You are on page 1of 9

1

ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan: _________________Gr.& Sec.: _______ Guro: _______

A. ARALIN 3: HEOGRAPIYANG PANTAO

Kasanayan

B. Most Essential Learning Competencies


Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at
mamamayan sa daigdig (lahi/pangkat-etnolingguwistiko,at relihiyon sa
daigdig) MELC Code: AP8HSK-le-5

Inaasahan

Sa modyul na ito ay matatalakay ang mga konseptong may kinalaman sa


pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi/ pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang pamumuhay.
Mauunawaan na ang mga natatanging kultura ng mga pangkat-
etnolingguwistiko tulad ng wika at relihiyon ay nakakaapekto sa pagbuo at
pag-unlad ng mga kabihasnan sa daigdig.
May mga gawain din na inihanda upang masukat ang iyong natutuhan
tungkol sa aralin. Inaasahan ko na magiging interesado ka sa araling ito dahil
ang mga kasanayan na iyong natutuhan ay maaari mong magamit sa
pagkikisalamuha sa ibang tao na may iba’t ibang wika, relihiyon, lahi at
pangkat-etniko sa mga bansa sa mundo na nais mong mapuntahan balang
araw.
Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:
1. Natatalakay ang mga konseptong saklaw ng heograpiyang pantao sa
daigdig.
2. Nasusuri ang mga datos na bumubuo sa mga natatanging kultura sa
ating kabihasnan.
3. Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at
mamamayan sa daigdig (lahi/pangkat-etnolingguwistiko, at relihiyon sa
daigdig) sa paghubog ng kabihasnang Asyano.

Paunang pagsusulit

Panuto: Sa bahaging ito ay subukan mong sagutan ang panimulang


pagtataya upang malaman ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa aralin.
Piliin ang mga titik ng tamang sagot upang mabuo ang mga konsepto.
1. Pundasyon ng pilosopiya tulad ng Confucianism at Taoism.
A. Indo-European B. Niger-Congo C. Sino-Tibetan D. Non-
Religious
2. Lahi ng mga itim
A. Negroid B. Mongoloid C. Caucasoid D.
Austronesian
3. Pinakamatandang relihiyon sa daigdig

AP8-Qrt1-Week3- MAY-AKDA: Jenny Q. Miralles


2
ARALING PANLIPUNAN 8
A. Kristiyanismo B. Hinduismo C. Confucianismo D.
Islam
4. Naging batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay.
A. Wika B. Relihiyon C. Kultura D.
Lahi
5. Kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga tao
tungkol sa kanilang makapangyarihang nilalang ng Diyos.
A. Wika B. Relihiyon C. Kultura D.
Lahi
6. Ang heograpiyang pantao ay tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon,
_______ at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
A. Lahi B. Wika C. Pangkat-etniko D.
Sayaw
7. Dami ng buhay na wika sa daigdig
A. 7000 B. 7005 C. 7105 D.
7051
8. Nagbibigay ng pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat.
A. Lahi B. Relihiyon C. Wika D.
Kultura
9. Dami ng gumagamit ng buhay na wika sa daigdig.
A. 6,200,000,000 B. 6,200,000,001 C. 6,200,000,002 D.
6,200,000,003
10. Lahi ng mga dilaw.
A. Caucasoid B. Austronesian C. Negroid D.
Mongoloid

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Naging madali ba para sa iyo ang pagsagot sa paunang pagtataya? Itala
mo sa iyong kuwadermo ang mga konseptong dapat mong pagtuunan ng
pansin.

Balik Tanaw

Panuto: Ilagay ang nawawalang letra sa loob ng kahon upang mabuo ang
hinihinging konsepto.
1. Tawag sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig
H O G A P Y A

2. Anong guhit sa globo ang humahati sa hilaga at silangan?


E K D O

3. Pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.


K N T N E T

4. Ano ang tawag sa kalagayan ng atmospera ng isang lugar sa loob ng


mahabang panahon?
K L M

5. Pinakamalaking karagatan sa buong mundo.


P A I P K

AP8-Qrt1-Week3- MAY-AKDA: Jenny Q. Miralles


3
ARALING PANLIPUNAN 8

Matapos mong maorganisa ang iyong paunang kaalaman tungkol sa heograpiya ng tao,
ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng teksto at mga
gawain. Paano nakatulong ang paglinang ng wika, relihiyon at lahi/ pangkat-
etniko sa paghubog ng kabihasnan sa daigdig?

