You are on page 1of 9

General Santos Doctors’ Medical School Foundation, Inc.

Bulaong Subd., Brgy. West, General Santos City, Philippines


Telephone Nos. (083) 825-8372/552-9793; Email
gsdmsfihumanresource@gmail.com | gsdmsfi.marketing@gmail.com

KOMPREHENSYON TUNGO SA MAAYOS NA EDUKASYON: MGA BALAKID SA MGA


KOLEHIYONG MAG-AARAL NG GSDMSFI SA VIRUAL LEARNING

Ipinasa nina:

Kayeen Joy Buyco

Gwyneth Kizaiah Cabintoy


Peacheslei Cabrera
Jed Leslie Camaclang

Evon Grace Debarbo


Jade Del Pilar
Arjonel Felias
Jesher Garcinez
Venice Ileni Sabuelo

Ipinasa kay:

Bb. Corina B. Rabor, LPT

Hulyo 2022
General Santos Doctors’ Medical School Foundation, Inc.
Bulaong Subd., Brgy. West, General Santos City, Philippines
Telephone Nos. (083) 825-8372/552-9793; Email
gsdmsfihumanresource@gmail.com | gsdmsfi.marketing@gmail.com

I. INTRODUKSIYON

Ang edukasyon ang isa sa maraming naapektuhan ng pandemyang COVID-19 na


nagmula sa Wuhan, China noong Disyembre 2019. Alinsunod sa unang kaso at pagkalat ng
sakit sa bansa, simula noong Marso 2020, nilagay ang ilang bahagi ng Pilipinas sa Enhanced
Community Quarantine (ECQ) kung saan ay ipinagbawal ang mga aktibidad na nagsasanhi ng
kakumpulan ng mga tao. (PCOO, 2020). Dalawang taon na ang nakalipas noong mag-deklara
ng kauna-unahang lockdown sa PIlipinas. Ika-15 ng Marso taong 2020, ang petsang hindi
malilimutan ng lahat, ang inakalang isang linggong suspensyon ng klase ay umabot pa ng ilan
pang linggo at buwan dahil sa banta ng pandemya. Kaugnay ng pagpapatupad ng community
quarantine sa bansa ay ang pagsasara ng mga paaralan at unibersidad.

Sa muling pagbubukas ng mga paaralan noong akademikong taon 2020-2021, napilitan


ang mga paaralan sa buong bansa na magsara at lumipat mula sa on-campus face to face
learning patungo sa virtual learning (Acuzar, Algar at Mercene, 2021). Naglabas ang
Commission on Higher Education (CHED) ng Memo No. 04, series 2020, “Guidelines on the
Implementation of Flexible Learning.” Sa mga polisiyang ito, binigyang pansin ang mga
alternatibong paraan upang ipagpatuloy ang edukasyon sa bagong paraan ng pag-aaral o ang
kilala sa tawag na new normal. (CHED, 2020) Bagama’t iba pa rin ang pakiramdam ng isang
silid-aralan na kung saan ay may personal na interaksyon sa pagitan ng mga guro at mga
estudyante. Mas napapadali ang pagkatuto ng mga estudyante sa loob ng silid-aralan dahil
merong guro at merong gumagabay kung ang isang estudyante ay nahihirapan sa isang paksa.
Hindi katulad ng online class, modular learning at blended learning ay hindi gaano nabibigyan
ng pansin ang mga kahirapan sa pag-intindi ng mga itinuturo ng mga guro o ang mga
nababasa sa mga modyul. Ang mga gadyets gaya ng selpon at laptop ang siyang
pansamantalang naging kuwaderno at pisara upang maisakatuparan ang online class. Ngunit,
hindi lingid sa ating kaalaman naman ay ilan pa ring pamilyang Pilipino ang hindi kayang
tugunan ang pangangailangang ito, lalo pa’t marami ang nawalan ng hanapbuhay nang dahil sa
pandemiya. Isa sa mga itinuturing na pinakamalaking suliranin talaga at dinadaing ng
maraming mag-aaral patungkol sa online class ay ang mabagal na internet connection sa
bansa.

