You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TANZA NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
NAME: MIKYLA A. BRAVO
YEAR AND SECTION: 10 AMETRINE
I. Pagpapatiwakal

II. Panimula

a. Pagpapakilala ng paksa

Ang pagpapatiwakal ay sadyang pagkitil ng sariling buhay at naaayon sa


kagustuhan. Kadalasan, ginagawa ito upang takasan ang hirap at problema na
nararanasan sa mundo. Nawawalan na sila ng pag-asa na magpatuloy kaya pinipili na
lamang nilang tapusin ang kanilang buhay. Nakikita nila ang kanilang sarili na wala
nang halaga. Ang iilan naman ay nakakaranas ng depresyon na kung hindi maagapan
ay mauuwi sa pagpapatiwakal.

b. Ang sariling pananaw sa isyu

Ang pagpapatiwakal ay isa sa mga paksang kailangan ng matindi at malawak


na pag-unawa. Ang buhay ay ipinagkaloob ng diyos ng naaayon sa kanyang plano.
Hindi maganda ang pagpapatiwakal dahil ayon sa bibliya ang pagpapatiwakal ay
pagpatay sa sarili. Ang paghihirap na nararanasan ng tao ay isa lamang pagsubok ng
Diyos upang malaman kung saan aabot ang pananampalataya sa kanya. At ang
problema ay susubukin ka nito upang maging matatag ka sa buhay. Kung nakikita ng
isang tao ang pagpapatiwakal bilang sagot sa kanyang problema, ito’y nagpapakita ng
isang kawalan ng tiwala sa sarili at lalo na sa Diyos. Higit sa lahat ang tunay at matatag
na pananalig sa Diyos ang makakatulong sa atin upang mapagtagumpayan ang
anumang hamon sa atin ng buhay.Dapat isaalang-alang ang mahusay na paghuhusga
sa gagawing kilos kung ito ba ay nakakabuti o nakakasama at kung ito ba ay tama o
mali dahil sa bawat kilos na ating ginagawa ay may kaakibat na pananagutan.

III. Mga Argumento sa Isyu

a. Buod ng mga argumento


Kahit saan man anggulo niyo pa tignan o tayo tumingin, ang pagpapatiwakal
ay hindi solusyon sa mga problemang dumarating sa ating buhay, lalo na sa mga
pagsubok na mahirap lagpasan .Wag isipin ang magpatiwakal dahil ito ay isang
malaking kasalanan dahil ginagawa ito ng isang tao dahil nakikita niya sa sarili na wala
ng halaga, kaya pinili na lamang ang tapusin ang buhay. Mahalaga na malaman natin
ang gawaing taliwas sa batas ng diyos ay isa ng kasalanan, wag natin sayangin ang
ating buhay dahil lamang sa kawalan ng pag-asa na malutas ang problema kinakaharap
natin. Hiram lamang natin ang buhay natin sa Diyos kaya wag natin itong sasayangin
ang mabuti gawin ay pahalagahan natin ang buhay na ibinigay sa atin. Ayon sa aking
nabasa ang taong nagpakamatay ay mapupunta sa impyerno hindi dahil sa
pagpapakamatay niya kundi dahil sa pambabalewala niya sa kaligtasang ipinagkaloob
ng Diyos. Kaya nanaisin nyo pabang magpakatiwakal. Isa itong malaking kasalan sa
Diyos at gawaing taliwas sa batas ng Diyos.
b. Mga impormasyong sumusuporta sa mga argumento
● Isa ang churches ang nagbibigay ng argumento, binigyan diin ang ginagawa nila ay paglabag
sa utos ng Diyos. Ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos ay isa sa
pinakamatibay na sandata upang maiwasan ang pagbawi sa sariling buhay.

c. Mga ebidensya para sa mga argumento


● Isinalaysay ng World Health Organization o (WHO) na ang pagpapatiwakal o pagbawi sa
sariling buhay ay dahilan mga problema na kinakaharap ng isang tao. Tinutukoy din na ang
isang tao ay may kamalayan na ang kahihinatnan ng gawaing ito ay kamatayan.
● Ang turo at aral ng Diyos ay mahalagang bigyang diin sa bawat tao at mga mag-aaral upang
mapatibay ang damdamin sa pagbibigay proteksyon sa kahalagahan ng buhay. Ang pagharap
sa sariling suliranin at paghingi ng tulong ay marapat gawin upang maiwasan ang
pagpapakamatay. Laging isaisip ang biyaya ng buhay at kung paano ito gagamitin ng may
kabuluhan.

