You are on page 1of 24

Thursday, January 19, 2006

ABORSYON: Sang-ayon ka ba o Di-sang-ayon?

Sa aking mga mag-aaral sa RETORIKA 3:00 TH: Dito mo ipakita ang galing mo sa pangangatwiran. Isulat
mo ang iyong mga katwiran at mga ebidensiya ayon sa napili mong panigan sa proposisyon. Pagbutihan
mo dahil isa ito sa isasama natin sa Kreaytibong markahan. May tiwala ako sa iyong kakayahan.
Paulinian ka, pagbutihan mo. Pilipina ka, ipagmalaki mo! Dr. Nimfa D. De Vera

posted by Dr. Nimfa D. De Vera @ 9:08 PM

52 COMMENTS:

At 1:24 AM, Blogger darlene said...

Ang aborsyon ay isa sa mga mahahalagang isyu na dapat bigyang pansin. Dapat ba ito o hindi? Isa ako sa
mga taong hindi sumasang-ayon sa aborsyon. Hindi ko ito sinang-ayunan dahil para sa akin ito ay isang
hindi mabuting gawaain, at lalong-lalo ng hindi ito solusyon sa mga problema tulad ng populasyon at
pagkalimot sa taong nakasama sa atin. Naniniwala ako na ang ating buhay ay bigay ng Diyos, at siya
lamang ang may karapatang kumuha nito sa atin. Ang pagmamahal sa atin ng Diyos ay walang kapantay,
kaya’t dapat ay ganun din ang ating gawin sa ating kapwa at hindi ang pagpatay sa batang inosente. Para
sa mga nagdalangtao sa pamamagitan ng hindi magandang paraan ay hindi din dapat magpa-aborsyon
dahil hindi natin alam ang plano ng Diyos sa atin, alam ng Diyos ang kanyang ginagawa. Ako ay hind
sumasang-ayon sa aborsyon dahil isang uri ito ng pagpatay. Dahil sa aborsyon marami din na mga nanay
ang namamatay dahil sa komplikasyon kapag sila’y nagpapaaborsyon. Mayroon namang iba
nagkakaroon ng impeksyon at permanenteng sakit sa kanilang katawan. Ang aborsyon ay may
sikolohikal din na epekto ayon sa pag-aaral ni David C. Reardon. Ang mga magulang na nagpa-aborsyon
ay nakadaramdam ng depresyon, ang iba naman ay binabangungot. Para sa iba, ang aborsyon ay dapat
gawing legal, ngunit hindi nila naiisip na maaari nga itong maging legal dahil iyon ang gusto ng tao ngunit
hindi nila naiintindihan na ito ay hindi nakabubuti o ligtas at sa mata ng Diyos ito’y isang uri ng pagpatay.
Ang aborsyon ay hindi dapat gawin legal. Dapat itong itigil dahil sa mga masasamang epekto nito na
naidudulot sa atin.

>>Darlene Ong<<

>1 BS Psychology<

At 4:23 AM, Blogger jay anne villanueva said...

This comment has been removed by a blog administrator.

At 4:27 AM, Blogger jay anne villanueva said...


Ako ay hindi sang-ayon sa pagpapalaganap ng aborsyon. Sapagkat para sa akin, ito ay isang krimen. Ang
aborsyon ay pagpatay ng bata sa sinapupunan ng kanyang ina. Kahit ano pa ang sabihin natin, ang
batang ito ay nilikha ng Diyos. Kahit pa sabihin natin na ang batang iyon ay bunga ng kasalanan (hal.
rape), walang alam ang batang ito na siya ay galing sa masama, at isa pa, hindi niya ito kasalanan.
Marami ding paraan upang makontrol ang ating populasyon. Gaya ngayon, tayo ay nasa makabagong
teknolohiya na, kaya marami ng alternatibong paraan upang mapigilan ang paglaki ng ating populasyon.
Ang ating bansa ay binubuo ng malaking bilang ng mga katoliko. At dahil tayo ay nananampalataya na
ang buhay ay mula sa Diyos, dapat lamang na ito ay bigyang halaga. Ang aborsyon ay gawain krimen
sapagkat ito ay pagpatay. Alam din natin na isa sa sampung utos ng Diyos ang huwag pumatay, kaya
marapat lamang na huwag pairalin ang aborsyon. Ang aborsyon ay gawain ng mga taong walang takot sa
Diyos at walang relasyon sa Diyos. At ang aborsyon ay kasalanang walang kapatawaran at tanging Diyos
lamang ang makakapaghatol. Kaya dapat nating mahalin ang buhay dahil ito ay biyaya ng Diyos.

Jay Anne Villanueva

2-psychology

At 4:53 AM, Blogger gail clave said...

para sa akin ang aborsyon ay isang malaking krimen..sapagkat pumaslang ka ng isang batang walang
kamuhang-muhang. lalo pa at sarili mong dugo at laman.parang pinagkaitan mo ang isang sanggol na
makita ang mundo.hindi mo ba naisip na baka may plano ang diyos sayo para magbago..halimbawa na
lamang ay ang ilan sa aking kakilala na nabuntis sa murang edad nung una ay gusto nila itong ipalaglag
dahil naisip nila na isa itong problema, ngunit nang napagisip- isip nila na ito ay sarili nilang dugo at
laman kaya ngayon masaya sila kasama ang munting anghel nila na nag pabago sa tkbo ng buhay nila
naging responsable n sila..diba? hindi solusyon ang aborosyon ito ay kagustuhan ng diyos dahil mayroon
syang mas magandang plano para sa iyo.

kathleen gail clave

2 psych

At 5:33 PM, Blogger Clara Sorneo said...

Ang aborsyon ay masasabing isa sa pinakamalaking isyu sa ating bansa. Marahil marami sa atin ang hindi
sumasangayon sa isyung ito dahil sa kanikanilang rason. Kung ako ang tatanungin sumasangayon ako
dito. Oo masasabi nga natin na hindi ito magandang gawain dahil iyo'y isang simpleng paraan ng pagkitil
ng buhay, ngunit paano kung ang nasabingit ng kamatayaan ay ang taong nagdadalang tao at kailangang
dumaan sa ganitong proseso??? Dapat bang ibuwis ang dalawang buhay o piliin na lng ang buhay ng
nagdadala??? Hindi naman dahil ang aborsyon ay pagkitil ng buhay ay masasabi na nating hindi
maganda, dahil ito'y tulong din naman sa atin lalong lalo na kung pag dating sa prosesong pang medikal
at pangkalusugan. Ang isang napakagandang halimbawa nga nito ay kung ang isang nagdadalang tao ay
nangangailangan dumaan sa agarang aborsyon upang maisalba ang buhay sa isa sa kanila ng kanyang
ipinagbubuntis at ang sariling buhay. Nasabi ko iyon dahil kung ang bata ay namatay sa sinapupunan ng
ina maaari itong magdulot ng pagkalason ng dugo ng kanyang ina at mauwi din ito sa kanyang
kamatayan. Hindi ba pagkitil din iyon ng buhay pagdating sa katayuan ng nanay???

