You are on page 1of 46

ARALING PANLIPUNAN

3
IKATLONG MARKAHAN
UNANG LINGGO
Naibibigay ang kahulugan
ng kultura at mga kaugnay
na konsepto
AP3PKR –IIIa-1
Paano
nagkakapareho o
Paano namumuhay
nagkakaiba ang
ang mga tao sa
pamumuhay sa ibang
inyong lugar?
lalawigan sa rehiyon
sa kasalukuyan?
Ano-ano
Ano-ano naman
Ano-ano ang
ang ang
tawag sa
iba’t-ibang
kasuotan
kasuotan ngating
ng
kasangkapan ating mga
mga
ng ating
lalaking
babaeng ninuno?
ninuno?
mga ninuno?
Bakit umaasa sa kalikasan ang
ating mga ninuno noon?
Saan nanggagaling ang mga
pagkain ng ating mga ninuno?
Ibigay ang iba’t ibang uri
Ano
Ano ang
ang di-materyal
kahulugan
ang materyal
ng materyal na
ng
na kulturana
at
kultura?
kultura?
di-materyal na kultura
kultura?
Ang kultura ay uri at paraan ng
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
Ito ay nahahati sa dalawang uri:
• materyal na kultura
• di-materyal na kultura
MATERYAL NA KULTURA
1. Kasangkapan
2. Kasuotan
3. Pagkain
4. Tahanan
DI-MATERYAL NA KULTURA
5. Edukasyon
6. Kaugalian
7. Pamahalaan
8. Pamahiin
9. Paniniwala at Relihiyon
10. Sining at Agham
11. Wika
Materyal na Kultura
-tumutukoy sa mga bagay
na nakikita at
nahahawakan.
1. Kasangkapan
Noong bago dumating ang banyagang
mananakop, walang kasangkapan ang
ating mga ninuno.
Lumipas ang panahon, natuto silang
gumawa ng iba’t ibang uri ng
kagamitan para sa pang araw-araw
nilang pamumuhay.
Natuklasan ito sa mga yungib na
ginawa nilang tirahan at mga
kagamitang inilalagay sa mga banga.
Narito ang ilang larawang ginawa ng
ating mga ninuno.
Inukit, hinasa, pinakinis at nililok
nila ang mga ito ayon sa kagamitang
nais nilang mabuo.
Patunay na isang katangian ito ng pagiging malikhain.
Sa kasalukuyan, nakikita ang ating kultura
sa mga disenyo ng ating kasangkapan iba’t
iba man ang uri ng materyal nito.
2. Kasuotan
Katangi-tangi rin ang pananamit ng
ating mga ninuno noon.
Nagkakaiba-iba sila ayon sa kanilang
pinagmulan at pag-aangkop sa klima
ng kapaligiran.
Kangan- Damit pang-itaas na walang kwelyo
at manggas
Bahag- Kapirasong tela na ginagamit
pang ibaba.
Putong- kapirasong tela na iniikot sa ulo.
Baro – pang itaas na may
mahabang manggas na
parang jaket

Saya- kapirasong tela


o tapis na iniikot sa
baywang. Patadyong
naman ang tawag ng
mga Bisaya rito.
Nakayapak o
walang sapin sa
paa ang ating mga
ninuno.
Sari-saring alahas din ang suot ng
ating mga ninuno gaya ng singsing,
kuwintas, hikaw, at pulseras.
Hindi lamang ang mga leeg, kamay
at tainga ang kanilang nilalagyan ng
alahas.
Sinasabitan pa nila ang kanilang mga
binti, braso at pagitan ng mga
ngipin.
Yari pa ito sa ginto at mamahaling
bato na kanilang namimina.
Sa kasalukuyan, karaniwan na ang
modernong kasuotan sa lahat ng
Pilipino anuman ang antas sa buhay.
Ngunit sa mga espesyal o pormal na
okasyon, nakikita ang pagkamalikhain ng
mga Pilipino sa paggamit ng mga
karaniwang materyales na nakikita sa
kanilang kapaligiran kagaya ng pinya,
abaka at seda.
3. Pagkain
Dahil hindi pa marunong magtanim ang
ating mga ninuno noon, nanggagaling lamang
sa dagat, ilog at mga punungkahoy sa
kagubatan ang kanilang pagkain.
Sa pakikipag-ugnayan sa ibang pangkat
ng tao sa lalawigan ay natuto silang
magsaka kung kaya’t naidagdag sa
kanilang pagkain ang kanin at mga lamang
ugat.
Niluluto nila ang kanilang pagkain sa
palayok o sa bumbong ng kawayan.
Nakakamay sila kung kumain sa dahon o
sa bao ng niyog. Umiinom sila sa pinakinis
na bao o biyas ng kawayan.
Ang pamumuhay ng mga
ninunong Pilipino ay napapanatili
sa maraming kasangkapan na
ginagamit pa rin hanggang
ngayon. Ang pagluluto sa
palayok ay ginagawa pa rin sa
iba’t ibang pamamahay.
4.Tahanan
Walang naging tiyak na
tirahan ang ating mga ninuno.

