You are on page 1of 2

Pilipino sa Panahon ng Pandemya

Ni Rhany Jane C. Lacerna

Tumataghoy...tumatangis...nagdarahop...umuuwi...lumilisan
Mga salitang naglalarawan sa mga nadidinig at natutunghayan
Balita sa bawat telebisyon, radio, social media at pahayagan
Pinupuno ng sobrang takot at pagkabalisa ang sambayanan

Tumataghoy ang sino man kapag siya ay nahawaan


Sakit na nakakalunod, kahit sa paghinga'y nahihirapan
Tumatangis ang mga magulang, anak at mahal sa buhay
Ng mga nagpopositibo sa sakit na sa kanilay nawawalay

Nagdarahop hindi lamang ang iilan, kundi bawat isa


Ekonomiya, hanap buhay, edukasyon ay isinantabi muna
Umuuwi sa pamilya pinapanalanging silay maging ligtas
Nagbubuklod buklod, sa bawat isa kumukuha ng lakas

Lumilisan at naiiwang mga mahal sa buhay, dumarami na


Bilang ng mga Pilipinong nagpopositibo ay mas tumataas pa
Hanggang kailan pa po O Diyos ang malagim na suliraning ito
Walang ibang dasal kundi sa Awa Mo gumaling na ang mundo

Malasakit...tulong...tugon..kapatiran...bayanihan
Mga salitang kinakailangan nating maisakatuparan
Kabutihan sa bawat tao aynagbibigay ng pag-asa
Sama-samang lalabanan ang mabalasik na pandemya
Malasakit sa kapwa ang pumupukaw sa damdamin
Sa mga Pilipino likas na ang pagiging matulungin,
Pagtutulungan at diwa ng bayanihan sa puso natin,
Bahagi ng kultura, tradisyon at buhay ang sinasalamin

Tutugon...aaksyon... hindi patitinag sa kahit anong laban,


Pagsuotin ng face mask kahit saan o iquarantine pa man
Magbabahagi...maghahatid ng pagkain o gamit na kailangan
Pagkakaisa sa layunin kahit may isang metrong agwat pa yan

Hindi maipagkakaila ikay tunay na Pilipino, sa diwa at puso


May pagpapahalaga sa iyong lipunan at sa iyong kapwa tao
Hindi tatalikod sa tawag ng tungkulin at ng pangangailangan
Naipapamalas ang kagitigan sa pamamagitan ng bayanihan

Ngayoy muling umusbong ang kabihasnang meron tayo,


Kapatiran ay nagiging mas versatibo at mas daynamiko
Patunay ang sambayanang Pilipino sa pandemyang ito,
Bayanihan ang kailangan upang maisalba buhay ng tao

You might also like