Clara Sorneo

2 psych

At 6:26 PM, Blogger diana gaboy said...

isa sa pinakamalaking problema ng ating bansa ay ang aborsyon..sa kalagayan ng ating bansa ngayon..isa
ako sa sumasangayon, hindi dhil sa gusto kong kumitil ng buhay ng bata na walang kamuwang muwang,
kundi para sa ikabubuti ng lahat lalo na ang bata..masasabi kong, mas magiging mabuti ang buhay ng
bata kung paglabas nya ay kumpleto ang kanyang magulang..isa rin sa mga dhilan kung bakit ngiging
miserable ng buhay ng bata ay dhil sa kapabayaan ng mgulang, sanhi nito ang maagang pakikipagtalik o
pagaasawa,sa ganitong sitawasyon, dahil nga sa mga bata o minordeedad pa ang kanilang mga
magulang, hindi pa sila handa sa malaking responsibilad, at kapag hindi pa sila handa, paano na ang
bata? paano nila bubuhayin? para sa akin ayokong sumbatan ako at sisihin ako ng anak sa aking maling
ginawa..

sang ayon ako dhil alam kong yong ang makakabuti sa lahat at sa bata, dhil kpag ako ngkaroon ng anak
gusto ko ibigay sa knya ang lahat ng nararapat para sa knya...

At 7:02 PM, Blogger jerldan said...

Sa bawat paglipas ng panahon,naging malaking suliranin na ang Aborsyon sa ating lipunan. Marami ng
mga kababaihan ang mas pinipiling sumailalim sa ganitong paraan kaysa ang buhayin at lingapin ang
nasa sinapupunan nila. Marahil sa napakaraming kadahilanan at madalas dito ang kahirapan at
kahandaan ng isang babae at lalaki na magsama. Kung ating susuriin, iisipin nating hindi makatarungan
ang kanilang ginagawa at nakabababng moral bilang isang tao. Marahil nakararanas din sila ng paghusga
sa ibang tao at paninira sa kanilang pagkatao.mahirap nga naman isipin na tama ang pagsasagawa ng
aborsyon bilang isang babae na binigyang ng pagkakataon maging ina na nagbibigay buhay sa halip ay
iyong pinapatay.Sang-ayon nga ba ako o hindi?

Bilang isang mag-aaral at nagsaliksik sa dalawang panig ng aborsyon masasabing mahirap nga husgahan
ang mga sumasailalim at hindi sa Aborsyon.Parehong panig ay may punto o paliwang na kanilang
pinaniniwalan na kung ibabase sa kanilang mga datos at sinasabe ay kakikitaan ng liwanag sa panig na
kanilang itinatayo.

Para sa mga sang-ayon sinasabing ito ay regalo na binuhay sa katawan ng isang ina. Binibigyang diin din
nila na sa maling panahon man,may karapatan pa din bigyan ng buhay angisang nabuo na sa loob ng
bahay-bata. Higit na nagpatibay dito ay ang walng sinuman ang may karapatang kumitil ng isang buhay
sapagkat ito'y sa Diyos nagmula at siya lamang ang may karapatang bumawi.

Para naman sa hindi sang-ayon,sinasabi nilang ang nasa sinapupunan ay bahagi pa lamang ng isang tao
at ito'y hindi pa pinaniniwalaang may buhay na. Binibigyang diin din nila ang karapatan ng isang may
katawan tulad ng babae,ang pagpilit sa pagbuhay nito na hindi nya kagustuhan ay masasabing pagkuha
sa kanyang karapatan at buahay.At ang tanung na "Anung pipiliin mo: ang bumuhay ngunit ipamimigay
na parang binawian mo na din ng buhay na ipararamdam mo habang buhay o ang pagkitil sa sandaling
oras upng mapagpahinga mo na at hindi maiparanas ang kalupitan ng buhay?"

Napakaraming mga dahilan at paniniwala,ngunit tanging sarili lamang natin ang magdedisisyon kung
saan panig tayo.Bilang isang mag-aaral at babae makatarungan pa din ang hindi pagsasagawa nito dahil
unang-una kung pinili mong makipagtalik ng walang iniisip nararapat lamang na kunin mo ng buong buo
ang responsibilidad na kaakibat nito. Lalo na't bilang tao alam natin ang mangyayari sa ganitong
pagkakataon,nagiging mahina lamang tayo kapag dumating na. Masasabi kong sa buhay, dapat maging
maingat at huwag na hintayin pa na kailangan natin pumili o gumawa ng ganung desisyon. Mas
makabubuting maging matatag sa ating mga nararamdaman. dahil mas mahirap pumili ng "pumatay o
bumuhay" kaysa mag-isip sa mga dapat ihanda o gawin bilang isang babae at lalaki.Para sa mga sang-
ayon moral bilang tao lamang ang kanilang itinatayo at paniniwala at para sa hindi naman tanging
'buhay' ang kanila din pinahahalagahan. Bilang isang malaya,nasa sa iyo na ang desisyon at paniniwala
ngunit walang sinuman ang may karapatang humusga. Tao lamang tayo na may kanya kanyang
paniniwala ngunit ating isipin na ang kalayaan at karapatan ay para sa tama at makatarungan gawin sana
nating makabuluhan ang bawat hakbang sa ating buhay.

-jerldan Garcia-

-2 Psychology-

At 7:42 PM, Blogger maryred said...


Kapag ang isang babae ay nagahasa at hindi gustong na magkaroon ng bunga ang kahalayang sinapit
sila’y napipilitang mag- punta sa mga albularyo. Ang mga taong ito ay nag- bibigay panganib sa babae sa
pamamagitan ng delikadong pamamaraan, sapagkat sila’y hindi lisensyado na ang ibig sabihin ay walang
masyadong kaalaman sa Siyensya ng panggagamot. Para lamang malaglag ang bata kahit illegal at
malaking kasalanan sa Dyos ang sariling buhay ay isususgal. Kahit ito ay pinagbabawal patuloy parin ang
ganitong gawain dito sa ating bansa, marahil kung ito ay gagawing legal maaring masubaybayan ang mga
ganitong gawain at tataas ang porsyento ng kanilang kaligtasan.

Kung ito naman ay itutuloy niya, pareho lamang silang mahihirapan ng bata sa kadahilanan hindi nila ito
ginusto. Kadalasan din ang mga babae ay tumitigil sa pagaaral para sakanyang pagbubuntis na simula ng
pagkasira ng kanyang mga pangarap dahil mapipilitan na syang magkaroon ng responsibilidad na
maaaring ina at ama sa murang edad. Magiging kaawa- awa tulo’y ang mga babaeng ito wala pang sapat
na kaalamanan sa buhay. Isang napaka- hirap na gampanin sapagkat sa halip na pag- aaral at pag-
paplano sa kanyang magiging kinabukasan ay kinabukasan n ng kanyang magiging anak ang kanyang
pag- aaralan at pag- paplanuhan. Ang pangunahing tungkulin ng isang magulang ay mabigyan ng
magandang kinabukasan ang kainlang magiging anak, subalit dahil sa sapilitang pagbuo sa buhay na
hindi nila napag- planuhan hindi ito nasasakatuparan

Samantalang kung mapapahihintulutan ang pagpapalaglag, ang kaligtasan ng kanyang buhay ay sigurado
na. Dahil sa batas na “anti-abortion” na ang mga Babae ay umiiwas na pumunta sa mga Ospital dahil sa
takot na sila’y mahuli. Na nag- dudulot ng depresyon, dahil sa kahirapan na dinararanas sa murang edad,
nawawalan na ng kumpiyansa sa sarili ang magiging ina sa sinapit. Sa dami ng iniisip pati ang batang
nasa loob ng sinapupunan ay naapektuhan sa nararamdaman ng kanyang ina. Dito kadalasang
humahantong sa pagpapatiwakal, na mas lalong nag- duddulot ng malaking problema.

