You are on page 1of 2

ABORSYON ITIGIL NA

Ang buhay ay sadyang napakahalaga sa mundo. Buhay na hindi kailanman mabibili at mabibigay
sa kahit nino man. Kaya, lahat ay may karapatang maging malaya at mamuhay ng payapa. Ang buhay na
inihandog sa atin ay maituturing na regalo ng Diyos na karapat-dapat lamang na ipagpasalamat at ingatan
sapagkat ang Diyos lamang ang may karapatang bawiin iito.
Ngunit nakakalungkot at nakakatakot isipin na ang buhay na ipinagkaloob at ipinagkatiwala sa
atin ay walang awang inaabuso at nilapastangan ng iilan. Isa sa mga isyung kinabibilangan nito na dapat
bigyang pansin ay ang isyu ng aborsyon o pagpapalaglag. . Ito ay ang sinasadyang pagtanggal ng embryo
o fetus sa loob ng matres, na nagsasanhi ng kamatayan nito Pwede ito mangyari ng biglaan tulad ng kapag
nakunan, o ng artipisyal sa pamamagitan ng kemikal at iba pa. Ginagawa natin ang pagpapalaglag dahil
sa sobrang populasyon. Maaaring naging bunga rin ito ng kasalanan gaya ng panggagahasa. Isang
napakalaking kwestyon ang gumugulo sa ating utak. Kung ikaw ang nasa ganitong posisyon, dapat ba ito
o hindi?
Para sa akin, huwag na nating guluhin at kalikutin pa ang ating isipan sapagkat hindi kailanman
nagiging tama ang pagpapalaglag. Una, hindi ako sangayun dahil lahat ng buhay maliit man o malaki may
muwang man o wala ay  napakahalaga. ang buhay ng isang tao ay isang regalo na ibinigay sa atin ng may
kapal ngunit ang pagkitil niyo ay hindi mabisang paraan para mawala ang  pabigat sa mundong ito. ang
pag a-abortion ay isang kasalanan hindi lang sa mata ng mga tao kundi narin sa mata ng Diyo.
Pangalawa, hindi sapat na rason ang pagdami ng populasyon sa aborsiyon sapagkat napakaraming
mga alternatibo at paraan upang atin itong makontrol lalo pa’t tayo ay nasa henerasyon ng makabagong
teknolohiya na. Ang aborsyon ay isang krimen sapakat ito ay pagpatay. Ang sinumang nagtatangkang
kitlin ang buhay o kumitil ng buhay ay mapaparusahan.
Hindi ito karapat-dapat sa harap ng Diyos. Kahit pa anong sabihin natin, mapait man ang mga
ala-alang naranasan o sinadya kahit alam mong hindi pa ito ang takdang panahon para sa pagbubuntis,
ang bata ay likha ng Diyos. Ano pa’t ang ating bansa ay isang bansa ay kilala dahil sa pananampalataya at
pananalig sa Diyos. Kung ang ating pinoproblema ay ang ating kinabukasan sa pag-aalaga ng bata, o kaya
ay wala pa tayo sa tamang edad upang gawin ang napakabigat na tungkulin, hindi iyon kasalanan ng bata.
Kung hindi man, huwag mo’ng gawin kung ano iyong sariling kagustuhan, huwag mo’ng pangunahan
ang Diyos sa Kaniyang plano sa iyong buhay at maging sa biyayang ipinagkaloob sa iyo. Ito ay gawain
lamang  mga taong nagdududa sa kakayahan ng Diyos at sa kaniyang mga plano sa ating buhay.
Ang tanging maaaring maging rason lamang siguro para dito sa akin ay kung ang pinag-uusapan
na ay ang kaligtasan ng buhay niyong mag-ina. Ngunit, kapatid muli, pinaaalahanan kita na huwag mo’ng
pangunahan ang Panginoon sa napakagandang plano na kaniyang inihanda para sa iyo. Humingi ka muna
ng pahintulot at gabay upang hindi ka mapunta sa maling desisyon. Gawin natin ang tama, pahalagahan at
ingatan ang buhay.
Rhea Ajero Toper201-A

You might also like