You are on page 1of 4

SUSULATIN SA NOTEBOOK:

GAWAING PAMPAGKATUTO

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Ikatlong Markahan- Ika-apat na Linggo

Paggalang sa Buhay

Panimula

Nilikha ang tao ayon sa wangis ng Diyos at ang wangis na ito ay nangangahulugan na ang buhay
ng tao ay dapat na laging tratuhin nang may dignidad at paggalang. Ang tanging dahilan sa kasagraduhan
ng buhay ay maiaakma sa sangkatauhan dahil sa katotohanang nilikha tayo ng Diyos at ibinukod sa lahat
ng iba pang anyo ng may buhay. Dahil sa kasalanan, nababawasan ang ating dignidad bilang mga nilikah
ng Diyos, subalit sa kabila ng ating pagkakasala, ang wangis natin ay katulad pa rin ng sa Diyos sapagkat
mas matimbang pa rin ang pag-ibig Niya sa atin at maarin nating maipanumbalik ang nasirang dignidad
kung tayo ay babalik muli sa Kanya.

Isang halimbawa ng isyu sa buhay ay may malaking pinagkukunan ng argumento ay ang aborsyon.
Maraming salik ang dapat isa-alang-alangkung ito ay karapat-dapat gawing legal ngunit lumalabag sa
moral na batayan.

Mga salik na dapat isa-alang-alang sa isyu ng aborsyon. Ito ang nagbibigay daan upang magkaroon ng
dalawang magkasalungat na posisyon ang publiko.

1.Pro-life at Pro-choice.

a.Pro-life- Sa posisyong ito ay tinatalakay ang pagkakaroon ng karapatan sa buhay ng sanggol na hindi pa
naisisilang. Nangangahulugang pagkitil ng buhay ang aborsyon at paglabag sa utos ng Diyos na bawal
pumatay.

b.Pro-choice-. Sa posisyong ito ay pinaninidigan ng mga may adbokasiya ang mga sumusunod:

1.Hindi pa ganap na tao ang fetus.

2.May mga pagkakataon na nalalagay sa panganib ang buhay ng ina o may banta sa kalusugan tulad ng
hypertension o may sakit sa puso ang ina at kinakailangang mamili kung sino ang dapat mabuhay.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, kadalasan ay may parehong mabuti at masamang epekto ang anumang
kilos ng tao kaya nararapat lamang isa-alang- alang ang bawat epekto. Ito ang tinawag na Prinsipyo ng
Double Effect na matatagpuan sa kanyang sinulat“Doctrine of Double Effect.”

Mga kundisyon na dapat isa-alang-alang upang makapili ng kilos sa sitwasyong kailangang gamitin ang
Prinsipyo ng Double Effect.

a.Layunin ng kilos na nararapat na mabuti.


b.Masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lamang ng naunang kilos na may
mabuting layunin.

c.Mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masamang kaparaanan.

d.Kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatwirang dahilan upang maging katanggap-tanggap


ang masamang epekto.

Ayon kay Santo Papa Francisco ng Roma, “Ang buhay ng tao ay napakahalaga kahit na ang mga
pinakamahihina at madaling matukso, mga maysakit, matatanda, mga hindi pa isinisilang at mahihirap,
ay mga obra ng Diyos na ginawa sa sarili Niyang imahe, laan upang mabuhay magpakailanman, at
karapat-dapat ng mataas na paggalang.”

Sa mga pahayag ng Santo Papa, ang dignidad ng tao ang kanyang lubos na tinutukoy at ito ay umiiral sa
pangkalahatan, nangangahulugan na ito ay taglay ng bawat tao. 1Ito rin ang dahilan kung bakit
nararapat lamang na igalang at pahalagahan ang bawat isa. Anuman ang katayuan sa buhay, anyo,
gulang at antas ng kalinangan at kakayahan, bawat tao ay may dignidad.

Ngunit hindi natin maitatanggi na karamihan sa mga tao ay taliwas sa kabutihan ng buhay ang kanilang
ginagawa na nakaaapekto sa dignidad ng buhay. Hindi lahat ay lubos na nauunawaan, naisasapuso at
napaninindigan na sagrado ang buhay at nararapat itong pangalagaan.

ACTIVITY: (printed)

Panuto: Sumulat ng isang position paper na maglalahad ng iyong sariling opinyon o pananaw sa mga
gawaing taliwas sa batas ng Diyos at kasagraduhan ng buhay. Sundin ang pormat sa ibaba. Isulat ang
sagot sa kahon sa ibaba.

I. Pamagat

II. Panimula

a. Pagpapakilala ng paksa

b. Ang sariling pananaw sa isyu.