Pumapabor ako sa aborsyon sapagkat tinitignan ko ang mas lalong mag- papakabuti sa dalawang buhay
na naka- salalay dito.

Gripo, Mary Red

II-Psychology

At 8:09 PM, Blogger marjorie said...


Sa panahon ngayon, maraming kinakaharap na problema ang ating bansa. Isa sa pinagtatalunan ngayon
ng maraming pilipino ay ang aborsyon.Nahahati ang mga opinyon ng mga pilipino tungkol sa isyu ng
aborsyon, maraming tumututol at mayroon din namang sumasang-ayon."Dapat ba O hindi dapat
ipatupad ang aborsyon?" Ako, ayon sa aking mga nababasa at nalalaman, isang malaking kasalanan ang
pagsasagawa ng aborsyon, dahil ito ay ang pagkitil ng isang buhay sa loob ng sinapupunan ng isang
babae. Wala tayong karapatan na abusuhin ang ating katawan,at dapat rin nating alalahanin na ito'y
handog at regalo galing sa ating lumikha kaya marapat lamang na igalang natin ito at pag-ingatan. Ang
katawan ng tao ay templo ng Diyos na dapat igalang. Para sa akin hindi solusyon ang aborsyon sa
lumalaking populasyon ng ating bansa at lalong hindi ito ang solusyon sa pagkakamaling nagawa ng mga
kabataang nakalimot at minsang nagkamali, dahil hindi kailan man maitutuwid ng isang pagkakamali ang
isa pang pagkakamali. Hindi dapat maging makasarili at isipin ang sariling kapakanan, kung may naging
bunga ang kamaliang nagawa dapat itong panindigan at tingnan ang positibong maidudulot nito at
huwag alalahanin ang gastusin, dahil mas mahalaga sa kahit anong bagay ang buhay ng isang bata, kung
may nagawa mang pagkakamali pilitin at sikaping ituwid ito sa mabuting paraan.At upang mabigyan ng
magandang bukas ang bata dapat rin magsumikap sa buhay. -

marjorie Pangilinan

II-psych

At 8:55 PM, Blogger lorilier said...

Ang aborsyon ay pagpatay sa isang tao. Sabihin man nating ito ay isang fetus pa lamang na nagsisimula
pa lamang mabuo, ito pa rin ay tao. Ayon sa sampung kautusan ng Diyos "huwag papatay". Tayo ay
ginawa ng Diyos dahil tayo ay may iba't ibang misyon na dapat gawin sa mundo.

Bilang nilalang ng Diyos, ako ay hindi sumasang-ayon sa pag-aagas. Halimbawang ang isang babae ay
nabuntis dahil sa rape. Ang krimen ay ang rape at hindi ang pagbubuntis ng dahil dito. Walang kasalanan
ang bata kung siya ay nabuo dahil dito. Sabi nga nila, "marahil ay may dahilan ang Diyos kung bakit niya
ginagawa ang mga bagay na ito". Ang masamang karanasan ng rape ay nagdulot ng isang anghel sa
sinapupunan ng biktima.

Isa pang halimbawa ay ang pagbubuntis ng walang sapat na pangbuhay sa bata. Ito ay hindi dahilan
upang pumatay. Dapat nalalaman natin ang responsibilidad ng bawat isa sa ginawa nating aksyon. Isipin
din natin kung ipinalaglag tayo ng ating ina. Hindi tayo nabigyan ng tsansang mabuhay at gawing ang
ating misyon. Ang aborsyon ay pagtakas sa responsibilidad na ikaw ang gumawa at ibinigay ng Diyos.

Mayroong mga mag-asawa na gustong-gusto magkaanak ngunit sa pisikal na mga kadahilanan hindi ito
maibigay sa kanila. Iba't ibang paraan pa ang kanilang sinasaliksik para lamang mabigyan ng anak. Ang
iba ay nag-aampon pa. Isipin nating ang lahat ng bagay na ibinibigay ng Diyos ay may dahilan, nasa atin
na lamang kung paano natin ito pahahalahagan. Nalalaman kong ang mga sumasang-ayon dito ay may
dahilan kung bakit nila ito tinatanggap pero ilagay natin sa ating puso ang Diyos, at magdasal upang
mabigyan tayo ng linaw sa ating gagawing aksyon. Ang idudulot ng sanggol na iyong papatayin ay hindi
natin nalalaman. Maaaring ito ang makapagbibigay at makapagbabago sa mundo at mundo mo.

Lorilie Refuerzo

2-Psychology

At 9:45 PM, Blogger Marianne said...

Maraming tao ang nagiisip ng mabuti tungkol sa isyu ng aborsyon. Ang argumento na ipiniprisenta ng
pagsang-ayon sa buhay o "pro-life" ay ang bawat bata na bubuhayin ay ginusto at kailangan alagaan, at
bawat batang ipinagbubuntis ng kanyang ina ay kailangan mabuhay. Samantalang, sa kabilang panig
naman ay ang "pro-abortion" o tuwirang karapatan ng mga kababaihan na magdesisyon para sa kanilang
sarili; kung ang batang nasa kanilang sinapupunan ay gusto o hindi ba nila ito gutong buhayin.

Ang batang nasa sinapupunan ng kaniyang ina ay kanyang pagmamayari at nasa kanyang sariling
pangangatawan at ang buhay ay hindi nagsisimula hanggat ang bata ay hindi pa nailuluwal sa mundong
ibabaw.

Ang pansariling karapatan ng mga kababaihan at sariling kabuuang kalayaan ay nagbibigay pahintulot sa
mga kababaihan na magdesisiyon para sa kanilang sarili kung nais ba nilang ilaglag o ituloy ang kanilang
pagbubuntis.

Ang karapatan sa pagpili ng aborsyon ay personal at napaka-halaga sa buhay ng kababaihan; Na kung


wala ang karapatan na ito sa pagpili at pagdedesisiyon ay hindi tuwirang naisaisagawa at natutupad ang
iba pang pundamental na karapatan at kalayaan na tiyak na nararapat lamang nilang matamo.

Sa ganitong sitwasyon, ang estado ay walang direktong karapatan at hindi maaring makialam o
sumalungat sa bawat pribadong buhay ng mamamayan sa kaniyang bansa.

Sa pagkakaroon ng karapatan ng pagpili ng aborsyon, ang mga kababaihan ay maaaring makapag-saya at


magawa ang kanilang plano sa buhay ng kanilang buong kagustuhan at pagdedesisyon; Ang
kapangyarihan ng bawat nilalang na gamitin ang lakas at impluwensiya ng kanilang isip at
pangangatawan.

Kagaya na lamang ng mga kalalakihan, mayroon silang karapatan na mamili at gustuhin ang mga bagay-
bagay sa kanilang buhay. Ang mga lalaki ay maaaring umayaw o umalis sa isang relasyon ng kasing dali at
bilis ng kanilang pagdedesisyon na iwanan ang babae sa madaling panahon na malaman nito ang tungkol
sa isang pinagdadalantao. Walang animo tanung-tanong o kinalaman ang mga ito ukol sa naganap na
pangyayari. Pinili nila ang ganitong desisyon. Ginawa niya ang kanyang gusto. Maaari lamang natin
sabihin na patas o parehas ang pinaglalabanang karapatan kung ang mga kababaihan ay maaari rin
bigyan ng parehas at kaayon na pagdedesisyon.

