You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
DIVISION OF CITY SCHOOLS PARANAQUE CITY
PARANAQUE NATIONAL HIGH SCHOOL MAIN
Kay Talise Street, Dr. A. Santos Avenue, Brgy. San Dionisio, Paranaque City

Name: _________________________________________ Year & Section: _______________________ Date: ______________

SCRIPT FOR RADIO-BASED INSTRUCTION


Araling Panlipunan Module Series:
AP8 Quarter 1 – Module 2 – Heograpiyang Pantao (Part 1)

Activity 2 Pakikinig ng Podcast. Panuto: Makinig nang mabuti sa podcast episode. Bilugan ang letra ng
tamang sagot upang masagot ang mga katanungan o makumpleto ang mga pahayag na mapakikinggan.

INTRO Welcome to Sir Enrique’s Podcast! Kung saan matutuhan mo ang mga lessons in history and
SPIEL everything in between! It’s module time na naman mga Gen Z learners natin diyan at alam
0:00-0:42 kong excited na po kayo! Introducing the Araling Panlipunan Module Series. Gagamitin po
nating batayan ang mga modyul na sinulat ng magagaling na teacher-writers mula po sa
Division of Paranaque. I’m your teacher-podcaster, Sir E, at sasamahan ko po kayo para
madali ang pagkatuto! Ilabas na rin po ang inyong self-learning module at magsimula na tayo!
BALIKAN Pero bago tayo tumungo sa ating paksa. Balikan po muna natin ang mga natutuhan mo sa
NATIN Modyul 1 tungkol sa “Katangiang Pisikal ng Daigdig”. Magbabanggit ako ng mga katanungan.
(REVIEW): Bibigyan ko kayo ng tatlong segundo para piliin ang letra ng tamang sagot. Oh ready na ba
0:43-2:42 kayo?

Unang bilang. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pinakamalawak na masa ng lupa sa
ibabaw ng daigdig?
A. Abiotic B. Klima C. Kontinente
*AFTER 3 SECONDS. Kung ang sagot mo ay 1. ( A, B, C, D ), magaling dahil tama ka!

Ikalawang bilang. Ano ang tawag sa kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o
lugar sa matagal na panahon?
A. Abiotic B. Klima C. Kontinente
*AFTER 3 SECONDS. Ikaw ay tama kung ang pinili mong sagot mo ay 2. ( A, B, C, D ).

Ikatlong bilang. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa uri ng likas na yaman na nagmula
sa mga bagay na walang buhay tulad ng lupa, tubig, hangin, at mabibigat na metal gaya ng
ginto, pilak, at tanso?
A. Abiotic B. Klima C. Kontinente
*AFTER 3 SECONDS. Kung ang sagot mo ay 3. ( A, B, C, D ), you’ve got it right!

Nahirapan ka ba? Mababa ba ang score mo? Huwag kang mag-alala! Gagabayan kita para
matutuhan ang paksa sa modyul na ito. Alam kong marami kang natutuhan tungkol sa
“Katangiang Pisikal ng Daigdig”! Kaya for sure, ready ka na sa ating paksa ngayong araw!
INTRODUC And for today’s episode, tatalakayin po natin ang paksa tungkol sa “Heograpiyang Pantao” na
TION OF nakapaloob sa kasanayang: “Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon,
NEW bansa, at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat-etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig) o
LESSON MELC 2. At para sa episode na ito, bibigyan po natin ng focus ang mga sumusunod na
2:43-3:35 kasanayang may kinalaman sa MELC 2: 1. Naipaliliwanag ang mga saklaw ng heograpiyang
pantao 2. Nasusuri ang bahaging ginampanan ng relihiyon, wika, lahi, at pangkat-etniko sa
pagkakakilanlan ng mga rehiyon at bansa. Simulan na natin ang talakayan!
LESSON Ang heograpiyang pantao o human geography ay isa sa mga sangay ng heograpiya na tinawag
PROPER: din na 4. ( A. kultural na heograpiya, B. tradisyunal na heograpiya). Pinag-aaralan dito
3:36-4:33 ang aspektong kultural na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Sinusuri din dito
kung paano niya pinakikibagayan at binabago ang kapaligiran ayon sa kanyang
pangangailangan. Inaalam ng mga 5. ( A. cartographer, B. human/cultural geographer)
Page 1
ang mga dahilan kung paano nababago ng tao ang kapaligiran, kung paano siya nakakalikha
ng panibagong lugar na may kahulugan at kung paano nababago ng kapaligiran ang paraan
ng pamumuhay ng tao. Saklaw ng heograpiyang pantao ang pag-aaral ng relihiyon, wika, lahi
at pangkat-etniko at uunahin nating talakayin ang relihiyon.

