagkatuto


sapagkat sila nalang ay umaasa sa kanilang kaklase at hindi ginagamit ang kanilang sariling
kaalaman at ito ay hindi nakakabuti hindi lamang sa kanila kundi pati na rin sa kanilang
mga magulang at guro dahil akala nila na marami kanang natutunan ngunit wala pala.

Ang gawaing ito na nakasanayan na ng mga mag-aaral sa taong ito ay nakakaapekto


sa kanilang mga kaalaman sapagkat ito ay hindi buo, kulang o hindi sapat para sa kanila.
Wala silang mabibitbit na kaalaman na magagamit nila sa iilan pang mga susunod na taon
ng pag-aaral. Hindi buo at hindi matibay ang pundasyon ng kanilang mga nalalaman na
unti-unti sanang maghuhubog at maghahanda sa kanila sa mundo ng realidad.

Upang maiwasan ang ganitong klaseng problema, karapat- dapat na matugunan o


tuparin ng bawat mag-aaral ang kanilang pangunahing tungkulin bilang isa. Kailangang
laanan ng sapat na oras ang pag-aaral upang maraming matutunan at makukuhang
impormasyon na magdadala sa atin sa magandang kinabukasan. Ika nga tumatakbo ang
oras.

You might also like