Kung ang isang babae ay ayaw humawak ng responsibilidad at akuin ang kanyang tungkulin bilang isang
ina at humarap sa isang pananagutan, samakatuwid, naaayon sa kanya ang aborsyon; ang
pagdedesisiyon sa pagpili ng aborsyon bilang isang pagpipiliang opsyon. Hindi lahat ng "contaceptives" o
gamot sa pagapapalaglag o mga alternatibong paraan ng hindi pagbubuntis ay epektibo at sigurado.
Hindi sa lahat ng oras ito ay nasa kamay o pwedeng gamitin. (availability of the object)

Ang aborsyon ay kinakailangan sa mga kababaihan na alam at may kakayahang malaman kung gusto at
kailan magbubuntis o ipalalaglag ang isang bata. (whether and when to "bear or beget a child")

Ang pagkakaroon ng aborsyon ay hindi lamang posible upang magkaroon ng sapat na karapatan sa
pagpili ng dami ng numero ng anak na gusto sa isang pamilya kundi, ang pagbuo ng uri at klase ng
pamilya na kanilang ginusto sa kanilang mga sarili kasabay ng pagkamit ng kanilang mga responsibilidad.

Kung ang isang babae ay hindi makapili o makpagdesisyon sa kanyang sarili na hindi ituloy o ipalaglag
ang kaniyang dindala na hindi naman niya ginusto o ayaw nitong buhayin, Siya mismo ay maitatanggi at
maitatatwa sa pansariling karapatan sa “posesyon at control” ng kaniyang sariling pangangatawan.

Isa sa pinakasagradong karapatan ng isng batas ay ang PAGPILI, at kung ang isang babae ay hindi ito
kayang gawin, kung gayon, ang pinaka-importanteng posesyon ay inaalis at pinawawalang halaga.

Ang ABORSYON ay hindi lamang pangkababaihang KARAPATAN, ito ay karapatan ng mga kababaihang
PUMILI.
Lara, Marianne V.

2-Psychology - ECE

At 1:32 AM, Blogger jobelle bunoy said...

Ako ay hindi sang-ayon at kailanma’y hindi sasang-ayon sa isyung gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas.

Ang proposisyong gawing legal ang aborsyon ay maaring maging solusyon sa problemang
pangkabuhayan ngunit ito rin marahil ang magbibigay karapatan sa mga magulang na maging
iresponsable sa kanilang gawa. Hindi ito nararapat na gawing legal sapagkat ang mga inosenteng sanggol
ay biyaya sa atin ng poong Maykapal. Karapatan nila na maranasan ang masaganang buhay na sa ati’y
ipinahiram ng Diyos.

Mangyari pa, ang aborsyon ay nagdudulot ng iba’t ibang pisikal at sikolohikal na epekto sa mga babaeng
nagpapa-abort. Sa pisikal na aspeto, ang kababaihan ay maaring makaranas ng pagdudugo na maaari
nitong ikamatay. Maaari rin itong magdulot ng matinding lagnat na ,kapag hindi naagapan, ay maaaring
humantong sa “renal failure”. Magdudulot rin ito ng matinding pananakit, pagkawala ng gana, insomnia,
pagbaba ng timbang, “ectopic pregnancy” at “menstrual disturbances”. Sa aspetong sikolohikal, maaari
silang makaranas ng pagkakonsensya, pagkawala ng kumpiyansa sa sarili, pagtanim ng galit, at
pagpapakamatay. Samakatwid, hindi lamang ang buhay ng walang kamuwa muwang na sanggol ang
damay ngunit pati na rin ang buhay at kalusugan ng mga kababaihan.

Noong nakaraang sabado, ika-21 ng Enero taong 2006, ipinalabas ng programang Imbestigador ang
walang awang pagkitil sa buhay ng mga sanggol. Dahil dito, dinakip at naparusahan ang manghihilot na
sangkot sa pag-aabort. Ayon sa pahayag ng isang doktor, talagang mapanganib ang aborsyon sa
kalusugan ng taong nagpapalaglag.

Sa mga kaso naman ng panggagahasa, hindi ako sang-ayon sa solusyong aborsyon. Oo nga’t ang batang
bunga ng kahalayang ito ang sanhi ng kanyang mga kabiguan, hindi tama na ipagkait sa bata ang
karapatang mabuhay. Ika nga nila, hindi kailanman maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang
pagkakamali.
Nawa’y magsilbi itong gabay sa ating lahat lalo na ngayo’t mapupusok na ang mga kabataan. Sana’y
maging ehemplo tayo ng magagandang asal sa ating mga magiging anak.

Jobelle Bunoy

BS Psych 2

At 1:35 AM, Blogger gaily magan said...

Ang Aborsyon sa ating panahon ngayon ay isa sa napakahalagang isyu na dapat pagtuunan ng pansin
hindi lamang ng mga mamamayan kundi pati narin ng pamahalaan. Hindi nman marahil alintana sa
panahon ngayon na sadyang marami ng kabataan ang napasasailalim sa aborsyon. Ang tanong, pabor
nga ba tayo o hindi sa ganitong uri ng proseso?kung ako ay tatanyngin marahil ay isa itong masamang
gawain sa paningin hindi lamang ng simbahan pati narin ng ibang tao ngunit kung ating lalawakan ng
kaunti ang ating mga pagiisip ating mapapagtanto na ang ganitomng klase ng gawain ay dapat gawing
legal. Bakit? unang una tayo ay may kanya kanyang karapatan sa ating buhay at desisyon para sa ating
mga sarili. Kung sasabihin ng simbahan na ito ay masama, paano na lamang ang ating karapatan sa ating
pribadong buhay? Ang paggamit ng mga "contraceptives" ay isang uri nito, ngunit bakit pabor ang
simbahan dito? sinasabi rin na ito ay isang uri ng pagpatay, kung ating iisipin ng maayos, ito ay hindi tao,
ngunit isang namuong dugo lamang,nasusulat sa batas na ang pagbubuntis ng babae ay nasa kanyang
desisiyon kung itutuloy o hindi sa unang tatlong buwan nito. Kung kaya ba o hindi ng katawan ng babae.
sa susunod na anim na buwan naman ay nasa desisyon ng kayang pribadong tagapagtinin o doktor.
(Church and State law and relations in the Philippines pp.79-80)Isang punto na aking nais bigyan pansin
ay ang karapatan ng babae kung halimbawang siya ay nagahasa o napagsamantalahan, hindi ab't mas
kasalanan angb ipagpatuloy nag pagbubuntis ngunit hindi bukal ang iyong kaluoban? at darating ang
panahon na pababayaan na lamang ang bata? Ang proseso ng aborsyon ay isa ring daan upang masiguro
na ang mga ipinapanganak ay mga batang bukal sa kalooban ng mga magulang ang pagpaplaki sa
kanila,at isa rin itong daan upang gisingin mng mga kalalakihan na hiondi lamang taag gawa ng bata ang
p[apel ng mga kababaihan. DAhil sa hindi pagparag sa aborsyon nagkakaroon ng malaking
diskriminasyon sa sistema ng ating buhay.

Tayo ay babae, may karapatan at may sariling kagustuhan. Ang pagtaya sa sariling kagustuhan ay hindi
maganda lalu na kung ito ay nagiging daan sa pagapak sa ating pagkatao. ANg pagdesisyon ng hindi
pagtanggap ng responsibilidad sa paganak ay hindi kasalanan nino man. Siya lamang ay dumadaan sa
puspusang pagiisip at pagalala sa mga bagay na maaring kaharapin na siyang mas lalong
makakpagpabigat sa kanyang kalooban.
At 3:47 AM, Blogger may domingo 2-psych said...

