You are on page 1of 2

Kalugod-lugod ang Pagsunod

Ang mabuting kaugalian ng mga


Pilipino tulad ng pagsunod sa tagubilin o
paalala ng mga nakatatanda ay hindi
dapat kalimutan.Atin itong isabuhay at
pahalagahan.
Isa sa maipagmamalaki natin bilang
Pilipino ay ang pagiging
masunurin.Iminulat tayo sa kaisipang
dapat nating sundin ang mga tagubilin o
paalala ng mga nakakatanda sa atin
sapagkat sila ay may higit ma karanasan
sa atin na nagsisilbing karagdagan sa
kanilang kaalaman. Ang mga
pangyayarig nararanasan natin ay
maaaring napagdaanan na nila kung
kaya’t mayroon na silang sapat na
kaalaman sa kung ano ang higit na
tamang desisyon.Ang pagsunod natin sa
kanila ay tanda ng paggalang sa
nakakatanda.
Subalit may mga pagkakataong labag sa
atin ang pagsunod o ayaw nating sundin
ang kanilang utos. Ngunit hindi tayo
dapat magdabog sa halip sabihin natin
ang tamang dahilan nang maayos.
Dapat nating matutuhang timbangin ang
mga tagubiling ibinibigay sa atin. Lagi
nating isaisip na ang magiging desisyon
natin ay dapat palaging magdudulot ng
kabutihan sa lahat.

You might also like