Nagpalipat-lipat sila ng
tirahan kung saan sila
mapadpad.
Batay sa mga pagsasaliksik ng mga
mag-aaral/ dalubhasa sa pinagmulan
ng tao, nanirahan muna sila sa loob
ng kuweba.
Sa paglipas ng
panahon, natuto silang
gumawa ng isang
palapag na bahay na
yari sa pawid, kahoy,
kawayan, sawali at
kugon.
Ang sahig ay yari
sa kawayan at
nakaangat sa
lupa.
Ang silong ng
bahay ay imbakan
ng mga
panggatong,
kagamitan sa
pagsasaka at
kulungan ng mga
alagang hayop.
DI-MATERYAL NA KULTURA
- ay kultura na hindi
nahahawakan
1. Edukasyon – hindi nakaranas pumasok
sa paaralang pormal ang ating mga ninuno.
Natutong sumulat at bumasa ang ating mga ninuno
bunga ng kanilang karanasan at pagmamasid sa
kalikasan.
Sa tahanan ang mga babae ay tinuturuan ng mga ina ng
gawaing pantahanan tulad ng pagluluto, paglalaba at
pag-aalaga ng bata. Ang mga lalaki naman ay
tinuturuan ng kanilang ama sa mga gawaing kailangan
sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng pangangaso
at pangingisda.Ang mga kalalakihan at kababaihan ay
nagtutulungan sa pagbubungkal ng lupa,pagtatanim at
pag-aani sa mga lupang sakahan.
2. Kaugalian – maraming kaugalian ang ating
mga ninuno. Halimbawa:
1. Bago mag-asawa ang lalaki ay naninilbihan sa pamilya ng
babaing ibig niyang pakasalan. Siya ay umiigib ng tubig,
nagsisibak ng kahoy at tumutulong sa pagbubungkal ng lupa.
2. Isa ring kaugalian ang pagbibigay ng dote sa magulang ng
babae.

Ito ay pagbibigay ng mahahalagang bagay tulad ng alahas, lupa at


bahay. Ito ang gagamitin ng mag-asawa upang magsimula ng
kanilang bagong buhay.
3. Kapag naman may namatay, nagpapapatay sila ng mga hayop
upang ipakain sa mga naglalamay.Habang isinasagawa ang
paglalamay may mga taong taga iyak na siyang nagsasalaysay ng
mga kabutihang nagawa ng namatay.
3.Pamahalaan – Noon pa man ay may
kaalaman na sa pamamahala ang ating mga
ninuno. Balangay ang tawag sa kanilang
pamayanan. Binubuo ito ng 30-100 pamilya.
Tatlo ang kanilang pinuno. Isa na dito ang datu
na tinutulungan ng pangkat ng mga matatanda
na tinatawag na Maginoo. Sila ay ang
nagbibigay payo sa datu. Ang Datu ang
nagpapatupad ng mga itinakdang batas.
4. Paniniwala at Relihiyon
Bathala ang tawag sa itinuturing na Panginoon ng ating
mga ninuno. Itinuturing nila itong pinaka
makapangyarihan sa lahat. Naniniwala silang may lugar
na pinupuntahan ang mga kaluluwa. Naniniwala sila sa
kapangyarihan ng iba’t ibang ispiritwal na tagabantay
tulad ng Diyos, diwata at anito. Naniniwala sila na ang
mga ito ay nasa kalikasaan kaya’t sinasamba ,
pinahahalagahan at pinapangalagaan nila ang mga ito.
Dinadasalan at inaalayan pa nila ang mga ito ng
pagkain.
5. Sining at Agham

Makikita ang mga nakaukit at nakalilok


sa bubong at ibang bahagi ng bahay ng
ating mga ninuno. Iba-iba rin ang disenyo
at hugis ng kanilang mga kagamitan gaya
ng lampara, baul at iba pa. Ang
pagkahilig nila sa sining ay ipinapakita
rin sa mga tattoo nila sa katawan.
7. PAMAHIIN
Karamihan sa atin ay naniniwala sa mga pamahiin o
superstitious beliefs. Halos lahat ng mga okasyon sa ating
buhay ay may mga pamahiin na pinaniniwalaan ng mga
nakatatanda. May mga taong nagsasabing wala naman
tayong napapala sa pagsunod nito sa kadahilanang ito ay
hindi nakabatay sa katuwiran o kaalaman tulad ng
baligtarin ang kasuotan kapag naliligaw sa kagubatan
dahil maari raw pinaglalaruan ng mga engkanto,iwasan
ang pagputol sa mga punong pinaniniwalaang tinitirhan
ng mga engkanto dahil babalikan ka nito. Kailangang
ipatawas ang mga taong pinahihirapan ng sakit na hindi
alam kung ano ang sanhi dahil nausog o kinulam lamang
ito at iba pang paniniwala.
_____1. Tumutukoy sa
Isulat ang sagot na kahulugan at paraan
_____2. Uri ng kultura
tinutukoy ng bawat ng pamumuhay ng mga na nakikita at
isinasagawa ng mga tao.
pangungusap. mamamayan sa isang
lugar. Kinabibilangan ito ng
kasuotan, kasangkapan,
pagkain at tirahan.

_____3. Lugar kung _____4. Nagsilbing


saan natuklasan ang unang tahanan ng _____5. Magbigay ng
ilang kasangkapan na ating mga ninuno. isang uri ng materyal
ginamit ng ating mga na kultura.
ninuno.
2. Materyal
Sagot: 1. Kultura na Kultura

4.Kuweba 5. Kasuotan,
3. Yungib kasangkapan,
tahanan, pagkain
Sa papaanong paraan ninyo
maipapakita ang
pagpapahalaga sa ating
sariling kultura?
Pagbasa ng
Aklat sa pahina
296-309
Pagbasa at sagutan
ang Gawain A at
Gawain B sa pahina
306-308 ng aklat
Sagot sa Gawain A:
1. b 6. k
2. c 7. f
3. a 8. d
4. j 9. e
5. g 10. i
Sagot sa Gawain B:
1. DM 6. DM
2. M 7. M
3. M 8. M
4. DM 9. DM
5. DM 10. DM
Maraming
Salamat po!

You might also like