Isa sa pinakamalaking isyu na kinasasangkutan ng bansa ay ang aborsyon.Habang tumatagal


nadaragdagan ang bilang ng mga sanggol na namamatay dahil sa aborsyon.Para itong sakit na mahirap
gamutin kung saan ang mga biktma ay ang mga sanggol na walang muwang.Kung kaya't hindi ako
sumasang-ayon sa aborsyon ito ay labag sa batas ng tao at ng diyos kung kaya't dapat ng itigil ang
ganitong gawain.Isa itong pagpigil sa karapatan ng tao na mabuhay lalo nat ang tinatanggalaan ng
karatan dito ay mga sanggol na dapat sana ay biyaya ng panginoon.Sinabi ni hesus na"humayo kayo't
magpakarami"kung kaya't dapat ng pigilin ang ganitong mga gawain.Diyos ang nagbigay sa atin ng buhay
kung kaya't siya lamang ang may karapatan na kumuha o bumawi ng ating buhay lahat tayo ay may
karapatang mabuhay ng normal,masagana at marangya.Ang mga taong walang paninindigan sa kanilang
sarili at hindi responsable ay hindi dapat pumapasok sa mga bagay na hindi nila kayang resolbahan o
ayusin gaya ng "pre-marital sex"kung saan ito ang nagiging dahilan kung bakit ang mga kabataan ay
nasasangkot sa aborsyon dahil hindi pa nila kaya ang mga responsibilidad na maging isang
magulang.Bilang isang tao tungkulin nating pangalagaan at respetuhin ang karapatang mabuhay ng
bawat nilalang bigyan natin sila ng karapatang mabuhay sa anumang paraan na gusto nila.Tutol ako sa
pagkitil ng buhay ng isang nilalang marahil marami ang hindi sasang-ayon sasabihin ng iba na ang pagkitil
ng isang buhay ay para na rin sa kapakanan ng sanggol dahil kung wala namang magandang kinabukasan
na naghihintay sa sanggol bakit pa ito kailangang dumanas ng hirap kung kayat tatangalan nila ito ng
karapatang mabuhay. Unang-una hindi sila dapat pumasok sa isang bagay na hindi nila kayang dalhin
kung inisip muna nila ang mga maaring mangyari hindi na nila kailangang gawin ang magpalaglag ng
bata.Kung sana inisip muna nila ang maaring mangyari hindi sila hahantong o hindi sila mag-iisip na
gawin ang aborsyon.Dahil ito nga ay labag sa diyos dahil ito ay pinahiram niya lang kung anong buhay
ang mayroon tayo ngayon ito ay ibinagay niya lamang para gawin natin ang mga bagay na
makapapapasaya sa ating kapwa.Kung kaya't dapat ng itigil ang ganitong gawain.Ang aborsyon ay
parang isang lason na kung saan pinapatay ang isipan ng marami na bigyan ng karapatang mabuhay ng
matiway ang isang nilalang.

At 3:57 AM, Blogger paninder pal gill said...

Paninder

Alam nating lahat na isang malaking malaking usapin sa simbahan at gobyerno ang aborsyon.Sari saring
opinyon ang maririnig sa bawat indibidwal hinggil sa aborsyon. Kung ako bilang isang tao/babae ang
tatanungin hinggil sa usaping ito...sumasang-ayon ako hindi dahil sa gusto kong kumitil ng buhay kundi
dahil sa mga bagay na kakaharapin nito. Isipin na lang natin na kung ang isang babae ay ginahasa at ito
nabuntis, sa kanyang pagbubuntis hanggang sa pagsilang ng bata ito ay kanyang kamumuhian, ano na
lamang ang magiging kinabukasan ng bata, lalaki sya na puro galit ang makikita. Makakabuti rin ang
aborsyon para sa isang babae na hindi pa handa sa responsibilidad, alam natin na mapusok na ang
kabataan ngayon kung kaya't wag na nating dagdagan ng isa pang mabigat na suliranin ang isang babae
kung ito'y hindi pa handa sa responsibilidad, kung kanyang itutuloy ang pagbubuntis may maibibigay ba
syang magandang kinabukasan sa kanyang anak. ano ang maaasahan mo sa isang tao na hindi handa sa
pagiging ina na hindi kayang maging ina at takot sa responsibilidad. Ang teknolohiya ngayon ay
masyadong nang advance. Ang isang magiging ina ay nagpapa-check up, sa siyensya meron tayong
tinatawag na genetic engineering sa pamamagitan nito makikita nang isang dalubhasa kung magiging
isisilang na normal ang isang bata. Kung makikita ng dalubhasa na magiging abnormal ang bata, dapat na
lamang na ipa-abort ang bata dahil kung itutuloy ito ng mga magulang magiging kawawa lamang ang
bata,mahirap din para sa magulang kung makikita nilang hindi tanggap sa lipunan ang kanilang anak. At
higit sa lahat karapatan ng isang babae ang mag desisyon para sa kanyang sarili, alam nya kung ano ang
nararapat at nakabubuti para sa kanyang sarili. Anut'ano man ang maging desisyon ng isang babae hindi
natin sila maaaring pigilan....maaari lamang natin ibigay ang ating suporta sa kanila.

2 Psychology

Paninder Pal K. Gill

At 3:57 AM, Blogger paninder pal gill said...

This comment has been removed by a blog administrator.

At 4:05 AM, Blogger fayanne intal said...

Ako ay tutol sa aborsyon dahil bilang isang Katoliko naniniwala akong isang malaking kasalanan sa Diyos
ito sapagkat ang aborsyon ay paglabag sa isa sa mga sampung kautusan ng Diyos na “Huwag pumatay”.
Ang aborsyon ay isang uri ng pagpapatay dahil nang magkaisa ang binhi (sperm) ng lalaki at ang itlog
(egg cell) na babae isang nilalang na bukod tanging walang katulad ang nabubuo sa sinapupunan at sa
pagkakataong iyon buhay ay nagsimula na. Hindi dapat patayin ang sanggol dahil lahat ng tao ay may
karapatang mabuhay. Isa talaga itong malaking kasalanan sapagkat naniniwala ako na ang ating buhay
ay isang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa atin, at siya lamang ang may karapatang kumuha nito at wala
nang iba pa. Ang aborsyon, sa aking opinion, ay isang immoral na gawain. Kung ang tao ay gumawa na
ng isang pakakamali kaya siya nabuntis, hindi na dapat niya ito sundan ng isa pang pagkakamali.
Kailangang harapin niya ang kapalit ng kaniyang ginawa. Hindi rin tamang ipalaglag o ipaabort ng isang
ina ang kanyang anak dahil ang ina ay walang anumang karapatan sa katawan ng kaniyang anak
sapagkat ito ay may sariling katauhan at isang kakaibang pagkatao na hiwalay sa kanya. Tunay na ang
aborsyon o pag-agas sa bata ay karumaldumal. Hindi ito nararapat at kahit kalian ay hindi ako
sasangayon dito.
fayanne intal

ii-psychology

At 3:38 AM, Blogger Dannielle said...