4:34-6:14 Ang 6. ( A. relihiyon, B. lahi) ay kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng
mga tao tungkol sa isang kinikilalang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang 7. ( A. ethnos,
B. religare) na ang ibig sabihin ay “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang
kabuuan nito”. Ito ay isang mahalagang katangiang kultural na bumibigkis para magkaisa ang
maraming lipunan. Nagbibigay rin ito ng kahulugan sa buhay ng maraming tao, naging
dahilan ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura, at nagsisilbing batayan ng pagkilos ng tao sa
kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay. Napakalaki ng epekto ng relihiyon sa heograpiya
ng Daigdig. Ang mga estrukturang panrelihiyon tulad ng mga gusaling sambahan ay nagsilbi
na ring bahagi ng “landscape” at palatandaan (markers) ng halos lahat ng lugar sa daigdig.
Naging malaking salik din ito sa pagkakatatag at pagbagsak ng mga kaharian at pagkasawi ng
maraming buhay. Sa maraming pagkakataon, ang tunggalian sa pagitan ng mga tagasunod ng
iba't ibang relihiyon ay pinagmulan din ng mga tunggalian na ang ilan ay humantong pa sa
madugong digmaan. Ilang halimbawa sa tunggaliang ito ang nangyari sa pagitan ng mga
Hindu at Muslim sa India at Pakistan, ang sigalot sa pagitan ng mga Katoliko at Turkong
Muslim noong panahon ng mga Krusada at sa pagitan ng mga Protestante at Katoliko sa
Northern Ireland.

6:15-7:44 Hindi na nakapagtataka na maya't maya at hindi humihinto ang 8. ( A. tunggalian, B.


pagkakaunawaan) sa pagitan ng mga relihiyon. Pangunahing dahilan nito ang dami ng mga
taong kasapi ng napakarami at magkakaibang relihiyon na nagsusulong ng magkakaibang
paniniwala, at naghahangad na mangibabaw sa iba at sa daigdig. Ang mga pangunahing
pangkat na panrelihiyon sa daigdig ay binubuo ng 9. ( A. 2.1, B. 1.5) bilyong Kristiyano, 1.5
bilyong Muslim, 900 milyong Hindu, 394 milyong Chinese na kasapi ng iba't ibang folk
religion, 376 milyong Buddhist, 300 milyong kasapi ng iba't ibang ethnic, tribal at animist
religion (o yaong mga sumasamba sa espiritu at puwersa ng kalikasan), 100 milyong kasapi ng
mga bago at pinaghalo-halong pangkat ng relihiyon na umusbong simula pa noong ika-18
siglo, 14 milyong Jew o Hudyo, 6.2 milyong Confucianist, at halos 900 milyong atheist o mga
taong hindi naniniwala sa diyos. Dagdag pa rito, ang mga pangunahing pangkat na
panrelihiyon ay nahahati pa sa iba't ibang mga sekta. Sa Kristiyanismo pa lamang, kabilang
na kaagad ang mahigit dalawang libong denominasyon.

7:45-8:55 Tumungo naman tayo sa konsepto ng wika. Ang 10. ( A. pangkat-etniko, B. wika) ang
itinuturing na kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o aydentidad sa
mga taong kabilang sa isang pangkat. Mahalaga rin ang wika sa kultura sapagkat ito ang
pangunahing ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Bukod sa ito ay bahagi ng
pakikipagtalastasan, ito ay kalipunan din ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas
upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Naisasalin ang mga kaugalian, tradisyon, at
kasanayan mula sa isang henerasyon sa susunod na henerasyon sa pamamagitan ng wika.
Mahalagang salik din ang wika sa pagkalat ng kultura, migrasyon, at kalakalan. Mas madali
ring naisasalin ang impormasyon sa mga lugar na may magkaparehong wika na kadalasan ay
may parehong kaasalan at paniniwala. Sa kabilang dako, ang 11. ( A. pagkakaiba, B.
pagkakatulad) ng wika ay maaari ding maging hadlang sa pagkalat ng kultura.

8:56-10:12 Subalit sa simula pa lamang ng kasaysayan ng tao, ang wika ay maituturing nang isa sa
pinakamarami ang pagkakaiba-iba at pinakakomplikado sa mga katangiang kultural sa
Daigdig. Noong panahong prehistoriko, tinatayang umaabot sa 10,000 na wika ang sinasalita
sa buong Daigdig. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 12. ( A. 7,105-9,000, B. 3,000-7,105)
ang buhay na mga wika ang sinasalita sa mundo, kung saan ang Asia at Africa ang itinuturing
na pinakamayaman kung pagbabatayan ang wika. Ang pulo ng 13. ( A. New Guinea, B.
Borneo) ang kinikilalang pinakanangungunang lugar sa Daigdig sa pagkakaroon ng
pinakamaraming iba't ibang wika (linguistic diversity). Sa ngayon, tinatayang umaabot sa 900
ang bilang ng wikang nabubuhay sa New Guinea pa lamang. Ang bulubunduking kalupaan
(rugged terrain ng isla) at panlipunang kaugalian na naglilimita sa inter-aksiyon sa pagitan ng

Page 2
mga pangkat at tribo ang itinuturing na sanhi sa pag-iral ng napakaraming wika sa pulo na
ito.