Hindi sapat ang pagkakaroon ng mga gadyets lamang. Bilang buong pagtugon sa online
class, kinakailanganng matatag na internet connection ng mga mag-aaral, nang sa gayo’y
maka- access sa iba’t ibang mga digital na aplikasyon at platapormang pang-edukasyon.
Marahil isang suliranin lamang ito kung titingnan. Ngunit, kaakibat ng kakulangang ito ang iba
pang mga problema. Kung mahina ang internet connection ng isang mag-aaral, mahihirapan
itong makasabay sa online learning na tinatawag. Mula sa pag-access sa mga sanggunian ng
mga aralin hanggang sa pagdalo ng mga online discussions sa mga platapormang tulad ng
Zoom at Google Meet.
General Santos Doctors’ Medical School Foundation, Inc.
Bulaong Subd., Brgy. West, General Santos City, Philippines
Telephone Nos. (083) 825-8372/552-9793; Email
gsdmsfihumanresource@gmail.com | gsdmsfi.marketing@gmail.com

Maituturing ding balakid ang modernisasyong pagbabago sa ating mundo. Kabilang na


dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa makabagong paraan sa kanilang
pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mahalaga ang oras na sinayang ng mga estudyante sa
makabagong teknolohiya at mga kinahihiligan na mga larong online. Mahalaga ang oras na
sinayang ng mga estudyante sa pagpunta sa mga computer shop, para buksan ang kanilang
account, maglaro ng online games, kaysa pumasok sa virtual class para makinig sa mga guro.
Kadalasan naman, nawawalan na ng ganang makinIg sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa
oras ng talakayan ay hawak-hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita ng kanilang
account sa ibang websites. Ayon sa pag-aaral nina Baailire (2007), ang genre ay may malaking
papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang asal ng mga estudyante. Sa
pamamagitan ng makabagong teknolohiya, ay kay gulo ng takbo ng kanilang pag-iisip sa
larangan ng kanilang pag-aaral. Nakakalungkot isipin na mas nangingibaw ang negatibong
epekto ng teknolohiya sa mga estudyante at unti-unti na rin ang nahihigitan ang asal at
disiplina sa sarili.

Kahit na hindi mandatoryoang pagdalo sa mga online class, malaking bagay pa rin ito sa
pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral, dahil sa mga pagkakataong ito nakakapagturo
ang mga guro at naisasangguni ng mga mag-aaral ang kanilang mga katanungan sa kanilang
mga guro. Ang bagay na ito ay maaring makaapekto sa akademikong perpormans ng mga mag-
aaral. Ang pagbabago ng sistema ng edukasyon o paggamit ng virtual learning ay makakapekto
sa karanasan ng pagkatuto ng mag-aaral. Sa panahon ng bagong normal ay mas maraming
mga mag-aaral ang nahihirapang umunawa ng aralin. Sila ay nakararanas ng komplikadong
pag- unawa sa mga teksto. Nagkakaroon sila ng kahirapan sa pag-aanalisa sa mga susing salita
at hindi nila alam kung anong kahulugan ng nasabing salita. Maaaring nakakasagabal din ang
kanilang pamumuhay sa pagtamasa nila ng sapat na kaalaman sa pag aanalisa ng iba’t ibang
uri ng teksto. Marami sa kanila ang nahihirapan sa pagsusuri ng konteksto o ng teksto sapagkat
hindi sapat ang kaalaman sa bokubularyo at gramatika na bumubuo sa isang teksto at isa sa
tinukoy na dahilan ay ang mga balakid o kakulangan ng gabay at pagtuturo ng mga guro
maging ng mga magulang sa panahon ng bagong normal.

Mahalaga ang mataas na kalidad ng edukasyon, lalong-lalo na sa mga mag-aaral sa


kolehiyo. Ang mga kaalamang kanilang nakuha at makukuha sa kani-kanilang kursong pinili ay
mahalaga sa kanilang nais na maging trabaho sa hinaharap. Ito ang siyang nagsisilbing
pundasyon hindi lamang ng antas ng kaalaman kundi pati na rin ng karakter ng isang mag-aaral
na kanyang madadala sa kanyang pagtatrabaho. Kasabay rin nito, maari ring makaapekto sa
mental na kalusugan ng mga mag-aaral ang mga nasabing suliranin. Maaaring mawalan ng
gana sa pag-aaral o labis na pagkabahala sakanilang magiging awtput ang ibang mga mag-
aaral na lubos nanahihirapang makasabay sa online na estilo ng pag-aaral. Kapag nagkataon,
malaking kabawasan ito sa kumpiyansang isang mag-aaral na mas maging mabuti pa sa pag-
aaral.
General Santos Doctors’ Medical School Foundation, Inc.
Bulaong Subd., Brgy. West, General Santos City, Philippines
Telephone Nos. (083) 825-8372/552-9793; Email
gsdmsfihumanresource@gmail.com | gsdmsfi.marketing@gmail.com

Ang mga obserbasyong ito ang siyang nag-udyok sa mananaliksik upang alamin kung
paano nakaka apekto ang mga balakid sa virtual learning sa komprehensyon ng mga kolehiyong
mag-aaral ng GSDMSFI.