Sa panahon ngayon, ang aborsyon ay nagiging uso na sa mga kabataan. Marami ang pabor dito sa
paniniwalang ito ay isang praktikal na paraan lamang upang maituwid ang isang kamalian. Ang hindi nila
alam ay ang magiging epekto pagdating ng panahon. Ako ay isa sa mga kabataang hindi pabor sa
ganitong istilo ng pagiging praktikalidad. Ito ay mahihintulad sa isang krimeng pagpatay. Ito ay kasalanan
sa batas at pati na rin sa panginoon. Kung ikaw ay nabuntis dahil sa isang pagkakamali tulad ng ikaw ay
gahasain ito ay hindi isang matibay na rason upang sundan pa ito ng isa pang pagkakamali. Kung ikaw ay
hindi pa handa maging isang ina, sa halip na ito ay ipaabort baket hindi na lang ito ay iyong ituloy at
tanggapan at saka mo na lang ipaampon. Sa ganoong paraan, nakapagbigay ka pa ng saya sa iba. Ang
pagkalooban ng panginoon ng pagkakataong maging isang ina ay isang biyaya. Biyayang dapat ay taos
pusong tatanggapin.

At 4:47 AM, Blogger Lady Sauco said...

Hindi ako sangayon sa aborsyon dahil tao lamang tayo walang ayong karapatan pumatay ng kapwa natin
tao. Kung ayaw natin magkaroon ng anak ng wala sa oras dapat hindi tayo gumagwa ng labag sa batas
ng Diyos. Ang Diyos ang gumawa sa atin at siya laman ang may karapatan kunin ang buhay ng isang tao.

Kapag ang isang tao ay nagpa-abort, para rin siyang pumatay ng kapwa niya tao.

Kapag nagpa-abort ba ang isang tao, hindi ba siya makokonsensya sa kanyang ginawa? Habang buhay
siyang guguluhin ng kanyang isip. Maski sabihin natin walang konsensya ang gumawa nito, imposibleng
hindi niya ito maisip. Imposibleng hindi dumating ang panahon na hindi niya ito pagsisihan. At kapag
dumating ang panahong iyon, huli na ang lahat. humingi man siya ng tawad sa Diyos at sa lahat ng tao,
hindi na niya mababalik ang buhay na kanyang kinuha - ng kanyang pinatay.

-Lady Sauco

At 4:49 AM, Blogger Lady Sauco said...

Hindi ako sangayon sa aborsyon dahil tao lamang tayo walang ayong karapatan pumatay ng kapwa natin
tao. Kung ayaw natin magkaroon ng anak ng wala sa oras dapat hindi tayo gumagwa ng labag sa batas
ng Diyos. Ang Diyos ang gumawa sa atin at siya laman ang may karapatan kunin ang buhay ng isang tao.
Kapag ang isang tao ay nagpa-abort, para rin siyang pumatay ng kapwa niya tao.

Kapag nagpa-abort ba ang isang tao, hindi ba siya makokonsensya sa kanyang ginawa? Habang buhay
siyang guguluhin ng kanyang isip. Maski sabihin natin walang konsensya ang gumawa nito, imposibleng
hindi niya ito maisip. Imposibleng hindi dumating ang panahon na hindi niya ito pagsisihan. At kapag
dumating ang panahong iyon, huli na ang lahat. humingi man siya ng tawad sa Diyos at sa lahat ng tao,
hindi na niya mababalik ang buhay na kanyang kinuha - ng kanyang pinatay.

-Lady Sauco

At 1:24 AM, Blogger christine_leelian said...

Christine Leelian Said:

Thank you so much for the lessons.It was a great help for me to know the history of ancient education
and their contribution to our modern world. I believe it's through them we owe so much of the
achievements we have right now. Knowing their importance is simply means valuing education.I hope as
we internalize our lessons may I also be an active participant in deepening the contents to understand
fully the things which is very hard to ignore for they are so rich and helpful in preparing my future.

At 1:36 AM, Blogger Jacky Lou said...

Marami akong natutunan sa Retorika at lang lahat ng ito ay dahil kay Doc de Vera dahil siya ang nagturo
sa akin! Unang-una, natuto akong gamitin ang bawat oras para sa mga importanting bagay. Pangalawa,
nahubog ang aking pagkamakata dahil noon kulang ako ng lakas ng loob na gumawa ng tula. Pangatlo,
ang pagiging maunawain sa mga estudyante dahil pinadarama ni Doc de Vera sa amin ito. Pang-apat ang
pagiging isang tunay na Paulinian at Kristiyano sa kapwa hindi lang sa salita kundi pati na rin sa gawa
dahil si Kristo ang sentro ng buhay ko. Inialay ko lahat kay Kristo ang lahat sa akin at baling araw ako ay
puno ng pag-asa na makatulong ako hindi lamang para sa aking pamilya kundi pati na rin sa lahat ng
nangagailangan!

Maraming salamat Doc de Vera!

At 7:18 PM, Blogger sharlene said...

sang-ayon akokung makatwiran at legal ang dahilan dahil mas mahirap pag marami tayong nakikita na
mga batang sobrang naghihirap.
At 5:37 AM, Blogger maryanfeigz said...

Ang aborsyon ay isa sa mga isyung talaga namang kapag narinig mo e..mapapa-isip ka..alin nga ba ang
tama?, alin nga ba ang dapat?

bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang paniniwala..may kanya-kanyang way of reasoning, at aminin
man natin o hindi we most often based what we believed to be right on this "way of reasoning"..We
actually convinced people on our thoughts by mere reasoning.

I believe in the bible..i've read HIS commandments for so many times,it is commandeth that we shalt
not kill.,so as the church were against in all along,but then what the bible says are all rationalizations
and metaphors na ganito lang kababaw nating titingnan?wala tayong karapatan humusga sa iba?we
maybe god's of ourselves but we can never be as God himself..He knows everything.higit kanino man,
SIYA lang ang may karapatang humusga sa atin'.,naniniwala din ako na walang bagay na meron dito sa
mundo na hindi nya ginustong magkaroon dito.na walang approval niya..even satan won't be here in
this earth without his permission..He can have satan go back to hell whenever HE wanted.HE is GOD,the
most powerful.but HE didn't.,ever wonder why? :)

.....................

way back on the topic..still isa ako sa mag sumasang-ayon.bakit?

chances are inevitable.madaling magsalita,madaling maghusga..pero mahirap umintindi sa sitwasyon


lalo na't wala tayo sa posisyon nila.sabi nga.."only a hungry man will truly appreciate a loaf of bread"

oo, madaling magdahilan..madaling lumusot kung gugustuhin mo..,but then its more than words-you
could feel how worst the situation maybe.

as a parent or soon to be..you always want the best for your child.but in circumstances hindi mo
magagawa kasi you're not prepared.pagsisihan mo man to'..alam mong huli na.sabihin mo mang sana
mas nag-isip ka at hindi mo sana nagawa yon..,there's no use.nangyari na eh..kung ang broken family
nga eh..isa ng napakalaking burden sa bata..lalo pa ang malaman niyang anak siya sa pagkadalaga, or
worst..anak siya sa labas.

At 6:06 AM, Blogger badboy said...

badjao man diay ng mama

At 10:38 PM, Blogger manyak said...


hello 2 all i just want 2 said that i agree wath the aborsyon.............NO COMMENT'z
heheeheheheheheeheheheheehehehehe!

Suggest wih my frend:

magpakamatay siya para safe ang bata at pati narin ang bata..ohh db solve....! hahahahahahaha!