Maikling Pagpapakilala
sa Aralin

Ang pagkakaiba-iba ng mga tao sa pisikal na anyo, wika at kultura ay


patunay na iniangkop ng bawat pangkat-etnikong ito ang kanilang
pamumuhay sa mga bundok, disyerto, damuhan at mga kagubatang
nakapaligid sa kanilang panahanan.
Ang pag-angkop at pagkakaiba-iba ng mga gawi, paniniwala, relihiyon at
wika ng mga pangkat-etniko ang dahilan kung bakit ang ilan sa mga
sinaunang tao sa mundo ay mga magsasakang namuhay ng pirmihan sa isang
lupain, nagpapalipat-lipat ng tirahan, nakatira sa rural at ang iba nasa lupaing
urban.
Paksa: Heograpiyang Pantao

Lahi/ Pangkat-
etnolingguwistiko
 Ang
Heograpiyang
Wika Relihiyon
Pantao ay
tumutukoy sa
pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi at
Heograpiyang pangkat-etniko sa
Pantao iba’t ibang bahagi
ng daigdig.

 Wika- isa sa mga


batayan ng pagpapangkat ng tao sa mundo. Itinuturing itong
kaluluwa ng isang kultura dahil nagbibigay ito ng
pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat.

* Mayroong 7,105 na
buhay na wika sa
daigdig na ginagamit ng
mahigit 6,200,000,000
katao.

* Nakapaloob ang mga


wikang ito sa tinatawag

AP8-Qrt1-Week3- MAY-AKDA: Jenny Q. Miralles


4
ARALING PANLIPUNAN 8
na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-
ugatan.

* Tinatayang may 136 language family ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng


daigdig. (Blando et.al Kasaysayan ng Daigdig Modyul ng Mag-aaral, 2014,
pp.31).
https://triangulations.files.wordpress.com/2013/11/lang_family_map2.png
Napakahalaga ng wika sa isang bansa. Ito ang pangunahing ginagamit
ng tao upang maitakda at maipadama ang kanilang damdamin (Samson, et.al
Kayamanan, Araling Asyano p.108). Bukod dito, ang wika rin ang nagbubuklod
sa tao upang manatiling nagkakaisa at nagpapahalaga sa kanilang kultura
(Mateo, Ph.D. Grace Estela, et.al. Kabihasnang Asyano, 2008, p.58).
Tulad ng wika, mahalaga rin ang relihiyon sa mundo dahil ito ay naging
dahilan ng pag-unlad at pag-iral ng kultura ng isang bansa. Gayundin, ito ay
nagsilbing salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga sinaunang kaharian. At
panghuli, ito ay batayan ng pagkilos ng tao sa pang-araw-araw niyang buhay

* Relihiyon- ito ay
nagmula sa salitang
Latin na re-ligare
na ang ibig sabihin
ay pagbubuklod at
pagbabalik-loob
(Blando, et.al, Asya:
Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba 2014
pp.155).

https://www.google.com/search?
q=mga+pangunahing+relihiyon+sa+mundo&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved
=2ahUKEwjb1uLLgfzpAhVE62EKHY1KCnAQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1024&bi
h=657#imgrc=gX8TanCrHfT-SM&imgdii=RcQH9eLTNG-VjM
MGA PANGUNAHING RELIHIYON SA DAIGDIG
* HINDUISMO - pinakamatandang relihiyon sa India na niyakap ng mga
lahing Aryan.
- Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at
pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala ng
pagkakaisang ispiritwal.
* BUDDHISM -itinatag ni Siddharta Gautama.
- Ang mga aral ng Budismo ay batay sa personal na
karanasan at nagiging batayan o pundasyon ng Budismo.
* ISLAM - pinakabata sa mga pangunahing relihiyon sa buong
mundo.
- Naniniwala na si Allah ang kanilang Diyos at si
Mohammad ang kanilang propeta.
* - pinakamalaki at pinalaganap na relihiyon sa buong
KRISTIYANISM daigdig.
O - Sumusunod sa mga kuwento at turo ni Hesukristo.