10:13- Isinasaayos ng mga eksperto ang napakaraming magkakaibang wika sa mundo sa


11:33 pamamagitan ng pagpapangkat o paghahati-hati sa mga ito sa iba't ibang pamilya ng wika o
14. ( A. language family, B. dialect). Tinatayang may 15. ( A. 354, B. 136) language
families sa buong daigdig. Kabílang sa mga ito ang Afro-Asiatic, Austronesian/Malayo-
Polynesian, Indo-European, Niger-Congo, Sino-Tibetan, Amerindian, Dravidian, Japanese at
Korean, at Uralic-Altaic. Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang magkakasamang wika sa
isang pamilya ay magkakaugnay at iisa lamang ang orihinal na pinagmulan noong unang
panahon, at umunlad lamang sa paglipas ng panahon kung kaya nagkaroon na ng
magkakaibang katangian. May mga pagkakataon na ang dalawang wika na nabibilang sa
isang pamilya ay maaaring magkaroon ng magkaibang-magkaibang tunog. Sinasabing dahilan
nito ay ang tagal ng kanilang pagsasanga o paghihiwalay mula sa pinakapinag-ugatan at ilang
pangyayaring historikal na naging dahilan ng pagbabago nito.

11:34- Ang bawat pamilya ng wika ay nahahati naman sa iba't ibang pangkat o sanga ng wika
12:22 (language groups/branches). Ang mga 16. ( A. language group, B. language family) ay
pangkat ng mga wika na higit na makabago ang pinagmulan at may maraming pagkakatulad.
Ang mga wikang magkakasama sa isang pangkat ay maraming magkakaugnay na salita, at
nagtataglay ng magkaparehong estrukturang gramatiko. Halimbawa, ang English ay nagmula
sa sangang Germanic ng pamilyang Indo-European. Samantala, ang French, Spanish, at
Portuguese naman ay nabibilang sa sangang Romance na pare-parehong nagmula sa mas
mataas na sangang Latin, na nagmula rin sa pamilyang 17. ( A. Austronesian, B. Indo-
European).

12:23- Nag-iiba-iba rin ang bawat indibidwal na wika. Ang mga nagsasalita ng alinmang wika ay
13:16 maaaring gumamit ng isang partikular na 18. ( A. gramatiko, B. diyalekto/dialect). Ang
diyalekto ay isang rehiyonal na uri o bersiyon ng isang wika. Kadalasan, naiintindihan din ng
mga nagsasalita ng magkaparehong wika ang iba't ibang diyalekto. Ang bawat diyalekto ay
nagtataglay lang ng naiibang mga salita at pagbigkas. Ang mga natatanging salita, parirala, at
maging pagbigkas ay maaaring magbigay ng pahiwatig sa pinagmulang lugar ng nagsasalita.
Halimbawa, ang British English, American English, at Philippine English ay mga diyalektong
nagmula sa magkaparehong wika - na English.

13:17- Sa mga geographer, isa sa pinakabatayang katotohanan tungkol sa wika ay ang pagkakaroon
14:39 nito ng 19. ( A. spatial characteristics, B. abstract characteristics). Sinasalita ang wika
sa mga espesipikong rehiyon sa Daigdig at hinuhubog nito ang buhay ng mga tao sa lugar.
Nakatutulong din ang pagkakalatag ng iba't ibang wika o 20. ( A. accent, B. speech patterns)
sa pagkakaroon ng tatak na katangian ng isang espesipikong rehiyon sa daigdig. Halimbawa,
ang Gitnang America at Timog America na naging natatangi sa tulong ng wikang Spanish na
sinasalita sa halos buong rehiyon ng nakararaming mamamayan. Samantala, ang
pinakamalaking bansa sa Timog America-ang Brazil na ang karamihan ng mamamayan nito
ay nagsasalita ng Portuguese ay maituturing na isang lingguwistikong subrehiyon (linguistic
subregion) sa loob ng Timog America. Subalit sa kabuoan, ang mga wikang Spanish at
Portuguese ang nagbigay ng pagkakakilanlan at katangiang kultural bilang 21. ( A. Latin
America, B. Anglo America) sa Central America at Timog America. Ang Spanish at
Portuguese ay magkakaparehong nagmula sa sanga ng wikang Romance na nagmula naman
sa Latin.

