You are on page 1of 6

ARALING PANLIPUNAN 3

IKATLONG MARKAHAN
WEEK 1

I. LAYUNIN:

 Nailalarawan ang kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon


 Natutukoy ang mga materyal at di-material na kultura.

II. PAKSANG-ARALIN
PAKSA: Kultura ng mga Lalawigan sa kinabibilangang Rehiyon
SANGGUNIAN: Most Essential Learning Competencies (MELC)
Worksheets sa Araling Panlipunan 3
KAGAMITAN: Laptop, Internet Connection

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagkuha ng Liban

B. Panlinang na Gawain
1. Balik-Aral
Tukuyin kung ang mga salita ay isang uri ng kultura. Lagyan ng tsek ( / ) kung uri ng kultura at
ekis ( X ) naman kung hindi.
_____ 1. Pasko
_____ 2. kalikasan
_____ 3. sining
_____ 4. dagat
_____ 5. pagmamano

2. Paglalahad / Pagmomodelo

 Ano ba ang ibig sabihin ng Kultura?


 Ang kultura ay ang kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng
komunidad o lipunan at ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar.
 Ito ay tumatalakay sa mga kasangkapan, kasuotan, pagkain, edukasyon, kaugalian,
pamahalaan, paniniwala, relihiyon o pananampalataya, sining o agham at wika ng bawat
tao sa isang lugar.
 May dalawang uri ng kultura, ito ay ang materyal at di-materyal na kultura.
 Ang Materyal na Kultura ay tumutukoy sa tradisyonal, nililikha at ginagamit ng bawat
etnikong grupo. Ito ay kongkreto o nahahawakan tulad ng mga sumusunod:
 Mga Di-Materyal na Kultura ay tumutukoy sa mga bagay na di-nakikita at di -
nahahawakan tulad ng mga sumusunod:
3. Ginabayang Gawain
Gawain 1
Basahin ang bawat tanong at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kwaderno.
1. Ito ay ang mga pananalitang ginagamit ng mga tao sa pakikipag usap.
A. Wika
B. Paniniwala
C. Sining o Agham
D. Pananampalataya o relihiyon

2. Pagsimba o pagsamba sa ating panginoon.


A. Wika
B. Paniniwala
C. Sining o Agham
D. Pananampalataya o relihiyon

3. Pagmamano sa mga nakatatanda.


A. Wika
B. kaugalian
C. Sining o Agham
D. Pananampalataya o relihiyon
4. «Planting Rice» na ipininta ni Fernando Amorsolo.
A. Wika
B. tradisyon
C. Sining o Agham
D. Pananampalataya o relihiyon

5. Lechon, suman, balot, kakanin at iba pa.


A. Pagkain
B. tradisyon
C. Sining o Agham
D. Pananampalataya o relihiyon

4. Paglalahat

 Ang kultura ay ang kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng
komunidad o lipunan at ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar.
 Ito ay tumatalakay sa mga kasangkapan, kasuotan, pagkain, edukasyon, kaugalian,
pamahalaan, paniniwala, relihiyon o pananampalataya, sining o agham at wika ng bawat
tao sa isang lugar.
 May dalawang uri ng kultura, ito ay ang materyal at di-materyal na kultura.
 Ang Materyal na Kultura ay tumutukoy sa tradisyonal, nililikha at ginagamit ng bawat
etnikong grupo. Ito ay kongkreto o nahahawakan.
 Mga Di-Materyal na Kultura ay tumutukoy sa mga bagay na di-nakikita at di –
nahahawakan.

5. Pag-alam sa Natutuhan

• Para sa iyo ano ang ibig sabihin ng kultura? Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

5. Pagtataya
Isulat ang M kung materyal na kultura at DM kung di-materyal na kultura. Isulat ang sagot sa
patlang.
_____1. Pasko
_____2. Baro’t Saya
_____3. Pananampalataya
_____4. Pagkain
_____5. Salita
LEARNER’S ACTIVITY SHEET
Pangalan:___________________________________ Baitang at Pangkat:_________________________
Guro:______________________________________ Petsa:_____________ Marka: _______________

I. Panuto: Tukuyin kung ang mga salita ay isang uri ng kultura. Lagyan ng tsek ( / ) kung uri ng kultura
at ekis ( X ) naman kung hindi.
_____ 1. Pasko
_____ 2. kalikasan
_____ 3. sining
_____ 4. dagat
_____ 5. Pagmamano

II. Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kwaderno.
1. Ito ay ang mga pananalitang ginagamit ng mga tao sa pakikipag usap.
E. Wika
F. Paniniwala
G. Sining o Agham
H. Pananampalataya o relihiyon

2. Pagsimba o pagsamba sa ating panginoon.


E. Wika
F. Paniniwala
G. Sining o Agham
H. Pananampalataya o relihiyon

3. Pagmamano sa mga nakatatanda.


E. Wika
F. kaugalian
G. Sining o Agham
H. Pananampalataya o relihiyon

4. «Planting Rice» na ipininta ni Fernando Amorsolo.


E. Wika
F. tradisyon
G. Sining o Agham
H. Pananampalataya o relihiyon

5. Lechon, suman, balot, kakanin at iba pa.


E. Pagkain
F. tradisyon
G. Sining o Agham
H. Pananampalataya o relihiyon
III. Panuto: Basahin ang tanong at isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Para sa iyo ano ang ibig sabihin ng kultura?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

IV. Panuto: Isulat ang M kung materyal na kultura at DM kung di-materyal na kultura. Isulat ang sagot
sa patlang.
_____1. Pasko
_____2. Baro’t Saya
_____3. Pananampalataya
_____4. Pagkain
_____5. Salita

You might also like