You are on page 1of 13

3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kaugaliang Pilipino, Mahalin at
Panatilihin
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikatlong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T.Sadsad Assistant


Regional Director: Jessie L. Amin Regional
Supervisor : Sheila C. Bulawan

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : ABIGAIL B. AZUPARDO, Dap-Dap Elementary School

Editor : MA. JOY ADRA- PINAT, Principal, Buraguis Elementary School

Tagasuri : PRESYL A. BELLO, EPS – EsP, SDO Legazpi City

Tagaguhit : ABIGAIL B. AZUPARDO, Dap-Dap ES


Panimula!

Kumusta mga bata! Ako po si Gizmo.


Ngayong araw sasamahan ko kayong
matuto tungkol sa mga kaugaliang
Pilipino tulad ng pagmamano at
paggamit ng “po” at “opo”. Dapat
nating panatilihin, mahalin at
ipagmalaki ang mabubuting
kaugaliang Pilipino sa gitna ng mga
pagbabagong nangyayari sa
pamayanan at sa buong daigdig.

Layunin
 Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad
ng pagmamano at paggamit ng "po" at "opo"

Paunang Pagtataya

P A G M A M A N O N
ALAMIN NATIN :
A S G J F J R F G E
Hanapin sa loob ng kahon
ang limang salita na may G W E F A V Y G P O
kaugnayan sa mga G S F P H E F F G A
kaugaliang Pilipino at A D H Q R T G A H M
bilugan ito. (Maaaring ito L Q Z P A G B A T I
ay pahalang o pababa.) A X Y K G R H F N H
N S U L C F N G W W
G W N M V B O P O A
Pindutin ang larawanpara sa nasabing gawain.

Paglinang ng
Kaalaman
ISAGAWA NATIN: Alin sa mga sumusunod ang mga kaugaliang
Pilipino? Kulayan ng asul ang kahon sa tabi ng larawan kung
nagpapakita ng magagandang pag-uugali at pula naman kung
hindi.

Anak, baon
Inay, ayaw ko Anak, ito mo.
yan na na muna.
pinapanood mo. Paborito
Iba na lang. Salamat po
ko kasi ito.
Inay.

2.
1.
Gabi na, matulog ka na
dahil may pasok ka pa Opo itay.
bukas.

3. 4.

Pagpapalalim

Isa sa mga kaugaliang Pilipino ang dapat nating mahalin


at panatilihin tulad ng pagmamano, paggamit ng “po” at
“opo”at paggamit ng iba pang magagalang na salita.
Ang paggamit ng “po” at “opo” at paggamit ng iba
pang magagalang na salita tulad ng ate at kuya para sa
ating nakatatandang kapatid ay natural na sa ating mga
Pilipino.

Importante sa ating mga Pilipino ang pagiging magalang


sa kapwa. Iginagalang natin ang lahat ng tao anuman ang
katayuan nito sa buhay.

Iba’t – ibang paraan ng paggalang lalo na sa mga mas


matanda sa atin. Isa na rito ang pagmamano, na sa mga
Pilipino lang makikita. Dapat natin itong ipagpatuloy sa
ating buhay.

Pagsasapuso
Unang Gawain: Natutuhan sa modyul
Panuto: Kulayan ang puso ng pula kung ang kaugaliang
isinasaad ay ginagawa mo at itim naman kung hindi.
Mga Kaugalian o

1. Gumagamit ng magagalang na pananalita sa


pagtatanong.
2. Binabati ang bisitang dumarating.

3. Gumagamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap.

4. Magalang na nagpapaalam sa magulang kung


aalis ng bahay.
5. Nagmamano sa nakatatanda.
Pagproseso:
 Ilan po sa mga kaugalian ang iyong ginagawa?
 Ilan po sa mga kaugalian ang hindi mo ginagawa?
 Kung bibigyan ka po ng pagkakataon, paano mo maipapakita
ang mga kaugaliang hindi mo nagawa?

Ikalawang Gawain: Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa


ng modyul.

Tutulungan kitang maintindihan pa


lalo ang aralin. Sa panahon ng
pandemya na kinakaharap natin,
kailangan nating ipagpatuloy ang
mabubuting kaugaliang Pilipino.