14:40- Tinatayang mahigit sa 47% ng mga tao sa daigdig ang nagsasalita ng mga wikang nagmula sa
16:25 pamilyang 22. ( A. Indo-European, B. Afro-Asiatic). Ang mga wika sa pamilyang ito ay
sinasalita sa Europe, Russia, Timog at Hilagang America, Australia, at bahagi ng timog-
kanlurang Asya at India. Kasama sa pamilyang ito ang sanga ng mga wikang Germanic at
Romance (Latin), Slavic, Indic, Celtic, at Iranic. Sa populasyon ng daigdig, 20% ang nagsasalita
ng wikang nagmula sa pamilyang Sino-Tibetan. Ang pamilya ng wikang ito ay laganap sa
Kalakhan (o Mainland) Southeast Asia, at China, at binubuo ng mga sanga ng wikang Chinese
at Tibeto-Burman. Ang nalalabing 30% ng populasyon ng daigdig ay nagsasalita ng mga

Page 3
wikang nagmula sa pamilyang Afro-Asiatic, Niger-Congo, Altaic, Austronesian, at iba pa. Ang
mga wika sa Pilipinas naman ay nasa ilalim ng pamilyang 23. ( A. Niger-Congo, B.
Austronesian). Noong 2013, sa mga indibidwal na wika naman, ang mga nanguna ayon sa
bilang ng populasyong nagsasalita ay ang Chinese (1.23 billion), Spanish (329 million), English
(328 million), Arabic (221 million), Hindi-Bengali (182 million), at Portuguese (181 million).

16:26- Sa puntong ito ay talakayin naman natin ang lahi o race. Tila isang malaking mosaic daw ang
17:53 daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga tao. Ngunit
paano magagamit ang wika sa positibong paraan upang mailarawan ang lahi nang hindi
nagkakaroon ng diskriminasyon at hindi pagkakaunawaan? Dito na nabuo ang mga
katawagan para maiuri ang mga tao batay sa panlabas na hitsura. At ayon sa mga eksperto ay
may iba’t ibang klasipikasyon ng tao sa daigdig na sa huli ay nagdulot naman ng
kontrobersiya dahil nagpapakita ng 24. ( A. tamang pagtrato, B. diskriminasyon). Kaya,
makinig nang mabuti! Dadagdagan natin ang iyong kaalaman pero ang mga klasipikasyon ng
lahi na iyong maririnig ay “hindi” mo na dapat gamitin. Ok ba tayo doon? Kumbaga, it’s ok to
know but it’s bad to use mga Gen Z! Alam niyo ba na sa field ng Evolutionary Science,
pinaniniwalaan na may pinakaninuno ang lahat ng mga tao? Siya ang Homo Sapiens na
tinatawag na 25. ( A. mitochondrial Eve, B. Australopithecine) o ang pinakaninunong ina
ng lahat na tao, libo-libong taon na ang nakararaan sa Southern Africa. Pero ngayon, ang mga
tao ay naging magkakaiba na ang anyo o katangiang panlabas.

17:54- Dalawang salik ang dahilan ng ganitong pagkakaiba-iba ng mga tao: una ay ang, “genetic drift”
18:44 at ang ikalawa ay ang “klima”. May kinalaman ang 26. ( A. genetic drift, B. abnormal
mutation) sa mga minana mong katangiang pisikal mula sa mga magulang mo. Ibig sabihin,
may mga makukuha ka pa ring “traits” sa nanay o sa tatay mo pero mag-iiba na ang iyong
kabuuang katangiang pisikal gayundin sa magiging mga anak mo. May kinalaman naman ang
“klima” sa 27. ( A. pag-uugali, B. kulay ng balat). Karaniwan, mapuputi ang mga taong
nakatira sa malalamig na lugar tulad ng malapit sa mga polar regions. Karaniwan din na
maiitim o kayumanggi naman ang mga taong nakatira sa maiinit na lugar gaya ng mga nasa
malapit sa ekwador.

18:45- Sa umpisa, sama-samang naninirahan ang mga taong may magkakatulad na mga katangiang
19:41 pisikal sa isang lugar. Bumuo sila ng kanilang mga tradisyon, kaugalian, at paniniwala na
isinalin nila sa mga sumunod na mga henerasyon. Kahit na nandayuhan o “nag-migrate” pa
ang iba sa kanila sa malalayong lugar, dinala at ipinagpatuloy pa rin nila ang nakagisnang
mga tradisyon, kaugalian at paniniwala. At kasabay ng pagkalat nila sa iba’t ibang panig ng
mundo na may iba’t ibang klima, nagbago na rin ang panlabas nilang mga anyo sa pagdaan ng
libo-libong taon ng 28. ( A. genetics, B. ebolusyon). Dito na nagsimula ang mga lahi. Ang 29.
( A. race o lahi, B. pangkat-etniko) ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng
mga tao batay sa pisikal, bayolohikal o panlabas na katangian ng isang pangkat.