IV. Ang Sariling Posisyon sa Isyu


Pabor ka ba o hindi pabor sa isyung ito? Magbigay ng ideyang magpapatibay sa iyong posisyon.
● Hindi, dahil isang kasalanan ang pagpapatiwakal

OPINYON SA PUNTO
-Kung may problema tayo o may mabigat na pinagdadaanan wag natin isipin ang
magpatiwakal dahil ito ay isang malaking kasalanan wag nating sayangin ang ating buhay
dahil lamang sa kawalan ng pag-asa na malutas ang problema. Hindi nawawala ang mga
problema. Kailangan nila/natin solusyunan dahil kung hindi, mananatili tayo at magiging
hadlang sa ating pag-asenso at pagpapalakas ng ating pagkatao.Sa problema na kinakaharap
natin ay dito tayo masusubok upang maging mas malakas tayo sa mga susunod na hakbang.
Kaya’t wag mong naisin ang magpatiwakal kung ayaw mo masira ang buhay at iyong
kinabukasan

MGA EBIDENSYA
-Ayon sa bibliya, kung ang isang tao ay nagpakamatay hindi ito ang magtatakda kung
makakapasok ba siya sa langit o hindi, kung ang isang hindi mananampalataya ay
magpakamatay, wala siyang ginawa kundi ang padaliin ang kanyang pagpunta sa impiyerno.
Ang Diyos lamang ang dapat na magdesisyon kung kailan at paano mamamatay ang isang tao.
Kung kukunin mo ang desisyong iyon at ilalagay mo sa iyong sariling mga kamay, ayon sa
bibliya, ito ay isang pagkutya sa Diyos.

V. Konklusyon
a. Buod ng Iyong posisyon
Sa mga nakalipas na mga taon mas lumala pa ang pagpapatiwakal sa ating bansa. Ang
pagpapatiwakal ay naging laganap na at isang isyung mahirap lutasin. Kung gayon napagtanto
namin na ang pagpapatiwakal ay talagang hindi maiiwasan at kailangang bigyang pansin at
bigyan solusyon. Dito makikita natin na parang wala ng lunas ito, ngunit maraming paraan para
maiwasan ito. .Katulad na lamang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga mabubuting
kaibigan,sa pamamagitan nito makakaiwas ka sa mga problema na naidudulot sayo ng
depresyon, maaari mo rin kausapin ang taong may pinagdadaanan, maaari mo bigyan ng payo
upang hindi makapagisip ng taliwas sa Diyos. Isa pa ang pagpapatiwakal ay hindi isang
solusyon para makatakas ka sa isang problema, sapagkat ay dumadag pa nga ito ng isa pang
problema. Ang pagpapatiwakal ay isang kasalanan sa ating Diyos, dahil lumalabas na hindi
natin siya sinusunod at pinapahalagahan, kaya wag natin gawin ito kung ayaw nating mapalayo
sa kanya. Ayon sa aking nakalap na impormasyon, ang pagpapatiwakal ay ginagawa ng mga
tao upang makatakas sa mga problemang dinadala, naiisip nila ito bilang solusyon at paraan sa
kinakaharap niyang problema.

b. Plano ng pagkilos
Sa isyung ito kailangan natin gumawa at kumilos upang makatulong sa mga taong may
pinagdadaanan na problema. Para sa akin may paraan tayo upang makontrol natin ang problema
natin, isipin natin ang mga magagandang nangyari sa ating buhay, at iwasan ang negative.
Nararapat na mag isip tayo ng mabuti, alagaan natin ang sarili natin, na parang inaalagaan na
rin natin ang ating mahalaga sa buhay. Umiwas tayo na maghahatid sa atin ng problema, kung
maaari ay kausapin natin ng maayos ang taong malaki ang problema upang tulungan natin
siyang labanan ang kanyang kinakaharap na problema upang maiwasan na mag isip na gawin
ang pagpapatiwakal o pagpapakamatay bilang sagot sa lahat ng kanyang problema. Kung
malala na iyong depresyon ay maaari kang magpatingin sa psychiatrist para ang isipan mo ay
maliwanagan ng husto. Bago ka kumilos ay dapat na isipin mo kung makakabuti ba ito sa sarili
mo at pati na rin sa lahat.

VI. Sanggunian

https://www.wikiwand.com/tl/Pagpapatiwakal?fbclid=IwAR3NR2LrA6tOn_Tr6D4oYgDn2
Mge9-9lvlKz17lg-4TdvtG8TwnMIpReIdA
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagpapatiwakal
https://littlegapanese.blogspot.com/2009/08/pagpapatiwakal-ng-mga-
kabataan.html?fbclid=IwAR3kbneE9eOQ12KPpNYg-
uKZ3F77k2v5DoRL4sds5QSJUlNCSgYr6_96pdQ

You might also like