You are on page 1of 16

MAPEH 2

MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH


Health 2 – Ikalawang Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Tatlong Pangunahing Pangkat ng Pagkain
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jonah Ruth C. Inocencio


Editors:
Tagasuri:
• Nilalaman: Junilda S. Eslera/Rubelyn G. Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
Dela Cruz/Chona H. Vergara/ Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Rolan L. Toche Mathematics, ABM
• Wika: Abegail C. Calimag/ Joselito E. Calios, EPS -
Melanie C. Reyes English/SPFL/GAS
• Teknikal: Emerson M. Embernate Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
Tagaguhit: Jonah Ruth C. Inocencio Filipino/GAS/Piling Larang
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz/ Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Edison P. Clet/ Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Psalm David Go/Vernette R. Ortiz MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Management Team: Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Librada L. Agon, EdD, EPS
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin EPP/TLE/TVL/TVE
OIC-Schools Division Superintendent Dulce O. Santos, PhD, EPS
Carolina T. Rivera, CESE Kindergarten/MTB-MLE
Assistant Schools Division Superintendent Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS -
Manuel A. Laguerta, EdD Special Education Program
Chief, Curriculum Implementation Division Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations
Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
MAPEH 2
MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH

Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Tatlong Pangunahing Pangkat
ng Pagkain
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Health 2 ng Modyul para sa
araling Tatlong Pangunahing Pangkat ng Pagkain!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod
Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng
Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa
pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng
butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral


ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-
lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking
and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang


pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Health 2 Modyul ukol sa Tatlong
Pangunahing Pangkat ng Pagkain!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto
ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at


mga dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong matutuhan at


naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul


na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na


dapat sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyan halaga.
PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga


kasanayang psmpagkatuto ay naiuugnay
nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-
aaral
MGA INAASAHAN

Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan


na:
• nasasabi na ang bawat bata ay may
karapatan sa wastong nutrisyon (Right of the
child to nutrition Article 24 of the United Nations
Rights of the Child);
• natutukoy ang mga pagkaing nakatutulong
upang magkaroon ng wastong nutrisyon;
• nakikilala ang tatlong pangunahing pangkat
ng pagkain.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain ang mga


pangungusap. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang masustansiyang kainin
ng isang batang tulad mo?
A. B. C. D.

hotdog itlog chips burger


2. Aling pangkat ng pagkain ang nagbibigay ng
bitamina at mineral sa ating katawan?
A. go foods C. grow foods
B. glow foods D. lahat ng nabanggit

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_1
3. Aling pagkain ang nagbibigay ng lakas?
A. kanin C. karne
B. isda D. gulay
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
karapatan sa wastong nutrisyon?
A. Si Jose ay laging pinapakain ng masustansiyang
pagkain.
B. Si Marie ay palaging kumakain ng processed
foods.
C. Si Peter ay madalang kumain ng gulay.
D. Si Ana ay mahilig kumain ng pizza at keyk.
5. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng balanseng
diyeta ng pagkain na binubuo ng tatlong
pangunahing pangkat ng pagkain?
A. go foods C. grow foods
B. glow foods D. wastong nutrisyon

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_1
BALIK-ARAL
Basahin ang tula at tuklasin ang kanilang
kalagayan.
Si Jimbo Malusog at si Berto Sakitin
Eda C. Oabel

Dalawang magkaibigan ay nagkitang minsan


Si Jimbo’y malusog at kalugod-lugod
Si Berto’y sakitin at medyo patpatin
Dahilan kung bakit ay ating tuklasin.

Kumusta kaibigan! Ang bati ni Jimbo


Tikas at tindig ko ngayon ay tingnan mo
Mga prutas at gulay ang kinakain ko
Mabuting kalusugan aking natatamo.
Mga prutas at gulay ay hindi ko gusto
Kendi at sitsirya ang tanging ibig ko
Ayaw kong maglaro baka lang humapay
Nanghihina ako at nanlulupaypay.
Lahat ng ayaw mo’y aking ginagawa,
Nag-eehersisyo na may angking tuwa
May sapat na tulog at wastong pahinga
Kaya sa gawain ay kahanga-hanga.
Tinatamad ako sa mga gawain
Lalo na at ako ay laging sakitin.
Laging inaantok dahil laging puyat
Tulungan mo ako, makamtan ang sapat.
Ako ay malusog, buto ko’y matigas
Buong katawan ko’y masigla’t malakas
Ako ay sakitin, malambot at payat
Lubos na umaasa, di pa huli ang lahat.