19:42- Maraming eksperto ang bumuo ng iba’t ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit
21:28 marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito
ng diskriminasyon. Naging batayan ng lahi ang kulay ng balat, uri ng buhok, kulay ng mata,
tangos ng ilong, hugis ng katawan, korte ng mukha at maging sa tipo ng dugo. Maraming lahi
sa daigdig pero hindi nagkakaisa ang mga eksperto kung ilan ba talaga ang bilang ng mga
lahi. Kaya gumamit sila ng iba’t ibang paraan sa pag-uuri-uri ng mga lahi. May mga iskolar na
naniniwalang tatlo lang ang mga pangunahing lahi sa daigdig, habang ang iba naman ay
nagsasabing siyam o sampu. Subalit, 30. ( A. apat, B. tatlo) ang pangunahing lahi ng tao
ayon sa mga unang iskolar na nag-aral tungkol sa mga lahi. Ito ay kinabibilangan ng
Caucasoid, Mongoloid, at Negroid. Maputi ang mga Caucasoid na binubuo ng mga Amerikano,
Canadian, French, English, German, Russian at iba pang European. Dilaw naman ang kulay
ng balat ng Mongoloid na kinabibilangan ng mga Chinese, Japanese, Korean, at Mongolian.
Isang sangay ng Mongoloid ang 31. ( A. Australoid, B. Homo Species) na may kayumangging
kulay ng balat tulad ng mga Pilipino, Malaysian, at Indonesian. Maitim naman ang Negroid
tulad ng mga African sa kontinente ng Africa at ilang mga bahagi tulad ng Papua New Guinea.

Page 4
21:29- Pakatatandaan po natin na “hindi” na inuuri ang mga tao ngayon batay sa kulay ng balat kaya
22:13 naman ang isa pang paraan ng pag-uuri-uri ay may kinalaman naman sa lokasyong
pangheograpiya at magkakatulad na katangiang kultural. Dito na nabuo ang mga 32. ( A.
rehiyong kultural, B. rehiyong politikal) o mga bahagi ng daigdig na binubuo ng iba't ibang
bansa kung saan ang mga tao ay may magkakatulad ang paniniwala, kaugalian, tradisyon,
relihiyon, wika, kasaysayan, sistemang pang-ekonomiya, at anyo ng pamahalaan. Hindi
hamak na mas katanggap-tanggap ito kumpara sa 33. ( A. panloob, B. panlabas) lang na
katangian.

22:14- Sa ngayon, batay sa pagkakatulad na kultural, hinahati sa 34. ( A. lima, B. sampu)


23:47 pangunahing rehiyong kultural ang mga bansa at lugar sa daigdig. Una na rito ang Anglo-
American na binubuo ng mga bansang United States at Canada; ikalawa ang Latin America na
binubuo ng Central America, mga bansa sa Caribbean at Timog America; ikatlo ang European
na binubuo ng Hilaga, Kanluran, Katimugan, at ilang bansa sa Silangang Europe; ikaapat ang
Islamic na binubuo ng mga mga bansa sa Hilagang Africa, Kanlurang Asia, Afghanistan, at
Pakistan sa Timog Asia at Central Asia; ikalima ang Sub-Saharan Africa na binubuo ng mga
bansa sa ibaba at katimugang bahagi ng Disyerto ng Sahara; ikaanim ang 35. ( A. Slavic, B.
Scandinavian) na binubuo ng Russian Federation at Siberia; ikapito ang Indic na binubuo ng
mga bansa sa Timog Asia na kinabibilangan ng India, Nepal, Bhutan, at Tibet; ikawalo ang
Sino-Japanese na binubuo ng China, Mongolia, Korea, at Japan; ikasiyam ang Timog-
Silangang Asia; at ikasampu ang Austral-European na binubuo ng Australia, New Zealand, at
Pacific Islands.

23:48- Talakayin naman natin ang huling konsepto sa ating listahan – ang “pangkat-etniko”. Ang
24:59 salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na 36. ( A. ethnos, B. ethnica) na
nangangahulugang “mamamayan”. Maaari din itong mangahulugan na “natatangi at
magkakadikit na pangkat ng mga tao”. Ang mga pangkat-etniko ay ang pamayanan ng mga
tao na naninirahan sa isang teritoryo (o common territory), na may magkatulad na pamanang
kultural (cultural heritage), sariling wika, at nag-iisang ninunong pangkalahatan (common
ancestry) kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan. Maaari
ding maging tagapagbigkis na kultural (shared culture) ng mga pangkat-etniko ang relihiyon,
kasaysayan, wika, tradisyon ng pangilin (o holiday traditions) at espesyal na pagkain. Ang
pangkat-etniko ay isa lamang pagkakakilanlan ng isang pangkat ng tao na nagbibigay sa
kanila ng 37. ( A. kadakilaan, b. kaibahan) sa ibang pangkat na may ibang kultura.

25:00- 38. ( A. Magkaiba, B. Magkatulad) ang pangkat-etniko sa lahi o race. Kung ang lahi ay
25:12 nakabatay sa panlabas na katangian, mahalaga naman sa mga pangkat-etniko ang mga 39. (
A. hiniram, B. panlipunan at kultural) na pagkakakilanlan.