At 3:02 AM, Blogger mikan said...

hindi ako sumasang ayon sa aborson. ang isang babae ay hindi kinakailangang dumaan sa prosesong ito
kung ang nais lang naman niya ang ang pagtakas sa kanyang responsibilidad. kahit ang anak sa
pagkakasala ay hindi dapat pagkaitan ng buhay pagkat hindi naman ito kasalanan ng bata. marahil ay
may purpose ang diyos kung bakit siya binuhay kahit anak lang siya sa pagkakasala. kung nag isang ina
naman ay nasa kritikal na kalagayan at ang bata ay nasa sinapupunan niya, sariling makatwirang
desisyon na lamang ng ina ang kanyang dapat gawin. pero kung ako sa kanya, mas nanaisin ko pang
buhayin ang aking anak para naman maranasan niya nag mabuhay. walang sinuman sa atin ang may
karapatang kumitil ng buhay pagkat ang nag iisang diyos lamang ang may karapatan sa pagbawi ng
buhay ng isang tao.

At 3:12 AM, Blogger mikan said...

hindi ako sumasang ayon sa aborson. ang isang babae ay hindi kinakailangang dumaan sa prosesong ito
kung ang nais lang naman niya ang ang pagtakas sa kanyang responsibilidad. kahit ang anak sa
pagkakasala ay hindi dapat pagkaitan ng buhay pagkat hindi naman ito kasalanan ng bata. marahil ay
may purpose ang diyos kung bakit siya binuhay kahit anak lang siya sa pagkakasala. kung ang isang ina
naman ay nasa kritikal na kalagayan at ang bata ay nasa sinapupunan niya, sariling makatwirang
desisyon na lamang ng ina ang kanyang dapat gawin. pero kung ako sa kanya, mas nanaisin ko pang
buhayin ang aking anak para naman maranasan niya ang mabuhay. walang sinuman sa atin ang may
karapatang kumitil ng buhay pagkat ang nag iisang diyos lamang ang may karapatan sa pagbawi ng
buhay ng isang tao.

At 4:42 AM, Blogger bOb Ong said...

sang-ayon ako!
At 6:06 AM, Blogger ~elmz~ said...

sang-ayon din ako sa lahat ng inyong opinyon,,,hindi makabubuti na ipalaganap ang aborsyon dito sa
atin...

At 8:38 PM, Blogger Marvin said...

sa akin opinion, hindi ako sang ayon.. una sa lahat ang bawat buhay specialy pag nabuo na yan.. gift ni
God yan.. ang ang ating blessing ay ng gagaling sa kanya.. we cant live without God.. kya lahat ng
ngyayari ay my dahilan.. my ngsasabi nga na kung bata ka pa na magbubuntis hindi maalagaan ng
maayos.. lahat my paraan.. lahat naman my problema my pagsubok, hindi mawawala yan kasabay na
yan,, but it will make you stronger day by day,, pag pinahalagan nyo ang buhay,, God will bless you even
more abundantly.. malay nyo ang pinagbubuntis nyo my 1 billion pla ang katapat magiging doctor, engr..
kz galing ky God yan.. and All things are possible through christ.. walng imposible.. laht magagawa mo
yan..

At 7:16 PM, Blogger 2ndyR nUrsinG stuDent said...

Hindi ako sumasangayon sa aborsyon sapagkat alam naman nating lahat na ito ay MALAKING kasalanan.
Sa kapwa tao at higit sa lahat ay sa Maylalang. Siya lamang ang may karapatang bumawi sa buhay na
Siyang nagbigay. Ang aborsyon ay isang uri ng pagpatay. At ipinagbabawal ang pagpatay kahit saang
batas. Lalo na sa mga batang wala namang malay. Mas masakit pa ito kung ito ay gagawin natin sa ating
sariling anak. Sila ay dugo at laman natin, sila ay marapat alagaan at mhalin, hindi PATAYIN. Hindi
marapat maging legal ang aborsyon, kundi dapat parusahan ang mga lumabag sa batas na ito. Sila ay
dapat parusahan gaya ng pagpaparusa sa mga taong kumitil din ng buhay. Para naman sa mga taong
may madilim na kahapon, na nagbunga sa kanilang sinapupunan, marapat na ipaubaya na lamang nila sa
Diyos na Maylalang ang lahat ng bagay. Paniguradong hindi sila pababayaan Nito, at may magandang
bukas ding naghihintay sa kanila.

At 4:53 PM, Blogger franz czedrick said...

i strongly agree!! gentlemen and ladies magisip tayo,kaya tayo hindi umaasenso eh dahil sa laki ng
populasyon ntin. kelan ntin maiisipang gawin to?kng huli na ang lahat? iniisip nyo kasi palagi eh imoral
ang aborsyon. dahil ba ang diyos lang ang may karapatan na bumawi ng buhay?? what if god will make
us as his instrument para bawiin ang buhay ng isang tao na produkto ng maling panahon?? alam nyo
mas masakit marinig mismo sa anak nyo na sabihin nyang "hindi mo nalang sana ako hinayaang
mabuhay nung nsa sinapupunan pa lamang ako kng hindi mo rin lang ako mabibigyan ng magandang
kinabukasan kasi pabigat lang ako sa inyo at maging sa boung mundo." gentlemen and ladies, premarital
sex is not immoral,even the law says it. and it is inevitable for us not to commit this premarital sex.lets
not think of the absolute point of view of doing bad acts but on the point of view on its consequence.

At 6:22 PM, Blogger krister llona said...

hindi ako sang-ayon dahil ang aborsyon ay hindi solosyon sa problema dahil masama ang pumatay ng
isang buhay ,dahil ang buhay ay mahalag .

At 6:23 PM, Blogger krister llona said...

hindi ako sang-ayon dahil ang aborsyon ay hindi solosyon sa problema dahil masama ang pumatay ng
isang buhay ,dahil ang buhay ay mahalag .

At 7:05 PM, Blogger Unknown said...

thanks sa lahat ng mga reactions niu,, natulungan ako nito kac mag-de-debate kami tungkol sa abortion
tapos PANIG ako..huhuh,,mahirap kac ang panig,,tinatama moh ang mali..pak... thank you very much
psych students!! >3

At 3:36 AM, Blogger Unknown said...

..hayy tnx sa mga comment nio..my debate kse kme about sa aborsyon at panig ang nbunot
nmin..hirapo pa nmn nun,,

At 4:54 AM, Blogger yannahlouissereyes said...

im agree sa aborsyon kasi its better na hindi mo n ilabas ang bata kung hndi mo naman ito mhal at
phijirapan mo lang ang bata n iyon..

At 4:56 AM, Blogger yannahlouissereyes said...

i agree

At 7:24 PM, Blogger Roxie Maranan said...


cathy said....

tnx for the info!!

may talumpati kc aq tungkol sa abortion eh..it helps a lot:D

At 7:07 PM, Blogger christyl shane lopez said...

ang aborsiyon ay isang masamang gawain na kung saan binibigyang walang halaga ng mga kababaehan
ang mga bata sa kanilang sinapupunan .... o ung tinatawag nating pagkitil ng buhay ng batang walang
kamuang muang sa mundo... bakit nga ba napipilitang ipahulog ng mga kababaihan ang bata sa kanilang
sinapupunan? kasi maaring hindi alam ng kainilang magulang o at hindi pa sila handang maging ina ...