III. Mga Argumento sa isyu.

a. Buod ng mga argumento

b. Mga impormasyong sumusuporta sa argumento

c. Mga ebidensiya para sa mga argumento

IV. Ang sariling pananaw o posisyon sa isyu.

Konklusiyon

Sanggunian o Batayan (Pinagkuhanan ng impormasyon)


HALIMBAWA NG POSITION PAPER:

I. Former Drug Addict

II. Panimula

A. Pagpapakilala ng Paksa

Isang former drug addict ay nagbahagi ng kanyang karanasan kung paano at gaano naapektuhan
ang kaniyang pamilya sa pagkakalulong sa droga.

B. Ang sariling pananaw sa isyu

Ang droga ay illegal at masama sa ating kalusugan lalo na kung ito’y ating gagamitin at
aabusuhin. Maaring mapektuhan nito ang iyong kalusuga at buhay kapag ikaw ay nalulong dito. Ito rin ay
maaring magpahamak at magdala sa atin sa maling landas.

III. Mga argumento sa isyu

A. Buod ng argumento

Ang paggamit ng droga ay nagbubunsod sa mga gumagamit na gagawa ng masama na nakasisira


sa kanilang pamumuhay. Nakapagdudulot ang bawal na gamot ng pansamantalang ginhawa at pag-inam
ng pakiramdam sa tao dahil sa epekto ng gamot na ito. Katulad na lamang sa nangyari sa buhay ng isang
successful man na si Monty Toledo, nawala ang lahat ng kanyang ari-arian dahil sa pagkakalulong nito sa
droga.

B. Mga impormasyong sumusuporta sa mga argumento

 Ang paggamit ng droga ay nakakaapekto sa pag-iisip ng iyong utak.


 Maaring makagawa ka ng mga desisyong makasisira sa iyong buhay.
 Ito ay nakakapekto sa iyong kalusugan na maaring magdala sa iyong kamatayan.
C. Mga ebidensiya para sa mga argumento

 Dahil sa pagkakaulong sa droga, ginagawa niyang kolateral ang kaniyang anak upang
makakuha lamang ng ipinagbabawal na gamut.
 At ang pera na dapat sa tuition fee ng kaniyang anak ay ginagamit lang sa pagbili ng shabu.
 Marami rin sa kaniyang mga kaibigan ang namatay at nakulong dahil sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamut.
IV. Ang sariling posisyon sa isyu

A. Unang punto ng iyong posisyon

1. Opiniyon sa unang punto

Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay masama hindi lamang sa dahil bawal ito o illegal
sapagkat nakasisira ito sa iyong buhay o kinabukasan. Dahil sa paggamit ng masasamang gamot,
naaapektuhan ang kakayahang magpasiya ng isang tao, at mas malamang ang paggawa niya ng bagay na
mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao.

2. Mga ebidensiya
 Maraming tao ngayon ang nakukulong dahil sa paggamit at pagbebenta ng mga
ipinagbabawal na gamut.
 Maraming business man ngayon ang nababaon sa utang dahil lamang sa pagkaadik
nila sa ipinagbabawal na gamut.
 Maraming tao ang naapektuhan ang kanilang kalusugan at pati pag-iisip dahil sa
paggamit nito.
 At higit sa lahat maraming pamilya ang nasisira at mga buhay na nawawala dahil sa
ipinagbabawal na gamot.
V. Konklusyon

A. Buod ng iyong posisyon

Ang paggamit ng gamot ay napakalaking pinsala sa buhay ng tao. Maraming pamilya amg
nasisira at kalusugan na naapektuhan. Naliligaw sa maling landas ang mga taong nalululong dito dahil
naaapektuhan nito ang kanilang pag-iisip. Mga masasamang Gawain ang nagtutulak sa kanila bunsod ng
pagkaadik nila sa ipinagbabawal na gamot. Kayat kung ako sayo, wag mong ilagay sa kamatayan ang
iyong buhay. Iwasan ang paggamit at pagtangkilik dito dahil buhay mo at ng iyong pamilya ang
nakasalalay.

B. Plano ng pagkilos

Bilang isang kabataan upang hindi mauwi ang aking buhay katulad sa mga taong nasira ang
buhay dahil sa ipinagbabawal na gamot ay magkakaroon ako ng disiplina sa sarili. Upang malayo sa tukso
ng mga ipinagbabawal na gamot. At hindi gagamit ng mga bisyo tulad ng alak at sigarilyo dahil ditto
nagsisimula ang mga ito hanngang sa makarating na sa pagkamit ng mga ipinagbabawal na gamot. At
akin ring ibabahagi ang aking kaalaman kung ano ang epekto ng ipinagbabawal na gamot sa mga
kabataan upang matulungan silang malayo sa tukso o paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

VI. Sanggunian

https://www.youtube.com/watch?v=z25TmQk_AeM

You might also like