25:13- Napakarami po ng mga pangkat-etniko sa daigdig. Malaking salik sa pagkakaiba-ibang ito ang
25:59 40. ( A. katangiang pisikal, B. distansiya) ng mismong rehiyon. Habang tumitindi ang
pagkakaiba-ibang heograpikal ng isang bansa, gayundin ang pagkakaiba-iba ng mga pangkat-
etniko nito. Dahil sa mga 41. ( A. kondisyong pang-atmospera, B. anyong-lupa at anyong-
tubig), may mga pangkat ng tao na nahihiwalay sa karamihan dahilan para makabuo sila ng
hiwalay na komunidad na may sariling kultura, wika, relihiyon, tradisyon, at kaugalian. Ang
mga pangkat na ito ang bumubuo sa mga pamayanang etniko (ethnic societies). Sa
pagkakabuo ng napakaraming pangkat-etniko, nagbunga ito ng napakayamang kultura
subalit malaking suliranin sa pagkakaisa bilang isang bansa o rehiyon.

26:00- Sa Asya, kabilang sa mga bansang may ganitong suliranin ang Indonesia, China, at India. Ang
26:42 China ay binubuo ng 92% ng pangkat-etnikong 42. ( A. Ainu, B. Han Chinese) bilang
mayorya o majority group at 55 na pangkat ng minorya (minority groups). Ang India ay
binubuo naman ng humigit kumulang 850 na pangkat-etniko na nagsasalita ng
magkakaibang wika at diyalekto. Dahil sa pagkakaiba-ibang ito, idineklara ng pamahalaan ng
India ang 43. ( A. Hindi, B. Bahasa) bilang pambansang wika na ngayon ay ginagamit ng
higit na 400 million na mamamayan nito.

Page 5
26:43- Kasunod ng Asya, ang 44. ( A. Australia, B. Africa) ang maituturing na pinakamaraming
28:01 pinagmulan ng iba't ibang pangkat-etniko. Sa katunayan tinatayang binubuo ang Africa sa
kasalukuyan ng mahigit sa 2,000 na iba't ibang pangkat-etniko. Batay sa wika, sinasalita ang
tinatayang 45. ( A. 800 hanggang 1,000, B. 500 hanggang 800) na iba't ibang wika at
diyalekto sa buong kontinente. Ang wikang Bantu sa Sub-Saharan Region ang sinasalita ng
nakararaming Africans. Batay sa rehiyon, ang Swahili-pinaghalong Bantu at Arabic—ang
pangunahing sinasalita sa Silangang Africa, wikang Hausa naman sa Kanlurang Africa, Arabic
sa Hilagang Africa, at Hottentots ng Katimugang Africa. Samantala, may ilan ding mga bansa
sa Africa na nagsasalita ng wika ng mga dayuhang sumakop sa kontinente gaya ng French at
English. Karamihan sa mga bansa sa Africa ay binubuo ng maraming pangkat-etniko o
multiethnic gaya ng Nigeria, Rwanda, Somalia, South Africa, Sudan, at Eritrea.

28:02- Sa Silangang Europe naman, pinakamarami ang pangkat-etniko ng mga 46. ( A. Slavs, B.
28:48 Bantu) na nasa mahigit 100 milyon. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit 90% ng mga bansa
sa daigdig ay mga multiethnic state. Tinatawag na 47. ( A. multicultural, B. multiethnic)
ang isang bansa kapag binubuo ito ng mahigit sa isang etnisidad. Sa ilang multiethnic state,
ang lahat ng etnisidad ay nag-aambag ng mga katangiang kultural sa pagbuo ng isang
nasyonalidad. Ang Belgium at Switzerland ay dalawang halimbawa ng estadong multiethnic sa
Europe kung saan matagumpay ang pagsasama ng magkakaibang pangkat-etniko bilang mga
bansang-estado.

28:49- Malaking suliranin sa mauunlad na bansa ang migrasyon ng ibang pangkat-etniko na


29:59 nagmula sa mahihirap at papaunlad na bansa. Pinagmumulan din ito ng 48. ( A. tunggalian
o ethnic tension, B. ethnic cleansing) sa pagitan ng mga lokal na etniko at mga dayuhang
etniko. Samantala, sa ilang bansa na may maliit na populasyon na may malaking suliranin sa
kakulangan ng mga manggagawa, mas marami pa ang mga pangkat-etniko na nagmula sa
mga dayuhang bansa kaysa sa mga katutubo gaya ng 49. ( A. Saudi Arabia, B. United Arab
Emirates) na tanging 20% ng kabuoang populasyon nito ang mamamayang Emirati at ang
natitirang 80% ay pawang mga dayuhan na galing sa Timog at Timog-Silangang Asia. Sa
Timog-Silangang Asia, suliraning etniko ang malaking bilang ng mga dayuhang pangkat-
etniko partikular ng mga Chinese at Indians na kumokontrol sa ekonomiya. Pinagmumulan ng
matinding ethnic tension ang paghaharing ito ng mga dayuhang etniko sa ekonomiya sa
Singapore, Malaysia, at sa Pilipinas.