At 7:10 PM, Blogger christyl shane lopez said...

at kahihiyan na rin iyon sa pagiging babae pag nalaman nilang buntis ka ...mahihiya ka kaya pati na ang
iyong pamilya... napipilitan silang ipalaglag ang bata sa kanilang sinapupunan

At 7:37 PM, Blogger Unknown said...

thanks sa info! i'll use it for my debate

At 3:19 PM, Blogger Unknown said...

Hindi malaking sulosyon . Malaki ang kasalanan na gagawin mo kung ikaw ay magpaplano ng ganitong
bagay. What you've decided is your choice, its not a mistake if you a baby in your stomach. Expect that
you will have it if you did with your partner cause thats life..

At 9:55 PM, Blogger Unknown said...

naka depende pa din yan sa taong nasa lugar.

kaya nga may dalawang uri tayo ng aborsyon, ito ay ang kusa at sapilitan.

may mga pag kakataon pa din kasi na niipit ang isang babae sa pag dedesisyon.

ayon nga kay sto.thomas de aquino ay ang may oras na kung kailan ang isang kilos ay nararapat gawin ay
maaring mag dala ng mabuti o masama.
halimbawa na lamang ay kung ang isang babae na nag buuntis ay may mayroong sakit sa kanyang mates
at kailangan itong tanggalin upang siya ay gumaling ngunit ikamamatay ito ng bata.

masakit man aminin ngunit may mga pag kakataon din na kailangan tayong mamili.

paro nasa atin pa din ang desisyon na naka depende sa pag iisip at paniniwala ng tao.

At 6:04 AM, Blogger Unknown said...

....sa dami ng pupolasyon dito sa piipinas at dahil sa kaahirapan minsan ipalaglag nalang ang sanggol.
akoy hindi sang-ayon sa abortion, una ito ay malaking kasalanan sa mata ng tao at higit sa lahat sa
poong maykapal na siyang naglikha at nagbigay sa atin ng buhay dito sa mundo. bagamat mayroon
tayong pagsubok na mararanasan sa bawat kabanata ng ating buhay. isipin mo ay lahat sinusukat ka
lamang ng poong maykapal kung gaano ka katatag at palagi mo siya tatawagin kahit sa laki ng iyong
problema..

kung ikaw ay may takot sa poong maykapal hindi mo gagagwin ang kalunos-lunos na krimen sa sanngol
kahit na ano ang iyang dahilan hindi parin makatarungan na ipalaglag ang bata sa iyong
sinapupunan.naisip mo banamilyon-milyon ang sperm cells ngunit isa lang ang makapasok sa ovary. ibig
sabihin isa itong malaking miracle tapos papatayin mo dahil sa may dahilan ka kong bakit mo gawin ang
aborsyon. kung ang magulang mo ay pinatay ka nang ikaw pa fetus sa tingin mo ba makikita mo ang
ganda ng mundo? takot sa maykapal ang dapat ninyong ipairal sa inyong puso upang hindi kayo
makagawa ng masama. I thank you...!!!!!1

At 11:53 AM, Blogger Unknown said...

Very well said mam.

At 6:21 AM, Blogger Unknown said...

Against ako

At 4:48 AM, Blogger Unknown said...

Hindi ako sang-ayon sa aborsyon!


Hindi sapat na rason ang rape or etc. kaya magpapaabort. Sabi ng kaibigan ko na nakaranas ng rape
"hindi sapat ang pagpapaabort para sa ginawang kasalanan ng ama ng anak ko, nagagalit ako ! Oo ! Galit
na galit ! Pero hindi ko na maibabalik ang dati ! Hindi maitatama ng pagpapaabort ang nagawang
kasalanan ng gumahasa sa akin !"

Hindi ko maisip na kaya niyang isipin ang bagay na iyon sa lahat ng nangyari sa kanya ! I asked her once,
" bakit hindi mo pinalaglag ? Hindi mo kinasusuklaman ang anak mo pag nakikita mo ito ?"

At isa ako sa napanganga sa sagot niya. " No, dahil kahit anong ginawa sa akin ng hayop na yun (the one
who raped my friend) walang kinalaman ang anak ko doon ! Oo may kasalanan siya sa akin, pero hindi
ang anak ko ! I believe may plano ang Diyos kaya nagbunga ang kahalayang nangyari sa akin. Pero
nandoon pa rin ako sa punto na, nasasaktan ako para sa anak ko, kasi wala siyang kikilalaning ama ! Pero
hindi sapat na rason iyon para ipalaglag ang bata ! Kasi bago pa lang nabuo ang anak ko, alam ko na may
plano na ang Diyos sa kanya ! Plano sa anak ko na sabay naming tatahakin. Problema na sabay naming
kakaharapin. "

Diba napakababaw pero meaningful?

Pero doon tayo sa problema na kung ang nanay at bata ang nasa peligro !

Miracle ! Doon tayo sa matalinong pagpapasya ! Mahirap sagutin diba ? Pero doon tayo pumapanig sa
"buhayin ang nanay !"

Pero masakit para sa ina ang mawalan ng isang anak !

Sabi ni Pastora, "walang katumbas ang pagmamahal ng isang ina." Pero doon tayo sa katayuan na
kailangan mong mamili. Between mother and the baby !

Pastora told me "Ito ang pinakamahirap na desisyon ! Pero diba, walang problema ang hindi
nasusulusyunan pagdating sa Panginoon ? " Napaisip ako doon.
Pero ang tanong ko dito "pano kung oras na ng pilian ?"

Sabi naman niya. "Hindi mo kailangang mamili, kasi kung kilala mo siya (God) hindi ka magdadalawang
isip na hindi pumili at isasaalang-alang mo ang buhay ng ina at ng sanggol sa Diyos. "

I asked her naman. "Nasasabi niyo po ba to dahil hindi niyo pa nararanasan ?"

"Naranasan ko na anak ! Remember the day na nagpassed out ako ? Dinala ako sa hospital at nakita na
may heart enlargement ako ! I am 4 months pregnant that time, at sabi ng doctor bawal ako mabuntis.
Sabi ni Pastor, ipalaglag, diba nag-away kami nun ? Kasi naturingan siyang pastor pero nag-iisip siya ng
bagay na hindi maganda ! "

Asan yung point ni pastora doon ?

"Hindi ko ipapalaglag ang bata, hindi niyo hawak ang buhay ko at buhay ng magiging anak ko . "
Hindi pinalaglag ni Pastora yung bata. Pero hindi niya nakalimutang humingi ng tulong sa Panginoon,
and guess what ? Magtatatlong taon na ang bata ngayon ! Buhay at malusog.

Wala tayong karapatan na wakasan ang buhay ng isang tao. PANANAMPALATAYA ! Iyan ang kailangan
natin.

Kaya

#SAY NO TO ABORTION

At 4:34 AM, Blogger Unknown said...

Thanks for the info's coz ill use it for my debate

At 6:16 AM, Blogger Unknown said...

Maraming salamat sa info. Magiging makabuluhan ang sasabihin ko sa darating na martes tungkol sa
abortion. Thank you sa mga ideas.

At 10:17 PM, Blogger Unknown said...

thanks for the information, it helps me a lot especially in my homework, it gives me a lot of idea about
the abortion and why it shouldn't be legalize here in our country, any reason can't do !

Post a Comment

<< Home
About Me

Name: Dr. Nimfa D. De Vera

Location: St. Paul University Quezon City, Cubao, Philippines

View my complete profile

Previous Posts

I ALWAYS BELIEVE IN MY STUDENTS

Powered by Blogger

You might also like