You are on page 1of 1

Summative Test in ESP 3

Third Quarter
Pangalan:___________________________________________Iskor:_______
Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali.
_______1. Ang pagmamano ay pagpapakita ng paggalang na tanging sa mga Pilipino lamang
makikita.
_______2. Ang mga kaugaliang Pilipino ay nagpapakita ng respeto sa bawat isa.
_______3. Tanging matatanda lang ang maaaring igalang.
_______4. Bawat tao ay ating iginagalang anuman ang katayuan niya sa buhay.
_______5. Ang mga dayuhan ay hindi gumagamit ng salitang “po at opo” kaya sila ay itinuturing na
hindi magalang.

Isulat ang K kung ang pangungusap ay kaugalian at T naman kung ito ay tagubilin.
6. Gumagamit ng “po at opo”sa pakikipag-usap.
7. Pagmamano sa mga nakatatanda.
8. Pagpapasalamat sa mga biyayang natatangap.
9. Pagpapaalam bago umalis.
10. Huwag magsasalita kung may laman pa ng pagkain ang bibig.
11. Pagbati ng “Magandang araw” sa nakakasalubong.
12. Huwag sasali sa usapan ng matatanda.
13. Kailangang umuwi agad ng bahay pagkagaling sa paaralan.
14. Paghingi ng pahintulot kung may gustong itanong.
15. Mag-aral ng mabuti upang ang buhay ay bumuti.

Isulat sa sagutang papel kung tama o mali ang ipinakita sa bawat sitwasyon.
 1. Bumibili ka sa tindahan. Nakita mo ang iyong Tiyo na bumibili rin. Binati mo siya at ikaw
ay nagmano.
 2. Biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong Nanay. Ikaw lang ang nadatnan sa
bahay. Nagmano ka at siya ay iyong pinatuloy.
 3. Inutusan ka ng iyong Tatay na pumunta sa iyong Lolo para maghatid ng ulam. Kumatok
ka sa kanyang pintuan, at sinabing “Magandang tanghali po Lolo. Narito po ang ulam na
ipinabibigay ni Tatay.”
 4. Isang gabi, nakadungaw si Lisa sa kanilang bintana. Dumaan sa tapat ng kanilang bahay
si Aling Susan, ang Nanay ng kanyang kaibigan. Binati niya si Aling Susan nang pasigaw na
parang galit.
 5. Si Linda ay isang batang matalino. Pagdating sa bahay galing sa paaralan, magalang
siyang nagsabi sa kanyang Nanay na gusto na niyang kumain dahil magaaral pa siya ng
kaniyang mga aralin.

You might also like