30:00- Sa pagbubuo ng mga bansa at nasyon, maraming mga pangkat-etniko ang nagkasundo o
32:06 sapilitang pinagsama ng mga kolonyalista bilang isang nasyon gaya ng nangyari sa Iraq, Syria,
Lebanon, at Yugoslavia. Subalit ang hangarin ng isang pangkat-etniko na magdomina sa ibang
pangkat-etniko at ang 50. ( A. ethnic tension, B. diskriminasyon) o pakiramdam ng isang
pangkat-etniko na palagi na lang silang inaapi ng ibang pangkat-etniko, ang dahilan ng
napakaraming tensiyong etniko na ang ilan ay humantong pa sa karahasang etniko (ethnic
violence) at mga digmaan. Sa pinakamalalang sitwasyon, ang mga karahasan ay humantong
sa 51. ( A. ethnic cleansing, B. forced migration), o ang sistematikong pagkilos ng
malalakas na pangkat-etniko na makalikha ng isang rehiyon na binubuo ng nag-iisang
pangkat-etniko lamang sa pamamagitan ng sapilitang pagpapalayas o maramihang pagpatay
ng mga kasapi ng ibang pangkat-etniko upang maging ethnically homogenous ang kanilang
bansa. Maaaring ipatupad ang ethnic cleansing sa pamamagitan ng sapilitang migrasyon
(forced migration) at genocide. Ang 52. ( A. genocide, B. infanticide) ay ang sadya at
planadong pagpapapatay sa isang partikular na pangkat-etniko na maaaring umabot ng
milyon-milyon. Kabilang sa mga unang nakaranas ng genocide ay ang mga Hudyo at Gypsies
sa kamay ng mga Nazi sa pamumuno ni Adolf Hitler, ang mga Kurdish sa kanlurang Iraq sa
pamumuno ni Saddam Hussein, ang mga etnikong Albanian sa Kosovo sa Serbia sa
pamumuno ni Slobodan Milosevic, pangkat-etnikong Tutsis sa mayoryang etnikong Hutus sa
Rwanda at Burundi at minoryang Rohingya na karamihan ay Muslim sa Rakhine State ng
mayoryang Burmese Buddhist sa Myanmar.

32:07- Maraming bansa ang dumanas at patuloy na kinakaharap ang suliranin sa mga secessionist o
33:37 separatist movement. Ang 53. ( A. partition, B. secessionism/separatism) ay ang adhikaing
humiwalay ang isang pangkat-etniko at iba pang grupo mula sa kinabibilangang bansa upang

Page 6
bumuo ng sariling bansa. Ang ilan sa mga bansang ito ang Sri Lanka, Indonesia, China,
Thailand, at Iraq sa Asya; Canada sa Hilagang America; at Spain, Russian Federation, Great
Britain, at Yugoslavia sa Europe. Kung hindi na maaaring magsama ang iba't ibang pangkat-
etniko sa isang nasyon, isang hakbang ang 54. ( A. partition, B. secessionism) o ang
paghahati-hati ng teritoryo sa pagitan ng mga pangkat-etniko upang sila ay bumuo ng
magkakahiwalay na bansang estado. Halimbawa ng ganitong hakbang ay, una, ang paghahati
ng Rehiyong Kashmir sa pagitan ng mga Muslim sa Pakistan at mga Hindu sa India; ikalawa
ang paghahati ng Palestine sa Israel sa pagitan ng mga Hudyo o Jews at mga Arabo at Muslim;
ikatlo ang paghahati ng Cyprus sa pagitan ng mga Greek at Turkish; at huli ay ang
paghihiwalay ng minoryang Muslim sa Pakistan at Bangladesh mula sa mayoryang Hindu sa
India.
ILAPAT At iyan ang ating aralin sa araw na ito! Alam kong marami ka nang natutuhan. Kaya para
NATIN mapagtibay ang iyong pang-unawa sa paksa, sagutan naman natin ang gawaing ito.
33:38- Magbabanggit ako ng mga senaryo na makikita sa ating komunidad. Piliin ang “puso” kung
35:59 ang senaryo ay saklaw ng heograpiyang pantao at hugis “bilog” naman kung hindi. Oh ready
ka na ba?

Unang bilang. Sunduan Festival sa Paranaque tuwing Pebrero.


*AFTER 3 SECONDS
Kung ang pinili mo ay 55. ( A. puso, B. bilog), tama ang sagot mo. Ang Sunduan ay isang
matandang tradisyon na natatangi sa lungsod ng Paranaque kung saan sinusundo ng
kalalakihan ang kanilang mga kasintahan sa mga bahay upang dalhin sa simbahan o sa
plaza. Upang mapahanga ang mga kasintahan, nagdadala ang mga kalalakihan ng banda
upang sabayan sila sa paglalakad papuntang simbahan. Ang romantikong tradisyon na ito ay
nag-ugat pa sa panahon ng Kolonyalismong Espanyol kung saan naitala ang kauna-unahang
Sunduan noong 1876 sa barrio La Huerta.

Ikalawang bilang. Banal na misa sa simbahan ng St. Andrew’s Cathedral.


