You are on page 1of 26

5 EDUKASYON

SA PAGPAPAKATAO
Ikalawang Markahan- WEEK 2
Pagbibigay-alam sa
Kinauukulan
Balikan
Panuto: Basahin at suriin ang mga sitwasyon sa bawat
bilang. Isulat sa iyong kuwaderno ang salitang OO kung
ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagdamay sa kapuwa.
Isulat naman ang salitang HINDI kung sa iyong palagay
ay walang pagdamay na ipinapakita sa sitwasyon.
1. Itinatago mo ang bagay na hinahanap ng
iyong kapatid.

2. Tinutulungan mo ang iyong kamag-aral na


nadulas sa pasilyo ng paaralan.

3. Inaaway mo ang bago ninyong kaklase.


4. Hindi mo binibigyan ng pagkain ang
nanghihingi sa iyo.

5. Nakipaglaro ka sa isang batang


nakita mong nag-iisa sa gilid ng
inyong silid-aralan.
Suriin
Ang pagmamalasakit ay ang pag-aalala sa kapakanan ng kapuwa
at pagganap ng tungkulin para sa ikabubuti ng isang tao. Ito ay
kusang ginagawa na walang hinihinging kapalit, gagawin mo
kung ano ang utos ng iyong puso at isipan para sa mga taong
nangangailangan.

Sa inyong murang edad, kailangan na maging bukas ang palad sa lahat ng


panahon. Maraming pangyayari sa paligid na kung saan ang tulong ay
kailangan. Bilang kabataan, kailangang may malasakit kayo sa kapuwa.
Ugaliing tumulong sa mga taong nangangailangan.
Suriin
Ang pagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa mga pangyayari
tulad ng kaguluhan, pangungutya o pambubully ay pagpapakita ng
pagmamalakasakit sa kapuwa. Ito ay isang huwarang kaugalian ng
mga
Pilipino.

Ugaliing maging mapagmatyag sa mga pangyayari sa iyong paligid.


Isumbong sa tamang kinuukulan kung mayroong nagaganap na hindi
karapat-dapat at kailangang mabigyan ng solusyon.
Pagyamanin
Suriin ang mga larawan. Gamit ang graphic organizer, isulat ang
titik ng mga larawan na nangangailangan ng tulong o kailangang
isumbong sa kinauukulan.
Mga sitwasyon na
nararapat
ipagbigay-alam sa
kinauukulan
Tayahin
Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba.
Isulat sa papel ang T kung tama ang pahayag at
M naman kung mali.
_____ 1. Ipagbigay-alam sa pulisya ang mga kaguluhan
sa inyong lugar.
_____ 2. Isumbong ang kaklaseng nambu-bully sa
klase.
_____ 3. Pagtawanan ang mga batang nagtatrabaho sa
murang edad.
_____ 4. Bigyan ng makakain ang mga batang
nasa lansangan.

_____ 5. Ipagbigay-alam sa DSWD ang


kaibigang minaltrato ng mga
magulang.

_____ 6. Kutyain ang batang lansangan at


palaboy-laboy sa kalye.
_____ 7. Ipaalam sa mga opisyal ng barangay
ang mga batang kapitbahay na hindi
sumusunod sa mga babala.

_____ 8. Palaging pinagsasabihan nang


masasamang salita ang anak.