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_1
Isa sa mga nakatutulong upang maging malusog
si Jimbo ay ang pagkain ng prutas at gulay. Ang
kabataan ay may karapatan na magkaroon ng
wastong nutrisiyon ayon sa Artikulo 24 ng Rights of
the Child ng UN.
Ang wastong nutrisyon ay ang pagkakaroon ng
balanseng diyeta na binubuo ng tatlong
pangunahing pangkat ng pagkain.
1. Bakit malusog at kalugod-lugod si Jimbo?
2. Bakit sakitin at medyo patpatin si Berto?
3. Ano-ano sa mga gawi ni Jimbo ang iyong
ginagawa?

ARALIN

Tatlong pangunahing pangkat ng pagkain

1. Pagkaing nagbibigay lakas (go foods).


❖ Ang mga pagkaing nagbibigay lakas ay
nagtataglay ng carbohydrates at taba na
pangunahing pinagkukunan ng enerhiya.

➢ Ang carbohydrates ay ang pangunahing


pinagkukunan ng enerhiya at ang taba
ay ang nakaimbak na enerhiya ng
katawan.

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_1
❖ Ang ilang halimbawa nito ay:

https://www.maxpixel.net https://pixabay.com https://pixahive.com https://www.pngarea.com

spaghetti biskwit tinapay harina

https://www.finecooking.com https://www.kingarthurbaking https://ht.healthy-food-near-


.com me.com

donut cookies kanin


2. Pagkaing nagpapalaki ng kalamnan (grow
foods).
❖ Ang grow foods ay mayaman sa protina.
❖ Ang pangunahing tungkulin ng protina ay
ang gumawa at magsaayos ng lahat ng
kalamnan ng ating katawan.
❖ Ang ilang halimbawa nito ay:
gatas, itlog,
keso, karne ng
manok, baboy,
baka, isda at iba
pang lamang
dagat

3. Pagkaing kumokontrol sa mga proseso ng


katawan (glow foods).
❖ Ang Glow foods ay mga pagkaing sagana sa
bitamina at mineral na nagpapanatili ng

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_1
normal na gawain ng iba’t ibang bahagi ng
katawan. Katulad ng bitamina C na
nukukuha sa mga prutas na tumutulong
upang labanan ang mga sakit. Mga mineral
tulad ng Calcium na nagpapatibay ng buto
at ngipin.

❖ Ang ilang halimbawa nito ay iba’t ibang klase


ng mga gulay at prutas:

https://www.maxpixel.net https://pixabay.com

MGA PAGSASANAY

Panuto: Pagpangkatin ang sumusunod na mga


pagkain sa loob ng kahon at ilagay sa
hanay kung ito ay kabilang sa go, grow
at glow foods.
keso manok kangkong kalabasa tinapay
gatas itlog patatas ubas isda
talong kanin cookies mangga spaghetti
Go foods Grow foods Glow foods

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_1
Pagsasanay 2
Panuto: Bilugan ang mga pagkaing
makatutulong upang magkaroon ng
wastong nutrisyon.
pinya kendi shrimp

ampalaya pansit sitsirya


tinapay beef ice cream

PAGLALAHAT

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na


salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. Ang kabataan ay may karapatang
magkaroon ng ________________.
2. Ang tatlong pangunahing pangkat ng
pagkaing makatutulong sa wastong
nutrisyon ay _____, ______, _______.

go, grow, glow


wastong nutrisiyon, softdrink

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_1
PAGPAPAHALAGA

Panuto: Isulat ang Tama kung ang


sumusunod na pangungusap ay
nagpapakita ng wastong nutrisyon at
Mali naman kung hindi. Isulat ang
sagot sa patlang.

1. Si Andrei ay hinihikayat ng kanyang


magulang na kumain ng
masusustansiyang pagkain upang
magkaroon ng malusog at malakas na
pangangatawan.
2. Palaging kumakain ng prutas at gulay
si Erika kaya hindi siya madaling
dapuan ng sakit.
3. Mahilig si Kathy sa sitsirya, kendi at
tsokolate.
4. Tuwing recess bumibili si Lita ng soft
drinks at sitsirya.
5. Si Ben ay laging naglalaro ng
cellphone kaya nakalimutan na niyang
kumain ng hapunan.

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_1
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ang mga


pangungusap. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Buuin ang pangungusap: Ang wastong
ay ang pagkakaroon ng balanseng diyeta na
binubuo ng mga pagkaing galing sa tatlong
pangkat ng pagkain.
A. pagkain C. nutrisyon
B. diyeta D. pangkat

2. Alin sa mga larawan ang HINDI kabilang sa


Glow food.

