You are on page 1of 1

KABANATA I: MGA BATAYANG KAALAMAN SA RETORIKA

Ang Retorika Bilang Disiplina: Katangian, Gampanin at Kanon

Gawain-II. Talumpati

Magandang umaga sa inyong lahat ako ay nagagalak at nagkaroon tayo ng Sona ngayong araw
kaya naman nais kong ipabatid sa inyo ang aking kagalakan sa inyong suporta at tiwalang
ipinagkaloob ninyo saakin bilang presidente. Sa nakalipas na taon sinubok ang buong mundo ng
isang sakit na siyang nagpatibag sa matibay at masayang pamumuhay ng bawat tao sa mundo.
Hindi nga nakaligtas ang ating bansang Pilipinas dahil kitang-kita at damang-dama ko ang hirap
ng bawat pamilyang pilipino. Maraming buhay ang nawala kaya nama'y pamilya'y nagiba,
nawalan ng trabaho na nag dulot ng gutom at hindi matostosan ang mga pangangailangan.
Dugo't pawis din ang isinakripisyo ng mga frontliner sa kagustuhang malutas at hindi na
kumalat pa ang nakakahawa at nakakamatay na sakit na ito. Hindi nga rin nalampasan ng ilan sa
atin ang magkaroon ng depresiyon, stress, at anxiety na nag dulot pa sa ilan ng pagpapatiwakal
dahil pagod at suko na sa laban ng buhay. Alam kong napakahirap talagang labanan ang
ganitong problema lalo pa sa panahon ng pandemya at hindi rin natin dapat husgahan sila dahil
iba-iba naman tayo ng estado ng pamumuhay. Kaya naman mayroon akong itinalagang libreng
konsultasiyon na kung saan maaari mong puntahan o tawagan kung ikaw ay nakakaranas ng
ganitong problema upang maagapan at maiwasan pa ang pagpapakamatay. Sa panahon ng
pandemya nakapa importante na tayo'y magkaisa sa paglutas ng mga problema dahil hindi
lamang pandemya ang ating kalaban kundi pati narin ang ating sarili kaya dapat huwag tayong
papatibag at magpapaapekto ng malala sa problemang dulot ng pandemya. Ako ay
nagpapasalamat din dahil tagumpay ang ating pagakakaisa sa paghatid ng tulong
pinansiyal,pagkain,medikal at iba pa na kung saan natulungan ang mga pilipino na harapin ang
dulot na kahirapan ng pandemya. Dahil na nga rito unti-unti na nating natatalo ang
pandemyang ito dahil pababa na nga ng pababa ang kaso na naitatala ng DOH kaya nama'y
sana ipagpatuloy pa natin ang pagkakaisa,respeto,disiplina sa bawat isa at maging sa ating mga
sarili upang tuluyan na nga nating malampasan ang suliraning ito. Isipin nalang natin na hindi
lamang negatibo ang dulot ng pandemyang ito kundi may positibo rin dahil sa pamamagitan
nito naipapakita natin ang pagmamahal sa bawat isa na handang magtulongan sa oras ng
pangangailangan mapa saang dako man ng pilipinas at mundo. Sana ay may natutunan din
tayong lahat sa serkomtansiyang ito at napukaw ang ating pagiging makatao at makaDiyos. Sa
huli Diyos lamang talaga ang may nakakaalam ng mangyayari pa sa atin kaya naman huwag din
nating kalimutan ang mag dasal dahil sa kabila ng mga problema sa mundo Siya ay handang
sumaklolo. Maraming salamat sa inyong lahat at sana'y patuloy ang ating pagkakaisa at
kabutihang sa ating kapwa.

You might also like