II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang online class ang naging bagong mukha ng edukasyon sa Pilipinas simula noong
kasagsagan ng pandemya. Naging malaking hamon sa sistema ng edukasyon ang pagbabago
ng paraan sa pag-aaral. Labis ang naging epekto ng pandemya particular sa mga mag-aaral na
sumasailalim sa online class. Ang pagbabago ng Sistema ng edukasyon o paggamit ng virtual
learning ay posibleng makaapekto sa karanasan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung ating
susuriin, ang mga suliraning dala ng makabagong sistema ng edukasyon ay nakaaapekto sa
komprehensyon ng mga mag-aaral. Base sa mga datos na nakalap, napagdesisyonan ng mga
mananaliksik na gumawa ng pananaliksik ukol sa mga suliranin sa mga balakid na nakaaapekto
sa komprehensyon ng mga mag-aaral ng GSDMSFI sa virtual learning.

Ang layunin ng penomonolohikal na kasong papel na ito ay maipahayag ang balakid sa


komprehensyon ng mga estudyante mula sa GSDMSFI. Bilang karagdagan sa pag-unawa sa
kasong papel na ito, nilalayon rin ng papel na tukuyin ang bisa ng pagkatuto sa virtual learning.

Upang makuha ang lahat ng mahahalagang kaalaman, datos, at impormasyon na hinahangad


ng pananaliksik, ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga mahahalagang
katanungan tulad ng sumusunod:

1. Anu-ano ang pagkakaiba ng face-to-face learning at virtual learning sa pagkatuto ng


mga mag-aaral?
2. Ano ang mga suliraning ikinakaharap na nakaaapekto sa komprehensyon ng mga mag-
aaral sa paggamit ng online distance learning?
3. Anu-ano ang mga posibleng kadahilanan kung bakit mas maraming mag-aaral ang
nahihirapang umunawa sa mga aralin sa kabila ng makabagong sistema ng edukasyon?
4. Naging mababa ba ang kalidad ng edukasyon sa virtual learning kung ikukumpara sa
face-to-face learning?
5. Naging epektibo ba ng pag-aaral sa kabila ng virtual learning?

III. METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito, tatalakayin ng mga mananaliksik ang presentasyon, pagsusuri at


interpretasyon ng mga datos na nakalap sa pag-aaral. Ang mga resulta ay ipinakita na may
General Santos Doctors’ Medical School Foundation, Inc.
Bulaong Subd., Brgy. West, General Santos City, Philippines
Telephone Nos. (083) 825-8372/552-9793; Email
gsdmsfihumanresource@gmail.com | gsdmsfi.marketing@gmail.com

kaukulang talakayan at mga paliwanag. Sasagutin din nito ang mga tiyak na tanong na
binanggit sa nakaraang kabanata

Disenyo sa Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinigawa sa isang uri ng descriptive-causal na disenyo kung


saan gagamit ang mga nananaliksik ng interview-essay type na talatanungan at pagkatapos ay
isasama ang buod ng mga sagot na ginawa ng mga kalahok na nakalap gamit ang google form.
Ang pangunahing layunin ng mananaliksik ay magsagawa ng interview-essay type na
talatanungan sa mga kalahok upang masuri at maisama ang pagkakatulad ng mga sagot sa
bawat kalahok at lumikha ng isang mahusay na pagsusuri at konklusyon tungkol dito.

Lokal ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa General Santos Doctors’ Medical School Foundation
Incorporated, sa Bulaong Subdivision, Terminal Exit Road, General Santos City, isang distrito ng
South Cotabato. Ang departamentong pang-edukasyon na nakatuon sa pangangalap ng mga
tugon ay ang mga piling mag-aaral sa kolehiyo ng Departamento ng Kolehiyo.

Instrumento sa Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagawa ng talatanungan na babagay sa mga tanong na


binanggit sa paglalahad ng suliranin na kabanata. Binubuo ito ng tatlong interview-essay na
tanong na nagtataya sa ugnayan ng balakid at komprehensyon kasabay ng isang perceptive-
General Santos Doctors’ Medical School Foundation, Inc.
Bulaong Subd., Brgy. West, General Santos City, Philippines
Telephone Nos. (083) 825-8372/552-9793; Email
gsdmsfihumanresource@gmail.com | gsdmsfi.marketing@gmail.com

essay na kumikilala sa karagdagang layunin ng pag-aaral na pagtatanong sa bisa ng pagkatuto


sa mga virtual na klase.