_____ 9. Kinakaibigan ang kamag-aral na


naiiba ang hitsura.
_____ 10. Isusumbong sa guro ang nangungutya
sa may kapansanan
Performance Task
Gumuhit ng isang larawan tungkol sa
karanasang nagpapakita ng malasakit sa
inyong kapuwa. Ipaliwanag kung bakit ito
ang napili. Iguhit ito sa short bond paper
at kulayan.
Performance Task
PAMANTAYAN
Kalinisan at kaayusan - 6 na puntos
Angkop sa tema - 8 na puntos
Pamamahala ng oras - 6 na puntos
Presentasyon - 10 puntos
5 EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Ikalawang Markahan- WEEK 3
Paggalang sa mga Dayuhan
at Katutubo
Balikan
Sa ibaba ay mga larawang nagpapakita ng mga pangyayaring nararapat
ipagbigay-alam sa kinauukulan. Isulat sa inyong sagutang papel kung
anongkaganapan ang ipinapakita.
Tuklasin
Iba-iba Man, May Pagkakatulad Din
Zenaida R. Ylarde
Siya, ako, at sila
Bansa nami’y iba-iba
Kaniya-kaniya ng kultura.
Iba-iba man ang aming
pinanggalingan,
Tuklasin
Tunay naman ang aming pagsasamahan
Iba-iba man ang aming katauhan
Lumikha sa amin ay iisa lamang
Ang aming Diyos na kinikilala
Dakila Siya, tayo’y Kaniyang nilikha.
Mga tanong
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano ang pangangailangan ng bawat isa?
3. Bakit iisa tayo sa kabila ng pagkakaiba ng ating
katauhan?
4. Paano nagiging dakila ang Diyos batay sa akda?
5. Paano nagkakaiba ang ating katauhan?
Suriin
Ang paggalang sa kapuwa tao ay natutuhan natin mula sa
pagkabata. Ito ay isang hakbang sa pagkamit ng isang
mapayapang pamayanan. Kapag iginagalang ng lahat ang
kaniyang kapuwa, tiyak walang magkakagalit dahil nirerespeto
ang karapatang pantao.

Ang paggalang at pakikitungo sa kapuwa na nais nating gawin sa atin ng


ibang tao ay napakahalaga. Sabi nga, kung ano ang nais mong gawin sa iyo
ay siya ring gagawin mo sa iyong kapuwa tao. Ito ay hindi lamang
naipakikita sa salita kundi sa kilos at gawa.
Suriin
Sa mga pagkakataong tayo ay makikisalamuha sa mga dayuhan o
mga katutubo, dapat natin silang tanggapin at tratuhin nang
maayos. Ang kanilang mga kaugalian na kinagisnan ay atin din
igalang sapagkat ang bawat isa sa atin ay may sariling karapatan at
doon din sila nasanay.

Matuto tayong magbigay-halaga sa mga dayuhan at mga katutubo, dahil


kahit sino pa man sila, kaisa natin sila. Nararapat lamang na tayo ay
matutong gumalang sa bawat isa.
Tayahin
Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Sa iyong sagutang papel, markahan ng tsek
kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa mga katutubo at mga dayuhan at ekis kung
hindi.

1. May nagsasayaw na mga katutubo sa parke. Uuwi na dapat


ang ate mo pero tumigil muna siya at masayang nanood sa
ginagawa ng mga katutubo.

2. Pinagsabihan ng nanay mo ang mga batang nanunukso sa


mga batang Mangyan na nakaupo sa parke.
3. May dayuhang nagtatanong ng direksyon sa mga kabataang
nakatambay sa harapan ng tindahan ni Aling Mameng.
Pinagtawanan lamang nila ito at hindi sinabi ang tamang
direksyon.

4. May mga Hapon na pumunta sa inyong paaralan upang


magbigay ng tulong. Laking pasasalamat ng inyong paaralan
kaya naatasan ang inyong klase na magpakita ng sayaw at awit
para sa mga bisita.

5. Lagi na lang tinutukso ng mga kaklase ninyo ang hitsura ni


Glenda na isang batang banyaga.
Isulat sa iyong sagutang papel ang S kung sumasang-ayon ka sa isinasaad
ng sitwasyon sa bawat bilang at HS kung ikaw ay tumututol dito.

1. Iniiwasan na maging kaibigan ang isang bagong


kakilala na may kakaibang kulay ang balat at ibang
gamit na wika sa pakikipag-usap.

2. Ipinaghahanda ng miryenda and sinomang bisita o


nakikituloy sa inyong
tahanan.
3. Iginagalang ang opinyon ng kaibigan ukol sa mga paraan kung
paano susundin ang batas sa paglalaro ng kahit anong isport.

4. Hindi kailangang igalang ni Lina at bigyang respeto ang


kaniyang mga kamag-aral na Koreano at Muslim dahil magkaiba
naman sila ng batas na sinusunod at kinikilang Diyos.

5. Pinagtatawanan ang mga katutubo na nakikitang


nagpapalaboy-laboy sa lansangan.

You might also like