You are on page 1of 7

Pagpapatiwakal

Group 1

Bandian, Adrian Dominic


Cabrera, Kristeen May T.
Dollesin, Raymond Jay C.
Ferre, Guile Leonard Godfrey
Gutierrez, Justine G.
Ingles, Auriel Lyza D.
Otsu, Ayumi E.
Ronquillo, Sean Archer E.
Sim, Jomar Johann T.
Sim, Neo Ahron T.
Panimula
Suicidium, isang salita sa latin na nangangahulugang "pagpatay sa sarili".
Ito ay isang nakakatakot at marahas na gawain, kung saan kinikitil ng isang tao
ang kaniyang buhay. Sinasabi ng iba na ang pagpapatiwakal ay isang daan para
malampasan ang mga problema at kalungkutan, ito rin ang itinuturing nilang
pinakamadaling paraan para maibalik sa kanila ang kasiyahan. Ang gawaing
ito'y kadalasang nangyayari dahil sa kawalan ng pag-asa ng isang tao o kaya
naman ay may sakit ito sa kanyang pag-iisip. Maraming tao ang nag-iisip na
hindi worth it o sulit ang buhay kaya mas nararapat na lang itong tapusin.

Ang suicide ay naimpluwensyahan ng relihiyon, ng dangal, at ng


kahulugan ng buhay. Noong unang panahon hanggang ngayon ay itinuturing na
kasalanan/krimen ang pagpatay sa sarili, dahil ang pagpatay sa sarili ay para
naring pagpatay sa iyong kapwa, na isang gawaing ayaw ng Diyos. Ito rin ay
itinuturing na  isang malaking isyung panlipunan dahil sa dami ng taong
naapektuhan nito.

Mga Argumento sa Isyu

Maraming taong nagiging pabor sa paggawa ng suicide o pagpapatiwakal.


Sa panahon ngayon, alam nating sobrang hirap ng ating nararanasan o
kalagayan. Maraming taong nagugutom, maraming taong naghihirap na
nagdudulot sa kanila para magkaroon ng depresyon. Hindi natin masisisi ang
iba kung bakit ang pagpapakamatay ang kanilang daan para malagpasan ang
problema na nararanasan nila. Sabi pa nga ng karamihan, hindi natin sila
masisisi kung bakit mas pinili nilang kitilin nila ang sariling buhay kesa
lumaban dahil una sa lahat, hindi natin alam ang hirap at sakit na nararamdaman
nila. Subalit, mas maraming taong nagsasabi na hindi magandang paraan ang
pagsusuicide para malagpasan mo ang iyong problema. 

Tayo ay may Diyos na malalapitan, tayo ay may kaibigan at pamilya na


gagabay sa atin kaya't tayo ay huwag mawawalan ng pag-asa. Maraming paraan
para maharap ang iyong mga problema kaya't wag natin ito takasan. Tayo'y
magtiwala sa ating sariling kakayahan at maniwala tayo na sa bawat problema
na ating nararanasan, ito ay may kapalit na kasiyahan. Sabi nga sa isang kanta
"even if there is pain now, everything would be all right" magtiwala tayo na
there is always a rainbow after the rain. Hindi tayo bibigyan ng Diyos ng
problema na alam niyang hindi natin makakaya kaya lagi nating pipiliing
lumaban sa mga hamon ng buhay.

Ang Sariling Posisyon sa Isyu

Hindi ako pabor at hinding hindi ako magiging pabor sa pagpapatiwakal.


Ang buhay ay ipinagpala at ibinigay sa atin ng Diyos ng walang kalakip na tali.
Pinalaki at gumabay sa atin ang mga magulang o ang mga andyan para sa atin.
Mahal ang buhay, isang beses lang tayo magkakaroon ng ganitong regalo. Ang
buhay ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos kaya’t kailangan nating pahalagahan
ito.