Ang kalahok sa pananaliksik

Ang ilang mga kalahok na respondente ay napili sa buong departamento ng mga kurso
sa kolehiyo sa GSDMSFI. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng volunteer-purposive sampling
upang makakuha ng mga datos sa napakaikling yugto ng panahon. Ang mga mananaliksik ay
magpapatunay sa mga kalahok upang matiyak na sila ay talagang makakatulong sa pag-aaral.
Matapos makumpirma ang bisa ng kanilang tulong, ang mga mananaliksik ay makikipag-
ugnayan sa mga kalahok at ilalatag ang layunin ng pag-aaral. Ang talatanungan ay ipapasagot
sa kanila gamit ang Google Form.

Paraan ng pangangalap ng datos

Ang pag-aaral ay susunod sa mga hakbang sa pangangalap ng datos na gagamitin para sa


pagsusuri ng datos:

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng isang anyo ng kasunduan sa mga kalahok.


Matapos ma-verify at ma-validate ang kasunduan, hihilingin ng mga mananaliksik ang
magagamit na oras para sumagot ang mga kalahok. Sa gayon, ang mga mananaliksik ay
magpapatuloy sa paglalatag ng mga detalye sa pagsagot sa mga talatanungan na dala nila. Ang
talatanungan ay ipapamahagi sa mga kalahok gamit ang Google Forms. Pagkatapos,
kokolektahin ng mga mananaliksik ang mga datos upang simulan ang pagsusuri ng mga sagot.
Matapos maisakatuparan ang lahat, ipapahayag ng mananaliksik ang kanilang
pasasalamat sa kooperasyon, sikap at oras na ibinigay ng mga kalahok.
General Santos Doctors’ Medical School Foundation, Inc.
Bulaong Subd., Brgy. West, General Santos City, Philippines
Telephone Nos. (083) 825-8372/552-9793; Email
gsdmsfihumanresource@gmail.com | gsdmsfi.marketing@gmail.com

IV. NADISKUBRE

Inilalahad ng kabanatang ito ang buod ng mga pangunahing natuklasan ng pag-aaral,


mga konklusyon na nakuha mula sa mga resulta, at mga rekomendasyon batay sa mga
natuklasan na maaaring mapabuti ang mga pag-aaral sa hinaharap.

Sa paggamit ng descriptive – causal design, ang mga kalahok ay kasalukuyang nakatala


sa General Santos Doctors’ Medical School Foundation Inc., sa Bulaong Subdivision, Terminal
Exit Road, General Santos City, isang distrito ng South Cotabato, ang datos na natipon ay
nabigyang kahulugan at nasuri. Dumating sa ang mga mananaliksik kasama ang mga
sumusunod na resulta.

Base sa datos na aming nakalap, parehong mayroong mga iba’t-ibang balakid na


nararanasan ng mga estudyante. Ilan sa mga balakid na kanilang naranasan tuwing online class
o vitual learning ay ang kahirapan sa pagiging taimtim sa klase kung sa kadahilanang may
inuutos ang mga magulang sa mga estudyante. Pagdating naman sa Face-to-face na set-up ay
ang pagkaroon ng madaldal na mga katabi o maiingay na mga kaklase ang ilan sa mga
suliranin.

Ang mga pangunahing dahilan naman kung bakit nahihirapan ang mga estudyante sa
online class ay ang mahinang koneksiyon ng internet, ang hindi pagka-pokus dahil sa kanyang
kapaligiran, ang walang maayos na gadyet pang-aral, ang iilan naman ay walang badyet para
magkaroon ng internet o data, at ang panghuli ay dahil nasa bahay lang ang mga estudyante,
madalas na nauutusan sila ng kanilang mga magulang.

Ayon sa nakalap naming datos, mas pipiliin nila ang face-to-face learning kaysa sa
virtual learning dahil mas nakaka-pokus sila sa pag-aaral kapag nasa eskwelahan na at mas
nakikinig sila ng maayos sa kanilang guro. Pero hindi ibig sabihin nito na ang virtual learning ay
hindi na epektibo sa mga pagkatuto ng mga mag-aaral, nagiging epektibo naman ito kung saan
napapatuloy natin ang pag-aaral ng mga estudyante kahit nasa kalagitnaan tayo ng pandemya.
General Santos Doctors’ Medical School Foundation, Inc.
Bulaong Subd., Brgy. West, General Santos City, Philippines
Telephone Nos. (083) 825-8372/552-9793; Email
gsdmsfihumanresource@gmail.com | gsdmsfi.marketing@gmail.com

Sadyang mas mapaminsala at napakarami lang talagang mga balakid ang nararanasan ng mga
estudyante sa virtual learning.

