You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA MAPEH 3 (HEALTH)

Baitang at Pangkat: Ikatlo – Burgundy Markahan: Ikalawa


Asignatura: MAPEH 3 (Health) Araw: Miyerkules
Guro: Gng. Marie Kris F. Bustamante Petsa: Enero 18, 2023

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Nagpapakita ng pag-unawa sa kalikasan at pag-iwas sa sakit

B. Pamantayan sa Pagganap
Patuloy na nagsasagawa ng malusog na gawi upang maiwasan at makontrol ang
mga sakit

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang pangangalaga sa sarili
2. Naisasagawa ang pangangalaga sa sarili pang-araw-araw na buhay upang
makaiwas sa mga sakit at karamdaman
3. Napahahalagahan ang pangangalaga sa sarili sa pang-araw-araw na buhay

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: “Pangangalaga sa Sarili”
B. Sanggunian: K to 12 MAPEH Multilingual Education 3, Most essential
Learning Competencies (MELC) (MT3SS-llla-c-5.2)
C. Mga Kagamitan: powerpoint presentation, show me board, mga larawang
kinuha sa google, aklat, module
D. Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao, Edukasyon sa Pampalakasan, Musika
E. Pagpapahalaga: Napahahalagahan ang Sariling Pangangatawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagtatala ng bilang ng mga mag-aaral
2. Pagbibigay ng mga Pamantayan sa Klase
3. Pagsasanay
Basahin ang mga salita.

Sipon Ubo Bulutong Beke

SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL


Heavenly Drive, Brgy. San Agustin, Quezon City, Metro Manila
Email Address: 136538@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL

4. Balik – Aral
Ang apat na mag-aaral ay bubunot ng tig-iisang strip na may nakasulat. Ito ay
ipapahula sa pamamagitan ng larong “charade”. Ang mga sagot ng mga mag-
aaral ay isusulat sa kanilang “drill board”.

 Paglilinis sa Katawan
 Paglilinis ng Kapaligiran
 Malusog na Pamumuhay
 Pagbabakuna

Sabihin: “Ang wastong kalinisan ay dapat gawin araw-araw upang makasiwas sa


sakit. Gayundin, ang malinis na komunidad ay nagpapakita ng pagiging malusog
na pamilya.”

5. Pagganyak
Awitin ang kantang “Pangangalaga sa Katawan” sa tono ng “London Bridge”.
Inawit ni Aiko Maty C. Arao at isinulat ni Engjinliane N. Arao.
https://www.youtube.com/watch?v=ivEy6d55jtE

B. Panlinang na Gawain
1. Tukoy-alam
Pahahawan ng mga balakid na salita.
Ayusin ang “jumbled letters”.
SAGOT
 irvus virus

 kitsa sakit

 teryabak bakterya

Kahulugan ng mga salita


virus - Ito ay ay isang ahenteng nakahahawa na nagpaparami lamang sa loob
ng mga buhay na sihay ng isang organismo
sakit - Ito ay karamdaman na may anumang kalagayan na hindi pangkara-
niwan sa katawan o isipan ng tao.
bakterya - Ito ay na tinatawag ding mikrobyo, ay mga mikroskopiko na
organismo na hindi nakikita ng mata

SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL


Heavenly Drive, Brgy. San Agustin, Quezon City, Metro Manila
Email Address: 136538@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL

2. Paglalahad
Basahin ang mga nasa “speech balloon”.

Mga tanong:
 Palagi mo bang naririnig sa iyong mga magulang ang mga salitang ito?
 Ano ang iyong nararamdaman kung ito ay iyong naririnig?
 Paano mo isinasagawa ang mga gawaing ito?
 Mahalaga ba itong gawin? Bakit?
 Sa inyong palagay, dapat bang pangangalaga sa iyong sarili? Bakit?

3. Pagtalakay
Talakayin kung ilan ang mga mag-aaral ang pangangalaga sa sarili na
binanggit sa speech balloon.

Mga tanong:
 Tungkol saan ang sinasabi sa speech balloon?
 Ano-ano ang mga pangangalaga sa sarili ang mga nabanggit?
 Ano3-ano pa ng mga gawi sa pagiging malinis sa sarili? Magbigay ng
halimbawa.
 Mahalaga ba itong gawin sa pang-araw-araw? Bakit?