MGA LAHING PINAGMULAN NG PANGKAT-ETNIKO SA MUNDO


* Ang pangkat-etniko ay grupo
ng mga tao na may kulturang

AP8-Qrt1-Week3- MAY-AKDA: Jenny Q. Miralles


5
ARALING PANLIPUNAN 8
kakaiba sa ibang grupo ng tao. May sariling wika, mga kaugalian, gawi at
tradisyon.

* Ang salitang “etniko” ay mula sa salitang Griyego na ethos na


nangangahulugang “mamamayan” (Blando, et.al Kasaysayan ng Daigdig
Modyul ng Mag-aaral,2014 p.34).

https://www.ilmusiana.com/2015/10/forms-of-social-differentiation-racial.html

MGA LAHI NG ATING PANGKAT-ETNIKO


* Mongoloid (dilaw) - may dilaw na kulay ng balat, tuwid na buhok, at
singkit na mata.
* Caucasoid (puti) - may matangos na ilong, maputi ang kulay ng balat,
madilaw ang buhok at tuwid na pilik-mata.
* Negroid (itim) - kulot ang buhok, maitim ang kulay ng balat, may
makapal ang labi, at tuwid ang pilik-mata.
Maituturing ang isang pangkat na etnolingguwistiko kung sila ay may
magkakaparehong wika, kultura at etnisidad (kamag-anakan o pareho ng
lahing pinagmulan).
Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng mga pangkat-etnikong ito ay bunga
ng
magkakaibang kondisyong pangkapaligiran na kanilang ginagalawan.

Pamprosesong Tanong:
Paano nakatulong ang wika sa paghubog ng kabihasnan ng daigdig?

Gawain A: Word Concept Map

Panuto: Ipaliwanag ang saklaw ng heograpiyang pantao kahulugan at


kahalagahan nito sa paghubog ng kabihasnan sa daigdig. Buuin ang word
concept map upang maipahayag ang katuturan nito.

HEOGRAPIYANG PANTAO

• Saklaw Kahulugan Kahalagahan

__________________ ___________ _________________


____________________ _______________ ________________

Gawain B: I- Profile Mo

Ang bawat pangkat ay magsaliksik ng mga datos tungkol sa mga


pangkat-etnolingguwistiko sa daigdig. Gumawa ng profile ng pangkat-
etnolingguwistiko at isagawa ito sa malikhaing paraan tulad ng facebook.
Handa na ba kayo?

Pangkat-Etniko Wika Relihiyon Kultura

AP8-Qrt1-Week3- MAY-AKDA: Jenny Q. Miralles


6
ARALING PANLIPUNAN 8
1. Caucasoid
2. Mongoloid
3. Negroid

Paano nakatulong ang paglinang ng wika, relihiyon at lahi/


pangkat-etniko sa paghubog ng kabihasnan sa daigdig?

Gawain: C
Pag-ugnayin Natin

Panuto: Pumili ng isa sa mga gawaing nasa ibaba upang maipahayag ang

iyong pagpapahalaga.

Landmark Concept Web Retrieval Chart


Bumuo ng concept web na
Gumuhit ng mapa ng inyong naglalarawan ng mga
pamayanan na nagpapakita ng Bumuo ng retrieval chart na
kulturang dapat magpapakita ng ambag ng
mga lugar na pinagdarausan ng
pagsamba sa Diyos. Lagyan ito pahalagahan mula noon pangkat-etnolingguwistiko sa
ng flaglets. hanggang ngayon. paghubog ng kabihasnan.

RUBRIK SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN PUNTOS
Paglalahad ng Gawain 5
Kalinawan ng datos, ebidensiya at kasanayan 10
Pagkaayon sa itinakdang layunin 5
Kabuuang Puntos 20 puntos

AP8-Qrt1-Week3- MAY-AKDA: Jenny Q. Miralles


7
ARALING PANLIPUNAN 8

TANDAAN

Heograpiyang Pantao

LAHI/PANGKAT-
WIKA- sumasalamin
ETNIKO- tumutukoy
sa pagkakakilanlan
sa pagkakakilanlan
ng kultura
ng pangkat ng tao.