*AFTER 3 SECONDS
Kung ang pinili mo ay 56. ( A. puso, B. bilog), you’ve got it right. Dinala ng mga Espanyol ang
relihiyong Kristiyanismo sa Parañaque. Bukod sa mga tradisyon, ay masasalamin din ang
impluwensiyang ito sa malaking porsyento ng mga Kristiyano sa lungsod ng Paranaque. Ang
patrona ng Parañaque naman na Nuestra Señora del Buensuceso o Our Lady of the Good
Event, ang pangatlo sa pinakamatandang imahen ng birheng maria sa Pilipinas at nakalagak
sa katedral ng St. Andrew sa La Huerta.

Huling bilang. Storm surge o “daluyong” sa Roxas boulevard.


*AFTER 3 SECONDS
Kung ang sagot mo ay 57. ( A. puso, B. bilog), tama ka diyan. Mas angkop ang senaryo na ito
sa katangiang pisikal kaysa heograpiyang pantao.
SURIIN Pagyamanin pa natin ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan naman ng gawaing ito.
NATIN Magbabanggit ako ng mga pahayag. Piliin ang “fact” kung ang pahayag ay tama at piliin ang
36:00- “bluff” kung ang pahayag ay mali. Bibigyan kita ng tatlong segundo para pag-isipan ang
37:25 tamang sagot. Oh ready ka na ba?

Unang bilang. Ang relihiyon ay nagmula sa salitang religare – na ang ibig sabihin ay “buuin
ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito”.
*AFTER 3 SECONDS. Kung ang pinili mo ay 58. ( A. fact, B. bluff), tama ang sagot mo!

Ikalawang bilang. Ang Austronesian ang pamilya ng wika na may pinakamaraming taong
gumagamit.
*AFTER 3 SECONDS. Kung ang pinili mo ay 59. ( A. fact, B. bluff), tama ka! Indo-European
ang pamilya ng wika na may pinakamaraming gumagamit. Ito ay dahil sa wikang English at
mga wikang Romance na kabilang sa Indo-European.

Ikatlong bilang. Ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na


nangangahulugang “mamamayan”.
*AFTER 3 SECONDS. Kung ang pinili mo ay 60. ( A. fact, B. bluff), tama ka na naman!

Page 7
TAYAIN Tapos na ang ating talakayan! Pero bago kita iwan, subukan mo muna ang iyong natutunan
37:26- sa paksang tinalakay natin! Magbabanggit ako ng mga katanungan. Bibigyan kita ng limang
41:14 segundo para piliin ang tamang sagot. Oh, ready ka na ba?

Unang katanungan. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang


pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal o biyolohikal na katangian ng isang pangkat?
A. Lahi B. Pangkat-etniko C. Relihiyon D. Wika
*AFTER 5 SECONDS. Kung ang sagot mo ay letrang 61. ( A, B, C, D ), tama ang sagot mo!

Ikalawang katanungan. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa daigdig?


A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo
*AFTER 5 SECONDS.
Kung ang sagot mo ay letrang 62. ( A, B, C, D ), tama ka!

Ikatlong bilang. Sa anong pamilya ng wika nabibilang ang mga wika sa Pilipinas?
A. Afro-Asiatic B. Austronesian C. Indo-European D. Sino-Tibetan
*AFTER 5 SECONDS. Kung ang sagot mo ay letrang 63. ( A, B, C, D ), you’ve got it right!

Ikaapat na bilang. Makinig muna nang mabuti sa mga sumusunod na pahayag.


I. Isang bahagi ng pakikipagtalastasan.
II. Naging batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
III. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat.
IV. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang
nais sabihin ng kaisipan.

Alin sa mga nabanggit na pahayag ang naglalarawan sa wika?


A. I, III at IV B. I, II at IV C. II, III at IV D. I, II at III
*AFTER 5 SECONDS. Kung ang sagot mo ay letrang 64. ( A, B, C, D ), tama ang sagot mo!

Huling bilang. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang
relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala?
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.
*AFTER 5 SECONDS. Kung ang sagot mo ay letrang 65. ( A, B, C, D ) pa rin, mahusay dahil
tama ka!
EXTRO Naka perfect 5 points ka ba? Kung hindi ok lang yan! Tandaan na hindi masusukat ang talino
SPIEL sa score lang. Basta’t sinubukan mo at may natutuhan ka sa lesson, ikaw ang winner!
41:15- Basahin na rin po ang panuto sa paggawa ng poster na maglalarawan sa heograpiyang
42:13 kultural ng Paranaque at ipasa sa iyong guro ng Araling Panlipunan 8. Hanggang sa muli at
maraming salamat po sa pakikinig mga Gen Z learners! Lesson mo bukas ngayon ang podcast!
I’m your teacher-podcaster, Sir E! See you next time sa isa sa namang episode ng Araling
Panlipunan Module Series! Bye!

***END***

Page 8

You might also like