Naipahayag ng papel na ito na ang mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay


ang normal na face-to-face classes kaysa sa virtual learning. Isang rason ay ang kadahilanang
ang pag-aaral sa face-to-face ay hindi nangangailangan ng internet connection at
nangangailangan lamang ng interaksyon sa pagitan ng estudyante at ng guro, ‘di kagaya ng
virtual ay kinakailangan ito bagamat ang internet connection ang pinakamalaking balakid sa
pag-aaral ng estudyante sa virtual learning.

Isa rin sa mga balakid ay ang pagkawala ng pokus at ang pagiidlip ng estudyante
habang nagkakaroon ng online o virtual class. Hindi sila nagkakaroon ng opurtunidad na matuto
at wala rin silang matututunan kung ito ay patuloy na nangyayari. Ang masaklap pa ay habang
nasa isang virtual class ang estudyante, siya ay naaabaala at nagbubukuas ng kung ano anong
mga apps kagaya na lamang ng mga social media platforms o mga websites na wala namang
kinalaman sa kanilang klase.

V. KONKLUSYON

Ayon sa resulta ng nakalap namin na datos, lahat ng mag-aaral ay may kanya-kanyang


suliraning kinakaharap tuwing online class. Kabilang na dito ang kawalan ng pokus sa klase,
mahinang internet connection, walang maayos na gadyet, maingay na kapaligiran, at
kakulangan sa badyet upang magkaroon ng load. Nakaka-apekto ito sa komprehensyon ng mga
mag-aaral sapagkat hindi sila maayos na nakaka-intindi sa mga aralin dahil sa iba't-ibang
balakid ng online class.

VI. REKOMENDASYON

Narito ang ilang rekomendasyon na nakikitang epektibo upang masolusyonan ang mga
balakid sa mga Kolehiyong Mag-aaral ng GSDMSFI sa Virtual Learning;

Para sa mag-aaral, huwag ilihim ang damdamin at magtanong kapag mayroong hindi
naiintindihan sa mga itinuturo ng Guro. Maging aktibo at magehersisyo nang sa gayon ‘di tayo
dalawin ng antok tuwing may pasok. Mag hanap rin ng pwesto o lugar sa bahay na kung saan
sa palagay natin ay komportable tayo at hindi madaling madidisturbo.

Para sa mga Guro, bigyang pansin ang kung sino ang mga nakikinig sa klase at unawaing
mabuti ang kanilang pahayag ukol sa tinatalakay. Tulungan rin sila na maibigay nila ang
kanilang pokus sa iyong tatalakayin nang masiguro na sila’y nakakaunawa sa aralin.
General Santos Doctors’ Medical School Foundation, Inc.
Bulaong Subd., Brgy. West, General Santos City, Philippines
Telephone Nos. (083) 825-8372/552-9793; Email
gsdmsfihumanresource@gmail.com | gsdmsfi.marketing@gmail.com

Para sa mga magulang, alamin rin ang oras ng pasok ng kanilang mga anak nang sa ganon
maiwas-iwasan ang biglaang pag-uutos sa kanila at pakiusapan na gawin ang mga iyon
pagkatapos ng kanilang klase upang sila’y taimtim na nakikinig sa klase.

VII. SANGGUNIAN

Acuzar, R., Algar, E., at Mercene, M. (2021, June B.). Kwentong Distance Learning: Mga Tinig
ng Estudyante, Magulang, at Guro. Nakuha mula sa https://lbtimes.ph/2021/06/08/kwentong-
distance-learning-mga-tinig-ng-estudyante-magulang-at-guro/

Bautista A. at Manuel E. (2020). Mental Health of Students in the Philippines during Pandemic:
An assessment. Nakuha mula sa https://theshillonga.com/index.php/jhed/article/view/121

Hernaez J. (2020). Quarantine, online learning may epekto sa mental health ng mga bata .
Nakuha mula sa https://news.abs-cbn.com/news/10/11/20/quarantineonline-learning-may-
epekto-sa-mental-health-ng-mga-bata

Madre, R. J.D., Marbella, F. D. (2021, May 30). Mga hamon sa distance learning sa pagtuturo-
pagkatuto ng Filipino. Nakuha mula sa
http://consortiacademia.org/wp-content/uploads/2020/v10i8/682_ijrse_final.pdf

You might also like