RELIHIYON- batayan ng
pagkilos ng tao sa araw-
araw na buhay.

Pag- alam sa mga


Natutuhan

Natapos mo na ang mga gawain para sa araling ito. Sa bahaging ito ay punan
mo ang tsart upang malaman ang makabuluhang bagay na iyong natutunan.

WHAT WHY HOW WANT


Ang aking .Bakit Paano ko Gusto ko pang
natutuhan? mahalagang magagamit sa malaman?
matutunan? aking buhay?

Panghuling Pagsusulit

A. Panuto: Isulat ang FACT kung ang pahayag ay tama at BLUFF naman
kung ang pahayag ay mali.

1. Ang mga Mongoloid ay lahing may singkit na mata at madilaw na


kulay.
2. Ang wika ang pinakamatibay na pagkakakilanlan ng kultura ng isang
pangkat ng tao.
3. Itinuturing na Negroid ang mga lahing may maiitim na kulay.
4. Ang pagkakaiba ng kultura ng pangkat-etniko ay bunga ng
magkakaibang kapaligiran.
5. Saklaw ng heograpiyang
AP8-Qrt1-Week3- pantao Jenny
MAY-AKDA: ang pag-aaral
Q. Miralles ng wika, relihiyon, lahi
at pangkat-etniko sa daigdig.
8
ARALING PANLIPUNAN 8

Panuto B: Piliin ang mga titik ng tamang sagot upang mabuo ang mga
konsepto.
6. Pundasyon ng pilosopiya tulad ng Confucianism at Taoism.
A. Indo-European B. Niger-Congo C. Sino-Tibetan D. Non-
Religious
7. Lahi ng mga itim
A. Negroid B. Mongoloid C. Caucasoid D.
Austronesian
8. Pinakamatandang relihiyon sa daigdig
A. Kristiyanismo B. HInduismo C. Confucianismo D.
Islam

9. Naging batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na


pamumuhay.
A. Wika B. Relihiyon C. Kultura D.
Lahi
10. Kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga
tao tungkol sa kanilang makapangyarihang nilalang ng Diyos.
A. Wika B. Relihiyon C. Kultura D.
Lahi

PAGNINILAY

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.

1. Paano isinagawa ang pagpapangkat ng mga tao sa daigdig? Para sa iyo,


dapat bang maging batayan ang mga tinukoy mong pagpapangkat?
Bakit? (Communication)

2. Gumawa ng Landmark ng mga simbahan sa inyong lugar gamit ang


iginuhit mong mapa. Ipaliwanag kung paano nakatutulong ang
simbahang ito sa pagbubuklod ng mga tao sa komunidad at
pagpapanatili ng kulturang Pilipino. (Creativity)

3. IKaw ba ay nakapunta na sa iba’t ibang probinsya o mismong dito sa


ating lumang Caloocan City Hall ano ang kadalasang ayos ng simbahan,
munisipyo, tangulan o lugar ng pwersa military, plaza at hanay ng
kabahayan. Nais kong iguhit mo ito gamit ang simbolo o land mark
lamang ng bawat isa at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

a. Ano ang mapapansin mo sa mga istruktura at kinalalagyan ng


bawat isa.
b. Bakit sa palagay mo ganyan ang karaniwang pagkakaayos ng mga
istuktura.
c. Paano ka makatutulong upang mapagyaman ang wikang
ginagamit natin? (Critical thinking)

AP8-Qrt1-Week3- MAY-AKDA: Jenny Q. Miralles


9
ARALING PANLIPUNAN 8

4. Paano mo hihikayatin ang mga kabataang tulad mo sa pakikisa na


mapagyaman ang wikang Filipino? Anong istratehiya ang gagawin mo
para maging produktibo ito? (Collaboration)

5. Ipaliwanag kung paano nakatulong ang turo ng simbahang katoliko sa


paghubog ng pagkatao ng mga Filipino sa panahon ng mga Kastila at sa
kasalukuyang panahon. Magbigay ng 3 turo ng simbahan na
nakaimpluwensya sa iyong pagkatao. (Character)

Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagtugon sa mga gawain sa modyul.


Hanggang sa muli.

AP8-Qrt1-Week3- MAY-AKDA: Jenny Q. Miralles

You might also like