General Santos Doctor’s Medical School Foundation Inc.
Bulaong Subdivision, Barangay West, General Santos City 9500
Tel No.: (083) 302-3507, Telefax No.: (083) 552-9793
DEBARBO, EVON GRACE M. JANUARY 24, 2023
BSN 3B
Panuto: Pagnilayan at suriin ang depinisyon ng Panitikan at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang panitikan ayon sa awtor?
Ayon sa awtor, ang panitikan ay naglalaman ng talaan ng buhay ng isang tao na kung saan dito naisisiwalat at na ilalahad lahat ng mga bagay o pangyayari na nararamdaman at naiisip ng mga tao maging ang mga karanasan at pinapangarap nito. Sa pamamaraan ng pagsulat ng panitikan maaari itong maging gabay ng ating pagkatao bilang isang Pilipino, kung paano natin ipinapahayag ang ating totoong damdamin.
2. Ano ang ipinahihiwatig ni Arrogante sa kanyang depinisyon sa Panitikan?
Sa pagkakaintindi ko, ang ipinapahiwatig ni Arrogante sa kanyang panitikan ay maraming paraan upang mailahad ng isang tao ang kanyang kaisipan at damdamin. Nailalarawan ito nang tapat, tunay at totoo ang takbo ng mga pangyayari na nagaganap sa panahon ang kanyang pag-unlad. Dito din ay malikhaing inilalantad kung gaano ka ganda ang takbo ng buhay ng isang tao at sa mundong ginagawalan nito.
"Ang panitikan ay talaan ng buhay, sapagkat dito naisisiwalat ang ng tao sa
malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kaniyang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. " (Arrogante, 1983)