You are on page 1of 11

PREPARED BY: T.

MARX 1
Mga Negosyo at
Kalakalan
Sa mga Lalawigan

Bakit mahalaga ang ugnayan pangkalakalan ng mga lalawigan sa aking rehiyon sa iba pang mga
rehiyon?
PREPARED BY: T.MARX 2
TUKLASIN
Iguhit sa kahon sa ibaba ang inyong ideya ng ginagawa ng isang tao sa mga sumusunod.

NEGOSYO KALAKALAN

PREPARED BY: T.MARX 3


BASAHIN

Ang mga naninirahan sa isang lalawigan ay


umaasa sa iba't ibang industriya para sa pang-
araw-araw nilang gawain. Ang
pinakakaraniwang industriya sa bawat
lalawigan ay ang negosyo. Makikita ito hindi
lamang sa mga lungsod kundi saan mang sulok
ng lalawigan. Kaakibat ng negosyo ang
kalakalan. Ang kalakalan ang isa sa
pinakamatandang paraan ng paghahanapbuhay
ng tao. Ang pakikipagpalitan ng produkto ng
ating mga ninuno sa mga dayuhang
mangangalakal ay isang halimbawa ng
kalakalan.

PREPARED BY: T.MARX 4


Mga Negosyo sa mga Lalawigan
Ang negosyo ay isa ring industriya. Tinatawag na
mangangalakal o negosyante ang mga taong
nagsasagawa nito. Sila ay bumibili at nagtitinda ng
mga produkto upang kumita.

Prepared by: T. Marx 5


MGA URI NG NEGOSYO
Iba-iba ang uri ng negosyo ayon sa laki ng puhunan, dami ng mga
manggagawa, at bilang ng mga sangay nito. May maliliit, katamtaman, at
malalaking negosyo sa mga lalawigan.
Maliliit na Negosyo
Ang maliliit na negosyo ay maaaring micro-business
o small enterprise. Tinatawag na micro-business ang
isang maliit na negosyo na nagkakahalaga ng P3 M
(milyon) pababa at may isa hanggang limang
empleyado. Kadalasang pagmamayari ito ng isang tao o
isang pamilya. Isang halimbawa ng micro-business ay
ang sari-sari store. Ito ay may iba't ibang paninda at
kadalasang nakadikit o bahagi ng bahay ng may-ari na
siya ring tumatayong tindera o tindero.

PREPARED BY: T.MARX 6


Isa pang halimbawa ang karinderya o turo-
turo na nagtitinda ng mga lutong pagkain.
Nakikita ang maliliit na kainang ito sa mga
terminal ng sasakyan o sa mga lugar na madalas
daanan ng tao. Ilan pang micro-business ang
Internet cafe, barberya o parlor, panaderya,
laundry shop, car wash, at repair shop.
Samantala, ang small enterprise ay maliit na
negosyo na nagkakahalaga ng hanggang P 15 M
at may 10—99 na empleyado. Halimbawa nito
ang mga restawran, sanglaan, travel agency, at
money changer.

PREPARED BY: T.MARX 7


Katamtaman at Malalaking Negosyo
Ang negosyo na nagkakahalaga ng mahigit sa P15 M hanggang P 100 M at may 100—199
na mga empleyado ay isang katamtamang negosyo. Kapag lumampas na sa halaga at bilang na
ito, maituturing nang malaki ang negosyo na kadalasan ay may dalawa o higit pang sangay sa
ibang lalawigan.

PREPARED BY: T.MARX 8


Isa sa kilalang malaking negosyo ay ang
mga mall. Isa itong malaking pamilihan na may
iba't ibang uri ng tindahan at kainan. Makikita
rito ang mga bilihan ng damit o sapatos, mga
sinehan, at mga opisina. Maaaring mayroon din
ditong sangay ng bangko, na isa ring malaking
negosyo.
Isa pang malaking negosyo na daan-daan
ang sangay ay ang fastfood chain. Isang uri ito
ng kainan na may mabilis na serbisyo, kompara
sa mga restawran. Ang mga katamtaman at
malalaking negosyo ay nakapagbibigay ng
trabaho sa maraming tao. Ilan pang halimbawa
ang mga botika, water-refilling station, at
gasolinahan.

PREPARED BY: T.MARX 9


MGA NEGOSYO SA HALIMBAWANG
REHIYON
Ang CALABARZON ay isang rehiyon na Ang negosyo na madalas makita sa maraming lungsod at
pinakamalapit sa NCR, ang sentro ng kalakalan bayan ng mga lalawigan ay ang iba't ibang shopping
ng bansa. Dahil dito, maraming iba't ibang mall. Nasa 25 ang bilang ng mga ito sa buong rehiyon.
malałaki, katamtaman, at maliliit na negosyo Dahil sa dinadagsa ng mga tao ang mga mall,
ang itinayo sa rehiyon. matatagpuan din dito ang maliliit, katamtaman, at
malalaking negosyo tulad ng mga tindahan, parlor,
restawran, grocery, bangko, fastfood, botika, at marami
pang iba. Makikita rin ang mga negosyong tulad nito at
mga gasolinahan sa paligid ng mga lungsod at bayan.

Sa rnga lugar naman na malayo sa lungsod, makikita ang


maliliit na negosyo tulad ng karinderya, sari-sari store,
palengke, barberya, repair shop, at marami pang iba- Ito
ang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga taong
naninirahan malayo sa sentro. Ang mga ito rin ang
karaniwang takbuhan ng mga tao dahil sa mas mababa
ang presyo ng mga bilihin o scrbisyo.

PREPARED BY: T.MARX 10


SAGUTIN
Snguiin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang mga uri ng negosyo?

2. Anong maliliit, katamtaman, at malalaking negosyo ang


makikita sa iyong lalawigan?

3. Bakit mahalagang magkaroon ng negosyo sa iyong


lalawigan at sa iba pang mga lalawigan?

PREPARED BY: T.MARX 11

You might also like