Sabihin:
Ang pangangalaga sa sarili ay dapat mong ugaliin at maging parte ng
iyong pang-araw-araw na gawain. Gawin ang:

Maligo araw-araw Magsuot ng malinis na damit

SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL


Heavenly Drive, Brgy. San Agustin, Quezon City, Metro Manila
Email Address: 136538@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL

Magsuklay ng buhok Maggupit ng kuko

Magsepilyo ng ngipin Maghugas ng kamay

Matulog ng sapat Wastong Nutrisyon

Sabihin:
Ang personal na pangangalaga sa sarili ay nakatutulong upang
maiwasan ang mga bakterya o virus at sakit. Ito rin ay nakatutulong upang
maging mabuti ka sa iyong pangangatawan na kung saan ay mahalaga sa
iyong kalusugang pangkaisipan.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Ibigay ang ‘Pamantayan sa Pangkatang Gawain.’ Hatiin sa apat na pangkat ang
klase at gabayan a ng mga mag-aaral sa kanilang gawain.
Pamantayan sa Pangkatang Gawain
❖ Bigyan ng limang minuto ang mga mag-aaral upang gawin ang kanilang
gawain sa kanilang pwesto.
❖ Paalalahanan ang mga mag-aaral na pakinggan ang sagot ng bawat isa.
❖ Ang lahat ng miyembro ng pangkat ay nararapat na maikiisa sa gawain.
❖ Hayaan ang mga mag-aaral na gawain ang nakatakdang gawain.

Unang Pangkat
Pagtapatin ang larawan sa HANAY B sa tinutukoy na pangangalaga sa sarli sa
HANAY A.

HANAY A HANAY B

1. Madalas na pag-eehersisyo a.

SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL


Heavenly Drive, Brgy. San Agustin, Quezon City, Metro Manila
Email Address: 136538@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL

2. Malinis at maayos sa sarili b.

3. Pagbisita sa doktor c.

4. Pagpapabakuna sa pag-iwas sa virus d.

5. Kumain ng masustansiyang pagkain e.

Ikalawang Pangkat
Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung ang pahayag ay nagpa-
pakita ng pangangalaga sa sarili at malungkot na mukha kung hindi.

_____ 1. Naghuhugas ng katawan si Noel bago matulog.


_____ 2. Ginugupit ni Adrian ang kaniyang kuko sa pamamagitan ng kanyang ngipin.
_____ 3. Si Mina Ay nagsesepilyo ng ngipin palagi pagkatapos kumain.
_____ 4. Si Ana ay naliligo tuwing makalawang araw lamang.
_____ 5. Nagsusuklay palagi ng buhok sang magkakapatid.

Ikatlong Pangkat
Magbigay ng pangangalaga sa sarili sa pamamagitan ng mga letra sa salitang
SARILI.
S - Sapat na tulog
A - Ayusin ang buhok
R - Repolyo ay masustansiyang kainin
I - Igalaw-galaw ang katawan
L - Laging maghugas ng kamay
I - Ingatan ang mga ngipin

Ikaapat na Pangkat
Gamitin ang mga salita sa ibaba ng larawan upang mabuo ang kuwento
tungkol sa mga gawaing pangkalusugan.
Sina Lito at Shiela ay laging tumutulong sa (1) _____________ ng bahay.
Sinisiguro nilang malinis ang bawat sulok ng kanilang bahay. Pinanatili nilang
malinis ang kanilang katawan. Bago kumain, si Shiela ay (2) _______________.
Si Shiela ay mahilig kumain ng (3) ____________ ganoon din si Lito.
Upang mapanatiling malusog ang kanilang katawan sila ay (4) __________. Lagi
rin siláng kumokonsulta sa (5) ________. Sila ay masasaya at malulusog na bata.

SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL


Heavenly Drive, Brgy. San Agustin, Quezon City, Metro Manila
Email Address: 136538@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL

paglilinis gulay health center nag-eehersisyo naghuhugas


ng kamay

RUBRIC ON ASSESING THE PERFORMANCE OF GROUP ACTIVITY


CRITERIA BEGINNER (1) ACCEPTABLE (2) PROFICIENT (3)

Members do not Members occasionally Members always demonstrate


Process Skills demonstrate targeted demonstrate targeted targeted process skills
process skills. process skills
Time Management Members do not finish on Members finish on time Members finish ahead of time with
time with incomplete data. with incomplete data. complete data.
Members do not know Members have defined Members are on tasks and have
Cooperation and their tasks and have no responsibilities most of the defined responsibilities at all times.
Teamwork defined responsibilities. time. Group conflict had Group conflicts had
Group conflicts have cooperatively managed cooperatively managed at all
settled by their teacher. most of the time. times.
Clean and orderly Clean and orderly workplace at
Neatness and Messy workplace during workplace with occasional all times during and after the
Orderliness and after activity. mess during and after the activity.
activity.

2. Pag-uulat ng Pangkatang Gawain

3. Paglalahat
 Ano ang pangangalaga sa sarili?

Ang pangangalaga sa sarili ay mga gawi na dapat mong ugaliin


at maging parte ng iyong pang-araw-araw na gawain.

 Ano-ano ang mga gawain sa pangangalaga sa sarili?


Ang mga gawain sa pangangalaga sa sarili ay pagligo araw-araw, magsuot
ng malinis na damit, magsuklay mng buhok, maggupit ng kuko, magsepilyo ng
mngipin, maghugas ng kamay, matulog ng sapat at kumain ng may wastong
nutrisyon.

 Bakit mahalaga ang pangangalaga sa sarili?

Ang pangangalaga sa sarili ay mahalaga upang maiwasan ang


mga bakterya o virus at sakit.

IV. Pagtataya
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. lsulat sa patlang ang T kung tama at M
kung ito ay mali.

____ 1. Ang pangangalaga sa sarili ay dapat ugaliin at maging parte ng iyong pang-
araw-araw na gawain.

SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL


Heavenly Drive, Brgy. San Agustin, Quezon City, Metro Manila
Email Address: 136538@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL

____ 2. Ang madalas na paghuhugas ng kamay ay nakakaiwas sa mga sakit.


____ 3. Ang pagtulog ng sapat ay nakakatulong sa ating pangangatawan.
____ 4. Iwasan ang pagligo kung malamig ang panahon.
____ 5. Si Ana ay pinapanatili ang pagiging malinis sa araw-araw.

V. Karagdagang Gawain
A. Pagpapayaman (4-5)
Sumulat ng limang (5) gawain kung paano mo pinangangalagaan ang iyong sarili
sa araw-araw.
1. _____________________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________________
5. _____________________________________________________________________________
B. Palalakasin (2-3)
Gumuhit sa kahon ng tatlong (3) bagay na nakakatulong sa pangangalaga sa sarili.
Lagyan ito ng kulay.

1. 2. 3.

C. Panlunas (0-1)
Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang larawan ang nagpapakita ng
pangangalaga sa sarili at ekis (x) kung hindi.

___1. ____2. ____3. ____4. ___5.

VI. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80
bahagdan pataas sa pagtataya (____ mag-aaral) _____%
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan pa ng
ibang Gawain ( ___ mag-aaral) _____%
C. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawainsa remediation ( ___mag-aaral) _____%
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy
remediation ( ___ mag-aaral) _____%
Kabuuan (Attendance = ______) _____%

SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL


Heavenly Drive, Brgy. San Agustin, Quezon City, Metro Manila
Email Address: 136538@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL

REMARKS: _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
COMMENTS: _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Inihanda ni:

MARIE KRIS C. FULGAR


Teacher III

Iniwasto nina:

ELMA R. NUNAG, PhD RELLY L. BABARAN, EdD


Master Teacher II, Dalubguro sa MAPEH Master Teacher II, Dalubguro sa MAPEH

Inobserbahan nina:

DONATO D. SOBREVILLA JR. OFELIA P. DATU, PhD ZENAIDA M. VILLAFUERTE


Master Teacher II Master Teacher II Master Teacher I

Sinang-ayunan ni:

ZENAIDA A MALLILLIN, PhD


Principal IV

Pinagtibay ni:

RENATO M. RIMANDO, PhD


Public Schools District Supervisor

SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL


Heavenly Drive, Brgy. San Agustin, Quezon City, Metro Manila
Email Address: 136538@deped.gov.ph

You might also like