Sa panahong maraming problema at pagsubok ang tao, nabibigla o


natataranta sila. Ang iba ay nalulungkot o kaya naman at hindi na alam kung
ano ang uunahin. Dahil sa labis na nasabing sitwasyon, ang iba ay nagsisimula
nang saktan ang sarili at nalulungkot na lamang. Sa harap ng napakalaking
suliranin, ang tao na may mahinang loob o dali dali sa pagdedesisyon, at pipiliin
na lamang bawiin ang sariling buhay. Nangyayari ang pagpapatiwakal kapag
ang isang tao ay may kinakaharap na kumplikadong problema sa buhay na
nagreresulta ng stress o depresyon. Kadalasan ang biktima nito ay nakakaranas
ng diskriminasyon at panlalait pati na rin ang mga kabataan na nakakaranas ng
depresyon o mga kabataan na nagkulang sa gabay ng kanilang mga magulang.
Isa rin sa mga dahilan ng pagpapatiwakal ay dahil sa nadadala sila sa mga
sinasabi ng ibang tao sa social media at sa totoong buhay, ang ating buhay,
nararanasan natin ang kahirapan ngunit ang pagpatay sa sarili ay walang
maidudulot na mabuti at bagkus makadudulot pa ito ng malaking epekto sa
pamilya, sa lipunan, at lalong lalo na sa Panginoong Maykapal.

Sa tingin ko, sa oras ng pangangailangan, laging hindi tayo nag-iisa.


Andyan ang ating mga magulang. Kung wala naman, andyan ang ating mga
kaibigan. Pero ang laging nariyan para suportahan at tulungan tayo ay ang
Diyos. Syempre nasa atin ang gawa at walang mangyayari kung hindi tayo
kikilos. 

Sa aking posisyon, wag nating indahin kung ano ang problema. Bigyang
tuon natin ang solusyon kaagad. Magpakonsulta agad sa isang psychiatrist kung
makaranas ng depresyon dahil baka ito ay lumala at humantong sa
pagpapakamatay. Kung hindi maagapan ay mas magiging komplikado ito.
Nakakaapekto ito sa pamilya at kakilala ng taong nagpakamatay. Ginagawa ito
ng mga tao, lalo na ang mga kabataan. Ang mabuhay ay isang pagdurusa, ngunit
kapag ito’y tinanggap mo bilang isang katotohanan, magiging madali ang
paglalakbay at paglaban mo sa mga pagsubok sapagkat alam mo na ang
pagdurusang ito ay malalagpasan lamang. Ang pagpapatiwakal ay isang madali
at gawaing duwag na kilos. Imposibleng walang magandang mangyayari sa
ating buhay.

Konklusyon
Ang buhay natin ay ang pinakamahalagang biyaya sa atin ng Diyos kung
kaya't natural lamang na di sumang-ayon sa gawain na kikitil sa  sariling buhay
o sa kahit kanino mang buhay. Kahit ano pa mang pagsubok ang kinakaharap ng
isang tao ay wala tayong karapatang gumawa ng duwag na kilos tulad ng
pagpapatiwakal. Ito ay ginawa lamang ng mga taong takot at ginawa ang
pinakamaling solusyon sa mga problema. Kahit ano mang pagsubok at kung
gaano man ito kabigat para sa sarili, dapat natin itong matugunan at
masolusyunan ng maayos. Kung hindi man kayang mag-isa, nabuhay ang mga
tao hindi para humarap sa buhay na mag-isa, ang lahat ay nabubuhay sa
pagsandal o pag-asa sa kapwa tao.

Unang kilos na dapat mong gawin upang makaahon sa mabibigat na


problemang tumambak sa iyong isipan ay ang pagkalma. Wala tayong maiisip
na matino kung hindi natin ikakalma ang ating isipan. Pangalawa ay pag-isip ng
mga solusyon sa bawat problema ng isa-isa at di padalos-dalos dahil wala
namang dapat ipagmadali sa buhay. Pangatlo ay ang pagsasagawa ng mga
solusyong ito kasama ang mga taong mahal mo at mahal ka. Mas masayang
makaahon sa problema kasama ang mga mahal sa buhay. Panghuli, mahalin mo
ang iyong sarili upang matutunan mong mahalin ng tama ang mga tao sa iyong
paligid. At kapag nakaahon ka na, huwag mong kakalimutang tumulong sa mga
taong nangangailangan ng tulong lalo na ang mga taong nasa parehong
sitwasyon mo noon. Sabay-sabay nating tapusin ang problema sa
pagpapatiwakal. Tandaan natin na ang buhay natin ay isang beses lamang. Wala
ng mas mabuti pang gawain kundi ang pagmamahal sa sarili at wala ng mas
maganda pang likha ang Diyos kundi ang ating mga sarili.

Sanggunian

https://www.beaconhealthoptions.com/tl/we-need-to-talk-about-suicide/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagpapatiwakal

https://bandera.inquirer.net/165490/depression-suicide-seryosong-problema-na-
di-dapat-balewalain-1

You might also like