Panuto: Tingnan at basahin ang pag-uusap sa isang post sa


social media tungkol sa pandemyang nararanasan natin.

Ana

Mag-ingat po tayo palagi.


Malalampasan din po natin ito.

Sam

Oo naman, kami pa ba?


Bong

Ikaw ang mag-ingat lagi.


May

Matatapos din ang


pandemyang ito.

1. Sa nabasa ninyong usapan, nagpapakita ba ito nang


magandang kaugaliang Pilipino? Bakit?

2. Sa paggamit lamang ba nang magagalang na


pananalita makikita ang magagandang kaugaliang
Pilipino?

3. Nakikita pa rin po ba ngayong panahon ang pagiging


magalang nating mga Pilipino? Kung oo, magbigay po
ng halimbawa. Kung hindi, patunayan kung bakit hindi
na nakikita ang pagiging magalang ng mga Pilipino.
Ngayon, bibigyan ka ng pagkakataon upang ayusin ang usapan
gamit ang magagalang na salita. Isulat ang iyong sagot sa loob
ng hugis.
Ana

Mag-ingat po tayo palagi.


Malalampasan din po natin ito.

Sam

Bong

May

Pagsasabuhay
ISABUHAY NATIN: Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba at
isulat ang iyong sagot sa patlang.
1.Naabutan ninyong nakaupo sa sala ang iyong lola at lolo.
Mabilis mong inabot ang mga kamay nila upang magmano
samantalang ang iyong kapatid ay dumiretso sa inyong silid.
Ano po ang sasabihin at gagawin mo?

2.Dumating sa bahay ninyo ang mga kaibigan ng nanay mo


na sina Tiya Cora, Tiya Belen at Tiya Mila. Hindi pa
dumarating ang inyong mga magulang galing sa kanilang
trabaho. Ano po ang dapat ninyong gawin?
3.Nagkaroon ng Family Reunion ang inyong pamilya.
Dumating ang mga tiyo at tiya ninyo. Ano po ang gagawin
ninyo?

4. Sinama ka ng iyong ama sa isang pistahan sa kalapit na


barangay. Marami kang gustong malaman tungkol sa
pagdiriwang na ito. Ano po ang gagawin mo at paano mo ito
sasabihin?

5.Sabado ng hapon, naglalaro kayong magkakaibigan.


Dumaan sa inyong harapan ang inyong guro. Ano po ang dapat
ninyong gawin?

Pindutin ang larawan para sa nasabing gawain

10
Pagtataya

Subukin Natin: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Nakasalubong mo sa daan ang iyong tiya habang
naglalakad ka pauwi sa inyong bahay. Ano po ang gagawin
mo?
a. Mag-iba ng daan pauwi.
b. Babatiin siya at magmamano.
c. Huwag siyang pansinin at magpatuloy sa paglalakad.
2. Dumating ang kumpare ng iyong ama sa inyong bahay at
nais niya itong makausap. Ano pong sasabihin mo?
a. “Maghintay ka!”
b. “Wala siya rito, bumalik ka na lang.”
c. “Pasok po kayo at tatawagin ko si tatay”

3. Araw ng Sabado, nais mong pumunta sa bahay ng


iyong pinsan upang makipaglaro. Ano pong gagawin
mo?
a. Umalis na lang nang hindi nagpapaalam.
b. Sabihan ang nakababatang kapatid na siya na
lang magsabi sa inyong mga magulang kapag
naghanap.
c. Magpaalam nang maayos sa magulang.
4.Isang umaga, nakasalubong mo ang punongguro ng
inyong paaralan na si Gng. Lara. Ano po ang gagawin mo?
a. Batiin siya nang may ngiti “Magandang umaga po,
Gng. Lara!”
b. Magmadali sa pagpasok sa silid-aralan.
c. Huwag pansinin upang hindi mautusan.
5.Binigyan ka ng pagkain ng iyong ate. Ano pong sasabihin
mo sa kanya?
11
a. “Kulang pa.”
b. “Hindi masarap!”
c. “Maraming salamat po

Pindutin ang larawan para sa nasabing gawain.

Pindutin ang larawan para sa nasabing gawain larawan

12
13

You might also like