A. B. C. D.
3. Alin ang kabilang sa pangkat ng pagkaing
nagbibigay ng lakas?

A. B. C. D.
4. Alin ang HINDI kabilang sa pangkat ng
grow foods?
A. Isda C. kalabasa
B. pusit D. hipon
5. Upang maging malusog, alin sa sumusunod ang
dapat gawin ni Alvin?
A. Pagkain ng balanse.
B. Palaging uminom ng matatamis na inumin.
C. Bumili ng mga pagkain sa Fast food.
D. Hindi pagkain ng gulay at prutas.

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_1
SUSI SA PAGWAWASTO
5. A
4. C
3. D
2. B
1. C
Panapos na Pagsusulit
5. Mali
4. Mali 4. Grow
3. Mali 3. Glow Shrimp
2. Mali 2. Go Tinapay, beef
1. Tama 1. Wastong nutrisyon Pinya, amapalaya

Pagpapahalaga Paglalahat Pagsasanay 2


Talong Isda Spaghetti
Mangga Itlog Coockies 5. D
Ubas Gatas Kanin 4. A
Kalabasa Manok Patatas 3. A

Kangkong Keso Tinapay 2. B


Glow foods Grow foods Go foods 1. B
Pagsasanay 1 Paunang Pagsubok 1

SANGGUNIAN
nèj, Val. “Ki Jan Yo Kwit Diri Friyabl: Règ La Senk-Dwèt.” Healthy Food
Near Me, February 28, 2021. https://ht.healthy-food-near-
me.com/how-to-cook-crumbly-rice-the-five-finger-rule/.

“Chocolate Doughnut Glaze - Recipe.” FineCooking. Accessed July 17,


2021. https://www.finecooking.com/recipe/chocolate-doughnut-
glaze.

10

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_1
Free photo Italian Tomato Sauces Noodles Pasta Spaghetti - Max Pixel.
Accessed July 17, 2021. https://www.maxpixel.net/Italian-Tomato-
Sauces-Noodles-Pasta-Spaghetti-4406130.

Hamel, PJ. “Basic Drop Cookies.” King Arthur Baking. Accessed July 17,
2021. https://www.kingarthurbaking.com/recipes/basic-drop-
cookies-recipe.

“Sliced Bread - Free Image by Simi on PixaHive.com.” PixaHive.


Accessed July 17, 2021. Www.pngarea.com. “Grain Png, Bag
Flour, Transparent Png.” Grain Png, Bag Flour, Transparent Png
(#6441928), PNG Images on PngArea. Accessed July 17, 2021.
https://www.pngarea.com/view/e9520a39_grain-png-bag-flour-
transparent-png/.

Free photo Healthy Food Fruit Free Vegetables Fruits - Max Pixel.
Accessed July 17, 2021. https://www.maxpixel.net/Healthy-Food-Fruit-
Free-Vegetables-Fruits-2198378.

Www.pngarea.com. “Grain Png, Bag Flour, Transparent Png.” Grain


Png, Bag Flour, Transparent Png (#6441928), PNG Images on
PngArea. Accessed July 17, 2021.
https://www.pngarea.com/view/e9520a39_grain-png-bag-flour-
transparent-png/.

Biscuit-crackers. https://Pixabay.com/photos/biscuit-crackers-biscuits-
healthy-973915/

Fruits and Vegetables-Healthy Fruits Food.


https://pixabay.com/illustrations/fruit-free-vegetables-healthy-2198378/

“Pork Fresh Ham (Butt) Roast, Bone-IN, Pasture Raised, NOT CURED OR
SMOKED.” Market Wagon. Accessed July 18, 2021.
https://marketwagon.com/products/fresh-pork-ham-roast4555lbs-
bonein-pasture-raised-nongmo-not-cured-or-smoked-#tabhome2.

“Ham Sausage - Meat Icon - Free Transparent PNG Clipart Images


Download. ClipartMax.com.” ClipartMax.com. Accessed July 18, 2021.
https://www.clipartmax.com/middle/m2H7d3N4b1H7A0G6_ham-
sausage-meat-icon/.

Protein Foods/Read Meat.


https://www.healthcareasia.org/wpcontent/uploads/2016/08/red-
meat.jpg

Oabel, Eda C. et. al , Music, Arts, Physical Education and Health-


Ikalawang Baitang Kagamitan ng mag-aaral, Unang Edisyon, 2013

11

SDO_Pasig_Q1_Health_2_Modyul_1

You might also like