You are on page 1of 14

Magandang umaga!

Magiliw at
Palakaibigan ako sa
Aking Kapwa
“Ang pagkamagiliw sa kapwa ay
mabuting ugali at kahanga-hanga.”
Araw-araw, iba’t ibang tao ang ating
nakakasalamuha at pinakikitunguhan.
Ngayon ay matututunan natin ang mga
dapat gawing pakikitungo sa ating mga
kapitbahay, kamag-anak at kamag-aral.
Minsan mayroon tayong ganitong mga kapitbahay,
kamag-aral at kamag-anak. Sila ay ating mga
nakakasalamuha sa araw-araw.
Ano ang iyong mararamdaman
kung makikita mo sila?
 Ano ang iyong
gagawin? Bakit?
Mayroon ka bang
maitutulong sa kanila?
Paano?
A.“Ang Kwento ni Lala”
Ako si Lala. May kapitbahay ako na
ang pangalan ay Myla. Kaklase ko rin
siya. Pumapasok siya sa paaralan
kahit walang baon. Butas na ang
kanyang tsinelas at luma na ang
kanyang damit. Minsan naglalaro ako
ng aking manika nang dumaan si
Myla.
Ano ang dapat kong gawin? Bakit?”
B. “Ang Kwento ni Michael”
Ang batang nasa bintana ay si
Michael. Ito naman ang kuwento
niya. Isang araw, mayroong dumating
na bisita ang aking ama. Sila ang mag-
anak ni Tiyo Rudy, malayo naming
kamag-anak na nakatira sa Maynila.
Ngunit wala ang aking ama.
Ano ang dapat kong gawin?
Papaano mo tutulungan si Michael sa
dapat niyang gawin?
C. “Ang Kwento ni Joseph”
Si Joseph ay aking kapitbahay. Tuwing Sabado at Linggo, sumasama
siya sa kanyang ama sa pagbobote. Tanging ito lang ang
ikinabubuhay ng kanilang mag-anak. Isang araw hindi nagbote ang
mag-ama dahil nagkasakit si
Mang Dino, ang ama ni Joseph.
Nakita kong nakahawak
si Joseph sa kanyang tiyan
at nakaupo sa labas ng
kanilang bahay.
Ano ang dapat kong gawin?
Sa tatlong sitwasyon, isulat ang inyong mga kasagutan at humanda sa
paguulat sa klase.

1. Damdaming ipinakita ng tatlong bata:


Damdamin ni Lala: _____________________________________________________________
Damdamin ni Michael: _____________________________________________________________
Damdamin ni Joseph: _____________________________________________________________

2. Mga tulong na ginawa mo kay Myla

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Sa tatlong sitwasyon, isulat ang inyong mga kasagutan at humanda sa
paguulat sa klase.

3. Mga tulong na ginawa mo kay Joseph

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

4. Paraan ng pagtanggap sa kamag-anak

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Ating Tandaan
Dapat nating ipakita sa ating mga
kapitbahay, kamag-anak at kamag-aral
ang pagiging magiliw at palakaibigan ng
may pagtitiwala. Ipadama nating sila ay
ating mahal. Nadarama at nauunawaan
natin ang kanilang mga damdamin.

You might also like